bc

the adventure of the pogi gang

book_age18+
598
FOLLOW
1.9K
READ
adventure
dark
sex
time-travel
humorous
mystery
genius
witty
expert
multiverse
like
intro-logo
Blurb

(R-18) A not-so-normal adventure of magbabarkada.ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ

ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ

ㅤㅤㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ

ㅤㅤㅤㅤ

chap-preview
Free preview
kabanata 1
Alexander Cabrera’s PoV “Nasaan na naman ang mga kaibigan mo, Cabrera?!” Halos mapatalon ako nang pagkapasok ko pa lang ng classroom ay parang atomic bomb na sumabog ang bunganga ng terror teacher namin. Napapakamot sa ulo na lumingon ako sa kanya at saglit na bumaling sa labas ng pinto. Bakit ba wala na naman ang mga hayop na ‘yon? Late na nga ako pero nauna pa rin ako sa kanila! Ako na naman ang napagbubuntunan ng terror na 'to. “Uh, Ma'am...” “Ano na naman?!” “May i go out?” Nagmamadali akong lumabas habang niyayakap ang bag ko, hindi ko pinansin kung ano na ang sunod niyang sinabi. Basta ang mahalaga ay nakatakas ako at mamaya ko na haharapin ang mga masasakit niyang salita ‘pag kasama ko na ang aking mga tropapips. Lumingon lingon ako sa paligid habang hinahanap sila ng tingin. Anak ng tinola naman! Bakit ang malas ko at ako ang naunang dumating sa'min anim? “Hi, Lex!” Napatingin ako sa babaeng bigla na lang ako tinawag sa hindi kalayuan. ‘Yan na nga ba sinasabi ko e, hindi talaga maiwasan na may tumawag sakin na mga chikababes. Hindi naman kasi talaga maipagkakaila na napakaganda kong lalaki. “Hi, baby girl.” Ngumisi ako at animo’y slow motion na kinindatan siya. “Hoy, Alexander the gay!” Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang boses na ‘yon. Nandito na ang mga unggoy! Tumigil ako sa paglalakad at tini,ngnan sila ng masama. Lalo na si Gian na tinawag akong Alexander the gay. “Ha? Kwento mo sa pantalon mong bitin.” “Tungaw! Style yan!” aniya at akmang sisimple ng batok sa’kin ngunit agad akong nakailag. Anong akala niya sa’kin? Huh, ‘di siya makakaisa sa’kin. Ito nga palang kulokoy na ito ay si Gian Lee. Ang tropa naming paasa, pa-fall ang kumag. Kung hindi ko lang tropa ‘to ay matagal ko na sana ‘tong binatukan sa mukha, nakakapang gigil siya ng laman e. “Par, nandyan na ba si Sisa?” Napatingin naman ako sa isang laging nakapikit. Kapag kumakain ay nakapikit, kapag naliligo ay nakapikit, kapag naglalakad ay nakapikit, ngayon na kinakausap nya ako ay nakapikit pa rin. Habang buhay na yata nakapikit ‘to. Ang tinutukoy niya lang naman na Sisa ay 'yung terror teacher namin. “Edi ikaw tumingin,” ismid ko sa kanya kaya pinasingkit niya lalo ang singkit na niyang mata. Anak nang! Akala naman talaga ay may pagbabago! Itong isang ito ay si Gino Ferrer. Siya lang naman ang may pinaka-madumi na pag iisip sa lahat ng kilala ko sa buong buhay ko. Tangina, pang guiness world of record yata ang kadumihan ng pag iisip ng isang 'to. Lahat ay binibigyan ng malisya ng gunggong! Grrr, dirty as fu¢k. “Tara na nga, siguradong nag uusok na naman ang napakalaking butas ng ilong ni Sisa.” Napatingin naman ako sa isa pang nagsalita na  nilagpasan lang ako at nauna nang naglakad patungo sa room namin. “Ulols, sipsip ka lang do’n e.” Pang-iinis ko na nagpatigil sa kanya sa paglalakad bago lumingon sa’kin. “Tigilan mo nga ako,” aniya. Itong masungit pa sa babaeng may dalaw na ‘to ay si Warren Guevarra. Hindi ko alam kung paano namin ‘to naging tropa, napakatahimik ng tukmol! Minsan kapag maganda-ganda ang bigayan ay nang-aasar si tanga, pero pag inasar mo pabalik ay ang bilis mapikon. Asar talo, pusanggala. “Ano, War? Sugar mommy ba nais mo?” Ang nagsalita ay si Kenji Tamayo, pinakababaero sa lahat at kasangga ni Gino sa mga maduduming bagay. Hindi ko makalimutan ang mga linyahan na binanggit niya noon na ‘Time is gold, maiksi ang buhay para matikman ang lahat ng babae kaya’t pagsabay-sabayin natin’ “Tungaw, mababa ang bigayan kapag sugar mommy kaya mag-sugar daddy ka na lang.” “Ulols, igaya mo pa kami sayo.” Ito naman si Jake Montero. Wala ako masabi, wala kasing kwentang indibidwal. Basta ang alam ko ay kapag nagkaka-girlfriend siya ay iniiwan niya sa ere. Gano’n siya ka-depungal. Napailing na lang ako habang nag-aasaran sila. And last but not the least, ang nag-iisang Alexander the Great. Gwapo, loyal, friendly, mabait, mapagbigay, maalalahanin, matalino, matino, macho, mapagmahal, matulungin, matyaga, malakas, gwapo ulit at--- “Supot.” Nagpabalik sa’kin sa ulirat nang marinig ko ang sabay-sabay na pagsasalita ng mga kasama ko, pinagmamasdan nila ang nakakapang-akit kong mukha. Kumunot ang noo ko. “Sinong supot? Kayo? Alam ko.” “Gago, ang lakas mo mag-isip. Anong mapagmahal, matalino, malakas?” Hindi na lang ako nagsalita. Putcha, kung meron man isang pangit sa’kin ay iyon ay ang hindi ko namamalayan na nasasabi ko na pala ng malakas ang nasa isip ko. Pero ano bang magagawa natin? Nobody’s perfect. Kung wala ‘yon ay sobrang perpekto ko na. “Nangarap na naman si Alexa.” Pang-aasar ni Ken, hindi ko na lang sila pinansin at nagsimula nang maglakad. Masyado akong gwapo para patulan sila. “BAKIT NGAYON LANG KAYO?!” Napatalon kaming anim ng biglang may sumigaw sa harapan namin. Ngayon ko lang napansin na nasa harapan na pala kami ng pintuan ng classroom namin at nakatayo sa harapan namin si Sisa. “Uh, ano kasi ma'am,” sambit ni Gino saka kami nilingon para manghingi ng tulong sa kung anong palusot ang sasabihin namin. Ngumiti si Jake ng matamis. “Ma’am, it’s better late than never.” “Aba’t! Iyan na naman ang babanggitin niyo sa’kin! Sa susunod na ma-late kayo ulit ay ipapatawag ko na ang mga magulang niyo!” “Okay po, Ma'am beautiful,” pambobola ko. Narinig namin na tumawa ang ilan naming kaklase dahil doon sa sinabi ko, ngingisi-ngising lumapit kami sa mga upuan namin at umupo sa kanya-kanyang puwesto. “Cabrera, huy.” Lumingon ako sa kaklase namin na nakaupo sa likuran ko nang kalabitin niya ako. “Oh?” “Buti ay pinapasok pa rin kayo ni ma’am? Paano niyo nagawa ‘yon?” Dahil sa tanong niya ay nagsalubong ang kilay ko sa pag-iisip. Bakit nga ba? Wala naman ibang dahilan e. Lumingon muli ako sa kanya at nagsalita. “Gusto mo talagang malaman?” “Oo.” “Pwet mo may gulaman.” Napasimangot siya kaya’t ngumiti ako bago sinagot ang tanong niya.  “Simple lang naman, dahil kami ang The Pogi Gang.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
189.4K
bc

Game of Love (Buenaventura Series #3)

read
31.3K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.9K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
338.2K
bc

Zion's Akira (BxB)

read
25.9K
bc

The Professor's Wife

read
455.3K
bc

Mr. Childish

read
203.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook