Kenji Tamayo’s PoVㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ “Takte naman, hindi pwedeng basta-basta tayo pumasok diyan at sabihin na umamin sya sa mga pulis dahil wala naman tayong ebidensiya.” Pagdidiin ko ng huling sinabi ko at pinasadahan ng tingin si Jake at Lex na masama na pala ang tingin sa’kin. “Suntukan na kasi, par. Parang hindi pa nawawala galit mo e,” ani Jake. “Sayang, hindi ako nagdala ng kutsilyo para magpatayan na lang kayo." Inis na sabi ni Gian. “Shhh.” pagpapatahimik samin ni Gino. Sumilip ulit ako sa bakod kung nasaan ang gagong killer ng lola ko. Kaharap niya ang asawa niya habang pinag-uusapan ang pag-alis ng asawa at anak niya mamayang gabi. “Heto ang pamasahe, pakibati na lang ng happy birthday ang nanay mo para sa’kin. Mag-ingat kayo ah? Hindi na ako makakasama dahil may trabaho pa ko buk