Warren Guevarra’s PoV Kakalabas ko lang ng banyo nang pabalibag na bumukas ang pinto nitong room, si Gian at Ken ang pumasok. “Oh, anong nangyari sa inyo?” tanong ni Gino. Imbis na sumagot ay nag-uunahan lang silang pumasok sa banyo, pati ako ay naitulak din nila. Nagtatakang sinilip sila no’ng tatlo, ako naman ay kumuha muna ng damit sa cabinet. Bigla na lang naghagalpakan ng tawa sila Jake kaya’t alam ko agad na may nangyari na naman na kabalastugan sa kanila. “Anong nangyayari?” tanong ni Lex sabay hagalpak ng tawa. “Wala bang tubig sa banyo ro’n sa taas at dito pa kayo naghugas?” “Par, ang tigas na niyan ah!” “Tangina, ayoko na tingnan. Mukha ng pinipig!” Naglakad ako palapit kina Jake na tumatawa habang sinusuot ko ‘yung damit ko, sinilip ko sila Gian at Ken na. . . ah, basta