Alexander Cabrera’s PoV “Ano ba ang point ng pananatili natin dito?” tanong ni Ken habang naiiling. “Para lang yata paglaruan tayo ni Dina.” Kumunot naman ang noo ni Gian bago nagsalita, “Baka naman isa sa mga erpats natin ang ex ni Dina?” Napaisip ako. May punto nga ‘yon, pero kung totoo man iyon bakit niya naman kami ginugulo? Bigla na lang nanlaki ang mata ko nang may pumasok sa isip ko. “Hindi kaya. .” Napatigil sila sa paglalakad at lumingon sa’kin. “Killer ang isa sa mga erpats natin kaya ngayon ay gustong maghiganti ni Dina?” Binatukan ako ni Jake. “Mas malabo pa sa sabaw ng pusit ‘yan, par. Alam natin lahat na puro kalokohan din ang mga ‘yon, pero alam kong hindi nila magagawa ang gano’ng bagay.” “Pwede naman na aksidente, hindi natin masasabi,” pagdadahilan ko. “Pwedeng hi