Gino Ferrer’s PoV “Sa totoo lang, matagal na talaga akong nagdududa. Pero hindi ko inasahan na totohanan na pala,” sabi ko habang pinagmamasdan sila Jake at Lex na tagaktak ang pawis ngayon. “War, tama ka nga. May nangyari sa kanila.” Napapailing na gatong ni Ken. “Hindi ko akalain na nakita niyo na ang batuytuy ng bawat isa,” ani Gian. “Oo nga, gagalit tuloy si Ken. Hindi niyo siya sinama e, pangarap pa naman niyan ang threesome.” Napangiwi si Ken dahil doon. “Hindi na, kung gagawin ko man ‘yon doon na sa may kalachuchi.” “Gago, ang pangit niyo mag-isip. Hindi niyo alam kung anong pinagdaanan namin do’n,” utad ni Jake na nakahawak pa sa tuhod habang nakaupo sa sofa. Katabi niya si Lex na parang wala sa sarili. Namumutla at nakasapo lang sa noo ang palad. Hindi ko maiwasan na mapang