Gino Ferrer’s PoVㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Tahimik na humiga lang ako sa higaan ng erpats ko pagkatapos namin kumain ng hapunan, hindi ko alam kung anong gagawin ko rito. Nagkahiwa-hiwalay na kami nina Warren nang sunduin kami ng mga lolo namin sa bahay ng erpats ni Gian kanina.
Nagbuntong-hininga ako at umupo sa upuan sa harap ng computer ni papa, halatang makaluma talaga ito. Kulay puti ito na makapal ang likuran ng monitor, ang keyboard ay hindi gaanong smooth pindutin.
Binuksan ko iyon at nakitang may password. Napaisip ako dahil may password si papa na simula no’ng bata ako hanggang ngayon ay ginagawa niya pa rin na password sa lahat.
Ang anniversary nila ni mama na January 22, 1998. Tutal nang mga panahon na ‘to ay sila na ni mama, sa pagkakaalam ko ay marso na ng taong 1998 ngayon.
Nang subukan ko ang password ay bumukas naman iyon, pero wala naman akong magawa dahil hindi ko alam kung may social media ba sila ng mga panahon na ‘to.
Hihiga na sana ako nang makita ko sa lamesa ang cellphone na mukhang telepono, medyo mahaba iyon at may maiksi na antenna. Dinampot ko iyon at nakitang na ang dami nang text sa kung kani-kanino.
Una kong binasa ang mga text na nanggaling kay mama dahil sobrang dami no’n, hindi ko na nga mabilang e.
From, Greta:
Ayos ka rin, no? Tama nga ‘yung sinabi ng mga kaibigan ko, na huwag akong umasa na seseryosohin mo ko. Niyaya mo ako ng date tapos sasama ka lang sa mga kaibigan mo! Hindi mo alam na umiyak ako kanina sa bahay. Maghiwalay na lang tayo, Dino. Bahala ka na sa buhay mo!
Hindi ko maiwasan na matawa habang binabasa iyon, ganito na pala ang ermats ko magmula pa dati.
To, Greta:
Wag ka nang magalit, kiss na lang kita ng matagal kapag nagkita tayo.
Pagkatapos ko mag-reply ay ang mga message galing sa mga number ng mga erpats nina Warren ang binuksan ko.
Hai p0ws! Gm, text ni Lex.
Jejemon amp, reply ko.
Mga tolongges, where na u? Dito na me, text ni Jake.
Ulol, reply ko.
Maya-maya ay nag-text na naman si Lex.
Gino, kung humihinga ka pa please lang wag na. Gm
Ikaw din, Warren. Gusto mong umiyak while crying?
Halos trenta minuto yata na gumanon-ganon si Lex, sa tingin ko’y nirereplyan siya nina Warren pero hindi na nila sinesend sa lahat. Hindi katulad ni Lex na sinesend pa sa’min lahat, binabasa ko naman lahat dahil wala rin akong magawa.
Maya-maya ay nakatanggap ako ng text mula kay Kenji.
Par, daming pornacles sa computer ni papa.
Hahahaha, gago baka panoorin mo pa? reply ko.
Sinubukan ko kaso ang boring.
Magrereply pa sana ako pero nang isesend ko na ay Check operator services na ang nakalagay. Wala nang load!
Binitawan ko na lang ang cellphone at pumikit, matutulog na lang ako para lumipas na ang gabi. Bahala na bukas.
—ㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
Kenji Tamayo’s PoVㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ
“Oh, Kevin anak. Bakit ngayon ka lang nagising? Maligo ka na,” sabi ni Lola kinabukasan nang magising ako.
Hinawakan niya ako sa braso pero bigla akong napalayo nang mabilis na dumaloy ang malakas na kuryenteng nanggaling sa kanya.
“Bakit, anak?” Nag-aalalang tanong niya nang parang napaso na lumayo ako sa kanya. Mabagal akong umiling dahil alangan naman na sabihin ko na nakuryente ako?
“Wala po,” sagot ko kaya ngumiti siya at tinulak na ko ng mahina papasok ulit sa kwarto. “Maligo ka na ha, bilisan mo para makakain ka na.”
Tumango na lang ako at pumasok na sa loob ng kwarto ng erpat ko na puro poster ng mga sexy’ng babae sa dingding, may mga magazines pa na nakapatong sa higaan. Kagabi ay may nakita pa ko na mga rated videos sa computer niya. Napailing na lang ako, buti na lang ay hindi ako nagmana kay papa.
Naligo na lang ako at nagbihis. Hindi ko nga napansin na napaisip na pala ako ng matagal. Tangina, gusto ko nang bumalik sa normal. Sa mga oras na ‘to ay dapat nasa bahay pa ko na natutulog dahil sa pagkalasing, tulo ang laway, naka-boxer lang habang nakahilata sa kama. Hindi ko papansinin ang sigaw ni Mama sa labas ng pinto dahil sobrang sakit ng ulo ko. Ganon lang naman pero eto ako ngayon, eto kami ngayon— walang alam sa mga nangyayari.
Dahil sa pag-iisip, hindi ko namalayan na halos dalawang oras na ko rito sa kwarto. Paglabas ko ay wala ng masyadong tao, wala na rin ang tita ko at si Lola.
“Uh, Kevin. Sumunod ka na lang daw doon,” sabi sa’kin ng isa na nandito na sa tingin ko ay kasambahay. Tumango ako kahit hindi ko naman alam kung saan ako susunod.
Lumabas ako ng bahay at sumalubong sa’kin yung mga kumag na kakaligo lang din. Wow naman, mga fresh from the plok plok plok.
“Tagal mo naman, par. Ano special ka ba?” Kunot ang noo na sabi ni Gino.
“Par, hindi mo naman nabanggit sa’min na baranggay chairwoman pala ang lola mo,” ani Lex kaya nabigla rin ako.
“Gago, nauna pa nga kayong nakaalam.”
“Tara, punta tayo ro’n,” aya ni Gian kaya sumunod kami, sobrang daming tao sa labas. At nakita ko si lola na nakatayo sa mataas na stage habang nagsasalita sa mikropono. Katabi niya ang sa tingin ko ay may mga katungkulan din, mukhang mayor pa yung isang katabi niya sa kanan.
“—muli, maraming salamat sa lahat. Happy Fiesta!”
Nakipalakpak na lang kami pagkatapos mag salita ni Lola, pinasa niya ang mikropono sa isang katabi niya na Mayor nga dahil nagpakilala siya.
“Par, tingnan niyo. Diba isa ‘yan sa nakita natin kagabi no’ng nasa eskinita tayo?” Napatingin kaming lahat sa tinuturo ni Jake. Isang lalaki na malaki ang katawan, nakatayo siya ro’n habang mataman na nakatingin sa stage kung nasaan sila lola. Isa nga ang tolongges na ‘to sa mga hoodlum kagabi.
Pinagmasdan lang namin siya hanggang sa bigla na lang siyang umalis. Pero ilang segundo pa lang siya na nakakaalis at ibabalik pa lang dapat namin ang tingin namin sa stage ay bigla na lang nagkagulo ang mga tao. Malakas na sigawan at mabilis na takbuhan. Halos matumba pa kaming anim dahil sa mga nakakabangga sa’min.
“Sh¡t! Ken, ‘yung lola mo!”
Mabilis akong napalingon sa stage nang sumigaw si Gino. Pero halos lumuwa ang mata ko dahil sa sobrang gulat nang makitang pinagtutulungan siyang buhatin ng dalawang lalaki habang duguan ang kanyang katawan.
Tangina, what the actual fu¢k is happening?