Kenji Tamayo's PoVㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤ “Ice Calamba, par?” Tinanguan ko lang si Gian nang magtanong siya. Nandito lang kami sa labas ng bahay namin dahil namatay ang lola ko. Tama nga 'yung kwento ni Papa, namatay ang ermat niya nang ganitong edad siya katulad ng edad ko ngayon. Pero hindi ko naman inaasahan ngayong araw pala ‘yon. Tangina, ni hindi ko inasahan na makikita ko ang pagkamatay ng sarili kong lola. Hindi naman ako naiyak dahil hindi ko rin naman nakilala ang lola ko dahil nga ganitong edad pa lang ay namatay na siya, kaya hindi ako napalapit sa kanya pero sobrang nakakalungkot pa rin. At ang pinaka-nakakaasar sa lahat ay ‘yung wala kaming clue kung sino gumawa nito kay Lola at anong dahilan niya. “Naalala ko na naikwento ni Papa na hindi nila nalaman kung sino nakapatay kay Lola,” s