Chapter 5

1902 Words
Chapter 5 Honey’s Pov NANDITO AKO sa bahay ni Sid at pinagtatawanan ako ng mga gago dahil may black eye ako sa mata. Nakanguso lamang ako at hindi na ako nagsasalita dahil kanina pa nila ako kinukulit kung bakit daw ako may black eye. “Ano ba talagang nangyari sayo? Bakit may black eye ka?” Tanong ni Demetri sa ‘kin kaya mas lalo akong ngumuso. Kasalanan talaga ‘to ng biik eh. Kasalanan ko ba kung napadako ang tingin ko sa mataba niyang pvke. Tangina! Wala man lang warning, suntok agad. “Alam kong sinto-sinto ka pero sana naman mali ang nasa isip ko.” Dinig kong sabi ni Koa kaya napakamot ako sa likod ng ulo ko. “Wala naman akong ginawa ah.. hindi naman ako nandakma ng pvke.” Depensa ko saka binuklat ang dalawa kong mata. “Tumingin lang, ganitong tingin kasi bakat na bakat ang pvke niya. Ang taba kasi..” nakangiwi kong sabi kaya natawa sila Koa, Demetri, at Sid. Si Morgan lang yata ang hindi tumawa sa ‘kin. “Kingina ka! Bakit ka naman nagpahalata? Dapat kapag tumingin ka wag mong ipakita na nakatitig ka do’n.” Saad ni Koa kaya kumunot ang noo ko. “Ganun ba yun? Dapat pala hindi magpahalata? Akala ko kasi titigan talaga. Tangina! Natakam kasi ako sa pvke niya.” Sabi ko saka bumuntong hininga. “May babae ka ba?” Tanong ni Sid na walang balita sa buhay ko. “Baka yung babae na tinulungan niya do’n malapit sa bakeshop niya. Wala naman akong alam na may babaeng papatol sa sinto-sinto na yan eh,” sabat ni Koa kaya nalukot ang mukha ko. “Hoy! Parang sinasabi mo na walang babae na magkakagusto sa ‘kin ah..” sabi ko kay Koa habang masamang nakatingin sa kanya. “Wala naman talaga. Tama bang tignan mo ang pvke. Talagang black eye ang aabutin mo. Ako nga nasuntok din dati ni Marilyn eh.” Saad niya kaya natigilan ako. “Talaga? Yung asawa mo? Nasuntok ka pero paano mo naging asawa ngayon?” Kunot noo kong tanong. Wala akong alam sa babae. Pati nga sa pvke ay wala akong alam. Kaya nga gusto kong makatikim dahil palaging happy si Koa at Sid sa buhay nila. Si Morgan din ay halatang happy. Hindi lang nagpapahalata pero may bebe din siya. Nagkatinginan si Koa, Morgan at Sid. Si Demetri naman ay nakangisi. Naghihintay ako ng sagot mula kay Koa. Nasuntok siya sabi niya pero naging asawa niya si Marilyn. Baka magkaroon ako ng idea kapag binigyan niya ako ng payo. “Ganito kasi yun. Dapat wag mo kasing titigan, pre. Dapat dakma agad para hindi makapalag.” Sabi ni Koa na may pa expression pa ang mukha. “Oo nga. Dapat hindi ka dapat magpaligoy ligoy. Sabihin mo agad na gusto mong kumain ng pvke dahil sagana sa vitamins.” Sabat naman ni Sid sa seryosong boses. “Ganun ba dapat?” Tanong ko habang nag iisip kung susundin ko ba ang sinasabi ni Koa at Sid. “Oo ganun dapat. Ayaw ng mga babae ang mabagal. Gusto nila ng mabilisan kaya kung ako sayo ay hawak pvke na agad at yayain mo na.” Saad din ni Morgan kaya napatango tango ako. “Alright, kain agad ng pvke ang gagawin ko. Tangina! Ready na akong kumain eh, pvke nalang ang kulang. Nag search na ako kung paano kumain ng pvke.” Sabi ko habang nilalabas ang dila at pinapakita sa mga kaibigan ko kung paano ako dumila ng pvke. “Marunong ka nga, wala ka namang babae. Saka mo na kami yabangan. Puro ka kalokohan eh,” sabi ni Demetri na ngayon lang nagsalita. “Maghintay lang kayo. Kakain din ako ng pvke everyday and everywhere.” Nakasimangot kong sabi saka iniisip ang babaeng mataba. Nag iisip ako kung anong gagawin ko para mapansin ako sa ng matabang yun. Kailangan ko yatang makipagkaibigan sa ama niya para makuha ko ang loob ng matabang yun. Sa ngayon ay kailangan ko munang pagalingin ang black eye ko saka ako manggugulo sa buhay ng biik na yun. Chantal’s Pov DALAWANG ARAW simula ng maghatid ng cake ang lalaking manyakis dito sa bahay. Talagang pinagalitan ko ang papa ko na kung saan-saan umoorder ng cake. Sa dami-dami naman kasi ng bakeshop dito sa Manila ay sa lalaking yun pa talaga siya umoder. Ang nakakainis pa ay nagustuhan ng ama ko ang cake. Ang sabi pa niya ay oorder daw siya do’n ng cake. Sinaway ko na si papa pero ayaw talagang makinig sa ‘kin at ako pa talaga ang napagalitan. Dapat nga ay ako ang kampihan niya dahil ako ang anak niya eh. Nanggigil parin ako sa t’wing naaalala ko ang kamanyakan ng baliw na yun. Hindi naman kami close para sabihin niya yun sa ‘kin. Sumasakit tuloy ang ulo ko sa lalaking yun. Masakit na nga ang puso ko dahil sa ginawang panloloko ni Rafael sa ‘kin at ang pagsabunot ni Donna. Dumagdag pa talaga ang hayop na lalaking yun sa iisipin ko. Ilang araw na akong hindi kumakain at panay lang ang kulong ko sa kwarto. Nag sick leave akp at bahala na ako sa buhay ko. Basta ang alam ko lang ay kailangan kong gawin ‘to para mawala ang sakit na nararamdaman ko. Nahihirapan din kasi akong pumasok dahil pareho lang kami ng pinapasukan ni Donna. Maaalala ko lang kung paano nila ako kinawawang dalawa. Ngayong araw nga ay pinagtatanggal ko na ang mga picture na idinikit ko sa pader. Nasasaktan talaga ako kaya kailangan kong gawin ‘to para maka move on na ako. Malamang si Rafael ay nagsasaya dahil nakawala na siya sa ‘kin. Samantalang ako ay nag m-move on pa at hindi alam kung paano ko tatanggapin ang nangyari. Kailangan ko na talagang gawin ang pagpapapayat. Gusto kong patunayan sa dalawang yun na kaya kong magpapayat. Pakiramdam ko nga ay pumapayat na ako dahil sa hindi na ako kumakain. Kahit anong gawin ni mama ay hindi talaga ako sumasabay ng kain sakanila. Alam kong nararamdaman na ni papa at mama na may problema ako. Pero hinahayaan lang nila ako magkulong sa kwarto ko. Minsan nga ay panay ang sulyap ng ama ko sa ‘kin na palagi kong nahuhuli. Siguro ay gusto nyang mag tanong sa nangyari sa ‘kin. Sa ngayon ay wala akong lakas na magkwento sa iba. Lumabas ako ng kwarto dala ang isang plastic na itim kung saan ko inilagay ang mga picture ni Rafael. Plano kong sunugin ‘to sa labas dahil wala namang kwenta ang lalaking ‘yon. Pati ang picture niya na nasa wallet ko ay inilagay ko na din sa itim na plastic. Nang makalabas ako ng kwarto ay nagulat ako ng may makita akong nakaupo sa sala. Nakaharap pa talaga siya sa gawi ko at agad na ngumiti. Inirapan ko siya dahil nakakainis ang pagmumukha ng lalaking ‘to. “Ano na naman ang ginagawa mo dito? Kaaga-aga naman yata.” Sabi ko sa inis na boses. “Good morning, langga!” Bati pa niya sa masiglang boses. “Pwede ba.. walang maganda sa umaga.” Suplada kong sabi. “Meron kaya..” pangkokonta niya sa sinabi ko. Tinaasan ko lang siya ng isa kong kilay at hindi na ako sumagot pa. Wala ako sa mood para makipag usap sa katulad niyang manyakis. Malamang ay si papa na naman ang nagpapasok sa abnormal na ‘to. Mabuti nalang at naka pajama ako kaya hindi bakat ang ano ko. Hindi ko kasi makalimutan ang sinabi ng baliw na ‘to na matambok ang ano ko. Kapag naalala ko talaga yun at umiinit ang magkabilaang pisngi ko. Kulang ang suntok talaga para sa kanya. Gusto ko pa siyang masakal ng hapon na yun. “Hindi ka na nakasuot ng short ahh.. mas bagay sayo yun.” Aniya kaya pinandilatan ko siya ng mata ko. “Para ano.. para sabihin mo na mataba ang ano ko..” sabi ko na hindi ko mabanggit ang word na yun. “Anong ano?” Nakangisi pa niyang sabi. Halatang nang aasar ang mongoloid na ‘to. “Basta yung ano..” inis kong sabi. “Ahh.. yung pvke mo? Mataba naman talaga eh. Hula ko nga kapag kinain ko yan ay busog na busog ako. Masabaw siguro yan.” Manyakis niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko. “Gusto mo daganan kita para hindi ka makahinga?” Pagbabanta ko sa kanya. Mataba akong babae kaya kapag dinaganan ko siya ay sigurado akong mawawalan siya ng ulirat. “Sige ba, pero dito ka dumagan sa alaga ko para damang dama ko.” Sabi niya habang tinatapik pa ang kandungan niya. Hindi ako makapaniwala sa kabastusan ng lalaking ‘to. Dapat nasa mental hospital ang mga katulad niya eh. Hindi dapat pakalat kalat. “Lumayas ka! Ayaw kong makita ang pagmumukha mong manyakis ka!!” Sigaw ko sa kanya saka ako lumapit para hampasin. Bwisit talaga ang dila ng lalaking ‘to. “Teka lang naman.. papa mo kaya nagpapunta sa ‘kin dito. Kaya hindi mo ako pwedeng palayasin. Dakmain ko pvke mo kapag hinampas mo pa ako.” Sabi niya na may halong pagbabanta pa. Napaka animal talaga nito! Siya pa may ganang magbanta eh nasa pamamahay ko siya. "Wala akong pakialam kung close kayo ng papa ko. Ang gusto ko ay lumayas ka sa bahay ko! layas!!" Sigaw ko na halos lumabas na ang ugat ko sa leeg. Gigil talaga ako sa lalaking 'to. Napakamot naman siya sa likod ng ulo niya at agad siyang tumayo sa kinauupuan niya. "Sige na nga, aalis na ako. Paki sabi nalang sa papa mo na umalis na ako." Sabi niya sa malungkot na boses. Bigla tuloy akong nakonsensya sa pag sigaw ko. Eh kasi siya naman din ang may kasalanan kung bakit ko siya nasigawan. Ang bastos naman kasi niya. Napakagat tuloy ako sa ibaba kong labi dahil sa nasabi ko sa kanya. Nang makatayo ang lalaki ay malungkot siyang tumingin sa 'kin kaya mas lalo akong nakonsensya. Pero hindi ako nasundan ang kilos ng kamay niya at nanigas ang katawan ko ng mahawakan ng lalaki ang private part ko. Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa ginawa niya. "Ang taba talaga nito, langga. Wala ka naman na yatang boyfriend. Ako nalang ang papalit." Bulong niyang sabi kaya mas lalong nanlaki ang mata ko at malakas siyang tinulak. Nasuntok ko na naman ang mata niya sa sobrang inis ko. Hindi ako makapaniwala na nahawakan niya ang ano ko. Siya ang unang lalaki na nakahawak at kinikilabutan ako dahil baliw ang lalaking yun. Nakonsensya pa ako dahil sa pag sigaw ko. Pero binabawi ko na. Bwisit na lalaki! ang sarap niyang sakalin hanggang sa magkulay purple ang mukha niya. Dinadagdagan lang niya ang sakit ng ulo ko. Hindi siya nakapalag lalo na't tinutulak ko ang lalaki palabas ng bahay. Malaki akong babae kaya hindi ako mahihirapan. Nang mapalabas ko siya sa bahay ay malakas kong isinara ang pinto. Kakausapin ko talaga ang ama ko at sasabihin ko sa kanya na wag siyang makikipag kaibigan sa baliw na lalaking yun. Pakiramdam ko talaga ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa ginawa niya. Bwisit siya! sana talaga masagasaan siya ng truck. Author's Note: Pa add po sa library ninyo ang story upang mag notif po bawat update ko. Salamat po!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD