Prologue
Prologue
HINDI ko na alam kung anong gagawin ko para lang balikan ako ni Rafael. Siya ang boyfriend ko since college pa kami. Crush na crush ko si Rafael simula pa lang ng makita ko siya sa school. Palagi ko siyang nakikita at halos kiligin ako kapag nagtatama ang tingin namin dalawa.
Simula’t sapol ay siya lang ang lalaking nagustuhan ko talaga dahil bukod sa gwapo ay magaling din mag basketball. Nakakatuwa lang kapag nakikita ko siyang nakatingin sa gawi ko kahit pa nga hindi ako sigurado kung sa ‘kin ba siya nakatingin.
Wala akong alam pagdating sa relasyon. Puro crush lang kasi talaga ako.
Hindi mayaman ang pamilya namin, hindi din mahirap. Napag aral pa ako ng magulang ko sa isang magandang eskwelahan dito sa Manila. Ngunit, ang problema ko lang ay palagi akong binubully. Simula kasi nung bata ako ay mataba na talaga ako. Kaya hanggang ngayon ay mataba pa rin akong babae.
Kahit anong gawin kong control sa kinakain ko ay hindi ko talaga magawang pababain ang timbang ko. Pagod na pagod na kasi akong matawag na baboy sa school. Hindi naman kasi ako lumalaban at ngumingiti lang ako sa mga classmate ko. Pero kapag nasa kwarto na ako ay doon na ako umiiyak dahil aminin ko man o hindi ay nasasaktan talaga ako lalo na kapag pinagtutulungan nila ako.
Kapag inaasar nila ako ay palagi nila akong sinasabihan na joke lang daw lahat yun at wag daw akong magalit dahil nagbibiruan lang naman daw kami. Pero hindi nila alam na ang biro nila ay nakakasakit na ng damdamin. Hindi nila alam kung anong epekto no’n para sa ‘kin.
Pero nagbago lahat yun ng mapansin ako ni Rafael. Gulat na gulat talaga ako noon ng lumapit siya sa ‘kin at sinabayan akong kumain. Napansin kasi daw niya na palagi daw akong mag isa. Naawa yata sa ‘kin na walang kausap at palagi na lang lonely sa school. Hindi lang kasi ako mataba dahil may suot din akong makapal na salamin. Pero ngayon na tapos na akong mag aral ay inalis ko na at contact lens na lang ang gamit ko. Kaya hindi na ako gumagamit ng makapal na salamin pero ganun parin ang katawan ko. Mataba parin at hanggang nagyon ay wala paring pinagbago. Ang hirap kasi talaga magpapayat.
Hindi na din kasi ako nagpapayat pa simula ng ligawan ako ni Rafael. Ang sabi kasi niya ay cute naman daw ako kahit mataba kaya kahit wag na daw ako mag diet. Pero lahat lang pala yun ay drama lang niya.
Ang tanga ko dahil naniwala ako sa mga kasinungalingan niya. Nakapag trabaho ako sa isang kumpanya. Malaki ang pasahod kaya lahat ng gusto ni Rafael ay nabibigay ko. Kapag nagdadate nga kami ay ako palagi ang nagbabayad. Kung hindi naiwan ang wallet ay nagpapaalam siya na may emergency sa bahay nila kaya nagmamadali siyang lumabas ng restaurant.
Wala naman problema sa ‘kin dahil mahal ko si Rafael eh. Kahit anong gusto niya ay binibigay ko sa kanya. Sapatos, damit, mga alahas, pagkain at pati problema ng pamilya niya ay tumutulong ako. Kumuha din siya ng kotse at ako ang nagbabayad dahil gusto kong hindi siya mahirapan.
Natatakot kasi ako na magalit siya kapag hindi ko na ibigay ang gusto niya. Ayaw kong hiwalayan niya ako dahil nasanay na ako na palagi ko siyang kasama. Para bang hindi na ako makaka move on kapag hiniwalayan niya ako.
Siya kasi ang first boyfriend. One year mahigit ko na siyang boyfriend pero hindi pa kami nag ki-kiss sa lips. Hindi nga din niya ako kinikiss kaya ako ang palaging humahalik sa kanya. Pero hanggang cheeks lang talaga ako kasi hindi din naman ako sanay humalik.
Inaasahan ko na hahalikan niya ako kapag matagal na kami pero wala talaga. Minsan ay nagagalit pa siya kapag hinahalikan ko siya sa cheeks. Ayaw niya yata na hinahalikan ko siya sa maraming tao.
Ngayon ay galit na galit sa ‘kin si Rafael at ayaw niyang sagutin ang tawag ko. Nakakailang tawag na ako sa kanya pero ayaw niyang sumagot. Nag away kasi kami sa harap ng isang shop. Nahuli ko kasi siyang may kalandian na babae. May dala pa akong cake para sana i-surprise siya ngunit ako pala ang masu-surprise sa nakita ko.
Puro masasakit na salita ang natanggap ko mula sa kanya. Ayaw kong lumaban dahil ayaw kong maghiwalay kaming dalawa. Kahit pa nga puro pambababoy ang sinasabi niya sa ‘kin nong araw na yun. Wala akong lakas makipag sagutan pero umiiyak na ako dahil tao lang din naman ako at nasasaktan.
Hindi sana magagalit ng husto sa ‘kin si Rafael kung hindi lang sana sumulpot ang lalaking galing sa isang shop na hindi ko malaman kung anong ilalagay dahil parang aayusin pa lang. Binugbog ng lalaking yun si Rafael kaya napatakbo ako sa takot at baka ako ang sunod niyang bugbugin.
Napabuga na lamang ako ng marahas na hangin dahil hindi talaga sumasagot sa tawag. “Please.. Rafael. Sumagot ka na sa tawag ko.” Saad ko habang panay parin ang tawag ko sa cellphone number niya.
Hindi na nga ako pumasok sa Santamaría Enterprises kaninang umaga dahil nga sa kinukulit ko si Rafael. Hindi ko titigilan ang cellphone niya hangga’t hindi siya sumasagot sa tawag ko.
Ilang sandali pa ay sumagot si Rafael sa kabilang linya. Para akong nakahinga ng maluwag at natuwa ako dahil hindi pa rin niya ako natiis. “Rafael.. babe,” tawag ko sa kanya.
“Can you stop calling me babe, Chantal. Hindi ako katulad mo na baboy.” Galit niyang sagot kaya nawala ang ngiti ko. “Bakit ba panay ka tawag ha?! Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nasusuka ako sayo! Akala ko talaga matalino ka dati. Pero ngayon ay napatunayan ko na isa ka palang bobo na babae dahil hindi mo man lang maramdaman na wala akong gusto sayo. Hindi mo ba talaga napapansin na hindi kita pinapakilala sa pamilya ko kahit ano pang pilit mo.” Saad niya kaya hindi ko mapigilan kagatin ang ibaba kong labi. Tumutulo na naman ang luha ko dahil alam ko na ang sasabihin niya.
“Dahil sa mataba ako..” saad ko sa mahinang boses.
“Exactly. Akala mo talaga ipapakilala kita sa pamilya ko. Eh halos hindi ako makahinga kapag nakikita kita. Nahihiya akong kasama ka sa maraming tao pero kailangan eh. Marami akong nakukuhang benefits sayo dahil uto-uto ka. Akala mo talaga gusto kita.. tangina.. Kadiri! Mag papayat ka muna at baka sakaling may tumanggap sayong baboy ka. Kaya kung pwede, wag mo na akong tawagan. Tapos na ang pagtitiis ko sayo at masaya kami ni Donna sa lahat ng mga nakuha ko sayo. Salamat ha! Galante mong baboy ka!” Aniya na halatang nakangisi habang kausap ako sa cellphone.
“Donna? Donna Reyes? Siya ba yung classmate ko na palaging nang bubully
sa ‘kin?” Tanong ko sa kanya habang nakakuyom ang kamao ko. Hindi ko alam na sila palang dalawa.
“Yeah. Matagal na kaming dalawa. Pinag planuhan talaga namin ang panloloko ko talaga sa’yo. Tanga ka kasi kaya ayan ang napapala sa’yo. Tapos na ako sayo kaya pwede ka ng mamatay! Baboy na tanga!” Panglalait niya sa ‘kin saka niya pinatay ang tawag.
Mas lalo kong ikinuyom ang kamao ko dahil ang Donna na tinutukoy niya ay nagtatrabaho din sa Santamaría Enterprises. Namumuro na sa ‘kin ang babaeng yun. Simula nong college ay palagi na lang niyang akong binubully. Pero ngayon ay hindi na ako papayag na hindi ko siya masampal. Ang dami na niyang kasalanan sa ‘kin.
Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at agad na tinungo ang cabinet at kumuha ng damit. Pupunta ako sa kumpanya at aawayin ang Donna na yun. Wala na akong pakialam kung ano pa ang mangyari sa ‘kin. Ang mahalaga ay magantihan ko ang Donna na yun.
Nagmamadali akong bagbihis at agad na lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag ayos pa at sling bag lang ang dala ko.
Nang makalabas ako sa bahay ay wala ng tao. Siguro ay kanina pa umalis si mama at papa. Wala din ang kapatid kong lalaki. Agad akong lumabas ng bahay at siniguro na nakalock ang pinto.
Nang makalabas ako ng bahay ay naghanap agad ako ng taxi. Hindi naman ako nahirapan at agad na nakahanap. Sumakay agad ako at sinabi kung saan ako magpapahatid.
Panay pa ang tingin ko sa orasan upang malaman ko kung nasa’n ngayon si Donna. 3PM na kasi kaya alam kong nag co-coffee break ang babaeng yun. Dahil sa maarte yun ay malamang hindi siya sa pantry nagkakape. Nasa labas yun ng kumpanya at nasa kabilang coffee shop pumunta.
Ilang sandali pa ay nakarating ako sa coffee shop at agad kong pinara ang sinasakyan kong taxi. Inabot ko lang kay manong driver ang pamasahe ko at nahirapan pa ako sa pagbaba ng sasakyan dahil naiipit ang taba ko sa tiyan. Bwisit na taba! Dahil dito ay wala ng magandang nangyari sa buhay ko.
Nang makababa ako ay naglakad ako sa makipot na hallway papunta sa coffee shop. Ngunit napahinto ako ng makita ko si Donna na naglalakad din at halatang galing sa shop. Nagulat pa ito ng makita niya ako.
Ngunit agad na ngumisi ang babae habang may dalang kape. “O, akala ko ba may sakit ka, taba?” Pang aasar niya
sa ‘kin.
“Wag mo akong tatawaging taba! Wala ka ng ginawa kundi ang bully-hin ako. Sino ka ba? gandang -ganda ka ba sa sarili mo at wala kang mahanap na kapintasan sa sarili mo. Palagi mo nalang akong inaasar eh ang totoo naman talaga ay sakang ka.” Saad ko kaya nawala ang ngiti niya at tinaasan niya ako ng kilay.
“Anong sabi mong baboy ka? Lumalaban ka na ngayon. Bakit, dahil ba sa hiniwalayan ka na ni Rafael? Kaya ka nagmamatapang ngayon? Kawawa ka naman. Kasalanan ba namin kung tanga ka at hindi mo man lang maramdaman na pineperahan ka lang ng boyfriend ko. Yan ang napapala sayo dahil masyado kang ilusyonada! Tingin mo talaga may magkakagusto sayong mataba ka? Wala!” Pagpapahiya niya sa ‘kin kaya naikuyom ko ang palad ko. Handa na sana akong sugurin siya ngunit mabilis niyang itinapon ang kape na hawak niya sa mukha ko kaya nagulat ako.
“Pasalamat ka at hindi mainit ang kape na inorder ko. Mukhang kailagan mo yan upang matauhan kang mataba ka! Pwee..” sabi niya sabay dinuraan ako. Nakita ko ang laway niya sa suot kong damit kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinila ang buhok niya. Dahil sa mahaba ang buhok niya ay pinaikot-ikot ko sa braso ko hanggang sa kamay ko ang buhok niya saka ko malakas na hinila.
“Sumusobra ka na! Pareho lang kayo ni Rafael na walang ginawa kundi saktan ang damdamin ko. Ano bang ginawa kong kasalanan sa inyong dalawa!!” Galit na galit kong sigaw.
“Ano ba! Pakawalan mo akong baboy ka! Masakit!” Sigaw niya at halatang nasasaktan. Ngunit napatigil lang ako dahil sa may humila sa ‘kin at pinaghiwalay kami ni Donna.
Nasampal pa ako ni Donna at sa kasamaang palad pa ay kasamahan pa namin sa department ang tumulong at close pa talaga niya. Pinagtulungan nila ako at wala akong ginawa kundi ang salagin ang sampal at sabunot na binibigay nila sa ‘kin.
Pinapangko ko talaga sa sarili ko na babalikan ko sila kapag pumayat ako. Silang dalawa ni Rafael ang una kong babalikan kapag pumayat ako. Pinapangako ko talaga sa sarili ko na gaganti ako kahit ano man ang mangyari.
Lumipas ang anim na buwan ay palagi akong nag e-exercise. Nag g-gym na din ako para lang pumayat ng mabilis. Sa anim na buwan ay maraming nagbago sa buhay ko. Pero puro galit lang ang alam ko dahil sa ginawa ng ex ko.
Lumipat na din ako at nakiusap ako sa ama ko na kung pwede ay mag apartment ako. Ang totoo ay ayaw kong maalala kung paano ako umiyak ng umiyak dahil sa ginawa ni Rafael sa ‘kin. Sa tingin ko ay makakapag move on ako kung lilipat ako ng apartment.
Pumayag naman ang papa ko kaya nakalipat agad ako ng apartment. Isa din kasi sa dahilan ko ay umiiwas ako sa tanong ng papa at mama ko kung kamusta na kami ni Rafael. Alam naman kasi nila na may jowa ako kaya panay ang sabi ni papa na kailan ko daw ipapakilala si Rafael sa kanila. Pero hindi na mangyayari yun dahil wala na. Kinamumuhian ko na ang lalaking yun.
Isa din sa dahilan kung bakit lumipat ako ng apartment at dahil do’n sa lalaking may saltik sa utak. Hindi ko alam kung natanggalan ba siya ng turnilyo sa utak kaya ganun na lang siya kung mag salita.
Si papa kasi, kung saan-saan umoorder ng cake nong birthday ni mama. Sa isang baliw na lalaki na may ari ng bakeshop.
Nalaman ko na siya ang may ari dahil na din siya mismo ang nag deliver ng cake. Hindi ko inaasahan na ang lalaking yun ay makikita kong muli. Dalawang beses ko na kasi siya nakita. Una ay yung nanalamin siya sa kotse ni Rafael na ako ang nagbabayad. Pangalawa ay yung binugbog niya si Rafael dahil sinabihan niya ako ng masasamang salita.
Kaya hanggang ngayon ay panay ang punta ng mongoloid na yun dahil paborito ni papa ang mga cake niya. Naging magkaibigan na nga sila. Ang nakakainis lang ay panay ang kanta ng mongoloid na yun na ang gusto daw niyang ma-asawa ay isang mataba.
Hindi ko alam kung nang iinis ba. Basta ang masasabi ko lang ay umiiwas ako sa kanya dahil maluwag talaga ang turnilyo niya sa utak.
Sa loob din ng anim na buwan ay panay ang exercise ko. Pati pagkain ko ay iniiwasan ko na. Tinigil ko din ang pagkain ng kanin at kahit mahilig ako sa cake ay iniiwasan ko talaga. Pero ramdam ko talaga na hindi ako pumapayat. Mas lalo pa akong naiinis dahil sa pag uwi ko sa apartment ay may cake na naka abang palagi. Hindi ko alam kung kanino galing. Basta naka lagay lang siya sa isang plain white box at palaging blueberry cheesecake.
Ang nakakainis pa ay hindi ko kayang hindian ang cake dahil paborito ko ‘to. Kung sino man ang magpapadala ng cake sa ‘kin ay alam na alam niya ang paborito ko.
Galing ako sa gym ngayon at pauwi na ako sa apartment. Naisipan ko na lang maglakad dahil ang gym na pinupuntahan ko ay malapit lang din naman sa apartment ko. Kayang-kaya kong lakarin. Kailangan ko din para mas mapabilis ang pagpayat ko.
Sabi ng mga nakakasabay ko sa gym ay may konti naman daw pagbabago sa katawan ko. Pero para sa ‘kin ay wala. Minsan na s-stress na ako lalo na kapag nakatitig ako sa salamin at naalala ang sinabi ni Rafael at Donna. Sa sobrang inis ko ay pinagsasampal sampal ko ang mukha ko.
Ganun ako ma-stress. Dati naman ay hindi ko sinasaktan ang sarili ko. Pero ngayon na gusto kong pumayat ng mabilis ay pinag iinitan ko ang sarili ko.
Naglalakad lang ako sa gilid ng kalsada at napahinto ng may madaanan akong restaurant. Napalunok ako ng laway dahil hindi na ako kumakain sa mga restaurant na ganito. Yung huli ay nong kasama ko si Rafael. Yun yung palusot niya ay kailangan daw niyang pumunta ng comfort room. May pa take out pa siya dahil ang sabi niya ay sa mommy daw niya. Baka nga para kay Donna lang yun eh. Kung alam ko lang ay baka pinadagdagan ko na sana ng lason para pareho silang tumirik ang mata.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa mga katangahan ko dati. Pero kahit ganun, nasasayangan parin ako sa one year namin ni Rafael. Pinaabot pa talaga niya ng isang taon ang paglalaro niya
sa ‘kin.
Nagsimula na akong humakbang ngunit napahinto na naman ako ng may marinig akong kumakanta.
Agad kong nilingon kung sino yun at nanlaki ang mata ng makitang ang lalaking may saltik pala. Sabi ko na nga ba eh, baliw nga talaga siya. Tama ba namang maglakad-lakad siya habang may dalang platito na may lamang cake. Kumakain pa talaga siya at para bang wala siyang pakialam sa paligid niya.
“Uy! Hi, ganda!” Bati niya sa ‘kin ng makalapit siya sa harapan ko. Agad ko siyang inirapan at bumaba ang tingin ko sa hawak niyang platito. Napalunok ako ng laway dahil blueberry cheesecake ang kinakain niya.
Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa lalaking sinto-sinto at mas lalong inirapan. “Bakit ka kumakain habang naglalakad?” Tanong ko sa kanya. Hindi na niya alam na baka madumihan ang kinakain niya.
“Bakit.. bawal ba kumain habang naglalakad?” Balik tanong niya sa ‘kin kaya hindi ako nakasagot.
“Pwede naman. Depende sa trip mo.” Sagot ko saka ako nagsimulang maglakad. Kilala ko lang siya sa mukha pero hindi ko kilala ang pangalan niya. Wala akong balak na alamin ang pangalan niya.
“Ang sarap talaga ng blueberry cheesecake. Pero alam ko may mas masarap pa nito eh,” dinig kong sabi ng lalaki.
Napahinto ako dahil pagdating talaga sa cake ay napapahinto ako at inaalam ko kung ano pang mas latest na cake na masarap ngayon.
“Talaga? May masarap na cake?” Tanong ko kaya natawa siya.
“O, bakit mo ako kinakausap ngayon? Gusto mong tikman ang cake ko no?” Pang aasar nya sa ‘kin kaya umismid ako sa harapan niya.
“Sus.. wag ka na mahiya. Ito oh.. tikman mo ‘tong cake. Masarap ‘to.” Sabi niya sabay lapit ng tinidor na may lamang cake sa ‘kin.
Hindi ako nakasagot dahil natetempt talaga ako na tanggapin ang cheesecake. “A-Ayaw ko! Pakakainin mo ako nyan eh kagagaling ko lang sa gym. Wag mo nga sirain ang diet ko.” Inis kong sabi at pinipigilan ang sarili na tanggapin ang cake.
“Sus.. diet. Hindi mo naman kailangan mag diet. Hindi ka naman masyadong mataba. Sakto lang ang katawan mo.” Sabi niya na halatang nambobola.
“Tigilan mo ako! Wala akong panahon para makipag usap sayo. Dyan ka na nga!” Sabi ko saka ako nagsimulang maglakad muli. Mahirap na at baka kumain ako ng cake. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko.
“Ayaw mo talaga, langga?” Tanong na naman niya sa ‘kin habang nakasunod.
“Ayaw ko nga! Tigilan mo ako! At kung pwede ay layuan mo ako!” Asik ko at mas lalong binilisan ang paglalakad.
“Sayang naman. May nilagay pa naman akong special dito. Sayang naman kung hindi mo titikman.” Sabi pa niya at kunwaring nagtatampo. Napapikit ako at kasabay no’n ay ang paghinto ko sa paghakbang.
Konti na lang talaga ay kakagat na ako sa sinasabi niyang cake. Bukod kasi sa favorite ko ay nagugutom na din ako.
“Sige na, tikman mo lang. Pagkatapos nito ay hindi na kita susundan.” Sabi pa niya kaya lumingon ako sa kanya ay palipat lipat ang tingin ko sa kanya at sa cake.
Napabuga ako ng hangin at inagaw ang tinidor niyang hawak. “Akin na nga! Ako na ang magsusubo sa sarili ko dahil hindi naman kita jowa.” Mataray kong sabi saka inagaw ang tinidor na hawak niya.
Nang makuha ko yun ay agad akong sumubo ng cake. Nilalasahan ko muna para malaman ko kung anong special. “Anong meron sa cake na ‘to?” Tanong ko pa habang ngumunguya.
“Laway ko,” sagot niya kaya agad kong nailuwa ang kinakain ko at sa platito ko pa talaga yun nailuwa.
Natawa naman ang lalaking sinto-sinto. Agad niyang kinuha ang niluwa kong cake sa platito gamit ang tinidor na inagaw niya sa ‘kin sabay sinubo niya ‘to.
Nanlaki ang mata ko at halos mandiri dahil nginunguya ko pa naman yun. “Kadiri ka! Bakit mo kinain ang niluwa ko!” Nandidiri kong sabi sa binata. Baliw na talaga ang lalaking ‘to at wala na naman yatang magawa sa buhay niya. Bwisit talaga!
Author’s Note: Highlight lang po ito mga mhie ha! Chapter 1 po talaga magsisimula ang story. Baka kasi maisip niyo na iba ang chapter 1. Magsisimula po tayo sa paghihirap ni Chantal sa boyfriend niyang user hehehe.. Paki add po sa library ninyo ang story upang mag notif bawat update ko kay Honeybee. Thank you!