Chapter 4

2104 Words
Chapter 4 Honey’s Pov PASIPOL SIPOL ako habang nakaupo katabi si Koa. May katext siya at alam kong ang asawa niya yun. Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil palagi naman niyang kasama si Marilyn pero panay parin ang text niya. Hindi ba siya nagsasawa sa mukha ng asawa niya? Nakangiwi ako habang titig na titig kay Koa at kinikilig na nagtitipa sa screen ng phone niya. Lumingon naman sa ‘kin si Koa at kaagad nawala ang ngiti niya sa labi. “Bakit?” Tanong niya sa ‘kin. “Hindi ka nagsasawa sa mukha ng asawa mo?” Seryoso kong tanong sa kanya kaya natawa siya. “Hindi. Mahal ko eh. Hindi mo maiintindihan yun kung wala ka pa namang babae.” Sagot ni Koa kaya ngumuso ako. “Isa pa.. puro ka kabulastugan! Paano ka magkakaroon ng girlfriend at mararanasan ang sinasabi namin ni Morgan at Sid.” Dagdag pa niyang sabi. Isang buwan na din simula ng makabalik ako sa Pilipinas. Bumalik ako upang dito na manatili sa Pilipinas. Gusto ko lang naman makasama ang mga kaibigan ko kaya ako bumalik. Gusto ko na din mag bagong buhay kaya ko naisipan umuwi ng Pilipinas. Ngunit sa pag uwi ko sa Pilipinas ay may nakilala agad ako na matabang babae. Palagi nalang nag ku-krus ang landas namin dalawa. Hindi ko alam kung bakit. “Kain pvke ang gagawin ko kapag nakahanap ako ng babae.” Sagot ko kay Koa kaya agad na nalukot ang mukha niya. “Siraulo ka! Hindi dapat ganun. Paano ka makakalapit sa babae kung ganyan ka. Baka sabihin lang sayo sinto-sinto ka.” Naiiling na sabi ng kaibigan ko. “Anyway, masaya ako na dito ka na sa Pilipinas. Wag ka na bumalik sa dati mong trabaho. Sigurado naman ako lalago ang negosyo mo.” Pag iiba niya sa usapan sabay tinapik ang balikat ko. “Oo naman. Nakakatuwa nga at may sarili na din akong negosyo. Pero ang hindi nakakatuwa ay panay ka utang sa ‘kin ng cupcakes. Gusto mo sugatan mo mukha mo?” Tanong ko sa kanya kaya tumawa ang gago kong kaibigan. “Wag ka na magalit, buddy. Pinagkakalat ko naman sa buong kapitbahay na masarap ang cupcake mo eh. Kaya hindi ka na dapat magalit.” Saad pa niya sa ‘kin sabay hinahaplos ang likod ko. Inuuto na naman ako ng hayop na ‘to eh. Alam na alam niyang madali ako mauto. “Pahingi ako cupcakes ha! Yung asawa ko kasi gusto niya gawa mo.” Aniya kaya napabuga ako ng hangin. Kung hindi lang talaga kay Marilyn ay hindi ko talaga siya bibigyan. “Oo na. Kumuha ka na do’n. Sabihan mo si Aljun na bigyan ka. Pag na abot niya sayo ay lumayas ka na! Minamalas ako sa pagmumukha mong hayop ka! Wala ng customer ang pumapasok sa bakeshop ko.” Pagpapalayas ko sa aking kaibigan. Napakamot naman siya sa likod ng ulo niya at wala ng nagawa kundi ang tumayo sa kinauupuan niya at agad na naglakad papunta sa kung saan si Aljun. Hindi naman ako madamot na tao. Kung kaya ko naman ibigay ay magbibigay ako. Malaki din naman ang naitulong nila lalo na nong opening ng bakeshop ko. Ang dami kong benta nong araw na yun dahil sa daming babae na pumunta dito para lang makabili sila. Pero itong si Koa talaga ang makapal ang mukha. Hindi nahihiya humingi sa ‘kin. Minsan gusto ko ng sigawan pero kapag sinasabi na niya na asawa niya ang gusto ng cupcake ay nawawala ang inis ko. Napakamot ako sa likod ng ulo ko dahil wala pa talagang customer na pumasok. May balat yata ‘to si Koa sa pwet kaya walang pumunta. Ilang sandali pa ay nakita ko si Koa na may dala ng paper bag. Pinakita pa talaga niya yun sa ‘kin. Tumango naman ako at sumenyas na lumayas na siya. Ngumisi lang ang gago saka siya naglakad palabas ng shop. Napabuga ako ng hangin dahil buena mano ko ay hingi. Masasakal ko talaga ‘to si Koa. Naisipan kong lumabas ng shop at magtawag ng customer. Baka sakaling may makita akong dumadaan at hihilain ko. Hindi makakatanggi lalo na’t gwapo naman ako eh. Kindat ko pa nga lang ay nanghihina na sila. Paano pa kaya kapag pinakita ko na ang killer smile ko. Talagang pamatay ang ngiti ko. Nakatayo ako sa labas at akmang kukuha sana ako ng sigarilyo at lighter ng bigla akong may nakitang matandang lalaki. Para bang hinahanap siya. Panay lang ang tingin ko hanggang sa makarating siya sa harapan ko. Tumingin pa siya sa bakeshop ko saka siya tumingin muli sa ‘kin. “May bakeshop na pala dito..” aniya kaya napangiti ako. “Yes po, sir. Bagong bago. Baka gusto mo pong subukan. Naghahanap ka po ba ng cake, sir?” Lakas loob kong tanong sa lalaking matanda. Kapag hindi ako nagtanong ay baka hanggang mamaya ay walang customer dahil sa buena mano ko. “Kailangan ko kasi ng cake para sa asawa ko.” Aniya kaya agad na nagningning ang mata ko. Sabi ko na eh, gwapo talaga ako at may balat sa pwet talaga si Koa. “Para sa birthday po ba, tay?” Tanong ko na agad naman tumango ang matanda. Iginiya ko agad siya papunta sa loob ng shop. Tinawag ko agad si Aljun upang asikasuhin ang customer. Grabe talaga ang karisma ko, kahit hindi babae ay tinatamaan sa pogian ko. Ilang sandali pa ay lumapit si Aljun sa ‘kin. “Sir Honey, yung gusto po ni sir ay ideliver daw po sa bahay niya mamayang hapon.” Saad ni Aljun kaya ngumiti ako. “Sige lang, ako na maghahatid. Kunin mo ang address at ako na ang bahala mamaya.” Pagpayag ko dahil wala naman akong gagawin. Busy mga kaibigan ko sa kanya-kanya nilang buhay. Kaya ako nalang ang magdedeliver. Sisiw lang yun sa ‘kin. Dumating ang hapon at inabot na sa ‘kin ni Aljun ang cake na inorder ng matandang lalaki. Kinuha ko na yun at dinala sa sasakyan. Ingat na ingat pa ako at baka mawasak. Mareklamo pa ako. Pumasok na ako sa sasakyan at ipinatong ang box ng cake sa passenger seat. Inayos ko na muna at baka malaglag. Nang masiguro kong maayos na ay agad kong binuhay ang makina ng sasakyan at pinausad. Pasipol sipol pa ako habang nagmamaneho. Alam ko naman kung anong address. Memoryado ko sa talas ng memorya ko. Ilang sandali pa ay nakarating ako sa address ng matanda. Kailangan kong mag park sa gilid ng kalsada at lakarin ang eskinita. Marami kasing nakapark na sasakyan kaya kailangan kong pumasok sa loob. Dala ang cake ay nagsimula akong maglakad. Maraming mga taong nag mamarites sa gilid ng kalsada. Wala talagang magawa ang mga tao. Yung isa kasj bumubula na ang laway sa gilid ng labi dahil sa kakadaldal. Panay ang tingin ko sa paligid hanggang sa makarating ako sa mga lalaking tambay at nag iinuman. Mukhang naliligaw na kasi ako. Naliligaw ang pinaka poging nilalang sa balat ng lupa. “Boss..” tawag ko sa isang lalaki na walang suot na pang itaas. May tatoo pa siya na eagle sa dibdib at nakabuka pa talaga ang mga pakpak. “Pwede po ba magtanong?” Tanong ko sa lalaki. “Sige, ano ba yun?” Siga niyang tanong sa ‘kin. “Kailan pwede ihawin ang agila, boss?” Wala sa sarili kong tanong. Mukhang hindi niya nakuha ang sinabi ko dahil kumunot ang noo niya. “Anyway, alam mo po ba kung saan ang bahay ni Mr. Sy?” Tanong ko para matapos na ‘tong trabaho ko. Ako na nga ang may ari, ako pa ang nagdeliver. Walangya! Deserve ko talagang kumain ng pvke eh. Sabi pa naman ni Aljun masarap daw kumain ng pvke. “Ah.. yan yung bahay.” Sagot ng lalaki saka may tinuro na bahay na nasa tapat lang din. Tumango ako at ngumiti sa kanya. “Salamat, boss!” Pagpapasalamat ko saka ako tumawid sa kabilang kalsada. Nang makarating ako sa harap ng bahay ay agad akong nag doorbell. Ang liit ng gate nila. Pwedeng-pwede akyatin kung tutuusin. Naghintay lang ako na bumukas ang gate para maibigay ko na ang cake. Bayad na ito at may kasama pang shipping fee na 50 pesos. Ilang sandali pa ay bumukas ang gate at nagulat ako ng makita ko ang babaeng mataba na palagi kong nakikita. Dalawang araw na din ang nagdaan simula ng huli ko siyang nakita ng malaglag ako sa puno. Buti nalang hindi halatang nalaglag ako dahil nakatayo akong bumagsak at hindi nakaupo. Tangina talaga nong araw na yun. Ang pinagtatakahan ko lang ay kung bakit basa ang damit niya nong araw na yun na para bang tinapunan. Bumakat tuloy ang dibdib niya kaya binigay ko ang aking jacket para matakpan. “Ikaw na naman..” saad ng dalaga sa ‘kin kaya ngumisi ako. Nagagandahan talaga ako sa biik na ‘to. Kaya ko siya tinatawag na langga. Kay Keanu ko nalaman yun. Mahilig kasi sa trivia ang gagong yun. Akala mo si kuya Kim. Bumaba ang tingin ko sa dalaga. Napalunok ako ng laway dahil ang suot niya ay terno na cotton short at blouse. Pero putangina.. yung suot niyang short ay bumakat ang matambok niyang pvke. “Ang taba naman nyan,” saad ko habang sunod-sunod na lunok ng laway ang ginagawa ko. “Bastos!” Singhal ng dalaga at agad na hinila ang laylayan ng damit niya upang matakpan ang mataba niyang pvke. Hindi pa ako nakakakita ng pvke pero naiimagine ko na kung gaano kataba ang pvke ng dalaga. Busog na busog siguro ako kapag pvke niya ang kinain ko. “Anong kailangan mo? Bakit nahanap mo ang bahay ko?” Tanong ng dalaga sa ‘kin. “Kakain ng pvke. Pakain naman..” saad ko kaya nanlaki ang mata niya at hindi ako nakailag sa ginawa ng dalaga. Napamura na lamang ako dahil nasuntok ako sa kaliwang mata ko. “Fvck!” Yun na lamang ang nasabi ko habang sapo ang kaliwa kong mata. Buong buhay ko ay wala pang nakakasuntok sa mukha ko lalo na sa mata ko. Siya lang ang bukod tangi. Ang sakit pa dahil ang laki ng kamao niya dahil sa mataba siya. “Ulitin mo pang sabihin yan, makakatikim ka ulit ng suntok sa ‘kin. Hindi lang yan ang aabutin mo.” Galit na galit na sabi ng dalaga. Hindi ako nakaimik. Nakasapo parin ako sa mata ko na sinuntok niya. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nakitang lumabas ang matandang lalaki na umorder ng cake kanina. “Naku, sir.. ikaw pala ang nag deliver ng cake.” Sabi ng lalaki na may ngiti pa sa labi. Ngunit agad nawala ang ngiti niya ng mapansin niya akong sapo ang kaliwa kong mata. "Anong nangyari?" Tanong ng matanda habang palipat lipat ng tingin sa 'kin at sa matabang babae. "Sinuntok ko po siya, papa. Bas—" "Bakit mo naman ginawa yun? may inorder akong cake sa shop niya dahil birthday ng mama mo. Bakit mo sinapak si sir Honey." Sabi ng matanda na hindi pinatapos ang dalaga. Siguro ay anak niya ang matabang babae. Nice! buo na talaga ang desisyon ko at gusto ko ng kumain ng pvke pero dapat sa matabang babae. Matambok eh. "Okay lang po, sir. Nabigla lang po ang anak mo sa kapogian ko." Sagot ko na lamang upang hindi mapagalitan ang dalaga. Nanlaki naman ang mata ng dalaga saka niya ako pinandilatan. Pinakita pa talaga niya ang malaki niyang kamao. Langya! Inabot ko na ang cake sa matandang lalaki. Pumasok naman ang dalaga sa loob at ayaw na yata akong makita. Sayang, gusto ko pa sanang makita ang bakat na bakat niyang pvke. "Pagpasensyaha mo na ang anak kong si Chantal, sir ha! may pinagdadanan kasi dahil niloko yata ng boyfriend niya kaya medyo masungit siya." Panghihingi ng sorry ng matanda kaya napatango tango ako. Naalala ko ang binugbog kong lalaki. Halata naman na walang gusto ang boyfriend niya sa kanya. Kung pagsalitaan siya ng masasakit na salita ay hindi makatao. Kung ako yun ay baka matagal ko ng hiniwalayan ang hayop na lalaking yun. Putangina! pero masakit parin ang suntok ni Chantal sa mata ko. Baka magkaroon ako ng black eye. Langya talaga! Pagtatawanan talaga ako ng mga kaibigan ko kapag nakita nila ang mata kong may black eye. Natuwa lang naman sana ako sa pvke niyang mataba at parang masarap kamutin ang kuntil. Magbabayad talaga sa 'kin ang babaeng yun. Patitirikin ko talaga ang mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD