Chapter 3
Chantal’s Pov
PANAY ANG tawag ko sa phone number ni Rafael. Ayaw niya akong sagutin kahit isang beses man lang. Huli naming pagkikita ay nong araw na binugbog siya ng lalaking biglang sumulpot. Siguro ay nagalit si Rafael sa ‘kin dahil hindi ko siya tinulungan at tumakbo pa talaga ako.
Hindi sana magagalit ng husto sa ‘kin si Rafael kung hindi lang sana sumulpot ang lalaking galing sa isang shop na hindi ko malaman kung anong ilalagay dahil parang aayusin pa lang. Binugbog ng lalaking yun si Rafael kaya napatakbo ako sa takot at baka ako ang sunod niyang bugbugin.
Napabuga na lamang ako ng marahas na hangin dahil hindi talaga sumasagot sa tawag. “Please.. Rafael. Sumagot ka na sa tawag ko.” Saad ko habang panay parin ang tawag ko sa cellphone number niya.
Hindi na nga ako pumasok sa Santamaría Enterprises kaninang umaga dahil nga sa kinukulit ko si Rafael. Hindi ko titigilan ang cellphone niya hangga’t hindi siya sumasagot sa tawag ko.
Ilang sandali pa ay sumagot si Rafael sa kabilang linya. Para akong nakahinga ng maluwag at natuwa ako dahil hindi pa rin niya ako natiis. “Rafael.. babe,” tawag ko sa kanya.
“Can you stop calling me babe, Chantal. Hindi ako katulad mo na baboy.” Galit niyang sagot kaya nawala ang ngiti ko. “Bakit ba panay ka tawag ha?! Hindi ba’t sinabi ko na sayo na nasusuka ako sayo! Akala ko talaga matalino ka dati. Pero ngayon ay napatunayan ko na isa ka palang bobo na babae dahil hindi mo man lang maramdaman na wala akong gusto sayo. Hindi mo ba talaga napapansin na hindi kita pinapakilala sa pamilya ko kahit ano pang pilit mo.” Saad niya kaya hindi ko mapigilan kagatin ang ibaba kong labi. Tumutulo na naman ang luha ko dahil alam ko na ang sasabihin niya.
“Dahil sa mataba ako..” saad ko sa mahinang boses.
“Exactly. Akala mo talaga ipapakilala kita sa pamilya ko. Eh halos hindi ako makahinga kapag nakikita kita. Nahihiya akong kasama ka sa maraming tao pero kailangan eh. Marami akong nakukuhang benefits sayo dahil uto-uto ka. Akala mo talaga gusto kita.. tangina.. Kadiri! Mag papayat ka muna at baka sakaling may tumanggap sayong baboy ka. Kaya kung pwede, wag mo na akong tawagan. Tapos na ang pagtitiis ko sayo at masaya kami ni Donna sa lahat ng mga nakuha ko sayo. Salamat ha! Galante mong baboy ka!” Aniya na halatang nakangisi habang kausap ako sa cellphone.
“Donna? Donna Reyes? Siya ba yung classmate ko na palaging nang bubully
sa ‘kin?” Tanong ko sa kanya habang nakakuyom ang kamao ko. Hindi ko alam na sila palang dalawa.
“Yeah. Matagal na kaming dalawa. Pinag planuhan talaga namin ang panloloko ko talaga sa’yo. Tanga ka kasi kaya ayan ang napapala sa’yo. Tapos na ako sayo kaya pwede ka ng mamatay! Baboy na tanga!” Panglalait niya sa ‘kin saka niya pinatay ang tawag.
Mas lalo kong ikinuyom ang kamao ko dahil ang Donna na tinutukoy niya ay nagtatrabaho din sa Santamaría Enterprises. Namumuro na sa ‘kin ang babaeng yun. Simula nong college ay palagi na lang niyang akong binubully. Pero ngayon ay hindi na ako papayag na hindi ko siya masampal. Ang dami na niyang kasalanan sa ‘kin.
Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at agad na tinungo ang cabinet at kumuha ng damit. Pupunta ako sa kumpanya at aawayin ang Donna na yun. Wala na akong pakialam kung ano pa ang mangyari sa ‘kin. Ang mahalaga ay magantihan ko ang Donna na yun.
Nagmamadali akong bagbihis at agad na lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag ayos pa at sling bag lang ang dala ko.
Nang makalabas ako sa bahay ay wala ng tao. Siguro ay kanina pa umalis si mama at papa. Wala din ang kapatid kong lalaki. Agad akong lumabas ng bahay at siniguro na nakalock ang pinto.
Nang makalabas ako ng bahay ay naghanap agad ako ng taxi. Hindi naman ako nahirapan at agad na nakahanap. Sumakay agad ako at sinabi kung saan ako magpapahatid.
Panay pa ang tingin ko sa orasan upang malaman ko kung nasa’n ngayon si Donna. 3PM na kasi kaya alam kong nag co-coffee break ang babaeng yun. Dahil sa maarte yun ay malamang hindi siya sa pantry nagkakape. Nasa labas yun ng kumpanya at nasa kabilang coffee shop pumunta.
Ilang sandali pa ay nakarating ako sa coffee shop at agad kong pinara ang sinasakyan kong taxi. Inabot ko lang kay manong driver ang pamasahe ko at nahirapan pa ako sa pagbaba ng sasakyan dahil naiipit ang taba ko sa tiyan. Bwisit na taba! Dahil dito ay wala ng magandang nangyari sa buhay ko.
Nang makababa ako ay naglakad ako sa makipot na hallway papunta sa coffee shop. Ngunit napahinto ako ng makita ko si Donna na naglalakad din at halatang galing sa shop. Nagulat pa ito ng makita niya ako.
Ngunit agad na ngumisi ang babae habang may dalang kape. “O, akala ko ba may sakit ka, taba?” Pang aasar niya
sa ‘kin.
“Wag mo akong tatawaging taba! Wala ka ng ginawa kundi ang bully-hin ako. Sino ka ba? gandang -ganda ka ba sa sarili mo at wala kang mahanap na kapintasan sa sarili mo. Palagi mo nalang akong inaasar eh ang totoo naman talaga ay sakang ka.” Saad ko kaya nawala ang ngiti niya at tinaasan niya ako ng kilay.
“Anong sabi mong baboy ka? Lumalaban ka na ngayon. Bakit, dahil ba sa hiniwalayan ka na ni Rafael? Kaya ka nagmamatapang ngayon? Kawawa ka naman. Kasalanan ba namin kung tanga ka at hindi mo man lang maramdaman na pineperahan ka lang ng boyfriend ko. Yan ang napapala sayo dahil masyado kang ilusyonada! Tingin mo talaga may magkakagusto sayong mataba ka? Wala!” Pagpapahiya niya sa ‘kin kaya naikuyom ko ang palad ko. Handa na sana akong sugurin siya ngunit mabilis niyang itinapon ang kape na hawak niya sa mukha ko kaya nagulat ako.
“Pasalamat ka at hindi mainit ang kape na inorder ko. Mukhang kailagan mo yan upang matauhan kang mataba ka! Pwee..” sabi niya sabay dinuraan ako. Nakita ko ang laway niya sa suot kong damit kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinila ang buhok niya. Dahil sa mahaba ang buhok niya ay pinaikot-ikot ko sa braso ko hanggang sa kamay ko ang buhok niya saka ko malakas na hinila.
“Sumusobra ka na! Pareho lang kayo ni Rafael na walang ginawa kundi saktan ang damdamin ko. Ano bang ginawa kong kasalanan sa inyong dalawa!!” Galit na galit kong sigaw.
“Ano ba! Pakawalan mo akong baboy ka! Masakit!” Sigaw niya at halatang nasasaktan. Ngunit napatigil lang ako dahil sa may humila sa ‘kin at pinaghiwalay kami ni Donna.
Nasampal pa ako ni Donna at sa kasamaang palad pa ay kasamahan pa namin sa department ang tumulong at close pa talaga niya. Pinagtulungan nila ako at wala akong ginawa kundi ang salagin ang sampal at sabunot na binibigay nila sa ‘kin.
Pinapangko ko talaga sa sarili ko na babalikan ko sila kapag pumayat ako. Silang dalawa ni Rafael ang una kong babalikan kapag pumayat ako. Pinapangako ko talaga sa sarili ko na gaganti ako kahit ano man ang mangyari
Umalis sa harapan ko si Donna kasama ang mga kaibigan niyang bumugbog
sa ‘kin. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko at nakayuko lamang ako habang nakatitig sa suot kong doll shoes.
Tumutulo ang luha ko sa mga sakit na ginawa sa ‘kin ni Rafael at Donna. Kahit kailan ay hindi na ako magmahal. Baka gamitin lang din ako sa mga luho nila.
Ayaw ko pang umuwi. Sigurado ako kapag nakita ng papa ko ang itsura ko ay magagalit siya. Hindi pa ako handang magkwento sa kanya kaya dapat lang na hindi muna ako uuwi.
Napagpasyahan kong maglakad lakad na muna at hindi ko alam kung saan ako pupunta. May nakakasalubong akong mga tao pero hindi ko na sila pinapansin.
Wala na akong pakialam kung pagtawanan nila ang itsura ko. Sanay na sanay naman na ako pagtawanan. Wala ng bago.
Patuloy lang ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa tahimik na lugar. Hindi na ako natakot at nagpatuloy parin sa paglalakad.
Nakakalungkot ang buhay ko. Ang taba ko kasi kaya pinagtatawanan at pinagkakaisahan lang nila ako. Kung sana payat lang ako ay hindi ko siguro masusubukan na mabully ng mabully. Bwisit na katawan ‘to. Sinubukan ko naman mag diet eh. Pero talagang mas lalo lang akong lumulubo. Ang sarap ng tapyasan ng katawan ko. Kung pwede ko lang ipamigay ang mga taba ko ay ginawa ko na.
Napahinto ako sa paglalakad dahil nakaramdam ako ng hingal. Tumingin ako sa paligid at ang tahimik parin ng lugar. Mas lalo akong nalungkot. Pakiramdam ko kasi ay hindi na ako magkaka boyfriend kahit kailan. Siguro ay tanggapin ko ng walang magmamahal sa ‘kin bukod sa pamilya ko at si Pam.
Suminghot singhot ako habang naglalakad na naman akong muli. May mga puno dito kay masarap maglakad lakad dito.
Ngunit agad akong napahinto ng may mahulog bigla sa harapan ko. Akala ko ay isang sanga ng kahoy ang nahulog ngunit nagkamali pala ako dahil isang lalaki ang nahulog sa puno.
Pero mukhang hindi naman siya nahulog dahil nakatayo parin naman ang lalaki at hindi napaupo. Napatingala tuloy ako sa puno kung saan galing ang lalaki.
Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki at tanging mata lang ang makikita ko dahil may suot siyang bonnet. “Magnanakaw ka ba?” Wala sa sarili kong tanong at hindi na inisip kung mapahamak man ako sa lalaking ‘to.
Agad niyang inalis ang bonnet niyang suot at nakita ko ang lalaking bumugbog kay Rafael na bigla-bigla nalang sumulpot sa eksena.
“Ikaw..” saad ko sa lalaki. Agad naman siyang ngumiti kaya nakita ko ang mapuputi niyang ngipin at pantay na pantay. Para bang model ng colgate ang lalaki sa puti ng ngipin.
“Ikaw na naman pala, langga. Bakit ganyan ang itsuta mo? Natapunan ka ba ng kape?” Kunot noo niyang tanong sa ‘kin kaya napatingin ako sa dibdib ko.
Hindi ako nakasagot at napakagat na lamang sa ibabang labi. Balak kong umatras at hindi na pansinin ang lalaki dahil baka bugbugin niya ako.
Akmang hahakbang na sana ako ng biglang humarang siya sa dadaanan ko. “Ano ba! Wala ako sa mood para makipag biruan sayo!” Inis kong sabi sa lalaki.
Hindi naman siya kumibo at bigla na lamang niyang hinubad ang suot niyang jacket. Nang magubad niya ay nagulat ako ng ipatong niya sa harapan ko ang jacket.
“Ipatong ko nalang sa dalawa mong cocomelon dahil pag sinuot mo ang jacket ko ay sigurado ako na hindi kasya sayo.” Sabi niya sa ‘kin habang matamis na nakangiti.
Ang tagal bago maproseso ang sinabi niya sa ‘kin. Agad ko siyang pinandilatan ng mata ko dahil tinawag niyang cocomelon ang dalawa kong dede. “Bastos!” Saad ko sa kanya ngunit tumawa lang siya ng mahina.
“Bye, langga! Ingat ka sa pag uwi mo.” Aniya na para bang magkakilala kaming dalawa.
“Feeling close lang?” Sarkastiko kong sabi sa binata.
Bigla siyang lumapit sa ‘kin at halos mahigit ko ang aking paghinga dahil ang lapit lapit niya sa ‘kin. Sa sobrang lapit niya ay nagdikit na ang dibdib ko sa kanya.
Nataranta ako pero hindi ko magawang itulak ang lalaki. “Ganito ba ka close ang ibig mong sabihin, langga?” Tanong niya kaya napalunok ako ng laway at dali-daling umatras upang hindi magdikit ang katawan namin dalawa.
Naamoy ko ang mabangong hininga niya kaya hindi ko maiwasan langhapin yun kanina.
“Baliw ka! Dyan ka na nga!” Saad ko na lamang saka ako nagmamadaling naglakad upang makalayo sa lalaking baliw. Baka mapano pa ako at bigla niyang saktan.
Ilang beses na talagang nagtatagpo ang landas namin dalawa. Ewan ko ba kung bakit. Pero wala akong lakas isipin ang baliw na yun dahil masakit pa ang puso ko. Pero salamat sa lalaking yun dahil binigyan niya ako ng jacket at natakpan ang basa kong dibdib. Sana lang ay hindi na kami magkitang muli. Para kasing hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking yun. Wala pa naman siyang ginagawa pero pinaghihinalaan ko na.
Iba talaga ang pakiramdam ko sa lalaking yun. Ayaw ko na siyang makita pang muli. Mukha kasi siyang abnoy eh. Kaya mas mabuti ng hindi ko makita ang pagmumukha niya.