Chapter 2

2234 Words
Chapter 2 Chantal’s Pov NGAYONG araw ay anniversary namin ni Rafael. Masaya ako habang nagbibihis ng damit. Nakasuot akong dress at kailangan kong maging maganda sa mata ng boyfriend ko. May binili na akong cake at pinalagyan ko na din ng greetings. Blueberry cheesecake na ang pinili kong cake dahil yun ang paborito ko. Nang matapos akong magbihis ay naglagay na din ako ng makeup sa mukha. Ngumiti pa ako sa salamin habang inaayos ang mahaba kong buhok. Nang makita kong maayos na ang itsura ko ay agad akong lumabas ng kwarto. Nakita ko pa ang papa ko sa sala na nakaupo habang nanonood ng tv. Lumingon sa ‘kin si papa. “Aalis ka na? Magkikita na ba kayo ng boyfriend mo?” Tanong ng papa ko. “Opo, pa. Pupunta kami dito mamaya. Susunduin ko lang po siya.” Nakangiti kong sabi kay papa. Tumango naman ang papa ko. “Sige po, pa. Si mama nga po pala? Umalis po ba?” Tanong ko ng mapansin kong wala si mama. “Umalis kanina pa. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Sabi niya ay may bibilhin daw.” Sagot ni papa saka ibinalik ang tingin sa tv. “Ganun po ba, sige po, pa! Alis na po ako.” Masigla kong sabi saka ako lumapit sa mesa kung saan nakapatong ang cake na pinagawa ko. Excited na akong makita ang boyfriend ko at ma-surprise siya. Agad akong naglakad palabas ng bahay at tinungo ang maliit naming gate. Nahiya pa ako maglakad sa kalsada dahil ang daming tambay. Kilala ko naman sila pero hindi lang ako sanay makipag usap sa kanila kahit pa nga kapitbahay nila ako. “O, Chantal! May lakad ka yata ah..” saad ng isang tambay sa’min. Napahinto ako sa paghakbang at ngumiti na lamang kahit napipilitan lang naman. “Opo,” tipid kong sagot. “Ganda ah.. magandang baboy.” Aniya kaya nagtawanan silang lahat. Nawala ang ngiti ko at naglakad na lamang. Hindi ko na sila pinansin. Mabilis ang lakad ko hanggang sa makahanap ako ng taxi. Pinara ko yun kaya huminto ang sasakyan. Sumakay na ako agad at sinabi kay manong driver kung saan ako magpapahatid. Ipinatong ko pa ang box ng cake sa kandungan ko at hinawakan ko ng mabuti upang hindi matumba. Tumingin ako sa bintana at tinatanaw ang mga nadadaanan namin. Hindi na ako makapaghintay na makita ang mukha ni Rafael mamaya. Sana pumayag siyang sumama sa ‘kin kapag niyaya kong pumunta sa bahay. Gusto ko na kasi talagang makilala siya ng pamilya ko. Sigurado na kasi talaga ako sa kanya. Hindi ko na pakakawalan si Rafael dahil ramdam ko na siya talaga ang lalaking para sa ‘kin. Hindi din naman siya talo sa ‘kin eh. Marunong din naman ako magluto, maglinis ng bahay at maglaba. Talagang maasahan niya ako. Kaya hindi na siya lugi pa sa ‘kin. Sabi nga ng mama ko ay napaka swerte na daw talaga ng mapapangasawa ko. Ang sipag ko pa daw at ang bait. Hindi naman siguro na maghahanap si Rafael ng iba lalo na’t lahat naman ay binibigay ko sa kanya. Lahat ng request niya ay handa ko naman ibigay kahit pa nga pagdating sa ‘kin ay wala siyang binibigay sa ‘kin. Ayos na yun basta ang mahalaga at hindi niya ako iwan at manatili lang siya sa tabi ko. Ilang sandali lang ay nakarating na ako kung saan nakatira si Rafael. Alam ko kasi na day off niya kaya nandito lang siya sa loob ng apartment niya. Nag a-apartment lang talaga si Rafael. Mas malapit kasi ‘to kung saan siya nag ta-trabaho. Isang beses lang ako nakapunta dito sa apartment niya. Pero sandali lang ako nakapasok at yun yung time na pinagbuhat ako ni Rafael ng mga gamit. Hanggang doon lang talaga at pinalabas na niya ako agad. Hindi man lang niya ako pinatambay kahit saglit man lang. Nakakasakit ng damdamin si Rafael pero nag isip nalang ako ng positive vibes para hindi ako malungkot. Inabot ko na kay manong ang pamasahe ko at agad akong nagpasalamat. Binuksan ko na din ang pintuan ng kotse at agad akong lumabas. Nahirapan na naman akong bumaba ng sasakyan dahil ang sakit sa tiyan habang bumababa. Naiipit na naman kasi ang tiyan ko. Nang makababa ako ay agad kong isinara ang pinto ng kotse. Nagsimula akong maglakad papunta sa apartment ni Rafael dala ang cake. Kabado ako sa hindi ko malamang dahilan. Ewan ko ba kung bakit. Isu-surprisa ko lang naman si Rafael. Humugot ako ng malalim na hininga upang makalmahin ang sarili ko. Naglakad ako patungo sa maliit na gate ng apartment nila Rafael. Para siyang simi-condo type kaya medyo sosyal din ang tinitirhan niya. Nang makarating ako sa maliit na gate ay may nakita akong matandang babae. Nagwawalis siya kaya kinuha ko ang atensyon niya. "Ale!" Tawag ko pa sa kanya kaya napatigil siya sa pagwawalis at nag angat ng tingin. "Ano po yun?" Tanong ng matandang babae saka siya naglakad papunta sa gate. "Magandang umaga po, nay!" Bati ko sa kanya ng makalapit siya sa 'kin. "Magandang umaga din. May hinahanap ka ba?" Tanong niya sa 'kin. "Ahm.. opo. Nandyan po ba si Rafael? yung nasa room 1—" "Ahh.. si Rafael. Umalis, hija. Sa katunayan kakalabas lang niya ng gate. Hindi ba kayo nag abot?" Tanong ng matandang babae sa 'kin. Umiling ako at napakagat sa ibaba kong labi dahil wala pala dito ang boyfriend ko. Hindi ko kasi siya tinext dahil surprise ang gagawin ko. "Ganun po ba? Sige po, hintayin ko na lang po siya dito sa labas." Saad ko na lamang sa matandang babae. "Babalik din siguro yun, hija. May hinatid lang yun na babae eh. Sino ka nga pala?" Tanong sa 'kin ng matanda kaya natigilan ako. "Babae po? sinong babae?" Tanong ko sa matanda at hindi mapigilan na bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Natatakot ako na baka may marinig akong hindi ko magustuhan. "Oo, babae niya. Ka live in partner yata niya yun. Papasok kasi sa trabaho kaya baka hinatid niya." Saad ng matanda kaya napahigpit ang hawak ko sa box na dala ko. Napakurap kurap ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Tumikhim ako upang mawala ang bara sa lalamunan ko. Pinilit ko na lamang na ngumiti sa matanda at hindi pinakita na naiiyak ako sa nalaman ko. "Alis na po ako, nay! Hindi ko nalang po pala hihintayin." Saad ko sa matandang babae. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad akong naglakad paalis sa harap ng gate. Nakatungo lang ako at bumabalik sa isipan ko ang sinabi ng matandang babae. Iniling ko ang aking ulo upang mawala yun sa isipan ko. Baka nagsisinungaling lang ang matandang yun at inaasar lang niya ako. "Hindi totoo yun, Chan. Hindi yun magagawa ni Rafael sa 'kin." Pagkausap ko sa aking sarili. Pinipilit ko sa isipan ko na hindi ako magagawang lokohin ni Rafael dahil mahal niya ako. Kaya hindi ako maniniwala sa matandang yun. Naglakad ako patungo sa isang maliit na daan. Alam kong ang labas nito ay sa mga shop. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Basta ang ginagawa ko lang ay lakad lang ako ng lakad habang dala-dala ang cake. Nang makalabas ako sa maliit na daanan ay nakita ko na ang kalsada at mga shop. Naglakad akong muli sa tahimik na lugar habang nag iisip ng good vibes upang hindi ako malungkot. Ayaw kong isipin ang sinabi ng matandang yun. Sa paglalakad ko ay may nakita akong taxi sa di kalayuan. May nakatayo na babae at lalaki at kilala ko kung sino ang lalaking yun lalo na't naka side view siya sa gawi ko. Ang babae naman ay hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakatalikod. Nanlaki ang mata ko at nakitang hinalikan ni Rafael ang babae saka niya inalalayan na pumasok ang babae sa loob ng taxi. Halos hindi ako makahinga sa nakikita ko. Totoo pala talaga ang sinasabi ng matandang babae sa 'kin. Hindi ko mapigilan mapaluha kahit pa nga nasa gilid ako ng kalsada. Nakatayo lamang ako habang pinapanood lang si Rafael na nakangiti habang kinakaway ang kanan niyang kamay. Umandar ang sasakyan kaya si Rafael na lang ang naiwan. Humarap siya sa gawi ko at nakita niya ako. Nawala agad ang ngiti niya at masama akong tinignan. "Ano na naman ang ginagawa mo dito ng wala kang pasabi?" Tanong niya agad kahit malayo ang kinatatayuan namin. Tahimik ang lugar kaya maririnig ko ang parin ang boses niya. Madalang lang din na may dumaan na taxi. Hindi ako sumagot at umiiyak na lamang ako. Mukhang nairita si Rafael sa 'kin kaya tumalikod siya at nagsimulang maglakad. Pinahid ko ang luha na nasa pisngi ko at agad na naglakad para sundan si Rafael. Nakarating kami sa isang shop na alam kong wala pang pumupwesto dahil sirado pa ito at marumi. Halatang inaayos. Wala paring tao kung nasa'n kami ni Rafael. Halos hingalin ako kakahabol sa binata ng masundan ko siya. Ilang sandali pa ay naabutan ko siya at hinawaka ang kamay niya. "Totoo ba ang nakita ko, babe?" Tanong ko ng mahawakan ko ang kamay niya. Humarap siya sa 'kin at hinila niya ang kamay niya na hawak ko. "Wag mo nga akong hawakan!" Galit niyang sabi kaya nanlamig ang buo kong katawan sa kaba. "Alam mo.. pagod na akong magkunwari. Dapat na siguro ay tapusin ko na 'to." Aniya sa galit na boses. "Anong tatapusin? Wala namang ganyanan, Rafael. Hindi naman siguro totoo ang nakita ko diba? hindi mo naman ako ipagpapalita diba?" Tanong ko habang umiiyak. "Tanga ka ba? anong ipagpapalit eh ginagamit lang kita sa sarili kong mga luho." Saad niya saka ngumisi. Bigla niyang dinuro ang noo ko kaya napa atras ako. "Tingin mo talaga magkakagusto ako sa isang katulad mo na baboy? Tignan mo nga yang size mo? para kang elephante sa sobrang laki. Hindi ka na nga sexy, tanga ka pa!" Panglalait niya sa 'kin kaya napakagat ako sa ibaba kong labi. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi ni Rafael. "Ginamit lang kita para sa luho ko. Sa tingin mo talaga ay mamahalin ko ang katulad mong baboy. Nagpapatawa ka talagang babae ka. Hindi mo lang alam na sa t'wing kasama kita sa labas ay hiyang hiya ako. Kung wala lang akong nakukuhang mga gamit at pera sayo ay hindi kita pagtitiisan. Tangina! kadiri kang baboy ka!" Pang aasar niya sa 'kin sabay pinalo ang box na hawak ko. "Kaya ma mataba eh, dahil ang takaw mong baboy ka! ano.. nagdala ka ng cake dahil mag ce-celebrate ka? Patawa kang baboy ka!!" Pang aasar niya sa 'kin saka hinampas muli ang hawak ko kaya tuluyan itong nahulog sa lupa. Napadako ang tingin ko sa cake lalo na't nasira ito dahil sa lakas ng pagkakabagsak. Binili ko yun para sana mag celebrate kami. Pero wala na, nasira lang. Nag decorate din ako sa bahay pero ginagamit lang pala ako ni Rafael. "Tapos na ako sayong baboy ka! pwede ka ng mamatay! nakakasauka yang pagmumukha mo!" Gigil niyang sabi sabay tinulak pa ako ng malakas. Magsasalita pa sana ako ng may sumulpot na lalaki. Nagulat ako at hindi naka imik sa gwapong lalaki. Mas matangkad pa ang lalaking 'to kay Rafael. Mas gwapo din ngunit hindi ko makitaan ng emosyon ang mukha niya. Plain lang talaga. "Ano? bakit ka nakatayo?" Sigang tanong ni Rafael sa lalaking lumapit sa'min. Pamilyar sa 'kin ang mukha ng lalaki. Para bang nakita ko na siya. Hindi lang ako sigurado kung saan. Pilit kong hinalukay ang isipan ko at biglang pumasok sa alaalala ko ang lalaking nanalamin sa bintana ng kotse ni Rafael na binili ko. Siya yung sinungitan ni Rafael. Pero mahaba pa kasi ng konti ang buhok niya kaya hindi ko siya nakilala agad. Umuklo ang lalaki sa cake na nasa lupa at agad na kumurot ng cake saka niya isinubo. Napasunod lang ang tingin ko. Para bang nilalasahan niya ang cake na pinagawa ko. Tumingin sa 'kin ang lalaki at nagkasalubong ang tingin namin dalawa. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ko malaman kung bakit. "Masarap," sabi niya sa baritonong boses. Hindi ako nakasagot kaya tumayo ang lalaki ng maayos at nagulat ako ng malakas niyang sinuntok si Rafael. Sa sobrang lakas at bumagsak ang binata sa kalsada at may tumalsik na dugo sa bibig ni Rafael. Nakita ko pang binugbog ng lalaki si Rafael ay pinagsisipa ang tiyan nito. Puro daing lang ang narinig ko mula kay Rafael. Hindi ko siya nagawang awatin dahil sa takot ko na baka madamay ako. Napatakbo ako sa takot ko sa lalaking sumulpot bigla. Baka madamay ako kaya napatakbo na lamang ako. Ayaw kong mabugbog ng lalaking yun. Masakit na nga ang puso ko, sasaktan pa ako ng lalaking yun. Hindi parin mawala sa isipan ko ang nalaman ko. Niloko ako ni Rafael. Hindi pa kami tapos mag usap at may sasabihin pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil sa lalaking yun. Hindi na din ako lumingon pa sa takot ko kaya dire-diretso lang ang takbo ko hanggang sa makalayo ako. Author's Note: Good morning po! Pa add po sa library ninyo ang story ni Honey upang mag notif bawat update. May picture po ako ni Chantal na ipo-post sa fac3book. Search niyo lang po ang acc0unt ko na Cruz Wp. Salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD