Chapter 1

1554 Words
Chapter 1 Chantal’s Pov MAAGA ako nagising ngayong umaga. Masaya ako lalo na’t ngayong araw ay maghahanda ako para sa surprise ko para sa aking mahal na si Rafael. Anniversary kasi namin bukas kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan ko na ang gagawin ko para sa surprise ko sa kanya. Balak kong mag decorate sa bahay namin para bukas ay susunduin ko si Rafael at dadalhin sa bahay ko. Balak ko na siyang ipakilala sa papa at mama ko. Strict ang papa ko pagdating sa pagboboyfriend kaya nong college ako ay hindi talaga ako nagka boyfriend. Hanggang crush lang din ako dahil takot akong umamin sa lalaki na may crush ako sa kanya. Baka imbes na matuwa ang lalaking nagugustuhan ko ay baka pandirihan lang ako ay awayin. Ang totoo ay isa akong matabang babae. XL ang mga size ng damit ko. Minsan pa nga ay nahihirapan akong humanap ng size ko. Ang taba ko kasi talaga kaya palagi akong na bu-bully sa school. Ang sabi nga nila ay bagay daw sa ‘kin ang apleyido ng nanay ko. Bigasin dahil sigurado daw sila na mahilig daw ako sa bigas. Puro rice daw kasi ang katawan ko. Nakakasakit sila ng damdamin pero ayos lang. Kahit mataba daw kasi ako sabi ni mama ay maganda daw ako. May cute face naman daw ako. Yun nga lang, may suot akong makapal na salamin kaya matabang nerd ang peg ko. Pero ngayon na nagtatrabaho na ako na sa isang malaking kumpanya ay hindi na ako naka salamin at naka contact lens na lamang ako. Nang maka graduate ako ng college ay medyo gumanda na ang buhay ko. Hindi na ako binu-bully at tinatawag na baboy. Higit sa lahat ay gumraduate ako na may boyfriend at yun ay si Rafael. Isang basketball player sa school namin. Ang daming mga babae na nagkakagusto sa kanyang babae kaya napaka swerte ko na ako ang nagustuhan niya at niligawan. Nang mangyari nga yun ay para akong nananaginip. Napaka impossible kasi na magka gusto ang isang gwapo na katulad niya sa ‘kin. Araw-araw talaga akong ganado pumasok sa school noon dahil kay Rafael. Kaya hanggang ngayon ay inaalagaan ko talaga ang relasyon namin ni Rafael. Kahit pa nga sinasabi ng ka workmate ko na red flag daw ang boyfriend ko. Sinasabi ko kasi sa kanya ang ginagawa ni Rafael lalo na kapag nag da-date kaming dalawa. Si Pam lang kasi ang kakwentuhan ko pagdating sa office. Sinasabi ko sa kanya kapag nalulungkot ako lalo na kapag nag aaway kami ni Rafael. Palaging sinasabi sa ‘kin ni Pam na hindi daw seryoso si Rafael dahil sa mga ginagawa niya. Isa na do’n ang ayaw akong sabayan maglakad kapag nasa public place kami. Para bang nahihiya siyang katabi ako. Kapag kakain din kami sa labas ay palagi niyang sinasabi na pupunta siya sa restroom. Sa sobrang date namin dalawa at puro yun ang alibi niya ay nasanay na ako na ako talaga ang nagbabayad ng pagkain namin dalawa. Minsan ay sinisigawan din niya ako kapag makulit ako at panay ang tawag ko. Gusto ko lang naman kasi siyang tanungin kung kumain na siya at kung anong ginawa niya. Pero para sa kanya ay panggulo lang ako kaya sinisigawan niya ako. Mag o-one year na kami bukas ni Rafael. Kaya sana ay tumagal pa ang relasyon namin. Takot akong hiwalayan niya ako. Kaya lahat ng gusto niya kahit mahal pa yan ay binibigay ko talaga sa kanya. Damit, sapatos, cellphone, extra pera, motor at higit sa lahat ay kotse. Binilhan ko siya ng sasakyan dahil yun ang hiling niya sa ‘kin nong birthday niya. Pero nong birthday ko ay hindi man lang niya ako binati. Ang rason niya ay sobrang busy daw niya at nawala daw sa isip niya. Naiintindihan ko naman siya kaya mas pinili ko nalang ang umintindi. Hanggang ngayon ay binabayaran ko ang sasakyan na yun. Minsanan lang din ako sinusundo ni Rafael. Kapag nag text lang ako sa kanya. Sa totoo lang ay hindi ko na sinasabi kay Pam na hindi pa ako na ki-kiss ni Rafael kahit sa cheeks man lang. Nakakahiya kasi lalo na’t matagal na kami ni Rafael. Kahit gusto ko siyang ikiss ay umiiwas siya kaya ano pang magagawa ko. Ilang beses na akong napapahiya dahil sa pag iwas nya sa t’wing sinusubukan kong halikan siya. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang mga ginagawa ni Rafael. Ang mahalaga ay mag o-one year na kami bukas. Pumasok ako sa banyo upang makaligo na ako. Pupunta kasi ako sa bilihan ng decoration para sa binabalak kong surprise. Mamaya din ay balak kong bumili ng pagkain at puntahan si Rafael kung saan siya nag ta-trabaho. Sana lang ay matuwa siya sa dadalhin kong pagkain. Nagmamadali na akong maligo upang makaalis na ako sa bahay. Hindi naman ako mabag kumilos kahit mataba ako. Sunod-sunod ang buhos ko ng tubig. Habang naliligo ay nag iisip ako kung anong magandang decoration para bukas. Excited na talaga ako bumili kaya tinapos ko agad ang pagligo ko. Nang matapos ako ay agad kong itinapis ang t’walya sa katawan ko. Lumabas ako sa banyo habang pinupunasan ang mahaba kong buhok gamit ang maliit na tela. Lumapit ako sa lagayan ng damit ko at agad na kumuha ng dress na kasyang kasya sa ‘kin. Mahilig ako sa dress dahil mas madali kasing suotin. Hirap na hirap kasi ako kapag pantalon, naiipit ang taba ko. Kaya minsanan lang talaga ako mag pantalon. Nagbihis agad ako ng itim na dress na may print na letters. Maliliit lang naman eh kaya hindi pangit tignan. Nang makabihis ako ay inayos ko ang itsura ko. Kahit ganito ako kataba ay marunong din naman ako maglagay ng makeup sa mukha. Bago lang din ako natuto pero nakakatuwa lang dahil madali lang naman pag aralan ang paglalagay ng makeup. Light makeup lang ang nilagay ko at baka mabura ni haring araw kapag naglakad ako mamaya. Natapos na ako kaya kinuha ko ang sling bag ko at ipinasok ang cellphone at wallet. Lumabas na din ako ng kwarto at agad napansin na tahimik ang bahay. Umalis yata mga tao ss bahay namin. Naglakad na lamang ako palabas ng pinto at agad na pinihit ang siradura ng pinto at binuksan. Sakto naman ay nakita ko ang papa ko na pabukas din sana sa pintuan. “O, aalis ka pala?” Tanong ni papa sa ‘kin. “Opo, papa. Diba nga po, bukas ko ipapakilala ang boyfriend ko.” Nakangiti kong sabi sa aking ama. “Oo nga pala. Sige, asahan ko ang boyfriend mo bukas. Sabi mo naman seryoso siya sayo.” Pagpayag ni papa kaya tumango ako. “Opo, papa. Mabait po yun kaya nga po kami mag o-one year bukas po, papa eh.” Sabi ko pa na para bang pinagyayabang pa si Rafael. Hindi naman sumagot si papa ay ginulo lang ang buhok ko at pumasok na siya sa loob ng bahay. Bago ko lang kasi sinabi sa kanya na may boyfriend ako. Siya nagulat, si mama naman ay natuwa. Mabait naman si papa pero strikto lang siya lalo na’t gusto niyang makapagtapos muna ako bago ako pumasok sa relasyon. Nagawa ko naman ang hiling nya at nakahanap ng magandang trabaho kaya sigurado ako masaya si papa. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at lumabas sa maliit naming gate. Nang makalabas ako ay wala akong mahanap na taxi. Napagpasyahan ko na maglakad lakad nalang upang makahanap ako. Habang naglalakad ay kinuha ko ang phone ko sa sling bag ko. Naisip ko kasi na tawagan na lang pala si Rafael at tanungin kung anong gusto niyang pagkain. Baka kasi hindi nya magustuhan ang bibilhin ko. Ayaw niya kasing kumain ng mga pagkain na nabibili lang sa kariderya. Gusto niya sa mamahalin kaya tatanungin ko na lang siya para hindi siya magalit at ma-badtrip sa 'kin. Habang tinatawagan ko ang phone number niya ay hindi ko makontak. Kumunot ang noo ko at inulit na lamang na tawagan ang boyfriend. Pero ganun parin, hindi parin siya sumasagot. Sakto naman na nakakita ako ng taxi kaya pinara ko 'to. Naisip ko na lang na bumili ng pagkain na paborito niya saka ako pupunta sa pinagtatrabahuan niya. Mamaya ko nalang siya tatawagan at baka mawalan na naman siya sa mood kapag kinulit ko siya. Malawak ang pag unawa ko kay Rafael dahil mahal ko siya at siya ang first boyfriend ko. Gusto kong tumagal ang relasyon namin kaya lahat ng gusto niya ay handa kong ibigay wag lang siyang mawala sa 'kin. Kahit pa nga pakiramdam ko ay sugar mommy na ang dating ko pero ayos lang. Alam ko naman na mahal niya ako. Sumakay na lamang ako sa taxi at agad na sinabi kay manong driver kung saan ako pupunta. Agad naman niya pinausad ang sasakyan. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana at inaalala ang lalaking mahal ko. Konti nalang ay magkikita na kami mamaya. Sana man lang ay ikiss man lang niya ako kahit sa pisngi man lang dahil one year naman na din kami bukas. Nakakatampo talaga siya minsan pero kapag nagrereklamo naman ako ay inaaway niya ako at hindi sinasagot ang tawag. Kaya hindi na lang talaga ako nag to-topic sa kiss chuchu na yan at baka yan pa ang maging dahilan ng paghihiwalay namin dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD