Chapter 6

2125 Words
TRISHA PAGLABAS ko ng convenience store ay kaagad na akong bumalik sa abangan ng jeep. Mauubos ko na ang binili kong tubig ngunit wala pa ring dumadaang pampublikong sasakyan. Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa asar. Antok na antok na ako at gusto ko na sanang makauwi. Gusto ko nang ilapat sa kama ko ang likod ko. Napagod ako sa pagsasayaw kanina sa harap ng mga manyakis na iyon. Haist! Napabuntong-hininga ako, saka nagpalinga-linga sa paligid. "May dadaan pa ba o maglalakad na lang ako?" Pagkausap ko sa aking sarili. Ilang minuto pa akong naghintay at nang wala pa rin ay nagsimula na akong maglakad-lakad. Ilang metro pa lamang ang nalalakad ko nang mapatalon ako sa gulat, bigla kasing may bumusina mula sa likuran ko. Sapo ang dibdib na hinarap ko ang hereduris na iyon para lang makita ang dalawang unggoy na nakita ko sa convenience store. "You need a ride, gorgeous?" Anang lalaki na nakadungaw sa bintana ng kotseng sinasakyan nito. "No, thanks." Maikling sagot ko at muling naglakad. Ngunit sumunod sa akin ang kotse at sinabayan ako. "C'mon, gorgeous. Get a ride. Ihahatid ka namin sa uuwian mo." Hindi sumusukong alok ng lalaki. Tumigil ako sa paglalakad. "Salamat na lang pero kaya kong umuwing mag-isa." "Don't worry, hindi kami masamang tao-" hindi ko na siya pinatapos magsalita. "Miss!" Muli akong naglakad at nang may dumaang jeep ay kaagad na akong sumakay. Nakita ko pang sumunod sa sinasakyan kong jeep ang kotseng iyon at laking pasalamat ko nang mayamaya nama'y umiba na ito ng daan. Pagkalipas ng ilang sandali pa ay nakarating na ako sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko. Kinuha ko sa bag ko ang susi ko at kaagad na binuksan ang pintuan. Ngunit hindi kaagad ako pumasok dahil naramdaman kong may ibang tao sa loob ng apartment ko. Walang ingay na dahan-dahan kong kinuha ang silencer sa ilalim ng leather jacket na suot ko. At pagkatapos ay mabagal at puno ng ingat na humakbang papasok habang hawak ang silencer ko. Hindi ako nag-abalang i-on ang switch ng ilaw. Mabilis kong itinutok ang silencer na hawak ko sa direksyon kung saan may marinig akong kumaluskos. At bilang isang agent, natural na sa amin ang pagiging matalas ang pakiramdam sa paligid. Ingat na ingat na pinindot ko ang isang beeds ng bracelet na suot ko. Hindi lang iyon basta bracelet dahil isang hightech bracelet iyon na puwedeng maging two-way radio at tracker para sa mga emergency cases na kagaya nito. Napatigil ako sa ginagawang paglapit sa taong nasa loob ng apartment ko nang makarinig ako ng impit na tawa mula sa wireless earpiece na nasa kaliwang tainga ko. Maging iyon ay hindi iisiping earpiece dahil mukha lang iyong isang piercing. Napakunot ang noo ko dahil ang impit na tawa ay unti-unting lumakas. Gigil na lumapit ako sa switch ng ilaw at ini-on iyon. Tumambad sa akin si Marco na nakaupo sa sofa habang tumatawa. "Stop playing games with me, Cameron!" Asik ko rito at walang anu-ano'y binato ko rito ang hinubad kong boot. Alertong napayuko naman ito kaya sa pader tumama ang boot ko. "Whoa! Relax, Smith, hindi ako kalaban." Nakangiting sabi nito, saka tumayo. "Smile na." "What are you doing here?" Sa halip ay tanong ko. "Hinintay kita. I'm worried about you." Anito sabay kindat. "Funny, haha." Asar na sabi ko at binigyan ito ng suntok sa sikmura. Napadaing naman ito dahil sinadya kong lakasan iyon. "Totoo nga, ayaw mong maniwala?" "Puwede ba, Cameron. Kung nag-aalala ka, bakit hindi mo man lang ako sinundo, letche ka!" "I did." Sinamaan ko ito ng tingin. "I swear I did. Hindi lang ako lumapit sa iyo dahil nakita kong may sumusunod na kotse sa iyo kanina. So, I decided to go home na lang." "At paano ka nakapasok sa apartment ko?" Nakataas ang kilay na tanong ko rito. Nang ilabas nito ang susi mula sa bulsa nito ay hindi na ako nagtanong pa. Knowing him, kayang-kaya niyang magpagawa ng susi na kapareho ng susi ng apartment ko. Pabagsak akong umupo sa sofa, saka hinubad ang leather jacket ko. Ipinatong ko iyon sa center table kasama ang silencer ko. Sumandal ako, saka pumikit. Natigilan ako nang maramdamang umangat ang isang paa ko. Pagmulat ng mga mata ko, nakita kong nakapatong sa hita ni Marco ang paa ko, saka masuyong minasahe ang binti ko. "Cameron!" Babawiin ko sana ang paa ko pero pinigilan nito iyon. "Anong bang ginagawa mo?" Asik ko rito. Nag-angat ito ng tingin at ngumiti. "Massaging your leg." Isang sipa ang ginawa ko sa dibdib nito dahilan para mapaigik ito at mabitawan ang paa ko. "Para saan iyon?" Tanong nito habang sapo ang nasaktang dibdib. "Ikaw na nga 'tong minamasahe riyan, eh." "Tss! Agent ka at hindi masahista." Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Sumunod ito sa akin dala ang laptop nito. "Kumusta sa loob kanina?" Kapagkuwa'y tanong nito habang sa monitor ng laptop nakatutok ang mga mata. Sumandal ako sa lababo habang hawak pa rin ang baso ko. "Wala pa akong idea kung nasaan ang daan papasok ng basement na sinasabi ni Boss. Hindi pa ako mas'yadong makaporma dahil ang daming CCTV cameras, lalo na sa dressing room." "Yeah, we knew it. Just be careful, Smith." "I will. Pero kanina lang sinusubukan na akong i-table ng ilang parokyano roon. Madame Lucy was trying to convince me to do that. Alam kong nainis siya nang tumanggi ako." "Sa tingin mo one of these days gagawin nila sa iyo ang ginawa nila sa ibang mga babaeng hindi pumayag?" Bumuntong-hininga ako. "Let's see. Siya nga pala, Cameron, may ipapakiusap ako sa iyo." "What is it?" Hindi tumitinging tanong nito. Nasa laptop pa rin ang mga mata nito. "It's about, Abby." "Abby? Who's Abby?" Kunot-noong tumingin ito sa akin. At ikinuwento ko nga rito kung sino si Abby at kung bakit nasabi ko sa kanya na kailangan naming bigyan ng proteksyon si Abby. "So, you mean to say na may makukuha tayong impormasyon sa Abby na sinasabi mo?" "Yes." Walang gatol na sagot ko. Tumango-tango naman ito at kapagkuwa'y pumayag sa gusto kong mangyari. At siyempre, bago namin gawin iyon kailangan mo naming ipaalam kay Mr. Alvarez ang tungkol doon. Ilang sandali pa naming pinag-usapn ni Marco ang tungkol sa kasong hawak namin. Mayamaya nama'y hindi na rin ito nagtagal dahil alam niyang pagod na rin ako at gusto ko ng makapagpahinga. Nang makaalis si Marco ay kaagad kong ini-lock ang pinto ng apartment na tinutuluyan ko bago pumasok sa kuwarto ko. Sa kabila ng pagod at antok ay nagawa ko pa ring alisin ang mga kung ano sa mukha ko. Ang tatlong pekeng nunal sa iba't ibang parte ng mukha ko. Inalis ko rin ang wig na suot ko. At walang mag-aakala na wig lang ang mahaba kong buhok dahil tunay na buhok ang wig na iyon. "Haist! Sa wakas, gumaan din ang ulo ko." Naisatinig ko habang iniikot-ikot ang ulo ko. Inalis ko rin ang suot kong contact lens. Yes, maging ang mga mata ko ay iniba ko ang kulay. Pagkatapos kong alisin ang mga iyon ay pumasok ako ng banyo para maghilamos. Nag-half bath na rin ako para guminhawa naman ang pakiramdam ko. Fresh na fresh ang pakiramdam na bumalik ako sa kama, saka pabagsak na humiga. At dahil na rin siguro sa pagod ay madali akong tinangay ng antok. __________ KINABUKASAN, nagising ako sa tunog ng cell phone ko. Kaagad namang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi nang makita kung sino ang caller ko. "Hi, Mars." Bungad ko sa kaibigan kong si Tine. Isa sa maituturin kong best friend. Si Sofia talaga ang best friend ko since high school days. Ako kasi ang klase ng tao na hindi talaga palakaibigan. Mas gusto ko iyong ilan lang pero totoo kaysa sa marami nga pero hindi naman totoo sa akin. Si Sofia at Tine lamang ang maituturin kong kaibigan ko talaga. Si Tine ay nakilala ko tatlong taon na ang nakaraan. I witnessed how depressed she was at the time. I recall seeing her for the first time. Umiiyak habang hindi alam kung paano magsisimula pagkatapos ng mga nangyari sa kanya. She looks hopeless that day. I could feel her pain, how she felt that day. Since then, I've treated her like a friend. Being a single Mom was not easy pero kinaya niya. Nakita ko lahat ng hirap ng pinagdaanan niya before. Sobrang affected ako kapag nakakakita ako ng kapuwa ko babae na nasa pinakamasakit na parte ng kanilang buhay. Siguro kasi babae rin ako. Kaya nang makilala ko si Tine, ginawa ko ang lahat para mabigyan siya ng hustisya. I did my very best para makuha niya iyon and we did it. At ngayon nga, nakuha na niya ang hustisyang nararapat para sa kaniya. Gustong-gusto ko kung paano siya nag-grow pagkatapos ng mga nangyari sa kaniya. Ngunit sa kabila niyon, nagkaroon ng pangamba sa puso ko na baka sa muli nilang pagkikita ng kanyang ex-husband ay muling nanumbalik ang pagmamahal niya para sa lalaking dumurog sa kanya. And I hate that. Nangangamba ako na baka muling bumigay ang kaibigan kong iyon. Baka bigla siyang maging marupok. "Hey, Trish." Bahagya pa akong nagulat nang marinig ang boses ni Tine sa kabilang linya. "Huh?" Napangiti ako nang tumawa ito. "Nakikinig ka ba? Ang dami ko ng sinabi tapos huh lang ang sagot mo?" "Sorry. May iniisip lang ako. Ano pala iyong sinasabi mo?" "Sabi ko, kailan ka magpapakita sa aming mag-iina. Miss ka na raw ng mga inaanak mo. Ayaw nila akong tigilan, eh. Mama, we want to see Ninang, now. Naririndi na ako." Natawa ako sa pagsusumbong nito sa akin. "Minsan gusto ko na lang maging magician para kapag gusto ka nilang makita magma-magic na lang ako." Lalo akong natawa sa sinabi nito. "Seryoso ako, Trish. Naririndi na ako sa mga inaanak mo. Kailan ka ba kasi pupunta rito at nasaang lupalop ka na naman ng mundo, ha?" "Tell them, na kapag natapos ako sa trabaho ko bibisitahin ko sila kaagad." "Kailan naman iyon?" Umiling ako na animo'y nakikita ng kausap ko. "Don't know. Alam mo naman ang nature ng trabaho ko. At isa pa, hindi ba sinabi ko naman sa iyo na mawawala ako ng ilang linggo or maybe a month." "Ang tagal niyon, Trish." Reklamo nito. "Hindi ka ba makakasaglit dito sa condo mo?" Bumangon ako sa kama at lumapit sa may bintana. "I'm sorry, Tine, but I can't." "Hanggang kailan?" "Hanggang sa ma-solve ang kasong hawak ko." "Ano ba kasing kaso iyan, ha?" "Hindi ko puwedeng sabihin sa iyo, Mars. Basta bibisita na lang ako riyan kapag okay na. I need to keep my distance from those I care about. At kasama kayo sa mga taong mahalaga sa akin." Narinig ko itong bumuntong-hininga. "Ano pa nga bang magagawa ko, eh, 'di mag-isip na naman ng aliby sa mga inaanak mo." "Yeah. And please tell them how much I missed them." "Oo na. Basta mag-iingat ka sa trabaho mo, ha?" Bilin nito. Ilang taon pa lamang ang samahan namin pero sobrang lalim na niyon na para bang matagal na kaming magkakilala. "I will. Kayo rin, mag-iingat kayo. Don't worry, hindi man ako makalapit sa inyo for now, pero nasa tabi-tabi lang ako at ang mga tauhan ni Daddy na hiniram ko para bantayan kayong mag-iina." "Salamat, Trish." "You're welcome, Mars. H'wag marupok, ha? Kahit wala ako riyan, nakikita ko ang bawat galaw mo." Paalala ko rito. "Oo naman. Walang ibang mahalaga sa akin ngayon kung 'di ang mga anak ko, Trish." "Good to hear that. So, paano? Ibababa ko na, ha?" "Hmm.. ingat ka, ha?" Bilin pa nito. Natatawa na lamang ako habang nakikinig sa mga paalala nito sa akin. Ramdam ko kasi iyong pag-aalala niya dahil sa nature ng trabaho ko. Nang matapos ang tawag ni Tine ay kaagad na akong pumasok sa banyo para maligo. Hindi naman ako nagtagal ay tapos na rin ako at mabilis na gumayak. Siyempre, hindi ko kinalimutang maglagay ng nunal sa mukha ko at contact lens. Suot ang mahabang wig ay lumabas na ako ng apartment ko para pumunta sa mall. "Abby?!" Napalakas ang boses ko nang paglabas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang hitsura nito. "Oh my God.." "S-Shana..." Nag-uunahang naglandas ang mga luha nito. "Anong nangyari sa iyo?! Bakit ang daming pasa ng mukha mo? At itong labi mo bakit may dugo?!" Tumaas na ang boses ko habang nagtatagis ang bagang na nakatingin dito. "S-Shana.. tulungan mo ako.." "Sinong gumawa nito sa iyo?! Tell me, sino, Abby?!" Nanginginig ako sa sobrang galit ng mga sandaling iyon. Nagngangalit ang mga ngipin na inalalayan ko siyang makapasok sa apartment ko. Umusbong ang galit sa dibdib ko dahil may isang kaawa-awang babae na naman sa harapan ko. And I hate it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD