bc

The Hot Secret Agent R-18

book_age18+
14.4K
FOLLOW
143.4K
READ
spy/agent
murder
possessive
twisted
serious
office/work place
secrets
crime
love at the first sight
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Mature Content!

Genre : Action /Romance

Ivan Lee El Greco and Trisha Smith story

ISANG matikas, magaling at guwapong agent na si Ivan Lee El Greco ay ma-i-in love sa isang babaeng dancer sa club.

Natutong magmahal sa isang babaeng sa tingin ng marami ay mababa ang lipad. Umibig, naging masaya, at walang pag-aalinlangang tinanggap ang babaeng nagpapasaya sa kaniya. Si Shana Mercado. Tawanan man siya ng iba, hindi na iyon mahalaga basta't masaya siya sa babaeng napili niyang mahalin.

Ngunit gaano man kadakila ang pagmamahal niyo sa isa't isa, kapag ang tadhana na ang kumilos ay wala ka nang magagawa kun'di ang tanggapin na hindi kayo ang para sa isa't isa.

Tila buhay na patay si Ivan Lee nang makasama sa isang trahedya ang babaeng pinakamamahal niya. Unti-unti na niyang natatanggap na tatanda na siyang mag-isa ngunit isang araw, niyanig ng tila lindol ang buong pagkatao niya nang makitang nasa harapan niya ang babaeng ipinagluksa niya. Buhay, masaya, malakas, at humihinga.

Paano tatanggapin ni Ivan ang isang nakakagulat na katotohanan, na ang babae palang kaniyang minahal ay hindi isang ordinaryong babae lamang. Isa rin pala itong alagad ng batas na kayang kumitil ng buhay para sa kaligtasan ng mga inosenteng mamamayan.

Maniniwala nga ba ang puso niya na ang babaeng nasa harapan niya ngayon at ang babaeng dancer ng Club na minahal niya ay iisa?

Magagawa nga bang mapaibig muli ni Ivan ang babaeng kagaya ni Trisha Smith na walang inuurungang laban?

Kasingbilis at kasingsidhi rin ba ng putok ng baril ang mangyayari sa kanila sa kama?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
IVAN LEE's POV Nakatutok ang mga mata ko sa gitna ng dance floor dito sa loob ng Apo King Night Clubhouse, habang pinagmamasdan ang isang particular na tao. Isang babaeng kanina pa walang tigil na sumasayaw habang napapalibutan ng mga kalalakihan at mga kababaihan. Nasa medyo sulok na bahagi ako ng club pero sapat lang ang layo ko para makita ang babaeng hindi yata napapagod sa kakasayaw. Para itong ibong nakawala sa hawla. "Ivan, 'pre?" bahagya akong napakurap nang marinig ko ang pagtawag sa akin ng kasama ko dito. Ang kaibigan kong si Ralph. Umupo ito sa tabi ko at sinundan ang tinitingnan ko. "Sino bang tinitingnan mo? Kanina ka pa nakatutok sa gitna ng dance floor, ah," tanong nito. Hindi naman ako sumagot. Nanatili sa babaeng umiindak ang mga mata ko. She's too hot and sexy. The way she moves her hips, the way she swayed her head. Parang mga asong ulol ang mga lalaking gumigiling sa harapan nito na parang balewala naman sa babae. "Oh, wait? Mukhang alam ko na kung sino ang tinitingnan mo, 'pre," sabi pa nito. Liningon ko ito at nakita kong tutok na tutok na rin ang mga mata nito sa babae habang nakanganga. "Whoa! She's too hot and gorgeous!" may paghangang bulalas nito. "Putcha 'pre ang galing gumaling," dugtong pa nito. "Ang ingay mo! Lower your voice," saway na sabi ko. "Kaya naman pala hindi maawat iyang mga mata mo eh, may nakakuha ng pansin mo. At matindi, ha? Sobrang hot ng napili mo, parang ang sarap iuwi," lalo pa nitong nilakasan ang boses. Halos magsigawan na kami ng kaibigan ko para magkarinigan kami. Sobrang ingay kasi sa loob ng club na iyon. Malakas na ang musika, sobrang lakas pa ng hiwayan ng mga tao. "Type mo? Ask her out, 'pre," sabi pa ni Ralph nang hindi ako sumagot. "Go! Type mo eh, lapitan mo na 'pre." "Of course not. I'm not into girls like her." Mukhang ito iyong klase ng babaeng gabi-gabing laman ng mga bar o club. Ito ang tipo ng babae na happy-go-lucky lang ang alam sa buhay. Tinapik nito ang balikat ko. "Don't judge the book by its cover." "Luma na iyan." "Luma, pero legit naman. At saka malay mo she's not into a serious relationship, oh eh, 'di bagay kayo. Tikim-tikim lang parang ulam," sabi pa nito sabay tawa. Napangiti naman ako habang napapailing. Kusang bumalik sa gitna ng dance floor ang mga mata ko nang tumigil ang maingay at masiglang tugtugin. Napalitan kasi iyon ng mabagal at nakaka-relax na tugtog. Hindi ko napigilan ang sarili kong hanapin ang particular na mukha. Ilang sandali akong naghanap at naghagilap hanggang sa mahagip ito ng mga mata ko. Nakita ko itong nakaupo sa isang sulok habang tila hinihingal pa. May kasama ito roon, mukhang kaibigan nito dahil masayang nag-uusap ang dalawang babae. May lumapit na lalaki sa babaeng iyon para siguro isayaw pero hindi nito pinaunlakan iyon. Ilang mga lalaki pa ang nakita kong lumapit dito pero wala itong pinaunlakan kahit na sino, panay lang ang iling nito sa lahat ng nagtangka. Mukhang napagod na ito sa kakasayaw kanina. "I'm not into her daw, pero hindi malubayan ng tingin, tss!" Dinig kong sabi ni Ralph. "Gusto mong isayaw?" dugtong pa nito. "No." "Tss! Hindi mo malalaman ang pangalan kung titingnan mo lang, 'pre. Gusto mo bang ako ang lumapit?" "What?" "Kakausapin ko lang, tatanungin ko kung puwede siyang isayaw ng kaibigan kong mukhang natotorpe pa yata." "Hindi ako torpe." "Then, prove it. Halatang-halata na may crush ka ro'n sa babae eh." "Am I?" "Yes. 100%," mabilis na sagot ni Ralph at muling tinapik ang likod ko. Gano'n ba ka-obvious na crush ko ang babaeng iyon. Well, hindi naman imposible iyon dahil sobrang ganda ng babae kahit hindi ko pa man nakikita sa malapitan ang mukha nito. Base sa mga lalaking nagkakagulo rito kanina, for sure na mas maganda ito sa malapitan. At ang katawan. Sobrang ganda, bagay na bagay dito ang suot na black mini skirt na tenernuhan ng white tube-blouse. Maiksi iyon kaya litaw na litaw ang pusod nito. Bumagay pa rito ang boots na suot nito. Kung pagbabasehan ang outfit nito ay tiyak na anak mayaman ang babae. "Ouch! Why did you do that?!" inis na tanong ko dahil malakas ako nitong sinapok. "Because you look like a lunatic, 'pre. Ngumingiti kang mag-isa. Tang ina!" sagot nito at biglang tumayo. "Hey, Ralph? Where do you think you're going?" taranta kong tanong dahil naglakad na ito palayo sa akin. "Ralph, hey!" Susunod sana ako rito pero pinigilan niya ako sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay. "Wait for me. Pupuntahan ko lang ang chickababes na kumuha ng atensyon ng kaibigan ko!" sigaw nito. Kahit malakas ang tugtog ay narinig ko ang sinabi nito. Wala naman akong nagawa kung 'di ang mapailing na lamang. Bahala na nga siya. Muli akong bumalik sa puwesto ko, saka muling sinalinan ng alak ang baso ko. Habang sumisimsim ng alak ay muli kong tinapunan ng tingin ang puwesto ng dalaga kanina ngunit wala na ito roon. At ewan ko ba pero nakaramdam ako ng panlulumo dahil hindi ko na ito nakita. Maging si Ralph ay nawala na rin sa paningin ko. Ilang sandali ko pang inilibot ang mga mata ko sa buong paligid pero bigo akong makita ang babae. Ilang minuto na ring nawawala si Ralph at hindi ko alam kung saang lupalop na iyon napunta. Muling akong nagsalin ng alak. Lumipas pa ang ilang sandali pero wala pa ring Ralph na bumalik sa table namin. Mauubos ko na rin ang alak na iniinom namin pero talagang wala na ito. Matapos kong ubusin ang laman ng baso ko ay tumayo na ako upang hanapin ang kaibigan ko. Hindi ko alam kung nasaan na ito. Medyo nahihilo na ako pero kaya ko pa namang maghanap sa nawawalang kaibigan. Kaibigan ko na si Ralph kahit noong nasa college pa kami. Parehong criminology ang kursong kinuha namin. Pero sa halip na mag-pulis ay nagtrabaho kami sa isang pribadong organisasyon. Pero dahil hindi na kami masaya kaya naisipan naming mag-resign at ito nga, dalawang linggo na kaming wala sa serbisyo bilang mga secret agent. Habang naghihintay ng bagong trabaho ay naisipan naming mag-unwind muna. Para naman makapag-enjoy muna habang hindi pa kami natatawagan at bago muling sumabak sa mga misyon. "Nasaan na ba ang lalaking iyon?" inis na tanong ko sa sarili ko. "Makakatikim ka sa akin kapag nakita kita, Ralph!" Nakarating na ako sa labas ng club pero hindi ko pa rin ito nakita. Ilang beses pa akong nagpalinga-linga para hanapin ang kaibigan ko. Pero ibang tao ang nahagip ng mga mata ko. Ang babaeng kanina ko pa tinitingnan sa loob ng club. Kaya pala nawala na ito sa loob dahil lumabas na pala ito. Mukhang paalis na ito. Hindi kalayuan ang puwesto ko sa kinatatayuan nito kaya kitang-kita ko na ang mukha nito. Maganda pala talaga ito, at sobrang pula ng mga labi nito dahil sa makapal na lipstick. Sinuyod ko ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa puwetan nito. At s**t, ang sexy. Parang bigla akong nag-init dahil sa nakikita kong ganda ng katawan nito. "Putcha! Aba'y kurap, Ivan Lee. Luluwa na ang mga mata mo sa pagtitig sa puwet ni Ms. Sexy eh." Mabilis akong napalingon sa kaibigan kong biglang nagsalita mula sa likuran ko. Ngising aso ang mukha nito. "Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap, ah!" inis na sabi ko. Hindi ko pinansin ang panunudyo nito. "Tumawag lang iyong Daddy ko, kinausap ko lang sandali. Tapos hinanap ko si Ms. Sexy sa loob kaso wala na ro'n pati ikaw wala na sa table natin kaya akala ko iniwan mo na ako. Nandito ka lang pala sa labas." "Lumabas na ako dahil sa kakahanap sa iyo, akala ko kung napaano ka na." "Ako ba talaga ang hinahanap mo, o baka naman si Ms. Sexy?" "Gago, malamang ikaw." "Eh, bakit sa kaniya na naman nakatutok iyang mga mata mo. Parang gusto mong sunggaban eh." "Tss! Tara na nga. Umuwi na tayo, medyo tipsy na ako." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tumalikod na ako. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang hilahin ni Ralph ang braso ko. Hindi pa ito nakuntento at hinaranangan ang daraanan ko. "What?" "Lapitan muna natin para malaman mo ang pangalan. Sayang, laman tiyan din iyon!" Malakas ko itong binatukan. "Umiral na naman iyang kamayakan mo!" asik ko. "Kow! Kunwari pa 'to, parang hindi ko alam na kanina pa tumatayo iyang alaga mo." "T*do!" Tumawa lang naman ito at pabirong sinuntok ang tiyan ko. Pero sa pangalawang pagtatangka nitong sumuntok ay nabitin sa ere ang kamao nito dahil sa narinig naming sigaw ng isang lalaki. Dagli kaming natigilan, saka nagkatinginan. "Aray! Sorry, hindi na ako uulit!" anang boses lalaki. Halata ang daing sa boses nito. "Aray! Tama na!" Doon na kami sabay na napalingon ni Ralph. At halos sabay din kaming napasinghap nang makita namin kung saan nanggagaling iyon. Isang lalaki ang namimilipit sa sakit habang hawak ng babaeng pumukaw ng interes ko kanina. Mariin nitong hawak ang dalawang braso ng lalaki. "s**t! Damn you! Let me go!" muling sigaw ng lalaki. "Sean, help me?!" paghingi nito ng saklolo sa isang lalaki na nakatayo malapit sa puwesto nila. Akmang lalapit iyong tinawag na Sean para siguro tulungan ang namimilipit na lalaki ngunit kaagad din itong napaatras nang bigyan ng isang malakas na sipa sa dibdib ng babae. "Don't you dare to come near me! Pagbubuhulin ko kayo nitong manyak mong kaibigan!" galit na sabi ng babae. Mukhang hindi naman natakot ang lalaking nagngangalang Sean dahil muli itong tumayo, saka muling lumapit. Pero isang malakas na sipa na naman ang sumalubong dito. At sa puntong iyon, ang alaga nito ang tinamaan. Namimilipit sa sakit na napaupo sa semento ang lalaki habang ang isa pa ay hawak pa rin ng babae. Sabay kaming napasinghap ni Ralph nang malakas na sumigaw ang lalaki nang tuhurin ito ng babaeng may hawak sa kanya. "Whoa! Putcha marunong sa self-defense ang chickababes mo, Ivan." Bakas ang pagkamangha sa boses nito habang tuwang-tuwang tumatalon sa tabi ko. Para itong gago na panay ang suntok sa ere at nagche-cheer para sa babaeng ngayon ay mariin pa ring hawak ang lalaki habang nakadapa sa semento. Hawak-hawak nito ang braso ng lalaki na nakalagay sa likuran. "Let go of me, woman! Ahh!" Mukhang babalian pa yata ito ng braso ng babaeng iyon. "Gusto mong pakawalan kita?" ngising tanong ng babae. "Yes! Argg. Aww!" daing nito. At rinig na rinig namin ang paglagatok ng mga buto ng lalaki. "s**t! Ang sakit no'n, 'pre," ngiwing anas ni Ralph sa tabi ko. Tumigil na rin ito ng kakatalon at kakasuntok sa ere. Mukhang kagaya ko naawa na rin ito sa lalaking iyon. "Next time, pipili ka ng babastusin mo! Hindi ako pumapayag na nababastos," rinig naming sabi ng babae. "Kung ayaw mong mabastos, balutin mo iyang katawan mo, tanga!" "Ikaw ang tanga! Wala kang pakialam sa suot ko! At isa pa kahit maghubad ako, wala kang pakialam!" ganting sigaw ng babae. "Pukpok! w***e! Huwag kang mayabang dahil kayang-kaya kong bayaran ang buhay mo!" sigaw ng lalaki at mabilis ang kilos na nakatayo na. Muli kaming napasinghap ni Ralph nang duraan ng lalaki ang mukha ng babae. Dala siguro ng inis at galit. Akma itong tatakbo pero alisto ang babae. Mabilis ang kilos nitong nahablot ang kamay ng lalaki at pinilipit ang braso sabay sipa sa tuhod nito dahilan para mapaluhod sa sakit ang lalaki. At hindi pa nakuntento ang babae. Muling pinadapa ang lalaki habang nasa likod ang dalawang kamay. At niluhuran nito iyon sa likod na ikinasigaw ng kawawang lalaki. "Tama na...! Pakawalan mo na ako!" sigaw ng lalaki. "Pakawalan? Sa tingin mo, papayag ako na basta ka na lamang makaalis pagkatapos mo akong duraan sa mukha ko?" "Masakit!" Hiyaw nito. "Pakawalan mo na ako!" "Sure, pero bago iyan sisiguraduhin ko munang hindi mo ako makakalimutan. Bibigyan kita ng regalong hindi mo gugustuhing matanggap ulit sa buong buhay mo." Rinig kong sabi ng babae at may kinuha ito sa bulsa ng skirt nito. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang lighter iyon at walang babalang inilapit sa palad ng lalaki ang ningas niyon. "Ahhhh!!" malakas na napasigaw ang lalaki. "Damn you!" "Siguro naman magtatanda ka na? Sagot!" "Oo! Oo! Tama naaa..!" halos umiyak na sa sakit ang kawawang lalaki. "Uulit ka pa? Sagot!" "Hindi na. Hindi ko na uulitin," piyok na sabi ng lalaki. "Good." Dahan-dahan itong umalis sa pagkakaluhod sa likod ng lalaki, saka tumayo. Mabagal na tumayo ang lalaki. "Takbo! O gusto mong butasin ko iyang bungo mo!" pananakot ng babae. Takot na takot namang kumuripas ng takbo ang lalaki. Pagiwang-giwang pa ito, hindi ko alam kung dahil ba sa kalasingan iyon o dahil sa ginawa ng babae. "Putcha, 'pre ang sakit niyon," sabi ni Ralph sa tabi ko. "Yeah, for sure sa hospital ang diretso niyon." "Tara na, 'pre. Umuwi na rin tayo, mahirap na." Natawa ako at mabilis itong nilingon. "Magpapakilala pa tayo, 'di ba?" "Next time na lang, mukhang mainit ang ulo eh. Baka madamay pa tayo." Natawa ako dahil mukhang natakot ito sa nasaksihang ginawa ng babae. "Ivan Lee, let's go. H'wag na tayong magpakilala, baka madisgrasya pa tayo nang wala sa oras eh. Tara na." Hinila na ako nito sa braso papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse nito. Nagpahila naman ako rito pero isang tingin pa ang ginawa ko sa babae. Na ngayon ay kasama na ang babaeng kausap sa loob ng club kanina. "Bakit mo ginawa iyon?" Naulinigan ko pang tanong ng babae. "Gago eh. Hinawakan niya ang puwet ko, gagong iyon. Tapos titirahin daw ako. Kaya ayon, siya ang tinira ko mukhang nasarapan naman eh." Rinig kong sagot ng babae sabay hagikhik. Maging ang kasama nitong babae ay tumawa na rin. "Kakaiba kang magpaligaya, my friend. Pinaghalong sarap at sakit." "Gano'n talaga kapag manyak." "Eh, nakakamanyak naman kasi iyang suot mo. Jusko ang pusod at puwet mo. Mapapalo ka sa puwet ni Tita kapag nakita ka niyang ganiyan," pananakot pa ng kasama nito. "Kaya huwag kang maingay. Kukurutin ako sa singit niyon," sagot nito at sinundan ng hagikhik. Napailing na lamang ako nang sabay na humagikhik ang dalawang babae na animo'y tuwang-tuwa pa sa pagpapahirap na ginawa sa kawawang lalaki. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa mga ito bago tuluyang sumakay sa kotse.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
133.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
77.6K
bc

His Obsession

read
85.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
175.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
26.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook