Chapter 5

1614 Words
TRISHA "SHANA." Nagtaas ako ng tingin nang marinig na may tumawag sa pangalan ko. Si Madame Lucy ang nakatayo sa harapan ko. "Madame Lucy." Tumayo ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. "Bakit po?" "May isang grupo sa labas na gusto kang makasama sa table nila." "Hindi po ako magpapa-table, Madame Lucy. Dancer lang po ang pinasok ko rito." Nakita kong nag-iba ang mukha nito at mayamaya ay bumuga ng hangin. "Ayaw mo ba ng mas malaking anda?" "Malaking halaga na po ang kikitain ko sa pagsasayaw, Madame. Sobra-sobra na po iyon sa pangangailangan ng pamilya ko." Lalong nag-iba ang awra nito. Habang nakikipag-usap sa kanya, sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko si Abby. Mukhang nakikinig ito sa usapan namin. "Shana, mas malaki ang kikitain mo kung magpapa-table ka. Mga bigating customer ang mayroon ang club na ito at dahil bago ka rito kaya tiyak na pag-aagawan ka na mai-table ng mga parokyanong iyon." "Pasensya na, Madame. Pagsasayaw lang po talaga ang gusto ko." "Pero malaki ang ibibigay nila sa iyo." Anito at sinuyod pa ako ng tingin. "Alam nilang fresh ka kaya tiyak na malalaki ang i-o-offer nila sa iyo. Sinasabi ko sa iyo, Shana. Mas mapapadali ang pag-iipon mo--" "Ayo'ko po talaga, Madame." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito at halatang nagpipigil na sigawan ako. Subukan mo akong sigawan at pilitin, may paglalagyan ka sa akin, Madame Lucy. Piping usal ko sa isip ko. Lihim akong napangiti nang hindi na niya ako kinulit. Sinabi na lamang nito na bumalik na ako sa kuwarto kung ayaw ko raw talagang magpa-table, saka ito bumalik sa labas. Sa halip na bumalik sa kuwarto, nilapitan ko ang tahimik na si Abby. Kanina ko pa napansin ang pagkatulala nito. "Abby." Tawag ko na may kasama pang tapik sa likod nito. Gulat na tumingin siya sa akin. "Shana!" Nginitian ko siya. "Bakit?" "Anong bakit?" Naging mailap ang mga mata nito. "Ang galing mong sumayaw kanina. Congrats." "Salamat. Alam mo bang kinausap ako ni Madame Lucy, gusto niya akong lumabas para makipag-table sa mga bigating customer daw." "Shana, 'wag!" Malakas ang boses na sambit nito. "Nabanggit sa akin ni Barrey kanina na virgin ka pa. Sana hindi mo na lang sinabi iyon para hindi malaman ng iba." "Bakit naman?" "Pag-aagawan ka nila. At hindi sila papayag na hindi ka maikama lalo na't wala ka pang karanasan sa mga lalaki. Baka mapahamak ka. Baka sapilitan ka nilang ibigay sa mga--" tumigil ito sa pagsasalita nang hawakan ko ang magkabilang braso nito. "Shana." Iyon nga ang gusto ko, ang pilitin nila ako para malaman ko kung saan ang basement na hinahanap ko. Piping usal ko sa isip ko. "Kaya ko ang sarili ko, Abby. Alam ni Madame Lucy na pagsasayaw lang ang gusto ko kaya ako narito." Marahas itong umiling. "Hindi mo sila kilala. Hindi si Madame Lucy ang masusunod dito, Shana. Hindi ako nagbibiro nang sabihin ko sa iyo na ayaw kitang makita sana rito. Nanghihinayang ako sa iyo kasi sumugal ka pa rin kahit sinabi ko na sa iyo na hindi ka safe dito." "Abby." Nagulat ako nang ako naman ang hawakan nito. "May pagkakataon ka pang umayaw. Shana, please para sa kaligtasan mo, makinig ka sa akin," anito sa pabulong na boses. "Pero kailangan ko ng trabaho--" "Alam ko dahil lahat naman tayo kailangan iyon pero masisira lang ang buhay mo rito. Mapapahamak ka lang, Shana. Masama silang tao--" hindi nito natapos ang sasabihin nang may dalawang lalaki ang lumapit sa amin. "Nariyan na ang customer mo, Abby." Anang isa sa dalawang lalaki. "Puntahan mo na raw siya, sa dati." Makahulugang sabi pa nito. Hindi ako nagpahalata na naging alisto ako ng mga sandaling iyon. Tamang-tama dahil mukhang sa basement ang sinasabi nilang sa dati. "Shana," ani Abby nang hawakan na ng dalawang lalaki sa magkabilang braso. Nginitian ko siya at ang dalawang lalaki. "Good luck." "Shana.." Halatang ayaw nitong sumama pero ano pa bang magagawa niya gayong hawak ito ng dalawang lalaking iyon. "Shana.." "Let's go!" Wala na itong nagawa nang tuluyang isama ng dalawang lalaki. Naiwan akong nakasunod ng tingin sa direksyong pinuntahan nila. Lihim akong napangiti nang ma-realize na mukhang hindi ako magtatagal sa lugar na ito dahil kay Abby. Mas kailangan kong dumikit sa kanya. Siya ang alam kong magbibigay sa akin ng mga impormasyong kailangan ko. Mula sa maliit hanggang sa malaking impormasyon. Bumalik ako sa kuwarto kung saan ako dinala ni Madame Lucy kanina. Lihim akong napangiti nang makitang walang tao roon maski isa. Pasimpleng gumala ang mga mata ko, at sa pagmamasid ko, apat na CCTV camera ang nakita kong naka-install sa loob ng kuwartong iyon. Walang mag-aakala na mga camera ang mga iyon dahil parang butones lang iyon sa liit habang nakalagay sa gilid ng salamin. At alam kong sa mga sandaling iyon ay may mga matang nakamasid sa akin. Umupo ako sa isang couch na naroon. Tumungo ako habang nag-iisip kung paano sisimulan ang misyon ko. Kailangan kong mas maging maingat dahil sa dami ng mga camera na naka-install sa kuwartong ito. At tiyak na sa bawat sulok nitong club ay mayroon. Habang nakatungo. Napatingin ako sa butones ng suot kong damit na hindi man lang umabot sa pusod ko. Hindi lang kasi iyon basta butones. Camera rin iyon ngunit tiniyak ng ahensya na kinabibilangan ko na walang makakapansin na camera iyon. Maski ang kalaban namin dahil hindi iyon basta mapagkakamalang kakaiba. Hindi kagaya ng kanila na unang kita ko pa lamang ay alam ko na kaagad na camera iyon. Nakatungo ako ngunit gumagalaw ang mga mata ko sa paligid. Natigil lamang ako sa pagmamasid nang pumasok ang grupo ni Barrey. Mukhang tapos na rin sila. Tumayo ako nang makita si Madame Lucy na huling pumasok. "Shana." Tawag nito. "P-Po?" "Maghanda ka na dahil ikaw na ang susunod sa grupo ni Katleya. Palitan mo na iyang suot mo." Utos nito na ikinalaki ng mga mata ko. "Po?" "Anong po? Kilos na! Hindi ka puwedeng sumayaw na iyan na naman ang suot mo." Kinuha nito ang bag ko at pinagduldulan sa harap ko. Pigil ang inis na kinuha ko iyon dito, saka pumasok sa dressing room. Damn! Piping mura ko nang makitang may camera na naman doon. Pati talaga rito mayroon? Isang buntong-hininga muna ang ginawa ko bago simulang alisin ang suot kong palda. Tumalikod ako sa camera at napangisi nang maalala na ang suot kong cycling ay skin-tone. Aakalain ng mga matang nakamasid sa akin na hubo ako ngayon. Tumuwad pa ako ng bahagya para i-distract ang may-ari ng mga matang iyon. Saka ko pasimpleng inilipat ang butones/camera sa suot kong one-sided spaghetti strap na pang-itaas. Ngiting tagumpay na umayos ako ng tayo at nagsuot naman ng palda. At kapagkuwa'y lumabas na ako. Hindi naman nagtagal ay tapos na rin ang grupo ni Katleya. Muli akong sumalang sa isang mas maharot na sayaw. At siyempre, iyon na naman ang mga matang nakamasid sa akin na puno ng pagnanasa. Habang sumasayaw sa harap nila at kakarampot na tela ang suot ay hindi ko maiwasang manginig ang tuhod. Pero dahil sa trabaho ko, nagawa kong tapusin ang dance number ko na walang nakakahalata na hindi ako tunay na taga-aliw. Dalawang salang lamang ako ngayong gabi. Hindi na rin nagtagal ay nagpaalam na ako kay Madame Lucy. Muli niya akong sinubukang suhulan na magpa-table pero kagaya kanina ay hindi ang sagot ko. Alam kong nainis siya sa akin dahil bumulong ito na paarte-arte pa raw ako pero sa mga susunod na araw ay bibigay din naman daw. Ngumiti lamang ako dahil imposibleng mangyari ang sinasabi niya. Tila nakahinga lamang ako ng maluwag nang tuluyang makalabas ng club na iyon. Minsan ko pang pinagmasdan iyon bago tuluyang tumawid sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan ako maghihintay ng masasakyan pauwi. Mga kinse minutos na akong naghihintay ngunit wala pa ring dumadaang pampublikong sasakyan. At dahil nauuhaw na ako naisip kong bumili muna ng maiinom sa nakita kong 6/7 convenience store. Papasok na sana ako nang mahulog ang wallet ko. Tumungo ako para pulutin iyon nang unahan ako ng kung sino. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa pag-aakalang magnanakaw iyon ngunit isang matikas at matangkad na lalaki ang bumungad sa harapan ko. Para akong hindi nakahinga nang magtama ang mga mata namin. "Your wallet." Baritonong boses na sabi nito. "S-Salamat." Nauutal na sagot ko. Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil ngayon lang ako nautal sa harap ng isang lalaki. Titig na titig ito sa akin. "Next time, haba-habaan mo ang paldang suot mo. Isang tuwad mo lang kita na ang kaluluwa mo." Mariing sabi nito. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtagis ng bagang nito habang nanunuring nakatingin sa kabuuan ko. "Hindi ako magtataka kung mamaya lang may bumastos sa iyo dahil diyan sa klase ng suot mo. Wala ka bang pambili ng damit na mahaba?" Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Magsasalita pa sana ako nang may magsalita mula sa likuran ng lalaking pakialamera. At sa pagkakatanda ko ito iyong lalaki sa club kanina. "Ivan, let's go--, whoa!" Bulalas ng lalaki nang mapatingin sa akin. Sinuyod din ako nito ng tingin. "Hi." "Hello." Maikling tugon ko at nilampasan na ang mga ito. Hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko ang sinabi ng lalaki sa lalaking tinawag nitong Ivan. "Parang pinaglololoko ka ng tadhana. Nagkita na naman kayo ng babaeng iyon. Shucks, ba't ang hot at sexy niya!" "Tapos magagalit kapag nabastos na naman. Tss!" anang Ivan ang pangalan. "Basta ang sexy at hot niya. Kung ayaw mo, akin na lang puwede?" "Bahala ka." "Mukhang mapapadalas na ang punta ko rito ah." "Ewan ko sa iyo, Ralph. Tara na nga." Naiiling na tuluyan na akong pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD