Chapter 7

2037 Words
TRISHA PARANG dinakot ang puso ko habang nakatingin sa puro pasang mukha ni Abby. Maingat kong ginagamot ang mga iyon lalo na ang putok na labi nito. Bawat hikbi nito ay tila iyon patalim na tumatarak sa dibdib ko. Ayaw na ayaw kong makakakita ng babaeng inaabuso, literal na kumukulo ang dugo ko. At aaminin kong sa mga sandaling iyon ay gusto ko nang butasin ang noo ng taong gumawa nito kay Abby. "S-Shana..ayoko na.." mahinang sambit nito kasunod ang sunod-sunod na hikbi. Inilayo ko rito ang hawak kong bulak, saka kumuha ng band-aid sa medicine kit ko. "Ayoko nang bumalik sa kanila..ayokong mamatay na hindi ko man lang nakikita ang pamilya ko, Shana.." Nanginginig ang katawan na lumayo ito sa akin at sumiksik sa gilid ng sofa. Bakas sa mukha nito ang takot at sakit dahil sa bugbog na natamo nito mula sa kung sinong hereduris na iyon. Tumayo ako at iniwan ito sandali. Kumuha ako ng tubig at ipinainom iyon kay Abby. Hinayaan ko siyang umiyak ng ilang sandali pa. At nang makita kong medyo kumalma na ito ay saka ako muling nagtanong kung sino ang may gawa nito sa kanya. Mas lalo akong nanggalaiti nang malaman ko na isang customer sa club ang gumawa nito sa kanya. Ayon kay Abby, ayaw na niyang magpagamit sa lalaking bumili sa kanya para sa gabing iyon pero pinilit siya nito. At nang pumalag nga siya ay ito ang mapait na sinapot niya sa hayp na iyon. "Kilala mo ba kung sino ang lalaking iyon?" Umiiyak na umiling ito sa akin. Marahan kong hinawakan ang nanginginig nitong mga kamay ngunit kaagad nitong binawi iyon kasabay ang impit na daing. Kunot-noong binawi ko ulit ang kamay nito at halos humiyaw ito sa sakit dahil doon. Hindi ko na siya hinintay na makatutol, basta ko na lamang itinaas ang manggas ng jacket na suot nito para lang mapasinghap ako sa aking nakita. "Sh*t!" Muling nagngalit ang mga ngipin ko. "Who's that fvcking bastard, Abby! Tell me!" Nanginginig ako sa galit, ang laki kasi ng paso ni Abby sa braso nito, sa bandang ilalim ng kilikili nito. Mariing sinuri ko ang paso nito at malakas ang kutob ko na hindi lang iyon basta pinaso. "S-Shana..masakit.." Patuloy na umagos ang mga luha nito. "Who did this to you? Do you know him?" "Shana...baka patayin nila ako.." "Nila?" "Shana.. paulit-ulit nila akong binaboy. Pinagpasa-pasahan nila ako.. Ang dumi-dumi ko na.." Mariin akong pumikit, saka nagpakawala ng buntong-hininga. Galit na galit ako ng mga sandaling iyon ngunit kailangan kong kumalma. Hindi ako puwedeng magpadalos-dalos sa mga kilos ko dahil walang sino man ang puwedeng makaalam na undercover agent ako. Hindi ko puwedeng sirain ang misyon na ito dahil sa galit sa mga letseng nilalang na iyon. Sisiguraduhin kong magbabayad sila nang mahal dahil sa mga kahayupan nilang lahat. "Saan pa ang masakit, Abby? May iba ka pa bang paso maliban dito?" Tiim-bagang na tanong ko. Lumuluhang tumango ito, saka mariing pumikit. Halata ang iniinda nitong sakit sa iba't ibang bahagi ng katawan. "Oh my goodness!" Natutop ko ang aking bibig nang tumalikod ito at itaas ang suot na jacket kasama ang damit panlooob. "Damn it!" Malutong na pagmumura ko nang tumambad sa akin ang puro paso nitong likod at mga kulay pulang marka na halatang hinataw ng matigas na bagay. Nangilid ang mga luha ko dahil sa matinding awa para kay Abby. Every woman does not deserve to be tortured like this. Wala akong sinayang na sandali. Mabilis akong tumayo, saka inalalayang makatayo si Abby. "Shana..." "Let's go. I'll bring you to the hospital." Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon para makatutol. Inalalayan ko siyang maglakad palabas ng apartment ko. Muli kong itinaas ang kamay ko para makita ni Marco iyon. Nang alam kong nakita na nito ang senyas ko ay kaagad kong pinara ang taxing dumaan. "Manong, sa hospital po tayo," sabi ko habang mahigpit na yakap si Abby. Buong biyahe ay tahimik lamang itong umiiyak habang ako ay hindi na mapakali. Nang makarating sa pinakamalapit na hospital ay kaagad kong tinulungan si Abby na makababa ng taxi. Patakbo akong lumapit sa entrance at kumuha ng wheelchair na naroon. Pinaupo ko si Abby doon at puno ng pagmamadaling tinulak ang wheelchair papasok ng hospital na iyon. Kaagad itong inasikaso ng mga doktor sa loob ng emergency room. Pinalabas muna nila ako, hindi naman na ako nagmatigas dahil alam kong nahihirapan na si Abby. Habang nasa labas ng emergency room ay hindi ako mapakali. Napahilamos na lamang ako sa mukha ko dahil sa galit. Sandali akong natilihan at tumingin sa paligid ko nang mahulog sa semento ang pekeng nunal na nasa mukha ko. Tumingin muna ako sa paligid ko bago yumuko para kunin iyon. Nang makuha ko iyon ay pasimple ko iyong itinapal sa pisngi ko kung saan nakalagay. Nakahinga ako ng maluwag nang maibalik ko na ang pekeng nunal na iyon. Nang mapagod sa kakaparoo't parito ay umupo muna ako sa upuang nasa waiting area. "Masakit! Masakit...!" Mabilis akong napatayo nang marinig ko ang malakas na hiyaw ni Abby mula sa loob. "Ayoko na, masakit!" Muling nangilid ang mga luha ko dahil sa hiyaw nito at paulit-ulit na pagmamakaawa na tama na raw. "Smith, where are you?" Anang boses mula sa earpiece na nasa kaliwang tainga ko. Pasimple akong tumingin sa paligid kung may nakatingin ba sa akin. "Smith." "Hospital. I'll talk to you later." Pabulong na sabi ko. Nang may dumaang Nurse sa harapan ko ay nagkunwari akong nagkakamot ng ulo ko. Pasimple kong tinakpan ng wig ko ang tainga ko. Though, wala namang makakapansin na earpiece ang mukhang piercing na suot ko. Ilang sandali pa ako sa labas ng emergency room nang sa wakas ay may lumabas na Doktor. Kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya. "Kumusta po siya?" Malungkot na ngumiti ang babaeng doktor. "I'm sorry for what happened to her. Nakakalungkot na naranasan niya ang ganoong klaseng torture. Ang lalalim ng mga sugat niya sa katawan." "Okay lang ba siya?" What will happen to her, Doc?" "Are you related to the patient? I need to discuss some of our findings about her." "I'm her friend." "I'm sorry but I need to speak with her family, preferably her parents." "There's no need. Just tell me what will happen to her. Her family was not here because they were in the province." "But--" "Are you going to tell me or what?" Bahagyang tumaas ang boses ko. Narinig ko ang pagtawa ni Marco mula sa kabilang linya. "I'm waiting, Doc." "Follow me." Utos nito at wala naman akong sinayang na sandali dahil mabilis na akong sumunod dito hanggang sa loob ng isang kuwarto. "Sit down." Umupo naman ako at matamang nakinig nang simulan na nitong sabihin ang kalagayan ni Abby. Awtomatikong naikuyom ko ang mga kamao ko na nasa ibabaw ng kandungan ko nang marinig ang kalagayan ni Abby. Nalaman ko na bukod sa mga pasa at paso nito ay may nabali rin sa tagiliran nito. "Masyadong malalim ang sugat niya sa likod kaya kailangan naming kumuha ng laman sa ibang bahagi ng katawan niya para mailagay sa likod niya." Tiim-bagang na tumango ako. "Gawin ninyo ang lahat para gumaling siya, Doc. Don't worry about the cost, I will pay for it." Kaagad namang sumang-ayon ang doktor, saka sinabing sila na ang bahala kay Abby. Bago ako lumabas ng opisina nito ay may ibinigay itong reseta ng mga gamot na bibilhan ko para sa pasyente. Kailangan daw mainom ni Abby iyon kapag nagising na mamaya. Nalaman ko rin na tinurukan nila ng pampatulog si Abby para mabawasan ang paghihirap nito dala ng mga tinamo sa katawan. "Whoever you are, I will make sure you pay for what you did. Hide now, because I'll find you no matter where you are!" Kuyom ang mga kamao na pumunta ako sa bilihan ng gamot, dito rin sa loob ng hospital. Hindi ko nabali lahat dahil kulang ang cash na dala ko. Hindi ko puwedeng gamitin ang ATM card ko dahil si Shana ako habang nasa misyong ito. Walang bakas na ako si Trisha Smith habang nasa maselang misyon na ito. Kaya halos hindi ako nakikipag-usap sa sino man sa pamilya ko dahil mahigpit na ipinagbawal ni Mr. Alvarez, para na rin sa safety ng pamilya ko. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit hindi na ako madalas magpakita sa mag-iina ni Tine. Hindi ko muna sila puwedeng lapitan habang hindi pa tapos ang kasong hawak ko ngayon. Hindi ko gugustuhing may mapahamak isa man sa mga taong mahalaga sa akin. Awtomatikong huminto ang mga paa ko nang maramdaman kong may mga matang nakatingin sa akin. Kaagad kong hinanap kung sino iyon at hindi ako nabigong makita ang nagmamay-ari ng mga matang iyon. Sila na naman? Piping usal ko sa isip ko nang makita ang dalawang lalaki na nakita ko sa convenience store kagabi. Malawak ang ngiti ng isa sa dalawang lalaki. Kumaway pa ito sa akin habang ang isa naman ay titig na titig sa akin ng mga sandaling iyon. Seryoso ang mukha nito at hindi kagaya noong isa na halos makita na ang gilagid sa sobrang pagngiti. "Sinusundan ba nila ako?" Naisatinig ko. Patatlong beses ko na silang nakita, una sa club. Pangalawa, sa convenience store at pangatlo dito sa hospital. Is it just a coincidence, or are they really following me? Tanong na nabigyan ng kasugatan nang subukan kong maglakad at sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong sumunod sa akin ang isa sa kanila. Nang lumingon ako ay huminto ang lalaking ngiting-ngiti. Nasa likuran nito ang kasama nitong guwapo at matangkad na lalaki. At aaminin kong naghuhumiyaw ang angking kaguwapuhan nito. "Sinusundan niyo ba ako?" Diretsang tanong ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila. Humakbang ako ng tatlo palapit sa mga ito. "Anong kailangan niyo sa akin?" Tumikhim ang ngiting-ngiting lalaki, saka naglahad ng kamay. Tinaasan ko lamang ito ng kilay at hindi nag-abalang abutin ang nakalahad nitong kamay. Napahiyang binawi nito ang sariling kamay at inilagay iyon sa gilid nito bago nagpakilala sa akin. "I'm Ralph," nilingon nito ang kasamang lalaki. "And this is Ivan, a good friend of mine." Hindi naman ako nagsalita. Palitan ko silang tiningnan. "And you are?" Tanong ng nagpakilalang Ralph. "Hey, gorgeous!" Tawag nito nang talikuran ko na. Nagahol pa ito sa pagsunod sa akin. Napangiwi ito nang pagharap ko ay makitang seryoso ang mukha ko. "Gusto ka lang makilala ng kaibigan ko--,ouch!" Reklamo nito nang beltukan ng kaibigan daw nito. Masama nitong tiningnan ang huli. "Bakit ba? Totoo naman na gusto mo siyang makilala, eh." "Baka ikaw, hindi ako, Ralph. Stop using me kung gusto mo siyang makilala," asik nito. "Anong ako, ikaw kaya!" Tanggi nito. "I'm not. She's not my type. You knew who my ideal woman is." Lihim akong napaismid sa tahasang sinabi nito. Alam kong akala niya ay mababang uri ako ng babae, but who cares. "Huwag mo na lang pansinin ang sinabi ng kaibigan ko, Miss gorgeous. Nahihiya siyang aminin sa iyo na ikaw na ang type niya ngayo--,Ouch!" Bineltukan na naman ito ng kasama nito. "Totoo naman, ah. Nagyayaya ka pa ngang bumalik sa club mamayang gabi, 'di ba?" Nakangising tanong nito sa kasama. Pulang-pula ang mukha ng lalaking Ivan ang pangalan at hindi makatingin sa akin nang diretso matapos ibuking ng kaibigan nito. Not your type pala, huh? "So, puwede ka ba naming makilala, Miss Gorgeous?" Humakbang pa ito ng dalawa palapit sa akin habang ang kaibigan ay nanatili sa kinatatayuan. "Sige na, pangalan lang. Gustong malaman nitong kaibigan ko ang pangalan mo. You know, baka mapadalas ang pagkikita natin." "Sisi." Sabi ko na ikinatanga nito. "Sisi?" Waring naguguluhang tanong nito. "Anong sisi?" "Sisipain kita kapag hindi ka tumigil sa kakasunod sa akin." "Ohh," napa-ohh ito nang mahaba, saka dahan-dahang umatras palayo sa akin. Tinawanan ito ng kasama nito. "Kuha mo naman. Pa-gorgeous-gorgeous ka pa, huh?" Nakangiting tumingin ito sa akin, saka kumaway habang patuloy na umaatras. "Bye, Sisi!" Naiiling na pinuntahan ko na si Abby dala ang gamot na binili ko. Habang pabalik ay narinig ko ang kantiyaw ni Marco sa kabilang linya. Naka-on kasi ang earpiece na suot ko kaya malamang narinig niya ang usapan kanina. Men will always be men. Tss!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD