Chapter 8

2047 Words
TRISHA "KUMUSTA na ang pakiramdam mo?" Tanong ko kay Abby nang magising na ito. Ayon kasi sa Doktor nito ay kinailangan nilang turukan ng pampatulog si Abby para kumalma muna ito, at para na rin maibsan ang sakit na nararamdaman nito ngayon. Kaagad akong nag-iwas ng tingin nang makita kong mangilid na naman ang mga luha nito. "S-Shana, ayoko nang bumalik doon. Baka hindi na ako makalabas ng buhay sa susunod. Ayoko na..." Tumingin ako rito nang hawakan nito ang kamay ko. "Abby." "Huwag ka ng babalik doon," anito na may kasama pang iling. "Huwag mong sirain ang buhay mo. Hindi ka na makakaalis kapag itinuloy mo pa ang pagpasok doon. Nakatakas lang ako kaya nakauwi pa ako ng buhay, Shana pero alam kong ano mang oras ay hahanapin nila ako at papatayin." Ang mahina nitong iyak ay nagkaroon na nang tunog. Ilang sandali ko siyang hinayaang umiyak sa harap ko. Wala siyang kaalaman-alam na sa mga sandaling ito ay may mga tauhan na si Boss Alvarez na nakabantay sa labas ng hospital para sa proteksyon niya. Kung sino man ang magtangka sa kanya ay tiyak na may paglalagyan sa mga tauhan ni Boss Alvarez. Mugto ang mga mata nang tumigil na ito sa pag-iyak. Malungkot ko siyang nginitian. "Magpahinga ka na, Abby." Muli nitong hinuli ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Bakas ang pakiusap sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. At alam ko kung para saan ang pakiusap na iyon. "Huwag mo akong alalahanin, Abby. Kaya ko ang sarili ko, hindi ako mapapahamak sa kamay nila." Pabulong na sabi ko dahil mula sa loob ng emergency room na kinaroroonan namin ay may isang lalaking nurse na pumasok. Malakas ang kutob ko na hindi siya tunay na nurse. Sa sulok ng aking mga mata ay nakita ko siyang lumapit sa isang pasyenteng naroon. Malapit sa puwesto namin ang pasyenteng nilapitan nito at alam kong nakikinig siya sa usapan namin. Sinenyasan ko si Abby na sakyan lang ang bawat sasabihin ko, mukhang na-gets naman niya kaagad ang ibig kong sabihin kaya tumango-tango ito habang nangingilid pa rin ang mga luha. "Magpagaling ka na, Abby para makapasok ka na sa trabaho natin." Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ng nurse kuno na alam kong nakikinig na ngayon. "O-Oo naman. Pagagalingin ko lang ang mga sugat ko tapos papasok na ulit ako roon." Pagsakay nito sa sinabi ko. "Saan mo ba kasi nakuha ang mga sugat na iyon, ha?" Sinenyasan ko itong huwag sasabihin ang totoo. Mukhang na-gets naman nito iyon. Sumigok muna ito bago nagsalita. "Papauwi na ako galing sa trabaho ko kanina nang may makasalubong akong mga adik, Shana. P-Pinagtripan n-nila ako." "Nakilala mo ba ang mga adik na iyon? Para puwede natin silang isumbong sa mga pulis." "H-Hindi, Shana eh. M-May ini-spray sila sa mukha ko para siguro mahilo ako. H-Hindi ko nakilala ang mukha ng mga adik na gumawa sa akin nito." Naglandas na naman ang mga luha nito. Nang makita kong lumayo na ang nurse na iyon ay pinatigil ko na rin ito, at kinausap na lang ng kung anu-ano habang nasa loob pa rin ng emergency room ang pekeng nurse na iyon. Mula sa earpiece na nasa tainga ko ay narinig ko ang boses ni Marco Cameron. "Be careful, Snow. May mga matang nakamasid sa inyo." Sa grupo namin ay snow ang code name ko habang ito naman ay Wind. "May mga nakabantay na rin sa labas, pinadala ni Boss. Alerto ka na lang dahil hindi bastang mga tao ang tinakasan ni Abby. Hindi puwedeng masira ang mga plano natin dahil tinulungan mo siya," paalala nito. Tumikhim ako para ipabatid sa kanya na narinig ko ang mga sinabi niya sa akin. Kung anu-ano pa ang bilin ni Wind sa akin bago tinapos ang pagsasalita. Muli kong kinausap si Abby at sinadya kong tungkol sa pamilya nito ang pag-usapan namin. Naroon pa rin kasi ang pekeng nurse at alam kong nakikinig pa rin siya sa amin. Nang pumasok ang Doktor ni Abby ay ipinaliwanag nito ang gagawing surgery sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nito para ipabatid na hindi ko siya pababayaan. Alam kong pambayad sa hospital ang inaalala nito kaya nagkaroon ng alinlangan sa mukha nito. "Pumayag ka na, Abby para mabilis gumaling ang mga sugat mo. Huwag kang mag-alala, makikiusap ako kay Madame Lucy na kunin ko na ang sahod ko kahit kasisimula ko pa lamang para makatulong sa iyo." Sinadya ko ulit lakasan iyon dahil nakikinig ang pekeng nurse na iyon. Tumanggi si Abby noong una at nakikiusap ang mga mata ngunit sa huli ay pumayag na rin siya para sa surgery niya. Wala namang sinayang na sandali ang Doktor dahil kaagad nitong ini-schedule ang surgery kay Abby ng araw ring iyon. Sinamahan ko si Abby hanggang sa labas ng operating room. Hindi ko siya iniwan dahil nakita ko na bukod sa pekeng nurse ay dalawang lalaki pa ang namamatyag kay Abby. Nang matapos ang surgery ni Abby ay inilipat na rin ito sa isang kuwarto matapos magising. Hapon na iyon at hindi ko alam kung paano ako papasok sa club gayong naroon pa rin ang mga namamatyag kay Abby. Habang natutulog si Abby ay pumasok ako sa banyo para kausapin si Wind. "Kailangan mo ng umalis diyan, Snow. May pasok ka sa club mamaya." "I know, pero hindi ko puwedeng iwan si Abby dito." Pabulong na sabi ko rito. "Si Boss na ang bahala riyan, Snow. Umuwi ka na at mag-ayos ng sarili mo." "But--" "C'mon, Snow. Mas kailangan ka sa club ngayon." Isang buntong-hininga ang ginawa ko at pumayag na rin. Matapos naming mag-usap ni Wind ay lumabas na ako ng banyo. Tulog pa rin si Abby ng mga sandaling iyon. Isang sulyap pa ang ginawa ko rito bago tuluyang lumabas. Tiwala ako sa mga tauhang pinadala ni Boss kaya alam kong walang masamang mangyayari kay Abby habang nagpapagaling. Nang makalabas mula sa kuwarto ni Abby ay napangiti ako nang makita ang isang lalaking nakaupo sa di-kalayuan mula sa akin. Nakita ko ang senyas nito kaya batid kong tauhan iyon ng boss ko para bantayan si Abby. Nang dumaan ako sa harap nito ay kaagad ko siyang kininditan. Nakuha naman nito ang ibig kong sabihin dahil kininditan din ako nito. Kampante na akong iwan si Abby dahil alam kong walang mangyayari sa kanyang masama. Kailangan namin siyang tulungan dahil malaki ang magiging partisipasyon niya sa kasong ito. Nang makalabas sa hospital na iyon ay kaagad na akong nag-abang ng masasakyan pauwi. Hindi naman nagtagal ay may dumaang taxi sa harap ko. "Saan po tayo, Ma'am?" Tanong ng driver at humarap sa akin. Nagulat ako nang makita si Wind sa driver's seat. "Saan mo naman nakuha ang taxi na 'to?" Natatawang tanong ko sabay sapok sa ulo nito. "Para saan iyon?" Nakasimangot na tanong nito. "Wala lang, gusto lang kitang sapukin, bakit ba?" "Ang ganda nga, may saltik naman," bulong nito na narinig ko rin naman. Nang hindi na ako nagkomento ay mabilis na nitong pinasibad ang taxing minamaneho nito. Makalipas ang ilang sandali ay nasa tapat na nga ako ng apartment na tinutuluyan ko. "Wait for me. We need to talk," ani Wind nang pababa na ako. "Yeah." Pagkasabi ko niyon ay bumaba na ako at tuloy-tuloy na pumasok sa apartment ko. "Sh*it!" Malakas akong napamura nang sumalubong sa akin ang hitsura ng apartment ko. Kalat-kalat ang mga gamit at tila binaligtad iyon sa sobrang gulo. Alistong iginala ko ang mga mata ko sa paligid. Pinakiramdaman ko kung may tao pa ngunit makalipas ang ilang sandali ay wala naman. Patakbo akong pumasok sa kuwarto ko at marahas akong napahilamos nang makita rin ang hitsura ng kuwarto ko. Kalat-kalat ang gamit ko. Ultimo mga damit ko ay nagkalat din sa sahig. "Sh*it!" Pagmumura ko habang nakatingin sa mga gamit ko. Mabuti na lamang at maingat ako all the time. Alam kong ang mga taong nasa hospital ang may kagagawan nito para alamin ang pagkatao ko. Well, sorry na lang sila dahil wala silang makukuha sa akin. Naiiling na nagpakawala ako ng sunod-sunod na buntong-hininga. Stress na inayos ko ang mga nagkalat kong mga gamit. "Huwag na huwag kayong magpapakita sa akin dahil hindi ko kayo sasantuhin." Naisatinig ko habang inaayos ang kuwarto ko. Mayamaya nama'y naramdaman kong may pumasok sa kuwarto ko. Si Wind ang pumasok. Mukhang alam na nito ang nangyari sa loob ng apartment ko dahil wala man lang mababakas ng gulat at pagtataka sa mukha nito. Walang salitang tinulungan niya akong magligpit ng kalat hanggang sa sala ng apartment na iyon. Nang matapos kami ay niyaya ko siya sa kusina para kainin ang dala nitong pagkain. Alam daw kasi nitong marami akong tatrabahuhin kaya nagdala na siya ng pagkain ko. Kapuwa tahimik na pinagsaluhan namin ang pagkaing dala nito. At nang matapos ay nanatili pa rin kami sa kusina at doon nag-usap nang masinsinan. "Be careful, Snow. Iisang gabi ka pa lamang sa Apo King pero nagawa na nilang halughugin ang apartment mo. Huwag kang mas'yadong dumikit at magpakita ng concern kay Abby dahil hindi ka nila titigilan." "What do you want me to do, Wind? Pabayaan ko siyang patayin ng mga hayp na iyon? Nasa harap ko na ang sagot sa misyong ito, hahayaan ko pa bang makawala iyon?" Iritang tanong ko. "No, of course not. What I mean is stay away from Abby as much as possible." "Oh, eh 'di pababayaan ko nga siya!" "No. Puwede mo siyang tulungan pero hindi mo kailangang ipakita iyon. Can't you see? Tinulungan mo lang siyang dalhin sa hospital pero nakita mo na ang nangyari? Hinalughog nila ang apartment mo dahil iniisip nilang may makukuha sila sa iyo. Snow, please?" Natahimik naman ako sa sinabi nito. Gets ko rin ang ibig nitong sabihin ngayon. "Hindi mga basta-bastang tao ang binabangga natin sa kasong ito, Snow. Nang tanggapin natin ang kasong ito alam na natin kung gaano ito kadelikado. I trust with your determination and capabilities of this mission, but please, stay away from Abby. Para sa misyong ito, Snow, you have to do that." May kasama pang iling na pakiusap nito. Napabuga ako ng hangin bago napilitang sumagot. "I will." Tila nakahinga naman ito nang maluwag sa sinabi ko. "Okay, good." "Pasensya ka na, Marco, kung muntik ng masira ang misyong ito dahil sa akin. Hindi ko lang napigilang maawa kay Abby. Grabeng tortured ang nangyari sa kanya. Mga halang ang kaluluwa ng mga hayp na iyon! They're not human! Mga hayp sila, Marco!" Gigil na nakuyon ko ang mga kamao ko. "Chill, Smith. Bibigyan natin ng justice si Abby at ang mga babaeng pinatay nila. Kaya nga tayo narito sa misyong ito, 'di ba? Just chill and focus." Paalala nito bago tumayo. Kumuha ito ng tubig sa refrigerator at inabot sa akin. "Thank you." Tinanggap ko iyon sabay lagok. "What?" Asik ko rito nang mapansin na titig na titig ito sa akin. "Nakalimutan kong itanong kanina, sino pala iyong dalawang lalaki na palagi kong nakikita na nakasunod sa iyo?" Kumunot ang noo ko. "Sino?" "Iyong dalawang lalaking kausap mo sa hospital kanina." "Ah, wala iyon. Mga lalaking gusto ng aliw." Sagot ko nang maalala ang dalawang tukmol na iyon. "Sa tingin mo?" "Yeah, nasa club sila kagabi. Siyempre, mga lalaking naghahanap ng aliw. Akala siguro nila papatusin ko sila porke mga guwapo at halatang mapera." Kumunot na naman ang noo ko nang makita ko ang ngisi nito. "What?" Iritang sabi ko. "Guwapo iyong isa sa kanila. Kagaya niya ang tipo mong lalaki, hindi ba? Matangkad, moreno, guwapo at mukhang masarap." "Gago!" Malakas ko itong binatukan dahil sa huling sinabi nito. "He's not my type, Marco, huwag kang echosero." Tumayo na ako at iniwan ito sa kusina. Sumunod ito at hindi ako tinigilan tungkol sa isa sa dalawang lalaki na iyon. Lihim akong napakagat-labi nang sumagi sa isip ko ang hitsura ng lalaking tinutukoy ni Marco. Literal na tall, dark and handsome ang dating. My type, yeah? Pero sa klase ng trabaho na mayro'n ako ngayon, imposibleng magustuhan niya ako. Sabi nga niya kanina hindi ako ang tipo niyang babae. Well, I understand naman. Sino ba ang lalaking ganoon kaguwapo ang magkaka-interest sa babaeng kagaya ko? Suntok sa buwan na lang kung mayro'n ngang seseryoso sa akin habang nagtatrabaho bilang taga-aliw sa mga lalaking iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD