Chapter 3

2965 Words
Chapter 3 MATAPOS Naming makarating sa opisina ay dumiretso na ako sa boss ko. Kailangan kong makipag-usap dito para pag-usapan ang nangyari sa lakad ko kagabi. Dalawang sunod na katok ang ginawa ko para ipagbigay-alam na nandito na ako sa labas. "Come in," rinig kong sabi ng boss ko. Maingat ko namang pinihit ang seradura at saka mabagal na itinulak pabukas. "Good morning po, Sir," magalang na bati ko kasabay ng isang saludo. Sumaludo rin naman ni Boss sa akin. Si Mr. Raul Alvarez ang president ng aming grupo. Dati ay si Daddy ang namamahala ng Black Secret Organization pero dahil nag-retired na ito, kaya si Sir Raul ang pumalit sa puwesto ni Daddy. "Sit down, Ms. Smith," utos nito. Masunurin naman akong sumunod dito. Umupo ako sa katapat nitong upuan. "We'll start in 5 minutes, Marco isn't here yet, he's your partner in this case, Ms. Smith," sabi nibMr. Alvarez habang inaabot sa akin ang folder. "While waiting for your partner, take a look at this profile." Magalang ko namang kinuha iyon sa kamay nito at saka pinag-aralan. Habang pinag-aaralan ko ang kaso nang makarinig ako ng katok. "Come in," utos ni Mr. Alvarez. Bumukas naman ang pinto at iniluwa niyon si Marco ang magiging ka-partner ko sa kaso. Kagaya ko kanina ay sumaludo rin ito sa aming matikas na Boss. "Sit down, Mr. Cameron," utos nito kay Marco. Sumunod naman si Marco at umupo sa tabi ko. Seryoso ang mukha nito na nilingon ako at saka kiming tumango. Tumikhim muna si Mr. Alvarez para kunin ang atensyon namin ni agent Marco. "Tulad ng mga naunang plano, na kung hindi masasakote si Cong. Sueta ay aabante tayo sa next plan. At iyon ay ang pumasok kang dancer sa club na iyon, Ms. Smith. Para mas makalapit ka sa ating target. At tulad ng plano kayo ni Marco ang magkasama sa misyong ito. Naniniwala ako sa kakayahan n'yo kaya kayong dalawa ang pinagsama ko sa kaso. Pero nasa sa inyo pa rin kung gusto n'yong umatras, walang pilitan sa team natin. So, now, do you really want to accept this case, Ms. Smith?" "Count me in, Sir!" buong kumpinyansa na sagot ko. Kilala ko ang sarili ko, at wala akong inaatrasang laban. Nakita ko naman ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi nito. "That's what I'd like to hear from you, Ms. Smith. You never let me down, every time I assign you to a case, you always say yes," may paghangang sabi naman nito. Ako naman ang napangiti sa sinabi nito. Ang makarinig ng pamumuri mula sa leader ng aming organization ay sobrang laking bagay sa amin. "Thank you very much for entrusting me with this case, Sir," sabi ko. "I always have faith in you, and each of you gave a fantastic performance," papuri pa nito. "Thank you, Sir," sabay na sagot namin ni Marco. Ngumiti lang naman ito sa amin at saka nagpatuloy sa pagdi-discuss ng mga plano para sa kaso. "Come closer," utos nito sa amin ni Marco. Mabilis naman kaming tumalima palapit dito. "This is the target place," wika ni Mr. Alvarez habang itinuturo ang isang bahagi ng mapa na naka-drawing sa white board. "Pagmamay-ari ng kapatid ni Cong. Sueta ang club na iyan." Tinuro nito ang bawat bahagi ng club na iyon na nasa mapa. "Gusto kong alamin mo Marco ang tamang paglabas at pagpasok sa club na iyan. Ayon sa ating asset ay isang red house iyan. May basement ang club na iyan at nandiyan ang mga babaeng kinukuha nila sa probinsiya para sapilitang gawing prostitute. At kalimitan na malalaking tao ang customer nila at isa na riyan ang target nating si Congressman Sueta. Ayon pa sa asset natin, kapag pumapalag ang mga babae ay doon sila nagdedesisyon na bawian ito ng mga buhay," mahabang paliwanag ni Mr. Alvarez. "Habang inaalam mo Marco ang pasikot-sikot sa mga posibleng daanan diyan ay si Trisha naman ang malayang makakapasok sa loob. She disguises herself as a dancer, and you can always keep an eye on her, Marco," dugtong pa nito. Habang nagpapaliwanag ito sa amin ay mataman lang kaming nakikinig dito. Tumatango lang kami sa bawat sabihin nito. "And Trisha, always protect yourself from our target. Naniniwala akong makakalapit ka sa target natin as soon as possible." Kung ano-ano pa ang mga bilin at paalala nito sa amin. "Kailangan nating masilo ang target! Is that clear?!" matikas nitong tanong. "Yes, Sir!" sabay na sagot namin ni agent Marco. "Good! And since kayong dalawa ni Trisha ang naatasan kong humawak sa kasong ito, sa palagay ko'y magiging matagumapay ang team-up n'yo. Alam ko naman na pagdating sa ganitong kaso ay pareho kayong maaasahan." "Yes, Boss!" nasisiyahang sabi ni Marco sabay sulyap sa akin. "Alam ko po kung gaano kagaling na agent si Trisha, kaya siguradong magtatagumpay po kami, Sir," sagot naman ni Marco sabay siko sa tagiliran ko. Napangiti naman ako. Alam kong malaki ang maiitulong sa akin ni Marco sa kaso. At alam ko rin kung gaano ito kagaling sa trabaho. "So, okay na tayo?" pagkuwa'y wika ni Mr. Alvarez matapos muling iabot sa amin ang folder na naglalaman ng mga kailangan naming files para mas pag-aralan pa iyon. "Yes, Sir!" sagot ko naman. "Okay, and one more thing Trisha kailangan mong mag-rent ng apartment malapit sa club. Hindi ka puwedeng umuwi sa bahay mo o ng mga magulang mo habang nasa club ka." "Okay, Sir!" mabilis na sagot ko. "Hindi mo na po-problemahin ang apartment dahil may nakuha na kami. Kailangan mo na lang pumunta ro'n para dalhin ang gamit mo," imporma pa nito. "Okay, Sir!" "And about your work. Settled na rin ang lahat. Malaya ka nang makakapasok sa club na iyon, as a dancer." "Okay, Sir!" Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Agent Marco. "Are you ready, guys?" "Yes, Sir!" sabi ko sabay saludo. "Okay, good luck sa inyong dalawa," sagot nito at saka sumaludo na rin. , , ILANG sandali pa, magkasama na kami ni Marco sa isang kotse. Diretso na kami sa apartment na titirhan ko pansamantala. "Iyan ang apartment mo, Sha," wika ni Marco nang makarating kami sa harap ng apartment. "Oh, mag-isa akong titira d'yan?" tanong ko rito. "Yeah, hindi tayo puwede na magkasama d'yan. May ibang apartment na kinuha si Mr. Alvarez para sa akin." "Ohh, Okay." Bumaba na ako sa kotse at saka naglakad palapit sa apartment. Nasa akin na ang susi kaya naman mabilis akong nakapasok sa loob. Nagpalinga-linga ako para bistahan ang titirhan ko at mukha naman iyong maayos at alaga sa linis. "Dito ka titira habang nasa misyon tayo, Sha. Don't worry malapit lang ako rito kaya madali kitang mapupuntahan kapag kailangan mo ng resbak," wika ni Marco. Humarap ako rito at saka ngumiti. "Thanks," sagot ko naman. Parang batang ginulo nito ang buhok ko. "You're welcome. Mag-iingat ka sa loob ng club, ha? Kung ikaw puwedeng maglabas-pasok do'n, ako hindi. Kaya doble ingat ka, okay?" paalala pa nito sa akin. "Yeah! Thanks, Marco," puno ng sinseredad na sabi ko. "No problem. So, paano? Aalis na ako, ha? Hindi ako puwedeng magtagal dito. Kailangan ko na ring ayusin ang mga gamit ko," sabi nito at naglakad na palapit sa pinto. "Salamat at ingat ka," bilin ko rito nang tuluyan ng makalabas ng pinto. Ngumiti naman ito at tumango. Pagkatapos niyon ay walang lingon-likod na umalis na ito. Nang makita kong umalis na ang kotse ay saka ko pa lang isinara ang pinto at saka muling sinuyod ang bahay na titirhan ko. Mukhang handang-handa si Mr. Alvarez dahil maayos na ang bahay at kumpleto ang mga kagamitan. Matapos kong libutin ang bahay ay napapagod na umupo muna ako sa pang-isahang upuan. Isinandal ko ang ulo ko at saka pumikit. Hindi pa ako natatagalan sa puwesto ko nang makarinig ako ng katok sa pinto ng bahay ko. Sa pag-aakalang si Marco iyon ay mabilis akong tumayo at lumapit sa pinto. "Hi!" bungad sa akin ng taong kumatok. "Hello," ganting bati ko sa babaeng nasa harapan ko ngayon. Kung pagbabasehan ang mukha nito ay mukhang bata pa ito at maganda rin ito. "Puwede ba akong pumasok?" tanong nito. Hindi ko alam kung patutuluyin ko ba ito o hindi, lalo pa at hindi ko naman ito kilala. "Don't worry hindi ako masamang tao. Magkapitbahay lang tayo, diyan ako nakatira sa kabilang pinto," magiliw na sabi nito. "Nakita ko kasing bagong lipat ka kaya ito feeling close na ako. Boring kasing mag-isa eh," sabi pa nito. Mukhang hindi naman ito masamang tao kaya niluwagan ko ang bukas nang pinto para makapasok ito. At kung sakali man na masama nga itong tao kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko. "Pasok ka," sabi ko. Dire-diretso naman itong pumasok habang ang mga mata ay naging malikot. Sinuyod nito ang kabuuan ng apartment ko. "Thanks ha, ang ganda ng apartment mo kasing ganda mo," walang preno nitong sabi at saka feel na feel na umupo sa sofa ng bahay ko. Hindi na nito hinintay na alukin kong maupo. Nagkusa na talaga ito. Napapailing na lumapit ako rito. "Taga saan ka pala?" tanong nito. "Probinsiya," maikli kong sagot. Hindi dapat nito malaman na iba ang pakay ko sa lugar na iyon. "Saan? Taga probinsiya rin ako eh." Sandali akong nag-isip kug anong probinsiya ba ang sasabihin ko. "Saang probinsiya ka galing?" ulit na tanong nito. "Pampanga," iyon ang nasabi kong probinsiya. Wala akong ibang maisip eh. Sana lang tumigil na ito sa kakatanong. "Ay talaga ba? Sa Bicol naman ako. Ay siya nga pala anong pangalan mo?" "Shana." "Shana?" "Shana Mercado." Iyon kasi ang pangalan na nakalagay sa resume ko. Habang nasa misyon ay ako muna si Shana Mercado. Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo kong pangalan dahil labag sa patakaran ng aming grupo. Tumango-tango naman ito at saka inilahad ang kamay sa akin. "Ay ako naman si Abby. At dancer ako sa club d'yan sa malapit," sagot nito dahilan para matigilan ako. Dancer ng club? "Anong pangalan ng club?" biglang interesado kong tanong. "Sa Apo King Night Clubhouse," sagot nito. What a coincidence. Bigla akong nagka-interest na makipag-usap dito. Mukhang madaldal ang babaeng ito at marami akong makukuhang impormasyon dito. Lalo pa at sa iisang club pala kami magkakasama. Puwede akong makipagkaibigan dito, idagdag pang kapitbahay ko rin ito. "Dito ka lang, ikukuha lang kita ng maiinom," bigla ay sabi ko. "Sure," sagot nitong halatang tuwang-tuwa sa sinabi ko. Mabilis naman ang kilos ko na pumunta sa kusina ko at ikinuha ito ng maiinom. Puno ang loob ng refrigerator ng kung ano-anong pagkain at inumin. Mukhang takot si Boss na magutom ako, ah. Agad akong bumalik sa maliit na sala para balikan si Abby. Naabutan ko itong prenteng nakaupo habang nakataas ang isang paa. "Uminom ka muna." sabi ko sabay abot ng juice rito. "Salamat, Shana," nakangiting sabi nito. Kiming ngumiti naman ako at saka ito tinanguan. "Alam mo ang ganda mo, saan ka nagtatrabaho?" tanong nito habang umiinom ng juice. Umupo ako sa katapat nito. "Salamat, sa Apo King Night Clubhouse rin ako. Katunayan niyan, mamayang gabi ang unang gabi ko ro'n," sagot ko. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata nito habang nabitin sa ere ang basong tangan nito. "Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Oo," Ibinaba nito ang baso sa lameseta at saka ako tinitigan nang mabuti. "Hindi nga?" "Oo nga." "Grabe, parang bigla akong kinabahan sa 'yo," sabi nito habang nakangiti pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. Napansin ko ang pagiging uneasy nito sa sinabi ko. "Bakit naman? Harmless naman ako ah," sagot ko na ikinasimangot nito. "Gaga, hindi iyon ang ibig kong sabihin." "Ano pala ang ibig mong sabihin?" tanong ko rito. Lalo naman itong sumimangot habang titig na titig sa akin. "Abby--" "Aagawan mo ako ng limelight, eh." putol nito sa dapat ay sasabihin ko. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Limelight? "Ha?" "Mawawala ako sa limelight kapag pumasok ka ro'n. Kasi sigurado akong sa 'yo mapupunta lahat ng atensiyon nila. Lalo na iyong mga parokyano na mahilig sa magaganda." Natawa naman ako sa sinabi nito. "Ano ka ba? Hindi ko naman gagawin iyon, kapag bet mo hindi ko kukunin ang atensiyon. Ang gusto ko lang magkaroon ng pagkakakitaan para makapag padala ako sa pamilya ko sa probinsya," sagot ko naman. Ang panghahaba ng nguso nito ay napalitan ng isang ngiti pero kagaya kanina hindi iyon umabot hanggang sa mga mata nito. Mukhang madali kong makukuha ang loob nito. At kailangan ko ng bagong kaibigan dahil sa misyon ko. At mukhang si Abby ang makakatulong sa akin para mas marami akong malaman sa mga kaganapan sa Club na iyon. "Okay ka lang?" hindi ko napigilan na magtanong dahil bigla itong tumahimik. Sa halip naman na sagutin nito ang tanong ko, ay tumayo ito at lumipat sa tabi ko, pagkatapos ay hiniwakan ang kamay ko. Napatingin ako rito dahil sa ginawa nito. "Bakit?" kunot-noo kong tanong. "Sure ka talagang papasok ka sa Club?" "Oo naman," sagot ko. "May panahon ka pa para umatras, Shana. Hindi mo alam ang kalakaran sa Club na iyon. At hindi ko ito sinasabi sa 'yo dahil takot akong maagawan ng limelight, sinasabi ko ito sa 'yo kasi sayang ka," mabait na sabi nito. Titig na titig ako rito habang nagsasalita. "Anong ibig mong sabihin, Abby?" painosente kong tanong. Bumuntong-hininga naman ito bago nagsalita. "Masisira lang ang buhay mo sa Club na iyon, Shana. Kapag pumasok ka ro'n, mahihirapan ka ng makalabas. Kahit ayaw mo na hindi ka na makaka-ayaw. Kaya please, pag-isipan mong mabuti ang gagawin mo. May ilang oras ka pa bago magdesisyon. Huwag kang gumaya sa akin, waitress ang ini-applied ko dati pero sa pagbebenta ng katawan napunta ang trabaho ko. Kahit diring-diri na ako sa sarili ko, wala akong choice dahil kapag nagtangka akong umalis, buhay ko ang kapalit. Kawawa ang pamilya ko kapag nawala ako kaya pikit-mata kong tinutuloy ang trabaho ko. Kahit sukang-suka na ako sa ginagawa nila sa akin," sabi nito at hindi nakaligtas sa akin ang pag-agos ng mga luha nito. Mabilis nitong pinunasan iyon pero huli na dahil nakita ko na iyon. Bahagya itong tumalikod sa akin para itago ang sakit na bumalatay sa mukha nito. Tiim-bagang akong lumapit dito at hinawakan ito sa tag-kabilang balikat nito. Pinihit ko ito paharap sa akin. At tila may kamaong sumuntok sa dibdib ko ng makita kong tigmak sa luha ang magandang mukha nito. "Abby..." tawag ko sa pangalan nito. Nakaramdam ako ng awa para rito. Mukhang isa ito sa biktima ng mga illegal na gawain sa Club na iyon. At mukhang si Abby ang isang tao na makakatulong sa akin. "Makikinig ako," sabi ko pa. Lalo namang bumalong ang masaganang luha nito. Awang-awa ko itong niyakap at hinila palapit sa dibdib ko. Hindi ko pa ito ganap na kakilala pero ramdam na ramdam ko ang bigat na nasa dibdib nito. Ramdam ko iyong kagustuhan niyang magbagong-buhay pero hindi nito magawa sa takot na patayin. Hinayaan ko itong umiyak nang umiyak sa dibdib ko. Kahit pa nga basa na ng luha nito ang blouse ko. Puno ng simpatya na hinagod ko ang likod nito habang patuloy na umiiyak sa dibdib ko. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon at nang tila wala ng mailuha ay tumigil na ito. Parang nahihiya itong humiwalay sa akin at saka tumungo. Nakakaunawang tinapik ko ang balikat nito. Nakita kong medyo nahihirapan itong huminga kaya naman mabilis akong tumayo at kumuha ng tubig para rito. Bumalik ako sa sala na bitbit ang isang basong tubig at iniabot kay Abby. "Inom ka muna," sabi ko. Tinanggap naman nito iyon at tumingin sa akin. "Salamat, Shana." Tumango lang naman ako bilang sagot. Nang matapos itong uminom ay umupo akong muli sa tabi nito. "Okay ka na?" "Oo. Pasensya ka na, ha?" nahihiya nitong sabi. Nginitian ko naman ito dahilan para ngumiti rin ito. Pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata nito. "Okay lang. Kung gusto mong magsalita at magkuwento sa akin, okay lang. Magaling akong tagapakinig, Abby. Hindi kita huhusgahan, at isa pa puwede mo akong maging kaibigan since magkakasama na tayo sa trabaho simula mamayang gabi," sabi ko. Mabilis itong lumingon sa akin. Kita ko ang takot sa mga mata nito. "Tutuloy ka pa rin?" manghang tanong nito sa akin. Kiming ngumiti naman ako at saka tumango. "Bakit?" tanong ulit ni Abby. "Dahil kailangan ko ang trabaho, Abby." "Marami kang mahahanap na trabaho, na hindi kailangang masira ang buhay mo," tutol nito. "Hindi ako puwedeng umatras dahil naka-oo na ako. At isa pa gusto kitang makasama sa trabaho," matigas na sabi ko. Mukhang ayaw talaga ako nitong papasukin sa Club na iyon dahil nagsimula na itong magkuwento. Sinimulan nito ang kuwento mula umpisa hanggang sa kasalukuyan. Habang nagkukuwento ito ay kitang-kita ko ang bawat pagbalatay ng sakit sa mga mata nito. Mataman lang akong nakikinig sa mga sinasabi nito at lahat iyon ay nakatatak sa isip ko. Magagamit ko ang lahat ng sinasabi nito para mapadalali ang pagkaka-solve sa kasong hawak ko. Hinayaan ko itong magkuwento nang magkuwento. Hanggang sa matapos na nga ito at nagpaalam na sa akin na uuwi na dahil tutulog pa raw ito. Hinatid ko ito sa may labas ng pinto. Isasara ko na sana iyon ng lumingon ito sa akin. "Sana hindi tayo magkita sa Club mamaya, Shana. Sana nagbago ang isip mo pagkatapos ng mga nalaman mo mula sa akin. Sayang ang buhay mo kapag itinuloy mo ang pagpasok sa Club na iyon. So, please? Huwag ka ng tumuloy, ha?" malungkot na sabi nito at hindi na ako hinintay na sumagot dahil tinalikuran na ako nito. Pinanuod ko ito habang naglalakad papunta sa apartment nito. Abby, please accept my apologies. But you'll see me at the Club later. And I promise you that I will protect you and that you will regain your freedom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD