Chapter 2
Habang nasa daan kami papauwi ay panay ang iling at palatak ni Ralph. Mukhang hindi nito makalimutan ang nakita kanina. Well, kahit naman ako ay hindi mawala sa isip ko iyon.
"Minsan ka na nga lang ma-attract sa isang babae tapos mukhang bokya pa," ani Ralph habang nakatutok sa daan ang mga mata. Ito kasi ang nag-drive ng kotse nito dahil kaya pa naman daw nitong magmaneho.
"Hindi nga sabi ako attractive ro'n," sagot ko naman.
"Kow naman, Ivan Lee ako pa bang lolokohin mo? College pa lang tayo sanggang dikit na tayo eh. Maloloko mo ang sarili mo pero hindi ako."
"Parang baliktad yata iyong sinabi mo?"
"Bakit? Paanong baliktad?"
"Hindi dapat ang sasabihin mo maloloko ko ang lahat pero hindi ang sarili ko?"
"Ay gano'n ba iyon?"
"Oo tanga!" sabi ko sabay tawa.
Nakitawa na rin naman ito sa sariling kalokohan nito. Pero maya maya ay muling sumeryoso.
"Pero seryoso, sobrang napahanga niya ako kanina. And I think deserve ng lalaking iyon ang parusa ni Ms. Sexy." pagkuwa'y sabi nito.
"You think so?"
"Yes. Narinig mo naman ang sinabi niya kanina 'di ba? Ang sabi ni Ms. Sexy sa kasama niya kaya niya ginanon kasi hinawakan ang puwet niya at sinabihan siya ng titirahin daw. Mukhang nabastos kaya siya ang tumira hindi nga lang iyong tirang masarap. Medyo sadista ang natipuhan mo, 'pre," ngising sabi nito sabay kindat sa akin.
Napatawa naman ako rito.
Mukhang sadista nga ang babaeng iyon. Hindi manlang ngumiwi ng pasuin ng lighter ang kamay ng lalaking iyon eh.
"Hindi ko akalain na gano'n si Ms. Sexy," sabi pa nito dahilan para mangunot ang noo ko.
"What do you mean?" tanong ko.
"Ang hot, ang sexy, ang flawless, ang ganda, pero putcha 'pre palaban eh. Sabi ko sa 'yo eh, don't judge the book by its cover eh. Tingnan mo nga ang akala natin eh gimikera lang iyon pala marunong lumaban. Sobrang astig." Mababakasan nang paghanga ang boses nito habang nagkukuwento.
"Mukhang ikaw ang may type eh," sagot ko.
Saglit naman itong tumingin sa akin at pagkuwa'y ngumiti ng nakakaloko.
"Medyo pero ibabalato ko na siya sa 'yo. Nakakatakot maging girlfriend iyon baka pag nag-away kami balian ako ng buto," tumatawang saad nito.
Nakitawa na rin ako rito. Mukhang tama ito, nakakatakot ngang maging girlfriend ang kagaya ng babaeng iyon.
Hindi ka puwedeng paloko-loko kapag gano'ng babae ang naging girlfriend mo. Baka umuwi ka sa magulang mo na lumpo dahil nagkanda bali-bali ang mga buto.
Shucks. I hate that.
,
,
,
Trisha's Pov,
-
-
"Kinakabahan ako sa 'yo kanina." napatingin ako sa kaibigan kong katabi ko sa kama ko.
Matapos naming makaalis sa Club kanina ay inanyayahan ko itong dito na lamang magpalipas ng umaga sa condo ko. Isang oras lang ang biyahe mula sa club na pinanggalingan namin ni Sofia.
"And, why?" napapangiti kong tanong.
"Akala ko tutuluyan mo na ang lalaking iyon eh," ngiwing sagot nito.
Nakita kasi nito kung paano ko parusahan ang lalaking manyak na iyon na dumakot sa puwet ko.
Papauwi na sana ako no'n pero bigla akong natigilan dahil may dumakot sa puwetan ko at nakita ko ang lalaking iyon na sinundan pala ako.
Sandali kasing nagpaalam si Sofia na magbanyo muna kaya naiwan akong mag-isa sa labas ng club. Hindi ko naman akalain na mamanyakin ako ng lintik na iyon.
"Mukhang natuwa sa puwet mo, ginilingan mo ba naman nang ginilingan sa loob ng club kanina kaya ayon nilibugan sa 'yo," natatawang sabi nito.
"Siyempre, trabaho eh." Napatingin ako rito ng bigla itong tumawa. Mukhang aliw na aliw ito sa naiisip nito.
"Alam mo, kung hindi kita kilala iisipin kong professional dancer ka. Hindi ko ini-expect na magaling ka pa lang sumayaw. Akala ko sa bakbakan ka lang magaling pero hindi pala. Lahat yata kaya mong gawin eh. At proud na proud ako sa 'yo, Sha," sabi pa nito.
"Trabaho eh. Kailangan magaling tayong magpaikot," napapangiti kong sagot.
"Sobrang galing mong magpaikot, Sha. Kaya nga halos maulol ang mga lalaking ginilingan mo kanina eh. At iyong iba pinamumukulan na ng mga harapan. Tapos naka mini-skirt ka pa tapos naka-crop top pa. Iyang pusod mo litaw na litaw at ang puwet mo jusko ang ganda. Kaya hindi mo masisisi kung iyong isa hindi na nakatiis kasi talagang dinakot na ang puwet mo," sabi pa ni Sofia at binuntutan ng tawa.
Inirapan ko naman ito habang nag-aalis ng make up sa mukha ko. Kating-kati na ako sa makapal na make up ko.
"Huwag ka ng tumuwa d'yan. Tulungan mo na lang akong alisin ang extension ng buhok ko. Kanina pa ako nangangati sa ayos ko."
Masunurin naman itong lumapit sa akin at isa-isang inalis ang hairpin na nasa buhok ko.
"Ano pala ang plano mo?" pagkuwa'y tanong nito.
"Mukhang mailap eh. Mukhang matutuloy ang napag-usapan namin ni Boss," sagot ko.
"So, ibig sabihin kailangan mong pumasok ro'n?" tanong pa ni Sofia.
Napabuntong-hininga naman ako.
"Yes, wala akong choice dahil akin ang misyong ito, Fia," sagot ko.
"Kaya mo? Hindi basta ang kasong hawak mo. Nag-try pa nga lang tayong pumasok do'n kanina pero nabastos ka na kasi kailangan mong magbihis ng ganiyan. What more kung nasa loob ka na talaga at nagtatrabaho bilang dancer? Siguradong pag-aagawan ka ng mga parokyano do'n, Sha," mababakasan ng pag-aalala ang boses nito.
Matapos nitong alisin ang extension ng buhok ko ay pumasok muna ako sa banyo para maghilamos. Nang hindi pa rin maalis ang mga kulerete sa mukha ko ay diretso akong naligo. Ilang sandali lang naman at natapos na ako.
Bumalik ako sa kuwarto ko at naabutan kong nakahiga na ulit ang kaibigan ko.
Lumapit ako sa closet ko at kumuha ng pantulog. Mabilis akong nagbihis at saka dahan-dahang lumapit at sumampa sa kama. Baka tulog na kasi ang kaibigan ko.
Nakahiga na ako sa tabi nito ng bigla itong magsalita.
"Sha?" ani Sofia.
"Akala ko tulog ka na?" tanong ko.
Umayos naman ito ng higa at humarap sa akin.
"Hindi pa, kinakabahan ako sa 'yo eh. Gusto mo ako na lang ang pumasok na dancer do'n?"
"Baliw, hindi na. Kaya ko iyon, okay? Sabi mo nga magaling akong gumiling 'di ba? So hindi ako mahihirapan na magpanggap na dancer," sagot ko naman.
"Pero delikado, Sha." Bumangon naman ako at sumandal sa headboard ng kama. Bumangon rin ito at umayos ng upo.
"Lahat naman ng misyon natin delikado, 'di ba?"
"Sabagay," sagot nito. "Sino raw ba ang kasama mo sa kasong iyan?" dugtong na tanong pa nito.
"Si Marco raw sabi ni Boss," sagot ko naman.
Tumango-tango naman ito. "Sabagay, lagi naman tayong handa sa mga puwedeng mangyari eh. Doble ingat ka na lang do'n, Sha. Huwag basta titira ha, baka mahalatang hindi ka naman talaga dancer mahirap na. Lalo pa't magpapanggap kang dancer do'n hindi kami makakasama sa 'yo sa loob."
Nakangiting tinapik ko naman ang kamay nito.
"Thank you, Fia. Ikaw rin mag-ingat ka sa misyon mo. Hindi rin basta ang naka-assigned sa 'yo." Hinawakan nito ang kamay kong nakahawak sa kamay nito.
"Basta mag-iingat tayo palagi. Hindi tayo puwedeng mamatay na virgin, Sha."
"Why?" takang tanong ko.
"Hindi raw tinatanggap sa langit ang virgin eh. Tinatanong daw ni San Pedro kung nakakain na ng luto ng Diyos. Kapag hindi raw ang sagot pinapabalik daw." Ang simpleng ngiti ko ay nagkaroon ng tunog.
Baliw-baliwan na naman kasi itong kaibigan kong ito.
"Loka-loka! Saan mo naman narinig iyan?" natatawang tanong ko.
"Sa anak ng kasambahay namin. Kaya kailangan na nating humanap ng madyo-dyowa. Para naman maranasan na natin ang humimas ng alam mo na. Para hindi naman puro baril ang nahihimas natin, kinakalyo na ang kamay ko sa baril eh," game na game namang sagot nito at pinagkiskis pa talaga ang dalawang palad.
"Sabi pa no'ng anak ng kasamabahay namin, matigas din daw ang kuwan pero makinis naman daw na parang medyo maugat. Pero hindi daw nakakakalyo iyon."
Hindi na ako nakatiis dahil nauwi na sa tawa ang simpleng ngiti ko.
"Gosh! Ang laswa mo, Sofia!"
"Ay totoo raw iyon. Gusto ko ngang makakita eh kasi maugat daw, ano iyon puno?" sabi pa nito sabay hagikhik.
"Ewan ko sa 'yo!" tumatawang irap ko rito.
"Ewan ka riyan, aminin mo curious ka ring makakita ng matigas na maugat," pangungulit pa nito sabay hampas sa balikat ko.
Wala naman akong nagawa kun'di ang matawa sa kalokohan nito.
"Oy, curious din iyan," tudyo pa nito.
"Baliw! Hindi, no? Matulog na nga tayo. Maaga pa tayong magre-report bukas."
"Anong bukas, mamaya kamo madaling araw na kaya," sagot nito at bumalik na ng higa.
"Kaya matulog na tayo. Makakagawa pa tayo ng muta nito," sabi ko at umayos na rin ako ng higa at saka nagtalukbong ng kumot.
Bukas kasi ang ilaw sa kuwarto ko dahil hindi raw sanay sa dilim itong kaibigan ko. Oh, 'di ba? Nakakahiya naman ako pa talaga ang nag-adjust para rito samantalang bahay ko ito.
"Mornight, Shasha.." mahina nitong sabi.
"Mornight too, Fiafia..." sambit ko naman.
Narinig ko itong natawa dahil sa itinawag ko rito.
Hanggang sa marinig ko ang mahina nitong paghinga. Mukhang nakatulog kaagad ang kaibigan kong ito.
We're best of friends since high school day. Madali kaming nagkasundo dahil iisa ang mga hilig namin. Pareho kami ng mga bagay na ayaw at gusto kaya siguro madaling napalagay ang loob ko rito.
Hanggang sa mag-college kami ay hindi na kami nito naghiwalay maging sa kurso ay pareho rin kami. Criminology ang kursong kinuha namin pero pagkatapos naming maka-graduate ay pumasok kami sa training ng isang pribadong grupo. Anim na buwan kaming nag-training at pagkatapos niyon ay tinulungan kami ni Daddy na makapasok sa BSO (Black Secret Organization). Ang BSO ay isang grupo ng mga secret agents na ang layuin ay tumulong ng palihim sa gobyerno upang sugpuin ang mga tiwaling tao. Mga taong maimpluwensiya at malakas ang kapit sa batas.
Isa ang grupo namin na tumutulong sa mga taong kailangan ng hustisya. Na hindi nila nakakamit dahil kung minsan napupunta sa mga tiwaling alagad ng batas ang kaso nila.
Sa edad kong bente syete ay masasabi kong ilang mamalaking kaso na rin ang nahawakan ko at proud akong sabihin na na-solved ko iyon. At ngayon nga ay kailangan kong magpanggap na dancer ng club para magmanman sa isang kilalang tao na may kasong rape at murder.
Pero dahil malakas ang kapit nito kaya hindi ito mahuli-huli. At ang isa pang layunin ng grupo namin ay tumulong sa mga biktima ng mga taong halang ang kaluluwa.
Kaya kahit alam kong delikado ay tinanggap ko dahil gusto kong tulungan ang biktima ng taong iyon. At aaminin kong medyo agrisibo ako sa kaso lalo na kung may babaeng involve. Hindi ako nagsisisi na tinanggap ko ang kaso dahil gagawin ko ang lahat para mabigyan ng hustisya ang babaeng nabiktima ni Congressman Sueta.
Wala ng atrasan 'to, Trisha Smith. Para ekonomiya. Para sa mga naaapi. Para sa mga nangangailangan. Aja!
Matapos kong taimtim na magpasalamat sa Diyos ay pumikit na ako. At hinayaan kong tangayin na ako ng antok. Dahil panibagong hamon at laban ang naghihintay sa akin sa mga susunod na mga araw.
,
,
,
KAHIT PUYAT nang nakaraang gabi ay maaga pa rin akong gumising. Kailangan kong mag-report sa superior ko tungkol sa kasong hawak ko.
Medyo madilim pa naman kaya pagkatapos kung maligo ay sa kusina ako dumiretso para magluto ng almusal namin ni Sofia. Masarap pa kasi ang tulog ng kaibigan ko.
Hindi naman nagtagal ay natapos na akong magsangag ng kanin at nagprito na rin ako ng ham at bacon. Nagtimpla na rin ako ng kape para sa aming dalawa ni Sofia.
Matapos kong maghain ay bumalik ako sa kuwarto para magbihis. Nadatnan ko ang kaibigan ko na nakaligo na rin pala. Kagaya ko mabilis din itong kumilos, palibhasa sanay kaming mabilis dahil sa training pa lang namin noon kaya alerto lagi hindi puwede ang pa-sexy at paganda.
"Mabuti gising ka na, naghain na ako. Kakain muna tayo bago umalis," sabi ko at dumiretso sa closet.
Kumuha ako ng isang maong pants at isang puting t-shirt. Magre-report pa naman ako sa office kaya hindi ko kailangan na magsuot agad ng sexy na damit. Kailangan ko pang i-klaro ang gagawin kong pagpapanggap.
Matapos kong makapagbihis ay kinuha ko na ang bag ko. "Let's go, Fia."
"Sure, sabay na tayo pumunta sa office, ha," sagot nito at sumunod na sa akin palabas ng kuwarto.
"Oo ba, basta ba palitan mo iyang palda mo eh. Motorcycle ang sasakyan natin. Baka makita iyang langit mo kung iyan ang isusuot mo."
Nagulat pa ako nang malakas ako nitong itulak dahilan para muntik na akong madapa. Nagkanda-ekis ekis ang mga paa ko mabuti na lang at mabilis kong nai-balanse ang katawan ko.
"Gaga ka, sisirain mo pang mukha ko ah," sikmat ko rito.
"Nakakainis ka naman kasi. Kita mo ng nakapalda ako tapos motorcycle talaga ang gagamitin mo?" nakasimangot namang reklamo nito.
Hindi ko naman ito pinansin at dumulog na ako sa mesa at nagsimulang kumain. Napatingin naman ako sa kaibigan ko na sambakol ang mukha habang padabog na hinila ang silya at saka umupo.
"Sha, kotse mo na lang," ungot nito.
"Gusto kong mag-motor ngayon eh," sagot ko na lalong ikinasambakol ng mukha nito.
"Paano ako?"
"Palitan mo na lang iyang palda mo, or kung gusto mo namang makitaan ng langit, okay lang kung hindi na," sagot ko.
"Badtrip ka, gandang-ganda ako sa suot ko eh tapos papalitan ko?"
"Oh, eh di huwag mong palitan. Hindi naman ako ang masisilipan," simpleng sagot ko at saka nagpatuloy sa pagkain.
"Oo na! Papalitan na, kainis ka!" sagot nito at saka sumubo nang sunod-sunod.
Ilang sunod-sunod na subo pa ang ginawa nito at saka mabilis na tumayo at bumalik sa kuwarto ko.
Napapangiti naman ako habang naiiling na sinundan ito ng tingin.
Susunod din naman pala ang dami pang hanash sa buhay.