Malapit nang umalis ni Oscar pero nalilito pa rin si Angie kung sasagutin niya ba si Oscar o hindi. Gusto niyang sagutin si Oscar dahil tama ang Mama niya, malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad niya at ilang taon pa ay baka wala nang ibang magkagusto sa kanya dahil na rin sa mga porma at kilos niya. Pero tama rin naman ang Papa niya, baka pag sinagot niya si Oscar at tuluyang maging asawa na niya ito, baka magsisi siya dahil hindi naman niya ito mahal ngunit hindi na siya makakawala sa kasal nila. Malamang, pag magnonobyo siya ay awtomatikong iisipin na rin niya ang future nila ng magiging nobyo niya. At walang ibang patutunguhan iyon kundi pag-aasawa. “Angie, aalis na ako sa isang araw… Ayaw kong isipin mo na naiinip ako sa panliligaw ko sa’yo.. Pero gusto kong malaman at ulit-uli