Chapter 10 – Tensiyon

1025 Words

Sa mga sumunod na araw ay lagi nang tumatambay si Mory sa kanila pag hapon hanggang gabi pagkatapos nitong bisitahin ang mga resort na pag-aari ng pamilya nito. Isang gabing sinundo siya ni Oscar sa trabaho ay naabutan pa nila si Mory sa sala na nakasando lang at masayang kakwentuhan ang Papa niya. “Oh, anak, andito ka na pala.” Anang Papa niya nang mapansin siya sa may pinto. “Oscar.” Tipid na ngumiti ang Papa niya kay Oscar at tinanguan ito. “Magandang gabi po, Mang Dario.” Nakangiti namang bati rito ni Oscar. Lumapit sila ni Oscar sa Papa niya at nagmano. Lihim siyang nagulat sa hitsura ni Mory. Sa buong panahon na kaibigan niya ito ay ngayon lang niya ito nakitang nakasando. Alam niyang matipuno rin ang katawan ni Mory kahit hindi halata rito dahil halos lahat naman yata ng kalala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD