“Oh Angie, bakit parang Biyernes Santo ang mukha mo? Namimiss mo na ba agad si Oscar?” natatawang puna sa kanya ni Romel habang tumatambay sila kinagabihan sa tambayan nila. “Yan kasi, di mo agad sinagot. Pakipot pa kasi eh tapos magmumukmok. Eh di sana nag- I love you ka na! Kayo na sana.” Natatawa namang sabi ni Rina. “Oo nga. Bihira na nga ang may magkamaling manligaw sa’yo, pinapatagal mo pa!” “Tigil-tigilan niyo nga ako. Tingnan niyo nga ang sarili niyo, ano may jowa ba kayo? Di ba wala?! At least sa’kin may nanliligaw kaya may pag-asa ang lovelife ko. Eh kayo? Bokya!” Tiningnan niya ng masama ang dalawa. Madalas ay ganyan sila mag-usap-usap na akala mo ay laging nag-aaway. Oo nalulungkot siya pero kailangan niya iyong itago maging sa mga kaibigan niya. “Yabang! Saka mo na sab