bc

My SECRET Love

book_age18+
1.0K
FOLLOW
9.2K
READ
HE
heir/heiress
drama
bxg
brilliant
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Boyish at laging napagkakamalang tomboy si Angela Grace Fajardo. Paano ba naman ay mga lalaki ang madalas niyang kasama, idagdag pa ang panlalaking porma niya at mas close siya sa Papa niya kaysa sa Mama niya. May tatlo siyang malalapit na kaibigang lalaki at isang tomboy pero kahit isa sa mga ito ay hindi alam ang sekreto niya. Ang sekreto? May gusto siya sa kaibigan niyang si Mory. Pero hindi siya pwedeng umamin dahil lalaki yata ang tingin nito sa kanya, isa pa ay ibang klaseng mga babae ang gusto nito. Pero isang gabi, dahil sa kalasingan ay may nangyari sa kanila ni Mory. Subalit iba ang mahal ni Mory kaya kahit nabuntis siya at inaya siya ni Mory ng kasal ay tinanggihan niya. Tanga lang siya pero hindi siya ambisyosa at lalong hindi niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa lalaking mahal niya. Pero paano pa niya maitatago ang nararamdaman niya kung patuloy sa pangungulit sa kanya si Mory? May pag-asa kayang mahalin din siya nito kagaya ng uri ng pagmamahal niya para rito? O tatanggapin na lang ba niya ang iniaalay na pag-ibig sa kanya ng isang kaibigan niya na lihim palang nagkagusto sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 – Langit at Lupa
“Bata! Bata! Pakitapon nga rito ang bola!” Kunot-noong sabi ni Angela habang tinitingnan ang batang lalaki na halos kasing-laki lang niya. Napunta kasi malapit dito ang bola na pinaglalaruan nila ng mga kaibigan niya sa park na iyon. “Why don’t you get it yourself?” suplado nitong sabi sa kanya. “Ang yabang mo naman! Ang ganda nga ng suot mo, wala ka namang kalaro!” ani Oscar, isa sa mga kalaro niyang lalaki at ito na ang kumuha ng bola. Tila napikon naman ang batang lalaking halatang mayaman kaya sinundan at nilapitan nito si Oscar. “What did you say? I have a friend too!” malakas na sabi ng batang lalaki. “I hav a frend tu!” ngumingiwi-ngiwing gaya ni Oscar sa sinabi ng batang lalaki na lalo namang sumama ang tingin dito. “Gusto mong makipaglaro?” yaya na lang niya sa batang lalaki. “No!” humalukipkip pa ito, inirapan sila at tumagilid ng tayo. “Bakla ka pala eh! Bakla! Bakla!” sigaw na pang-aasar ni Oscar at ni Romel na mga kalaro niya at nagpapadyak ng malakas na tinawanan ang batang lalaki. “Hindi ako bakla! I just don’t play with poor kids like you!” supladong sabi pa nito at muli silang inirapan. Napalabi naman siya sa sinabi nito. Oo mahirap lang sila ng pamilya niya, pati na ang mga kaibigan niya pero masaya naman sila. Heto nga at naglalaro sila sa park habang hinihintay niya ang Mama at Papa niya na naglalako ng mga kakanin sa malapit na mga kabahayan. Halatang mayaman ang batang lalaki dahil magara ang kasuotan nito ngunit masaya kaya ito?? Marahil ay nakatira ang batang lalaking iyon sa malapit na subdivision pero ang nakapagtataka ay mag-isa ito. Pag nakakakita kasi sila ng mga anak-mayaman ay kadalasang may yaya itong kasama, pero ang batang iyon ay nag-iisa. “Angie, anak!” biglang tawag sa kanya ng Papa niya na papalapit na pala sa kanya habang kaantabay nitong naglalakad ang Mama niya. “Papa!” agad siyang sumalubong dito at agad naman nitong ibinigay sa kanya ang pasalubong nitong cotton candy. May isa pa itong dalang cotton candy at iniabot iyon kina Romel at Oscar. “O, paghatian nito na lang yan dahil kaunti lang ang kita namin ngayon.” Nakangiti pang sabi ng Papa niya sa mga kaibigan niya. Bigla namang nabaling ang atensiyon ng Papa niya sa batang lalaki na nakatitig pala sa kanila. “Gusto mo rin ba?” nakangiting tanong ng Papa niya sa batang lalaki. “I don’t want it. And I can buy it myself.” Supladong ulit na sabi ng bata. “Bigyan mo nga siya anak. Baka nahihiya lang yan.” Bulong sa kanya ng Papa niya habang ang Mama niya ay nauna nang naglakad pauwi kasabay sina Oscar at Romel. “Oh, tikman mo. Masarap to!” kumurot siya ng kapirasong cotton candy at iniabot dito ngunit kunot-noo itong umiling-iling. Naisip niyang marahil ay nandiri ito kaya isinubo na lang niya iyon at inilapit na lang dito ang hawak niyang stick na may cotton candy. Umiling iling pa ulit ito kahit parang natatakam naman ito kaya kinulit niya ito hanggang sa kumuha na ito at isinubo iyon. “It’s sweet…” tila manghang sabi nito. “Ang sarap, di ba? Peyborit ko to. Diba Papa?” bumaling siya sa Papa niyang nakangiti at tumango naman ito sa kanya. “Kumuha ka pa.” aniya sa batang lalaki at hindi na ito nagdalawang-isip na muling kumuha hanggang sa umulit-ulit na ito at nakangiti na ng bahagya. “Gumagabi na anak, kailangan na nating umuwi.” Anang Papa niya at sakto namang naubos na nila ng batang lalaki ang cotton candy. “Sige, ba-bye.” Ngumiti siya sa batang lalaki at kumaway rito bago sila umalis ng Papa niya ngunit biglang tila napaisip ang Papa niya at tinanong ang batang lalaki. “Saan ka nakatira? Kaya mo bang umuwi?” halata ang pagmamalasakit na tsnong ng Papa niya sa batang lalaki. “Ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong oa ng Papa niya rito. “I’m.. Mory. Mory Del Valle.” Pakilala naman ng batang lalaki at tumingin din sa kanya kaya nginitian na lang niya ito. “Del Valle…. Sa inyo ang kilalang resort malapit dito??” tila gulat na tanong ng Papa niya rito at lalong nagulat ang Papa niya nang tumango ang batang lalaki. “Nakung bata ka…nasaan ang mga magulang mo? Bakit ka nandito?” tila biglang naging problemado ang Papa niya at hinawakan pa sa magkabilang balikat ang batang si Mory. Umingos lang si Mory at tila masama ang loob na tumingin sa sahig. “Halika, kailangang maiuwi ka namin sa inyo.” Sabi ng Papa niya at hinila na si Mory sa isang braso ngunit pumiglas ito. Bigla namang may nagsidatingan na mga nakaunipormeng pulis at biglang hinawakan ang magkabilang braso ng Papa niya. “Papa! Papa!” umiyak siya ng malakas dahil ang alam niya ang hinuhuli ng mga pulis ang masasamang tao ngunit mabait naman ang Papa niya kaya natatakot na siyang baka bigla na lang ng mga itong kunin ang Papa niya. “Mga Ser, wala po akong gingawang masama!” tila takot na sabi ng Papa niya. “Sa presinto ka na magpaliwanag.” Anang isang pulis at hinila na ng mga ito ang Papa niya pasakay sa sasakyan ng mga ito. “Papa!” malakas niyang sigaw habang umiiyak at humahabol sa mga ito. Nalingunan niya si Mory na may kausap na isang babae at lalaki na tila mga magulang nito at nakita pa niyang itinuro nito ang Papa niya na kasasakay lang sa sasakyan ng mga pulis at may posas sa likod nito. “Papa! Papa!” humabol siya sa mga ito at pinagpupukpok ang salamin ng sasakyan. Nilingon niya ulit si Mory, gusto niyang magpatulong dito ngunit wala siyang oras para kausapin pa ito dahil tatangayin na ng mga pulis ang Papa niya. Nasulyapan pa niya ang tila mga magulang nito na kausap na ang isang pulis. Tumangu-tango ang pulis at di nagtagal ay pinalabas nito ang Papa niya sa sasakyan at tinanggalan ng posas. Agad silang nagyakap ng Papa niya habang parehong umiiyak. Maya-maya pa ay lumapit sa kanila ang tila mag-asawa at ganoon din di Mory. “I’m sorry. Akala siguro nila kidnapper ang Papa mo.” Ani Mory. Muli na lang siyang napaiyak at hinimas-himas naman nito ang isang braso niya. Nakita niyang kinausap naman ng mag-asawa ang Papa niya at nakita pa niyang inabutan ang Papa niya ng ilang asul na pera ngunit mariin iyong tinanggihan ng Papa niya. “Come on Mory, let’s go home. We have to talk.” Istriktong sabi ng lalaking Daddy yata ni Mory at tumango na lang dito si Mory. Tumalikod na si Mory at naglakad na palayo sa kanila ng Papa niya ngunit tumakbo ito ulit pabalik sa kanila. “Lagi ba kayong naglalaro rito?” mabilis nitong tanong sa kanya. “Minsan lang. Madalas pag Sabado at Linggo lang.” sagot niyang naguguluhan. “I’ll play with you next time. Bye Angie!” ngumiti ito sa kanya at kumaway bago ito tumalikod at tumakbo palapit sa parents nito. Natulala na lang siyang napatitig dito. Narinig at natandaan pala nito ang pangalan niya? 8 years old pa lang siya pero bigla yata itong naging cute sa paningin niya lalo na nang matamis itong ngumiti sa kanya. “Tara na anak.” Nakangiting sabi sa kanya ng Papa niya at napabuntong-hininga ito. Hinawakan na nito ang kamay niya at dahan-dahan na silang naglakad pauwi sa bahay nila mga kalahating kilometro mula sa lugar na iyon. Habang naglalakad pauwi ay naalala niya si Mory at ang nakangiting mukha nito. Akala niya noong una ay masamang bata ito pero hindi naman pala. Tuloy ay di niya maiwasang mapangiti habang iniisip ang araw na muli sila nitong magkikita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

His Obsession

read
87.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook