Chapter 27 – Under His Care

1177 Words

“Anj, ito ang magiging kwarto mo.” Iginala ni Angie ang mga mata niya sa loob ng kwartong pinagdalhan sa kanya ni Mory. Maayos iyon at malaki, kasing laki lang yata ng kwarto ni Mory na katabi ng kwartong ookupahin niya raw. “Di ka prepared ha.” Sarkastikong sabi niya rito. Paano ay may disenyong pambabae na agad ang kwartong iyon. May tokador pa na may mga pampaganda kahit hindi naman siya nagpapaganda. Nang mapatingin naman siya sa bintana ay nakabukas iyon at halatang kakapalit lang ng light pink na kurtina. Maging ang bed sheet at mga punda ay halatang bago ring palit dahil parang naaamoy pa niya ang bango ng bagong laba. Iginiya pa siya ni Mory sa isang malaking closet at may mga damit na roon na pambabae at konteng light colored tshirts, mga cotton shorts at kung anu-ano pa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD