Busy na naman si Angie sa trabaho. Mall opening ang schedule noon ni Angie at nang araw na iyon ay napakabusy sa mall sapagkat may sale sila. Pangatlo at huling araw na ng sale at lalo pa yatang dumami ang mga mamimili nang araw na iyon kaya hindi pa man tapos ang shift niya ay ubos na yata ang energy niya. “Angie, ok ka lang ba?” tanong sa kanya ni Carla na isa rin sa mga sales lady tulad niya. Coffee break na nila ng oras na iyon at imbes na kumain siya ay sumubsob muna siya sa mesa at ang balak niya ay iidlip na lang siya para makapagpahinga kahit saglit. Nangangalay na rin kasi talaga ang mga paa niya at pakiramdam niya ay ang bigat na ng katawan niya. “Kanina ko pa nga yan napapansin na parang matamlay.” Narining niyang sabi naman ni Aaron, isa ring sales man. “May sakit ka ba