Chapter 4 – Most Trusted Friend

1146 Words
Lumipas ang lampas tatlong taon… Wala pa ring pagbabago sa trabaho ni Angela. Sales lady pa rin siya at wala yata talagang pag-asang mapromote siya kahit limang taong na siyang nagtatrabaho bilang sales lady dahil dalawang taon lang ang tinapusan niya. Parang kagaya rin ng lihim niyang pagtingin kay Mory…. WALANG PAG-ASA na masuklian nito iyon ng kaparehas na pagmamahal. Lalo ngayon na kasalukuyang nandoon si Mory sa bahay ng kaibigan nito kung saan din nakatira ang babaeng gusto nito. 19th Birthday daw kasi ng babaeng gusto nito kaya nga umuwi si Mory sa Pilipinas para makarating lang sa kaarawan nito. Napakaespesyal talaga ng babaeng iyon para kay Mory. “Day-off ko bukas! Tara mag-inuman tayo! Try natin sa bar! Ako ang taya!” malakas ang loob na yaya niya kina Romel at Rina nang gabing iyon. “Hoy Angela, nababaliw ka ba? Mayaman ka ba ha? Mahal uminom sa mga ganoong lugar!” tinalakan siya ni Rina. Pero talagang nasa mood siyang uminom at gumastos ngayon. Siguro pipili na lang sila ng medyo murang bar. Kakasahod lang niya kaya may pera siya. Hindi naman na niya sinusustentuhan ang kapatid na si Edmar dahil nagtatrabaho na rin ito kaya nag-aabot na lang siya ng pera sa Mama at Papa niya pandagdag sa panggastos nila. Siguro naman kahit minsan, pwede siyang magsaya…o magpakalunod sa alak dahil nasasaktan siya. “May pera nga ako! Bakit ba ikaw ang namomroblema eh gusto ko ngang uminom don! Ngayon lang naman. Try lang natin. Nakakasawa naman kasing mag-inuman dito. Gusto ko rin namang makaexperience uminom sa ganoong lugar kaya tara na!” muli niyang yaya sa mga ito at tumayo na siya. Nasa gilid lang sila ng kalsada at nakaupo sa upuang kahoy na gawa ng mga tambay na kapitbahay nila. “Teka! Baka hindi ka payagan ng Papa mo Angie.” Ani Romel. “Sino ba ang nagsabing magpapaalam ako? Matanda na ako, kaya ok lang yon.” Aniya. “Seryoso ka ba talaga ha, Angie??” takang tanong ni Rina. “Oo naman! Teka at pupuslit lang ako sa bahay, kukunin ko lang ang jacket at bag ko.” Hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at agad na siyang umuwi at pumasok sa kwarto niya. Kinuha niya ang body bag niya at ang jacket niya. Paglabas niya ay nasalubong niya ang Papa niya. “Oh, Angie, alas otso na. Aalis ka pa?” agad kasing napuna ng Papa niya ang jacket na dala niya at ang nakasukbit niyang bag. “Ah, opo Pa. Diyan lang po sa malapit, tatambay lang kami at magfu-foodtrip.” Aniya at nginitian ito. “Oh sige. Nagpapahinga na ang Mama mo, magpapahinga na rin ako. Wag kang masyadong magpagabi ha. Sino ang kasama mo?” “Sina Romel po…” Aniya. “Wala ba si Mory? Alam mo namang mas panatag ako kung si Mory ang kasama mo. Pero di bale, basta mag-iingat ka ha.” Bilin pa ng Papa niya. “Opo Pa…sige po….” Lumabas na siya at sinalubong siya nina Rita at Romel sa may gilid ng kalsada. “Sigurado ka ba talaga Angela??” takang tanong ni Rita. “Oo nga! Tara na!” nagpatiuna na siya sa dalawa na tila gulat na gulat pa rin sa biglaan niyang pagyayayang uminom sa bar. Pumili sila ng bar na di masyadong sosyal dahil yon lang ang keri ng budget niya. Para lang iyong mga cottage o maliliit na kubo sa labas. Wala ring nagsasayawan sa bar na iyon dahil simple lang iyon. Tanging inuman lang talaga ang mapupuntahan doon at videoke para sa mga gustong kumanta habang umiinom. “Bakit nga ba mahal kita Kahit ‘di pinapansin ang damdamin ko ‘Di mo man ako mahal ito pa rin ako Nagmamahal nang tapat sa ‘yo Bakit nga ba mahal kita Kahit na may mahal ka mang iba At baliw na baliw ako sa ‘yo Hanggang kailan ako magtitiis O bakit nga ba mahal kita…” “Hoy Angela! Umuwi na nga tayo dahil lasing ka na! Pag nalaman to ng erpat mo, pati kami malalagot!” Malakas na sigaw sa kanya ni Rina habang kumakanta siya. Siguro nga lasing na talaga siya dahil may lakas ng loob na siyang kumanta kahit sintunado siya tapos ang lakas-lakas pa ng boses niya. Eh sa gusto niyang ilabas ang sakit na nararamdaman niya! Kahit man lang ba iyon, di niya magawa? “Oo nga Angie! Lagot kami nito kay Mang Dario. Wala pa namang tiwala sa’kin yon, panigurado mapapagalitan ako non!” sabi naman ni Romel. Hindi niya pinansin ang dalawa at patuloy lang siya sa pagkanta. Nang matapos ang kantang iyon ay uminom pa siya at muli siyang kumanta at muli na namang uminom habang kumakanta. “Gushto ko pang uminom…” tila nagdodoble na ang paningin niya at kanina pa siya pinipigilan uminom ni Romel at ni Rina ngunit makulit siya. Pinapabili niya pa nga ng alak ang dalawa pero hindi na ang mga ito sumunod sa kanya. Narining niyang tila nagbabangayan ang dalawa ngunit di na niya maunawaan ang sinasabi ng mga ito at sumubsob na lang siya sa mesa dahil inaantok na siya. ------- “Paano na to?” ani Rina. “Aba malay ko! May problema yata itong babaeng to kaya umiinom. Baka naiinlab na to!” Sabi naman ni Romel. “Magagalit si Mang Dario nito! Buti sana kung nandito si Mory. Tawagan mo kaya?” “Bakit ako?? Tsaka baka magalit yon pag inistorbo natin. Alam mo namang nandon siya sa babaeng gusto niya.” “Eh hindi naman natin pwedeng iuwi si Angie ng ganito!! Sige ikaw ang bahalang magpaliwanag kay Mang Dario at Aling Tere.” “Ayoko nga! Ikaw na!” “Oh, diba takot ka. Sandali.” Kinuha ni Rita sa bag ni Angie ang cellphone nito at tinawagan si Mory. Hindi pa lumilipas ang kalahating minuto ay nandoon na si Mory at iritableng tiningnan ang dalawa. “Bakit hinayaan niyong malasing itong babaeng to?!” agad sumbat ni Mory kina Rina at Romel. “Masyadong makulit, ayaw papigil kaya ayan!” Ani Romel. “Tss! Dapat kanina niyo pa ako tinawagan.” Aniya sabay buhat kay Angie na nakayukyok na sa mesa. Nauna nang naglakad palabas sina Romel at Rina papunta sa kotse niya. “Ikaw na Mel ang magdrive.” Aniya. “Ayos!” tuwang-tuwa naman si Romel dahil makakapagdrive ito ng mamahaling sasakyan. Sa harap na rin umupo si Rina kaya sa likod na siya umupo at pinahiga niya doon si Angie at pinaunan sa hita niya. “Nagpaalam ba siya kina Tito Dario?” agad niyang usisa sa dalawa nang maalala ang mga magulang ni Angie. “Yon nga eh…hindi siya nagsabi.” Alanganing ngumiti sa kanya si Rina. Napabuntong hininga siya ng malalim bago nagsalita. “Ako na ang bahala.” Aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD