Chapter 5 – Ligtas!

1005 Words
Paggising ni Angie kinabukasan ay masakit ang ulo niya. Bigla rin siyang nasuka kaya agad siyang tumakbo papunta sa kusina nila at dumiretso siya sa lababo. “Ayan kasi, iinom-inom, di naman pala kaya! Mabuti na lang at kasama mo sina Mory kung hindi, baka sa kalsada ka na nakatulog! Hoy Angela! Babae ka kaya ayusin mo yang kilos mo! Kaya ka napagkakamalang tomboy dahil sa kilos mong yan! Wala ka man lang kaarte arte sa katawan, lasenggera ka pa! Ayusin mo yang sarili mo Angela!!” Tila lalo pang sumakit ang ulo niya dahil sa sermon ng Mama niya. Pero di nakaligtas sa pandinig niya ang sinabi nitong kasama niya kagabi si Mory..? “Te, sana sinama mo na lang ako para ako na ang nagbantay sayo.” Natatawang sabi naman ni Edbert na biglang sumulpot sa likod niya. “Isa ka pa!” binatukan ng Mama nila ang kapatid niya kaya napakamot na lang ito sa ulo. “Oh, ito anak, uminom ka ng mainit na kape para mainitan yang sikmura mo.” Malumanay na sabi naman sa kanya ng Papa niya nang nakaupo na siya sa may hapag-kainan sabay abot sa kanya ng umuusok pang kapeng tinimpla nito para sa kanya. “Salamat po Pa.” agad niyang kinuha ang kape at dahan-dahang humigop. “Hay naku. Pagsabihan mo yang dalaga mo Dario, wag mong kunsintihin ang kalokohan niyan at baka sakaling may manligaw na diyan. Kababaeng tao lasenggera. Wag na wag na itong mauulit Angela ha kung ayaw mong kurutin ko yang singit mo. Ayusin mo yang sarili mo at magtino ka para di ka napagkakamalang tomboy.” Istrikta pang sabi ng Mama niya bago ito lumabas sa kabahayan para maglako ng tinda nitong kakanin. “Pa, sino po ang naghatid sa akin kagabi?” curious niyang tanong sa Papa niya. Takot kasi si Romel sa Papa niya at ganon din si Rina. Pero imposibleng si Mory ang naghatid sa kanya dahil hindi naman nila kasama ang binata kagabi. “Sino pa, eh di si Mory. Nakakahiya nga sa batang iyon dahil nasukahan mo pa ang suot niyang damit. Bakit ka ba kasi nalasing anak? Sa tingin ko naman kay Mory, halos hindi naman siya uminom. Nandaya ka ba sa inuman niyo? Baka nilaklak mo ang alak kaya ka nalasing.” Mahinahon pa ring sabi ng Papa niya. “Talaga po ba Pa? Si Mory ang naghatid sa akin??” hindi makapaniwalang tanong niya sa Papa niya. Paano mangyayari iyon eh nasa babaeng gusto nito si Mory kagabi?? “Aba’y oo. Ginising pa nga kami ng Mama mo dahil nasukahan mo rin ang damit mo.” Pagpapaliwanag ng Papa niya. Bigla siyang napatingin sa suot niyang damit at nanlaki ang mga mata niya nang makitang iba na nga ang damit na suot niya. “Po?? Pero…” pero paanong si Mory ang naghatid sa kanya?? “Ano anak?” “Ahm…wala po.” Dapat ay sina Rina at Romel na lang ang tanungin niya dahil ang mga ito ang makakapagpaliwanag kung bakit si Mory ang naghatid sa kanya kagabi. “Pero anak tama ang sinabi ng Mama mo. Babae ka pa rin kaya dapat hindi ka nagpapakalasing ng ganoon. Paano na lang kung wala doon si Mory? Baka napaano ka na. Mabuti na lang at maaasahan ang batang yan at alam kong hindi ka niya pababayaan. Pero anak sa susunod ay iwasan mo nang mangyari ulit ito dahil nakakahiya kay Mory kung palagi ka na lang niyang aasikasuhin sa tuwing malalasing ka. Babae ka pa naman tapos ikaw pa ang nalasing.” Anang Papa niya na malumanay siyang pinagsasabihan. Sa buong buhay niya ay never pa yata siyang pinagalitan ng Papa niya at pag ganitong nakakagawa siya ng pagkakamali ay malumanay lang siya nitong pinagsasabihan at pinapangaralan. “Opo Pa.” Nakangiti niyang sabi rito at tumango naman ito sa kanya na nakangiti rin. Pagkakain niya ng pang-umagahan ay agad siyang lumabas sa bahay nila at hinintay niyang dumaan sa kalsada si Rina o si Romel. Maya-maya ay dumaan nga si Rina. “Pssstt!!” tawag niya sa pansin nito sabay lakad niya papunta sa gilid ng kalsada. “Oy! Takte ka! Muntik pa kaming mapahamak ni Romel kagabi dahil sa’yo!” tila gusto siya nitong sigawan ngunit nanatili lang mahina ang boses nito at sumilip-silip pa sa loob ng bahay nila. “Bakit naman??” kunot-noong tanong niya rito at wala sa loob na sumilip rin siya sa bahay nila. “Anong bakit naman?? Naglasing ka ba naman kagabi! Ni hindi ka na makatayo! Ano’ng gusto mo, iuwi ka namin ni Romel ng ganon? Tapos ano? Hahabulin kami ng itak ng Papa mo? Alam mo namang mainit ang dugo non samin ni Romel. Iniisip ng Papa at Mama mo na masamang impluwensiya kami sa’yo tapos iuuwi ka pa naming hindi na makagulapay? Eh di lalong sumama ang tingin non samin ni Romel!” anito na pinandilatan pa siya ng mga mata. “Eh di totoo ngang si Mory ang naghatid sa akin kagabi?? Paano? Di ba may pinuntahan siya?” biglang nanlaki ang mga mata niya habang kausap si Rina. “Ayon na nga… Wala na kaming maisip na ibang paraan para makaligtas tayo sa galit ng Papa at Mama mo dahil sa paglalasing mo kundi ang tawagan si Mory. Eh di success! Oh di ba hindi ka napagalitan.” Ngumisi pa ito sa kanya. “Napagalitan pa rin ako ni Mama pero konte lang.” “Kami rin napagalitan ni Mory. Dapat daw tinawagan namin siya agad. Tapos sinermunan pa kami sa kotse habang pauwi. Kung umasta akala mo boyfriend mo. Wala ba talagang gusto sa’yo si Mory?” “Ikaw yata ang nalasing kagabi hind ako. Tssk tssk. Sige na pumunta ka na sa pupuntahan mo. Salamat pala kagabi.” Tumalikod na siya at kumaway rito. May hangover pa siya pero hindi niya maiwasang matawa sa biro ni Rina. May gusto si Mory sa kanya?? Iyon na yata ang pinaka-nakakatawang biro na narinig niya sa buong buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD