Chapter 3 – New Love Interest

1280 Words
“Oy, Angie, bakit hindi ka nanuod ng basketball kagabi? Akala ko pupunta ka?” Nasalubong niya na naman si Romel kinabukasan bago siya pumasok sa trabaho. “Dumating si Mory, alam mo na, kumain kami ng paborito niya tapos tinawagan na naman siya ng ex niya.” Walang ganang sagot niya. “Oh? Tss. Hindi pa rin siya tinitigilan? Oh kelan daw siya dito pupunta para mag inuman naman tayo?” “Wala namang sinabi. Baka pag di na siya busy. Oh sige at magpapayaman pa ako.” Kinawayan na lang niya ito at muli nang naglakad palayo. “Haha! Sige, balatuhan mo na lang ako pag yumaman ka na!” “Walang problema!” natatawang muli niya itong kinawayan bago tuluyang makalayo. “Anj, I think I’m in-love!” nagulat na lang si Angie nang paglabas niya mula sa pinagtatrabahuhan niya ay sumulpot si Mory sa harap niya at masaya siyang inakbayan. “Ha?” Kunot-noong tanong niya rito. “I met a very beautiful woman last night. I can’t stop thinking about her.” Hindi nawawala ang ngiting sabi ni Mory. “Ayan ka na naman sa pag-eenglish mo. Nasa Pilipinas tayo kaya magtagalog ka!” pinanlakihan niya ito ng mga mata at inambaan ng suntok. Pero ang totoo ay nasaktan siya ng lihim sa sinabi nito ngunit kailangan niya iyong itago. “Ito naman! Hindi na lang maging masaya para sa’kin!” “Eh sino ba yang malas na babaeng nagustuhan mo?” “Well, she’s my friend’s step-sister. Her name is Ghianna. She’s still young but she’s so pretty. Someday liligawan ko siya.” Tila excited na sabi pa nito na tila kumurot ng pino sa puso niya. “Eh di good luck!” Pinilit niyang ngumiti kahit gusto niyang magsad face. Wala naman talaga siyang pag-asa kay Mory. Unang-una, malayo ang agwat ng pamumuhay nila. Pangalawa, magkaibigan lang sila. Pangatlo, lalaki ang tingin nito sa kanya. Kaya nga wala siyang pinagsasabihan na may gusto siya kay Mory. At siguro, dadalhin niya ang sekretong iyon hanggang sa mamatay na siya. “And because I’m happy, I’ll treat you out! Saan mo gustong kumain? Tell me.” Nakangiti nitong yaya sa kanya. “Inuman na lang tayo. Kinukumusta ka rin ni Romel sakin.” Siguro nga mas mabuting iinom na lang niya ang pagiging brokenhearted niya sa pangalawang pagkakataon. Una ay noong nagkagirlfriend si Mory. At eto na ang pangalawa. “Ok! But let’s eat first. Gutom na ko eh.” Agad na siya nitong hinila papunta sa kotse nito at sabay na silang pumasok doon. Kumain muna sila sa isang fast food chain. Dati niyayaya siya ni Mory na kumain sa restaurant pero feeling niya di siya doon belong. Naiilang kasi siya sa klase ng mga taong kumakain sa sosyal na restaurant at minsan ay hindi rin siya kumportable sa mga pagkain doon lalo na ang paraan ng pagkain ng mga sosyal. Simpleng tao lang siya at kung papapiliin siya ay mas gusto niya sa turo-turo o karendirya. Isa siguro iyon sa dahilan kaya imposible siyang mapansin man lang ni Mory bilang babae. Magkaibang magkaiba ang buhay nila at hindi siya bagay sa mundo nito. “Oh, pare! Buti napasyal ka rito! Magtatampo na kami sa’yo, lagi na lang si Angie ang pinupuntahan mo. Paano naman kami? Kung hindi ko alam na babae ang gusto mo, baka isipin kong si Angie ang type mo.” Natatawang biro ni Romel kay Mory kinagabihan nang nasa bakuran na sila at doon nakatambay sa gilid ng kalsada si Romel. Kasama nito si Rina na tunay na tomboy at madalas din nilang makajamming, pati na rin ang kikay na si Ella na kapitbahay din nila. “Ang pogi talaga ni Mory. Hi Mory my love, kailan mo ba ako liligawan?” nakangiting biro ni Ella kay Mory. Sinapok ng mahina ni Rina si Ella sa sinabi nitong iyon. “Sorry Ella pero may iba na kasi akong gusto.” Ani Mory na nakangiti at sumulyap sa kanya. “Si Angela?!” sabay-sabay na tanong ng tatlo na ikinahagalpak ng tawa ni Mory. Sinamaan naman niya ng mukha ang apat at dahan-dahan namang nagpigil ng tawa si Mory. Maya-maya ay inakbayan siya ni Mory. “Babae naman yata ang gusto neto eh! Diba?” natatawang tanong nito sa kanya. Pero hindi nito hinintay ang sagot niya at muli nang nagsalita. “Relative ng kaibigan ko.” Maiksing sagot nito sa mga kaibigan nila habang matamis na nakangiti. Ouch! Ang sakit namang paulit-ulit na makita na nagkakagusto sa iba ang lihim na mahal niya. “Akala ko si Angie eh, kasi ipapaalbularyo kita dahil baka nasaniban ka na ng masamang espirito.” Ani Rina. Hindi niya alam kung nagbibiro ito dahil seryoso naman ang mukha nito. Ihinampas pa nito sa hangin ang kanang kamay na tila binabalewala na ang posibilidad na magkakagusto sa kanya si Mory. “Sige, uminom na kayo dahil pinupulutan niyo naman na ako.” Kunwari ay nagtatampo niyang saad sa mga ito. “Ito naman!” lalong hinigpitan ni Mory ang pagkakaakbay sa kanya at bahagya pa siyang nahila. Ang sarap siguro kung inaakbayan siya ni Mory sa malambing na paraan pero ang akbay nito sa kanya ay tila kumpare siya nito. “Bili na ba ako?” biglang tanong ni Romel na ang itinatanong ay kung bibili na ito ng alak. Agad kinuha ni Mory ang wallet nito ngunit hindi pa man nito iyon nailalabas ay pinigilan na ito ni Romel. “Ako muna ang taya ngayon. Panalo ako sa sabong kanina.” Pagmamalaking sabi ni Romel at ngumisi pa ito. Minsan lang ito manlibre dahil madalas ay wala itong pera dahil paextra extra lang ito sa mga trabaho. At kung may pera man ito ay inuuna nitong ibigay iyon sa mama nito. “Oh sige, papasok muna ako sa loob para magmano kina Papa.” Aniya at tumango naman ang mga ito. Inihanda na rin ng mga ito ang mesang pag-iinuman nila sa tapat lang ng bahay nila. “Pa!” Agad napalingon si Mang Dario nang tawagin ito ng anak. Agad siyang nagmano sa Papa niya at sumunod naman sa kanya si Mory. “Mory!” masayang tawag ng Papa niya kay Mory. “Good evening po Tito.” Nakangiting bati naman ni Mory sa Papa niya. “Si Tita Tere po?” Tukoy ni Mory sa Mama niya. “Ay naku, nandoon sa kaibigan niya at magzuzumba raw sila. Si Edbert naman nasa bilyaran yata kasama ang mga kaibigan niya.” Sagot naman ng Papa niya. Kapatid niya si Edbert ngunit anim na taon ang agwat ng edad nila. Bente anyos siya ngayon at katorse pa lang si Edbert. Kasalukuyan itong nag-aaral at tumutulong din siya sa pagpapaaral dito. “Baka po nagka-cutting class na yan si Edbert Pa ha, umayos siya dahil sayang ang ipinapaaral sa kanya.” Aniya sa Papa niya. “Hindi naman anak. Hayaan mo nang mag enjoy ang kapatid mo paminsan-minsan at baka napapagod din siya sa pag-aaral.” Anang Papa niya. “Opo ‘pa.” aniya at pumasok na siya sa kwarto niya para magbihis. Paglabas niya sa kwarto niya ay nagtatawanan ang Papa niya at si Mory. Nang mapansin siya ni Mory ay niyaya na siya nitong lumabas dahil ipinagpaalam na siya nito sa Papa niya. Isa iyon sa mga nagustuhan niya kay Mory. Malapit ito sa Papa niya at lagi siya nitong ipinagpapaalam sa tuwing iinom o lalabas siyang kasama ito. Pakiramdam niya ay napakaresponsable ni Mory at parang ang sarap magpaalaga rito. Pero hindi iyon mangyayari. Kaibigan lang siya nito at habang-buhay nang magiging ganoon ang tingin nito sa kanya. Wala siyang ka-pag-a-pag-asa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD