“Gago! Palusot ko lang yon para hindi na niya ako kulitin kasi niyayaya niya akong kumain.” Inismiran pa niya si Mory at inirapan. Malay ba niya na malalaman ni Mory na nagsinungaling siya kay Xavier. Nahiya siya dahil nabuko siya pero palagay niya ay tama pa rin ang ginawa niya para maiwasan niya ang foreigner na yon. “Dapat ba hindi na lang ako nagsinungaling at sa kanya na lang ako sumamang kumain?” Pataray pa niyang tanong kay Mory para kahit papaano ay mapagtakpan niya ang pagkapahiya niya rito. “Hindi mo naman ‘yon gagawin kahit hindi ka pa nagsinungaling. I know you too well Anj.” Ngumiti pa ito na tila naaaliw sa kanya saka muling itinuloy ang pagkain. I know you too well daw... Isang malaking kasinungalingan! Ni hindi nga ni Mory alam na mahal niya ito matagal na. Kung makay