“Angie, open this door.” Malumanay na sabi ni Mory sa labas ng kwarto niya habang patuloy na kumakatok. Siya pa talaga ang papagalitan nito eh siya na nga ang nadamay sa gulo nito at ng baliw na hitad na ex nito. Hindi siya sumagot at hinayaan na lang si Mory sa patuloy na pagkatok sa labas ng pinto. “Anj… Let me in. Mag-usap tayo.” Sabi pa nito ngunit inirapan niya lang ang pinto. “Ok fine, kasalanan ko na. Sorry, ok?” gusto na naman niyang mapaismid sa sinabing iyon ni Mory. “Matulog ka na Mauricio dahil magpapahinga na ako!” sigaw niya rito. “Not unless you open this door first. Sige na Anj, I need to see if you’re ok.” “Ok lang ako, di ba? Umalis ka na diyan dahil naiingayan na ako sa’yo! Matutulog na sabi ako!” “Angie. Buksan mo to kahit saglit lang.” patuloy pa ring pak