Hanggang sa makauwi na sila sa bahay ay seryoso pa rin si Mory. Hindi na niya ito inusisa dahil malamang ay tungkol lang naman iyon sa negosyo. Marahil ay ayaw lang ni Mory na mag fail at madisappoint ang parents nito kaya kahit maliit na bagay ay ikinagagalit nito. Wala na siyang karapatang makialam don. Ang concern niya lang ay ang tungkol sa kanila ng baby niya at sa pagiging ama ni Mory sa ipinagbubuntis niya. “Kumusta naman daw si Oscar?” bigla ay tanong ni Mory habang tahimik silang nagdi-dinner. “Ok naman siya.. Kakauwi lang daw niya.” Balewalang sagot niya. “So.. alam na ba niya?” “Ang tungkol sa’tin? Este ang tungkol sa pagbubuntis ko? Oo naman…” Kailangan niyang maging klaro lagi na walang ’sila’ ni Mory. Siguro tingin ng iba ay sila na pero alam nilang dalawa na walang g
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books