Chapter 4

3235 Words
Kiro's POV Isang linggo na ang nakakalipas simula ng magperform kami ni Malcolm sa klase. Akala ko ay matatapos na ang away na namamagitan sa aming dalawa-- Akala ko lang pala. Gusto kong sumabog sa inis dahil sa pinaggagawa niya sa akin pati ng mga fans niya na walang ginawa kung hindi guluhin ang tahimik kong buhay. Minsan nagmakaawa ako kay Papa na lumipat ng ibang school pero ang resulta ay pinapagalitan lang ako nito. Tinatanong niya kung bakit ko gustong lumipat ng school ngunit wala akong naisasagot na rason. Alas singko ng madaling araw ay nagising ako kaya naisipan kong magjogging muna dahil parang ito ang pinakamasayang araw para mag exercise. Tahimik na buhay, walang asungot na lalabas, at sisirain ang masayang araw mo. Yes! Makakapagpahinga rin ako sa magulong mundo kahit ngayong weekend lang. Naisipan kong tawagan si Rico para anyayahan mag jogging pero mukhang tulog pa ata ang loko kaya ako na lang ang nag jogging mag-isa ngayong araw. Nagsuot na lamang ako ng jacket na tinernuhan ng sweatpants. Pagkalabas ko ng bahay ay nagsimula na akong magwarm-up bago tuluyan nang nag jogging. May mga nakakasabayan din akong ibang tao at para bang payapa ang mga ito. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil pakiramdam ko ay pumayapa ang buhay ko kahit papaano. Habang abala ako sa pagtakbo ay napansin kong tumunog ang cellphone ko at napansin kong nagtext sa akin si Rico. Sinabi nito na nasa bahay siya kumakain ng agahan dahil inanyayahan siya ni papa. Hindi na lamang ako nag-abalang magreply at nagpatuloy lang sa pagtakbo pero unti-unting bumagal ang aking pagtakbo ng namataan ko ang isang bagyo na paparating sa pwesto ko.  Nakablack sando ito na tinernuhan ng jogger pants kaya mabilis akong tumalikod at tumakbo papunta sa ibang direksyon. Kung minamalas nga naman oh! Akala ko tatahimik na ang araw ko pero nandito na naman ang asungot na hari ng mga pugo.  Napansin kong may sumasabay sa pagtakbo ko kaya ng titigan ko iyon ay mabilis na kumulo ang dugo ko. Napahinto ako sa pagtakbo at napansin kong huminto rin ito habang nakapamewang. "Nandito ka na naman ba para pagtripan ako?" Inis kong tanong sa kanya at tumaas naman ang kilay nito.  "What?" Sagot niya at natawa ng sarcastic. Napakuyom na lamang ako para pigilan ang inis na nararamdaman. "Stop dreaming, idiot! I'm here because someone invited me," aniya kasabay ng pagngisi. Napadiretso ako ng tayo at inayos ang buhok. "Mabuti ng malinaw," bulong ko ngunit alam kong narinig niya iyon.  Nagpatuloy na muli ako sa paglalakad at nilagpasan siya. Himala dahil walang asungot na pugo ang gugulo sa araw ko. Napailing na lang ako para kalimutan na ang Malcolm na 'yon.  Ng mapagod na ako sa pagtakbo ay naupo ako sa isang bench at ininom ang bottled of water na dala ko. Tagaktak ang pawis ko sa aking katawan at mukhang kailangan ko na ring umuwi dahil alas sais na ng umaga at siguradong nakapaghanda na si papa ng almusal.  Nagsimula na muli akong tumakbo pauwi sa bahay pero ng nasa pinto pa lang ako ay napansin ko si Rico na papalayo galing sa bahay kaya tinawag ko ito. "Rico!" napaikot naman siya ng tingin at mabilis na lumapit sa akin. "Akala ko ba mag-aalmusal ka sa bahay?" kunot noong tanong ko at bigla naman siyang napanguso. "Pinaalis ako ni tito sa bahay dahil may bisita raw siya at mukhang kailangan mo ring makita ang bisita niya," busangot nitong sagot dahilan para makunot ang noo ko. "Hah? May bisita si papa?" Tumango naman siya kaya mabilis akong naglakad papasok sa loob habang nakasunod lang sa likod ko si Rico. "'Papa nandito na po ako!" Sigaw ko at hinubad ang sapatos sa harapan ng pinto.  "Nakauwi ka na pala Kiro teka bakit nandito ka pa rin Rico?" Tanong ni papa at nagtago naman si Rico sa likuran ko. "Inanyayahan ko po siyang mag-umagahan dito sa bahay," pagsisinungaling ko. "At sinabi sa akin ni Rico na may bisita tayo, sino'ng bisita natin?" tanong ko. "Ahh iyon ba, inanyayahan ko si Malcolm na mag-umagahan sa atin dahil gusto ko siyang makilala tutal naman ay magkaibigan kayo sa pinapasukan mong school hindi ba?" ngiting tanong ni papa dahilan para mapanganga ako. Si Malcolm nandito?! 'Stop dreaming idiot, I'm here because someone invited me.' Malalaking hakbang ang ginawa ko para makarating kaagad sa kusina at tama nga si papa na nandoon si Malcolm na nakaupo habang nakasaklop ang braso sa kanyang dibdib. Pinuntahan ko si papa at kinausap. "Papa naman! Bakit nang-iimbita kayo ng bwisita-- este bisita sa bahay ng hindi mo man lang sinasabi sa akin?" Bulong na inis ko kay papa at bigla ako nitong binatukan kaya napahimas ako sa sakit. "Ouch! Papa naman!" Ang sakit n'yon ah. "Bisita natin si Malcolm kaya Kiro ay mag-ayos ka kung hindi malalagot ka talaga sa akin bata ka," pagbabanta niya at naglakad na pabalik sa kusina. Napahilot na lang ako sa sentido dahil sa stress na nararamdaman.  Pinanganak ba akong may balat sa pwet para maghirap ng ganito? Sino ba talaga ang anak niya sa aming dalawa? Wala na akong nagawa pa kung hindi ang hayaan si Papa sa gusto niya. Tinitigan ko ng mata sa mata si Malcolm para bantaan na umayos siya kung hindi ay hindi na siya makakalabas ng bahay na 'to. Ngumisi lang ang asungot na parang nang-aasar. Umakyat na ako sa itaas para maligo at magpalit ng damit. Pagkarating ko sa kusina ay naabutan ko si Papa at Malcolm na abala sa pag-uusap habang si Rico naman ay tahimik na kumakain pero kung minsan ay tinititigan si Malcolm. Umupo na lamang ako sa tabi ni Rico at nagsandok ng pagkain ko. Susubo pa lang ako ng pagkain nang bigla akong utusan ni Papa. "Kiro anak, kuhanan mo ng juice sa refrigerator si Malcolm." Utos ni papa. Napapikit muna ako bago napadilat at nginitian si Papa.  Tumayo na ako at kumuha ng juice para sa hari ng pugo. Nilapag ko na ang basong may laman na juice sa harap ni Malcolm at tinitigan lamang ako nito pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Badtrip ako at baka kapag kinausap ko lang siya ay mag-away kami sa harapan ni Papa.  Nag-ngingitian sila ni papa sa tuwing nagku-kwento ito tungkol sa akin noong bata pa lang ako. Nakisalo na rin sa kanilang dalawa si Lola at nakipag-katuwaan sa kanya. "Sa tingin ko close na si Malcolm at ang pamilya mo," bulong ni Rico habang pinipigilan ang hindi matawa.  Sinamaan ko siya ng tingin pero kaagad din siyang umiwas. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara dahil alam kong may pinaplano lang si Malcolm o di kaya'y naghahanap ng impormasyon para ibunyag sa school kung anong klaseng tao ako. Napangisi ako dahil hindi ako makakapayag na pahirapan niya ako. Nang matapos na akong kumain ay hinatid ko si Rico sa labas dahil kailangan na nitong umuwi. Balak pa sana naming manuod ng anime pero tumawag ang Papa niya. Kaya mag-isa na lang akong manunuod ng anime ngayong araw. Ganito talaga ang ginagawa ko tuwing weekends. Kung minsan naman ay nagbabasa ako ng mga manga na naipon ko. Sa tuwing may natitirang pera sa ipon ko ay binibili ko ng mga manga.  Naudlot ang panunuod ko ng bumukas ang pinto at bumungad si Malcolm na gano'n pa rin ang suot. Napaikot siya ng tingin hanggang sa nadapo ang mata nito sa bagay na nasa lapag. Mabilis akong tumayo at pinulot ang boxer pati brief ko na nagkalat sa lapag. Nakita ko ang gulat sa mata ni Malcolm ng makita niya ang mga undergarments ko. "W--wala k--kang nakita," nauutal kong sabi dito habang pinagbabantaan. "Ano bang ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" Inis na tanong ko sa kanya at napansin ko na ngumisi lang siya. Lumabas mula sa likod niya si Papa na suot ang isang apron. "Mabuti na lang nakita mo ang kwarto ni Kiro nalimutan ko kasing sabihin sa'yo kanina kung saan," natatawang sabi ni Papa habang kumakamot sa batok. Tinitigan ko si Papa ng nakakunot ang noo dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya. "Kiro pahiramin mo muna ng damit itong si Malcolm, natapunan kasi ng juice ang sando niya," utos nito. "Papa naman! May damit naman--" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ng samaan ako ng tingin ni papa.  Napabuntonghininga na lang ako at hinayaang pumasok si Malcolm. Umusok lang ang ilong ko ng ngitian ni Malcolm si Papa. "Maging mabait ka sa bisita natin, Kiro," payo niya at bumaba na. Sinarado ko ang pinto at sinamaan ng tingin si Malcolm.  "Ano ba ang binabalak mo?"  Napatingin naman siya sa akin at naupo sa aking kama. Mabilis akong lumapit sa kanya at pinatayo siya. Hindi purkit nandito siya sa bahay ay welcome na siya sa kwarto ko. Hindi niya ako sinagot at nilibot ang buo kong kwarto kaya ng papasok siya sa cr ay pinigilan ko ito. Baka makita niya ang hindi niya dapat makita. "Huwag kang papasok," pagbabanta ko. Tumaas naman ang dalawa niyang kilay. "What's there?" sabay tingin nito ng diretso sa akin na tila ba kinikilatis ang kilos ko. Napalunok naman ako dahil ayaw ko lang ipakita sa kanya kung ano ang itsura ng C.R ko. "W--wala." Sagot ko. Pinagsaklop nito ang kanyang braso at parang hindi naniniwala sa sinagot ko. Hinatak ko na ang kamay niya papunta sa kama at kumuha ng damit sa cabinet. "Ito na lang ang gamitin mo," sabay abot ko sa kanya ng damit ko. Napatingi naman siya sa damit na ibinigay ko. "Seriously?" sarcastic nitong tanong habang pinipigilan ang hindi matawa.  "Ano ba'ng nakakatawa sa m&m chocolate na disenyo? Kung ayaw mo edi huwag-- Akin na 'yan." Pagbawi ko pero hindi nito binigay sa akin ang t-shirt at bigla na lamang siyang naghubad sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang katawan niya na para bang isang modelo sa magazines. Hindi ko alam pero bumaba ang tingin ko sa abs niya at sa isang titig pa lang ay nabilang ko kaagad iyon. Walo. Eight pack abs ang mayroon siya. "Why are you looking at my body?" kunot noong tanong niya habang may ngisi sa labi. Nabalik ako sa ulirat at umiwas ng tingin. "Huwag ka ngang magpatawa, di hamak na mas maganda pa nga katawan ko kesa sa'yo." Bakit bigla akong nautal? Put* ano ba'ng nangyayari sa akin? Tumalikod na lamang ako para hindi na makita pa ang katawan niyang pinagmamalaki sa akin. Teka tama ba na binilang ko ang abs niya? Argh! Nahihibang ka na Kiro. Inis kong bulong sa sarili. Ng napansin kong tapos na siyang magbihis ay itinulak ko kaagad siya palabas ng kwarto. "Huwag ka ng bumalik sa bahay dahil hindi ka welcome dito." Galit kong sabi sa kaniya at malakas na sinarado ang pinto.  Bumalik na muli ako sa panonood pero hindi na ako makapagfocus sa pinapanood ko dahil sa pagbulabog ni Malcolm kaya naisipan kong patayin na lang ang palabas at seryosong umupo. Nakaalis na kaya siya? Tumayo na ako at dahan-dahan binuksan ang pinto pero isang malaking pagkakamali na binuksan ko ang pinto. Akala ko ay umalis na siya pero nandito pa rin siya sa harp ng pinto ko habang nakasaklop ang braso sa dibdib.  "Bakit nandito ka pa rin?" Singhal ko sa kaniya at tumaas naman ang dalawa niyang kilay. "I forgot the key of my car at your sidetable." Ngising aniya. Napatingin naman ako sa sidetable ko at tama nga siya na nandoon ang susi. Papasok na sana ito ng harangan ko ang pinto.  "Sinong nagsabi na ikaw ang kukuha?" Sarcastice na sabi ko at sinara ang pinto. Mabilis kong kinuha ang susi at binato sa kaniya na kaagad din naman niyang nasalo. "Shoo!" Pagtataboy ko dito. Napangisi naman siya bago tuluyan ng bumaba at para bang nakahinga na ako ng maluwag. Napahilamos na lamang ako sa mukha dahil parang kailangan ko ng umalis ng bahay na 'to. Kilala ko si Malcolm dahil kapag nalaman niya kung saan ako nakatira ay madali niya akong mapapabagsak at iyon ang hindi ko papayagan. Nadaan niya sa mga ngiti ang pamilya ko pero ako? Tsk, hindi tatalab sa akin iyang mga pangiti niya na akala mo ay nagmomodelo ng toothpaste. Ng sumilip ako sa bintana ng kwarto ko ay nakita kong sumakay si Malcolm sa isang kotse at umalis na iyon papalayo. Mabilis akong dumiretso sa baba para kausapin si papa at nakita ko itong abala sa paghuhugas ng mga pinggan. "Papa may hihilingin sana ako," Panimula ko habang si papa ay abala sa paghuhugas. Hinarap naman niya ako ng nakakunot ang noo. "Nais ko sanang mag-apartment kasama si Rico." Hiling ko dahil matagal na talaga pinlano ni Rico mag-apartment kaming dalawa na malapit sa school pero ako lang itong tumatanggi pero ngayon ay mukhang tama si Rico. Ngumiti ako kay papa ng biglang lumipad ang isang plato papunta sa akin kaya mabilis akong umiwas. "Nahihibang ka na bang bata ka?!" Galit na sigaw ni papa. Nanlilisik ang mga mata ni papa na hindi sang-ayon sa gusto ko. Ng babatuhin pa sana ako nitong muli ng plato ay tumakbo na ako paakyat sa itaas. Ni'lock ko kaagad ang pinto at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Kaya minsan natatakot akong galitin si papa dahil kapag nagalit iyon ay kung ano ang mahawakan niya ay ibabato sa akin. Wala na akong magagawa pa kung hindi harapin ang gulong mayroon ako.  Teka bakit ako nagmumukmok ngayong araw? Dapat magsaya ako dahil ito ang weekend na walang halimaw ang gugulo sa akin ngunit nasira na iyon kaninang umaga. Pero hindi pa naman huli hindi ba? Mabilis kong tinext si Rico para samahan akong manuod ng liga at pumayag naman kaagad ito. Alam ko naman na hindi makakatanggi ang mokong na 'yon pagdating sa panonood ng basketball. Nagpalit na ako ng damit at narinig ko ang sigaw ni papa sa ibaba na nandoon na raw si Rico kaya naglakad na ako pababa. Nakita ko si Rico na kumakain ng ice creame kaya hinatak ko kaagad ito. "Papa aalis na po kami!" Pagpapaalam ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagotn ni papa dahil paniguradong magtatanong iyon tungkol sa hiniling kong mag-apartment. "Teka," pigil ni Rico at tinanggal ang kamay ko na nasa balikat niya. Nilapat nito ang kamay niya sa aking noo. "wala ka namang sakit. Kakaiba talaga ang mga ngiti mo ngayon, may nangyari bang maganda?" tanong niya at umiling naman ako at pinitik ang noo niya. "Baliw, gusto ko lang magsaya ngayong araw kahit na nasira ang umaga ko dahil sa pugong 'yon." sagot ko. "Highlights tawag sa buhok niya, Kiro." Pagtatama nito at nagkibit balikat naman ako. "Gusto ko pugo, dahil mukha naman talaga silang pugo dahil sa buhok nila."  Hindi na siya sumagot pa ng makarating na kami sa isang liga dito sa barangay. Maraming mga tao ang nanonood dito kaya naghanap na kami ng pwesto ni Rico. Sinulit ko na ang panonood at gusto kong mapahanga sa mga manlalaro ngayon dahil ang gagaling nila.  "Uy Kiro," sabay bunggo ni Rico sa akin dahilan para maudlot ang panunuod ko.  "Ano na naman?" Inis kong sabi. "Nakatingin sa'yo yung lalaking yun oh." Sabay turo nito sa lalaking naka-basketball jersey na may numerong 09. Mukhang tama nga si Rico dahil naabutan ko itong nakatingin sa akin.  "Alam mo gutom lang 'yan." Sabay sakal ko sa leeg niya at hinatak siya paalis doon.  Halos sumakit ang tiyan ko sa kakatawa dahil sakal-sakal ko ang leeg niya at pumapalag naman siya. "Bitawan mo nga ako Kiro!" Aniya at hindi ko naman siya pinakinggan at hinatak lang sa isang store. Pagkarating roon ay binitawan ko na siya at bumili ng isang ice cream.  "Ano sa'yo?" Pang-aalok ko. "Strawberry." Tumango naman ako at bumili ng strawberry at chocolate ice cream. Inabot ko na sa kaniya ang ice cream niya at nagsimula na ulit kaming maglibot. "Alam mo pakiramdam ko sa'yo talaga nakatingin iyong lalaking 'yon eh." Sabay dila nito sa ice cream.  "Tara arcade tayo." Anyaya ko at hinatak siya. Mahigit tatlong oras rin kami ni Rico sa arcade at hindi namin napansin na alas singko na pala ng hapon. Kung hindi lang tumawag si papa ay hindi namin mapapansin na alas singko na ng hapon kaya naisipan na naming umuwi.  "Sige na mauna na ako, Kiro." Paalam niya at tumakbo na papalayo. Tatawagin ko pa sana ito pero tuluyan na siyang nakaalis. Gusto ko sanang sumabay sa kaniya maglakad pauwi pero nauna na siya sumakay sa bus dahil may kailangan pa raw siyang tapusin. Naghintay na lamang ako ng susunod na bus habang nakaupo sa isang bench.  "Papa napatawag ka? Pauwi na ako." Bungad na sagot ko.  [Mabuti naman dahil kailangan naming umalis ng lola mo bukas.] Aniya dahilan para makunot ang noo ko. "Aalis? Saan?" Naguguluhan kong tanong. [Tumawag si tita mo at gusto nilang magbakasyon kami roon ng lola mo kaya hinahanda na namin ang mga gamit ngayon kaya bilisan mong umuwi at tulungan kaming mag-ayos ng iba pang gamit.] Tumango naman ako sa hangin. "Opo pasakay na ako ng bus." Paalam ko at pinatay na ang tawag. Ng makakita na ako ng bus ay nagmadali akong sumakay at naghanap ng upuan. Ng makakita ako ay pumwesto ako roon at umupo malapit sa bintana. Paalis na sana ang bus ng may biglang tao ang tumakbo at pumara. Siya iyong lalaking nakasuot ng basketball jersey na 09.  "Salamat." Hingal na sabi nito sa driver at umikot ng tingin para maghanap ng pwesto. Dumapo ang tingin nito sa akin at naglakad papalapit. "PWede bang tumabi?" Kahit naguguluhan ay tumango naman lamang ako at umusog. Naupo naman siya sa tabi ko habang malapad ang mga ngiti kahit na mababakas ang pawis sa buhok nito. Nakakapagtaka, maraming bakanteng upuan sa harapan pero bakit dito siya pumwesto?  Nagkibit balikat na lamang ako at tumingin na lang sa labas. Ilang minuto rin bago ako nakarating sa destinasyon ko at pumara. "Para ho." Sambit ko kaya huminto naman ang bus.  Naramdaman kong tumatawag na naman si papa kaya napakamot na lang ako sa sentido at nagmadaling lumabas ng bus. Nagmadali akong naglakad para makarating kaagad sa bahay. [Nasaan ka na bang bata ka?] "Malapit na po Papa." Sagot ko at pinatay na ang tawag. Ng makarating ako sa bahay ay naabutan ko si papa na nagiimpake na ng mga damit kaya nagsimula na akong tulungan siya. Pinaliwanag niya sa akin kung bakit gusto ni tita na magbakasyon sila roon ni lola ay dahil wala pala ang asawa nito dahil kaalis lang papuntang ibang bansa para magtrabaho. "Madaling araw na ang biyahe namin apo kaya mag-ingat ka dito." Paalala ni lola na kinatango ko. "Opo, kayo rin po huwag niyong hahayaan si papa na masyadong magtrabaho doon." Hinaplos ni lola ang buhok ko. "Oo naman apo kaya dapat ikaw alagaan mo ang sarili mo rito kumain ka sa tamang oras." "Sha nga pala Kiro nakausap ko na si Malcolm at sobrang bait ng batang iyon dahil pumayag siya na samahan ka rito pansamantala habang wala kami ng lola mo." Ngiting sabi ni papa at para bang nabuhol ang dila ko. "A--Ano?!" Hindi ko na mapigilan ang hindi mapatayo. Ano ba'ng ginawa ko kay Malcolm sa nakaraang buhay para pahirapan niya ang buhay ko ngayon?  Nagpatuloy lang si papa sa pag-aayos ng mga gamit habang ako ay nakatulala na lang sa kalawakan at pinoproseso sa isipan ang mga sinabi ni papa. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD