Kiro's POV
Gusto kong sumabog sa inis ng marinig ang orasan sa sidetable ko na nagwawala sa lakas. Pinatay ko na lamang ito kahit pa nakapikit ang aking mga mata at tumayo mula sa pagkakahiga. Pakiramdam ko ay gusto ko pang mahiga na lang buong araw dahil linggo naman at wala sila papa. Speaking off papa, nakaalis na sila kaninang madaling araw at hinatid ko sila sa station ng bus kaya pakiramdam ko ngayon ay kulang pa ang tulog ko ng dahil sa puyat.
Napaunat na lamang ako at nagsimula ng maghilamos. Hindi ko maiwasan ang magtatatalon sa tuwa dahil magagawa ko na ang mga gusto ko na walang pupuna sa mga kasiyahan ko. Napakanta na lang ako sa saya habang sinasabayan ng sayaw ngunit napawi ang lahat ng may tao ang lumabas mula sa cr habang nakatapis ang tuwalya sa bewang nito. Dahan-dahang pumapatak ang tubig paibaba sa katawan nito. Unti-unting napahinto ako sa pagkanta ng makita ang taong kinaayawan ko na nilikha sa mundo.
"Malcolm?!" Sigaw ko sa gulat at napakusot sa mata dahil baka nanaginip lamang ako o di kaya'y binabangungot pero mukhang totoo ang lahat. Napatitig ito paibaba sa boxer ko at alam ko na kung ano ang tinitigan niya kaya mabilis kong tinakpan ang umbok ko gamit ang tuwalya. "Bakit nandito ka?! Wala ka bang bahay?!" Hindi ko na talaga maiwasan ang mainis sa lalaking 'to. Naghihirap na ba siya kaya kung pumunta dito sa bahay akala mo ay welcome siya. Napangisi naman ito at naglakad papasok sa isang kwarto habang malawak ang ngiti.
Napapasipa na lang ako sa hangin dahil sa inis na nararamdaman. Mukhang tinotoo ni papa ang sinabi niya, kainis!
Ng marealize ko ang suot ko ay nagmadali akong bumalik sa kwarto ko at nagpalit ng short. Naaalala ko na naman ang mga titig niya kanina sa umbok ko at para bang may kiliti akong naramdaman. Seryoso?! Kiliti talaga?
Napamura na lang ako sa utak ko at binuksan ang pinto kasabay rin ng paglabas ni Malcolm ng kwarto na nakasuot ng pambahay. Napapikit ako ng mariin at matalas na tinitigan diretso sa mata si Malcolm.
"Alam kong napilitan ka lang dahil sa gusto ni papa pero hindi ko naman sasabihin na umalis ka ng bahay kaya pwede ka ng umalis." Itutulak ko na sana siya ng umatras siya kaya ang naging ending ay nahawakan ko ang dibdib niya. Namilog ang mata ko ng maramdaman ko ang dibdib nito na may hulma at mababakas doon na mahilig siyang mag gym. Mahigit ilang minuto rin bago ako umatras at sinaman siya ng tingin.
"Hindi ako aalis." Madiin niyang sabi habang walang emosyon na nakatingin. Naglakad na siya papuntang kusina at nagsuot ng apron.
"Ako na ang magluluto!" Pigil ko dahil wala akong tiwala na marunong siyang magluto. Nagdikit naman ang dalawang kilay nito at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa apron. Napansin kong may dinukot siya sa kaniyang bulsa at pinakita ito. Nabasa kong number iyon ni papa. "A--anong gagawin mo?"
"I'll call your dad and tell him that you're not listening to me." Sabay ngisi nito na may pagbabanta.
"Binabantaan mo ba ako?"
"No, I just want to remind you that I'm the boss here." Sambit niya at pinakita sa akin ang text ni papa na binigyan siya ng permiso na mamuno sa bahay. Nalaglag panga na lang ako ng mabasa ang mga iyon dahil kanina ko pa gustong sumabog sa inis. Sino ba talaga ang anak niya sa aming dalawa?
Mabigat ang bawat hakbang ko na bumalik ng kwarto at malakas na sinarado. Nagbihis na ako at mabilis na kinontact si papa pero out of coverage ang cellphone nito. Napabuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa harap ng salamin. Ito ba ang ginaganti niya sa'kin? Napakuyom ako sa inis dahil hindi ako papayag na matalo na lamang ako ng isang katulad niya. Unti-unting kumawala ang ngiti sa labi ko dahil sa naiisip. Tinext ko si Rico para sabihin na nandito si Malcolm at gusto ko na ipaalam niya sa buong gc niya na nandito ang sikat na hari ng pugo.
Demonyong natawa na lang ako sa aking isipan habang iniisip ang plano. Siguradong pagkakaguluhan siya ng mga babae dito sa bahay at paniguradong alam kong ayaw niya na sinusundan siya ng mga tagahanga niya. Napawi ang ngiti sa labi ko ng bumukas ang pinto habang walang damit pang itaas si Malcolm. Nanliit ang mga mata ko at masamang tinitigan siya.
"Hindi ka ba marunong magsuot ng damit?" Sarcastic kong sabi dito at tinitigan naman niya ang kaniyang katawan.
"Why? There's nothing wrong with my body. Do you find it, hot or sexy?" Napasampal na lang ako sa noo dahil kahit pala ang utak niya ay mahina. Saan siya kumukuha ng lakas ng loob? Mahirap talaga ang pinupuri ng ibang tao, nakakataas ng self-confidence.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga at nilagpasan siya na parang hangin. Wow, ngayon lang ako nakakita ng mga ganitong pagkain. Teka. Ngayon ko lang napansin na ang lahat ng mga nakahain na pagkain sa lamesa ay wala sa refrigerator.
"Saan mo kinuha itong mga pagkain?" Sabay turo ko sa mga pagkain na nakahain sa lamesa.
"About this, I bought this in market near here." sabay upo nito sa pwesto ni papa. "Ng makita kong walang laman ang ref ay naisipan kong mamili."
"Babayaran ko na lang ang lahat ng nagastos mo." Napahawak naman siya sa baba niya at tinitigan ako. "Bakit ganiyan ang tingin mo?"
"You don't need to pay me, just eat." Malamig na sabi nito.
"Okay sabi mo eh."
Ngayon ko lang nalaman na may mabuting dulot din pala ang pagpunta niya dito kahit papaano at maipagluto ako ng umagahan. Hindi na ako umangal pa dahil siguradong mamaya na ang bagay na pinakahihintay ko.
Tahimik na kumain na lamang kaming dalawa nang biglang tumunog ang cellphone nito. Kahit na abala ako sa pagkain ay tinalasan ko pa rin ang aking tenga.
"What?!" Gulat na sigaw nito at masamang tinitigan ako. "Damn it!" Mura niya at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo at hinubad ang apron kahit pa walang suot pang itaas. "Did you tell them?" Nanlilisik ang mga mata niya sa akin kaya nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi siya pinansin. Malakas niyang hinampas ang lamesa kaya napahinto ako sa pagkain at nilabana ang mga titig nito.
"Alam mo naman na bakit nagtatanong ka pa?" Sarcastic kong sagot sa kaniya. Narinig na lamang namin ang maraming busina sa labas ng bahay. Aaminin kong nakaramdam ako ng kaba pero nilakasan ko lamang ang aking loob.
"Are you damn idiot?!" Sigaw nito sa akin kaya masama ko siyang tinitigan at napakuyom sa inis. "Hindi mo alam ang ginawa mo, Kiro." Iling niyang sabi at napansin kong unti-unting kumalma ito.
"Ano'ng ibig mong sabihin?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.
"If they found out that I'm here, all of them will ask you why I damn here and you know what is next? Iisipin nilang may namamagitan sa ating dalawa." Sabay ngiti nito ng nang-aasar. Parang nanlamig ang buo kong katawan sa sinabi niya. Parang hindi na ako makagalaw sa kinauupuan ko ng dahan-dahan siyang lumapit sa akin kahit pa walang saplot pang itaas. "Do you want me to tell them that... we're living together?" Sabay ngisi niya.
Nagising ako sa katotohanan na may punto ang lahat ng sinabi niya. Gusto kong suntukin ang sarili ko sa mga pinaggagawa ko dahil ako rin pala mismo ang gumagawa ng sarili kong karma. Narinig na lang namin ang sunod-sunod na katok mula sa pinto at ng lalapit sana si Malcolm ay mabilis kong hinatak ang kamay niya at tumakbo paakyat sa kwarto ko. Malutong akong napamura.
"Dito ka lang at huwag mong susubukan na lumabas mula diyan kung hindi mapapatay talaga kita, Malcolm." Singhal ko at napangisi lang siya. Ni'lock ko ang pinto ng kwarto ko at mabilis na bumalik sa ibaba. Ng buksan ko ang pinto ng bahay ay halos lahat ng mga tagahanga ni Malcolm ay nandito.
Bakas sa mga mukha nila ang gulat ng lumabas ako mula sa pinto.
"H--hi." Sabay ngiti ko. Nanliit ang mga mata nilang lahat pero mahahalata mo sa mukha nila ang dismaya.
"Nandiyan ba si Malcolm?"
"May babae ba siyang kasama?"
"Sabihin mo ang totoo!"
Napakamot na lang ako sa sentido dahil halos lahat sila ay binato na ako ng sunod-sunod na tanong. Napakagat ako sa ibabang labi.
Sorry, Rico. Promise na babawi ako pagkatapos nito.
"A--ahh tungkol doon-- walang katotohanan ang lahat ng balita na nalaman niyo," panimula ko kaya nagkatinginan silang lahat. "Wala rito si Malcolm." Mukhang nagliwanag ang mga mata nila sa balitang sinabi ko. "At balita ko na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang girlfriend, tama wala!" Sabay masayang sigaw koat nagtilian naman silang lahat.
"Omygosh may chance pa tayo girls!"
Sigaw ng babaeng blonde ang buhok. Sabay agree ko sa kanila dahil iyon lang ang tanging paraan para makaalis sila dito.
"Teka sando ba 'yon ni Malcolm?" Sambit ng isang babae sa itaas ng bahay namin. Parang nalaglag panga na lang ako ng makita ang sando ni Malcolm na nakasabit sa itaas. T*ng'na ka talaga Malcolm, pahamak ka kahit kailan! Inis kong bulong sa sarili.
"Oo nga siya lang ang may ganiyang sando." Sang-ayon noong isang babae na punong-puno ng nagliliwanag na ginto sa katawan. Dahan-dahan silang napatingin sa akin habang nagtatanong ang mga mata kaya hindi ko maiwasan ang mapalunok.
"I--iyan b--ba, ninakaw 'yan ni Rico, tama!" Nakunot ang noo nila sa sinabi ko. Marami na akong utang nito kay Rico, huhuhu I'm sorry Rico pero babawi talaga ako sa'yo. "S--sinong may gusto ng sando ni Malcolm!" sabay taas ko ng kamay kung may sasang-ayon at halos lahat sila ay nagtaasan. Nagmadali akong umakyat sa kwarto at sinamaan ng tingin si Malcolm. Nagtaas lang siya ng balikat na parang walang alam. Kinuha ko ang sando at iwinagayway sa terrace. Ng binato ko sa labas ang sando ni Malcolm at lahat sila ay nag-unahan sa pagkuha hanggang sa may nakakuha na isa at nag-alisan na silang lahat. May mga nagpasalamat pa dahil sa ginawa ko at tanging ngiti lang ako sinagot ko.
Woah! Muntikan na iyon ah.
"Ikaw ba ang nagsabit ng sando sa labas ng kwarto ko?" Inis kong tanong sa kaniya pero hindi ako nito pinansin at naglakad na palabas ng kwarto.
Bumalik na ako sa kusina at naabutan ko itong kumakain kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagkain dahil ramdam ko pa rin ang gutom sa aking tiyan. Ng matapos na akong kumain ay napansin kong natapos na rin siya sa pagkain, kukuhanin sana nito ang plato sa akin ng pigilan ko siya.
"Ako na ang maghuhugas ng plato ko." Tinitigan lamang ako nito at ngumisi. Naiirita ako sa tuwing ginagawa niya ang pagngisi. "Pwede bang huwag kang ngumisi." Hindi nito pinakinggan ang sinabi ko at dumiretso lang siya sa kusina dala ang mga hugasan ng marealize ko na sa tingin ko ay hindi marunong maghugas iyon. Lahat naman ng mga mayayaman ay hindi marunong humawak ng hugasin.
Nilapag ko sa lababo ang plato ko at umakyat sa itaas ng kwarto. Naghanap ako ng damit na ipapahiram sa mokong na 'yon hanggang sa nakakita ako ng sando at naglakad pabalik sa kusina. Nilahad ko sa harapan niya ang sando dahilan para makunot ang noo nito.
"What's that?"
"Suotin mo, kapalit ng sando na binigay ko sa mga fans mo." Sagot ko at biglang nagseryoso ang mukha nito. "Huwag ka na ngang tumanggi." Sabay lapit ko pa sa kaniya ng sando.
"How do I wear that, Idiot." Sabay mapang-asar na ngiti nito. Napanguso naman ako at sinuot na sa kaniya ang sando kong puti.
"Better," pagpuri ko dahil bagay sa kaniya ang sando ko. Unti-unti kong narealize na ang lapit namin sa isa't-isa kaya umatras kaagad ako. "Hu--hugasin m--mo na rin ang plato ko." Nauutal kong sabi at mabilis na naglakad palabas ng kusina. Put*, bakit nautal ako? Fvck!
Umakyat na lamang ako sa kwarto ko at nagbasa ng mangga pero kahit ano'ng focus ko sa pagbabasa ay sumasagi pa rin sa isipan ko ang mukha ni Malcolm. Ngayon ko lang napansin na ang kinis ng mukha niya na para bang alagang-alaga ito. Pinuri ko ba ang mukha niya?
Nagmadali akong tumayo at nag-exercise para kahit paano ay mawala sa isipan ko ang Malcolm na 'yon. Ng maramdaman kong napagod na ako ay nahiga na ako sa kama at napatitig sa kisame pero kaagad din iyong napawi ng marinig ang mga tawanan sa ibaba. Nakunot ang noo ko ng marinig ang malakas na usapan kaya hindi ko na maiwasan pang tumayo at pumunta sa ibaba. Pagkarating ko roon ay para bang nag-init ang ulo ko ng makita ang mga kasamahan ni Malcolm habang malalapad ang ngiti. Ngayon ay alam ko ng mahirap makasa si Malcolm lalo na at kasama niya pa ang alaga niyang pugo rin.
"Hi Kiro!" Masayang bati ni Vincent.
"Nandito na siya." Dugtong ni Edmon habang seryoso ang mga singkit na mata.
"Hi." Sabay kaway ni Michael.
Alam ko na ang mga pangalan nila ng dahil kay Yumiko. Sinamaan ko sila ng tingin lalo na si Malcolm. Pinapunta niya pa talaga ang mga ito sa bahay?!
"Ano'ng ginagawa nila dito sa bahay?" Tanong ko kay Malcolm at tinignan naman ako nito.
"Don't worry Kiro hindi naman namin kayo iistorbohin ni Malcolm," sabat ni Oliver habang kumakain ng apple. Mabilis ko silang apat pinatayo at itinulak palabas ng bahay.
"Huwag na huwag kayong papasok dito sa bahay!" Sigaw ko at malakas na sinarado ang pinto. Mabilis kong pinuntahan si Malcolm na nakaupo lang at kumakain ng pop corn habang nanunuod sa tv. "Bakit pinapasok mo iyong mga alaga mong pugo? Pagnalaman ni papa na nagpapasok ka dito sa bahay ay ako ang malalagot Malcolm!" Sigaw ko pero parang walang naririnig ito kaya humarang na ako sa tv. "Nakikinig ka ba?!" Pero tinagilid niya lang ang ulo niya.
Hindi na ako umangal pa at hinayaan na lang siya. Umakyat na ako sa kwarto at napansin ang biglaang patunog ng cellphone ko. Napansin kong tumatawag si Rico kaya sinagot ko iyon.
[Kiro!] Sigaw nito kaya nilayo ko kaagad ang cellphone sa tenga ko. [Nakakainis ka talaga kahit kailan! Pinapahamak mo ako!] Napakamot na lang ako sa batok ng marinig ang mga sigaw niya.
"Sorry iyon lang ang tangin paraan para hindi magtaka ang mga fans ni Malcolm dahil kapag nalaman nilang nakatira siya dito ay ako ay malalagot." Sagot ko dahilan para marinig ko ng unti-unting kumakalmna ang paghinga ni Rico.
[Ikaw ang nagplano tapos sa akin mo ibabato na sinungaling ako? Ang sama mo talaga Kiro.] Bakas sa boses nito ang pagtatampo.
"Babawi na lang ako, promise." Narinig kong sasagot pa sana siya ng pinatay ko na ang tawag. Nagpalit na ako ng damit para pumunta ng mall at mag-arcade. Gusto ko munang malibang ang sarili ko dahil ayaw kong makasa ang pugo na 'yon.
Ng makapagpalit na ako ay dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan. Kailangan ko lang ay makatawid sa mahiwagang pinto at hindi malaman ni Malcolm na aalis ako. Tip-Toe na ang ginawa ko para hindi niya marinig ang kahit ano'ng tunog. Yes! Pipihitin ko na lang ang doorknob.
"Where dou you think you're going?" Malamig na tanong ni Malcolm mula sa likuran ko. Napaikot ako ng tingin at naabutan ko itong nakasaklop ang kamay sa kaniyang dibdib.
"Aalis lang ako para kahit papaano ay tumahimik ang buhay ko." Sagot ko sa kaniya at tinaasan lamang ako nito ng kilay.
"You're not going anywhere," desididong sabi niya kaya hindi ko na mapigilan ang mainis.
"Hindi tayo magkaano-ano kaya huwag kang umasta na parang kilala mo ako lalo na ang pamilya ko." Nakita ko ang gulat sa mukha niya ng sabihin ko iyon. Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko pero tama na rin sigurong malaman niya upang tigilan niya na ang panggugulo sa buhay ko. Ngunit napalitan ng walang emosyon ang mga mata nito.
"Then I'll go with you." Napahilamos na lang ako sa mukha. Akala ko ay masasaktan na siya sa sinabi ko pero nagkamali ako.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ayaw kitang makasama? Gusto mo pa bang ulitin ko? A-Y-A-W KONG MAKASAMA KA!" Singhal ko. Binuksan ko na ang pinto at malakas na sinarado. Aish! Wala na ba siyang magawa sa buhay niya?
Pagkarating ko sa arcade ay pumwesto kaagad ako at nagsimulang maglaro. Maraming mga tao ang nandito ngayon kaya kung minsan ay nanunuod lamang ako sa mga naglalaro. Ng makita kong walang nakapwesto sa isa ay mabilis akong umupo at naglaro ng tekken 7. Halos malibang ako sa paglalaro at ngayon ko lang napansin na may nakaupo na pala sa tabi ko. Nagulat ako ng makita iyong lalaking nakasabay ko sa bus. Nakangiting hinarap niya ako habang nakasuot ng simpleng t-shirt at jeans. Bigla nitong nilapag sa harapan ang maraming tokens na siguro'y binili niya.
"A--ano'ng ginagawa mo?" Pakiramdam ko ay hindi ako komportable sa mga tinginan niya o sadyang ako lang ang may mali.
"Gusto ko sana ng kalaro tutal ikaw lang ang mag-isa, game?" Aya nito kaya napatango na rin ako.
Ng maglaban na kami ay hindi ko makayanang matalo siya dahil napakagaling niyang gumamit ng karakter. Kahit sino'ng gamitin niya ay natatalo niya ako. Ngayon lang ako nakaharap ng ganitong tao na nakakatalo sa akin kasi kahit si rico ay hindi ako makayanan,
"Wow ang galing niya." Bulong ng lalaki sa likuran namin. Totoo ang mga sinabi niya, magaling ang isang ito pero hindi ako papayag na matalo pa ako this time. Ginawa ko ang lahat para manalo at ginamit ang paborito kong karakter na si Lars. Napangiti na lamang ako dahil ramdam ko na ang tagumpay. Napatayo ako sa tuwa ng matalo ko siya.
"Yes!" Maraming mga tao ang napatingin sa ginawa ko kaya napaupo na lamang ako ulit. Hanggang sa nagsimula na ang second round, medyo naging tense ang laban naming dalawa dahil napansin kong nabablock niya ang mga atake ko. Halos mapindot ko na lahat ng mga dapat pero nahirapan na akong mabawasan ang buhay niya. Namilog ang mata ko ng magawa niya ang super ng karakter niya at hindi ko inaasahan na iyon na pala ang katapusan ng karakter ko kaya ang nanalo sa second round ay siya.
"Nice." Ngiting aniya. Nagdikit ang kilay ko dahil bigla akong nakaramdam ng inis.
Nagsimula na ang final round at ramdam ko ang pagpawis ng aking kamay. Napansin kong inikot niya ang kaniyang leeg na para bang inuunat ang mga iyon.
"Let's have a deal," napatingin naman ako dahil sa sinabi nito. "If you'll win this game, I will treat you anyone you want. But if i'll win this game, you'll treat my what I want. Deal?" Sabay ngiti niya ng malapad habang ang mga mata nito ay nanghahamon. Mas lalong dumami ang nanonood sa aming dalawa kaya ramdam ko ang tensiyon sa pagitan ng laban. Ngumiti ako pabalik sa kaniya at tinanggap ang kamay na nakalahad.
"Call."
Pinindot na niya ang start game kaya tatlong segundo na lamang ay magsisimula na ang laban kaya finocus ko ang aking sarili.
Mananalo ako sa laban na ito, mali siya ng kinalaban. Ngiting bulong ko sa sarili hanggang sa nagsimula na ang laban.
To be continued...