Kiro's POV
"What the f*ck?! Are you crying?" Galit na tanong ni Malcolm.
"Saan mo ba ako dadalhin? Papatayin mo ba ako hah?!" Biglang nalaglag ang panga nito sa sinabi ko at mabilis na pinreno ang kotse kaya tumama ang ulo ko sa salamin. Argh! Ang sakit ng ulo ko dahil sa pagtama t*ngna! Hinarap ko siya ng nanlilisik ang mga mata. "Pwede bang magdahan-dahan ka naman!"
"I'm not going to kill you because I-Am-not! Insane to do that idiot." Madiin nitong sambit. Kanina gusto kong maluha dahil pakiramdam ko na ito na ang katapusan ng buhay ko pero nawala ang lahat ng iyon ng tawagin na naman niya ako ng 'idiot'. Nagpatuloy na lamang ito sa pagmaneho kaya tumahimik na lang ako sa pwesto ko.
Ilang minuto rin ng mapansin ko na pumasok kami sa isang village kaya kunot noong hinarap ko si Malcolm.
"Nasaan tayo?"
"In my house." Walang gana nitong sagot. Nanlaki ang mata ko dahil ito ang unang beses na makakapunta ako sa bahay nila. Hindi ko maiwasan mapalunok dahil napansin kong uminto na ang kotse. "Uupo ka na lang ba diyan?" Singhal nito kaya mabilis akong lumabas ng kotse. Nakasunod lamang ako sa likod niya hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng bahay nila. Napa 'wow' ako dahil sa ganda ng bahay nila at halos lahat ng mga gamit ay mamahalin. May sumalubong sa amin na isang babae nasa tingin ko ay nasa mid 30s.
"Nakauwi ka na pala--" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin ng lagpasan lamang siya ni Malcolm. Hanggang dito rin pala ay ganoon ang ugali ng pugong 'yon. "Hi kaklase ka ba ni Malcolm?" Ngiting tanong niya at mabilis naman akong tumango.
"Opo, ako nga po pala si Kiro." Pagpapakilala ko sabay lahad ko ng kamay. Tinanggap naman nito ang kamay ko na nakalahad.
"Sorry kung nakita mo ang inasta ng anak ko sa akin."
"Ayos lang po, at tsaka hindi na rin naman bago sa akin ang ugali ng anak niyo." Sagot ko dahilan para matawa kaming dalawa.
"Hey idiot!" Napapikit ako ng mariin ng tawagin ako ni Malcolm. Tignan mo, ang bastos talaga ng isang 'to, nakikipag-usap pa ako.
"Mauuna na po ako." Paalam ko na kinatango niya.
Tumakbo ako papalapit kay Malcolm at tinitigan siya ng nanlilisik ang mga mata. Napangisi naman ito at naglakad na paakyat sa itaas. Sinundan ko lang siya hanggang sa napunta kami sa kwarto niya.
"Pasok." Aniya.
Pagkapasok ko sa loob ng kwarto niya ay hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa mga bagay na nandito sa kwarto niya. Halos lahat ay may mukha ni ben10.
"HAHAHA!" Tuluyan na akong natawa habang hawak ang tiyan. Ngayon alam ko na kung bakit ang weird ng pugong 'to. "Kaya pala may sira yung utak mo dahil siguro dito." Sabay turo ko sa mga figures at mukha ni ben10.
"Stop laughing." Napahinto ako sa pagtawa ng marinig ang boses nito na animo'y nagbabanta. Tinakpan ko kaagad ang bibig ko para pigilan ang hindi matawa. Umiwas na lamang siya ng tingin at kinuha ang guitara mula sa isang silid.
"Ano gagawin ko diyan?" Bigla kasi niyang inabot sa akin ang guitara.
"Kainin mo." Sarcastic na aniya. "Alam mo ba gamitin ito?" Walang emotion niyang sabi. Napatango-tango naman ako at kinuha ang guitara sa kaniya. May inabot itong papel sa harapan ko at kaagad kong napansin na chords ito ng kanta. Kumuha siya ng upuan at pinaupo ako roon habang siya naman ay nakaupo sa kama na kaharap ko. "Start."
Ng inistrum ko na ang guitara ay napansin ko na nakatingin lamang siya sa paggalaw ng kamay ko. Nakakailang strumming pa lang ako ng pigilan nito ang kamay ko.
"Damn! It's sounds badly." Lumapit siya sa likod ko at hinawakan ang gitara kahit pa hawak ko ito. Hinawakan nito ang kamay ko at kontrol iyon kaya sinundan ko lang ang ginagawa niya. Mukhang tama nga siya dahil ng pakinggan ko ang tunog ay mas lalong gumanda.
"Woah! Marunong ka rin pala sa gitara." Mangha kong sabi kahit pa nakapwesto siya sa likuran ko. Napangisi naman siya kaya bigla akong natauhan sa pwesto naming dalawa. Bigla na lamang bumukas ang pinto.
"Sorry kung naistorbo ko kayo dadalhin ko lang sana itong-- ahh mamaya na alng siguro." Sambit ng mommy ni Malcolm at mabilis na lumabas. Mabilis kong itinulak si Malcolm palayo kaya natumba ito sa lapag.
"What the!"
"H--hindi ko sinasadya." Napangisi naman ito sa sinagot ko hanggang sa naupo muli siya sa kama na kaharap ko.
"I'll be the one to sing and you'll play the guitar." Napatango-tango naman ako sa sinabi nito. Akalain mong nagkasundo kami sa isang bagay pero ng maalala ko na naman ang pagpasok ng mom niya ay nakakahiya dahil naabutan kami sa ganoong posisyon. Wala naman dapat bigyan ng malisya ang bagay na 'yon pero iba na ang takbo ng utak ng mga tao ngayon.
Nagsimula na akong magstrum ng gitara dahilan para magsimula na ring kumanta si Malcolm. Napatulala ako ng marinig ko ang boses nito dahil hindi ko inaasahan na maganda ang boses niya. Unti-unti niyang pinikit ang kaniyang mga mata habang patuloy na kinakanta ang 'Brown eyes'. Napahinto siya sa pagkanta ng biglang tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa.
Napatingin ako sa cellphone at nakitang tumatawag si papa kaya kaagad kong sinagot.
"Pa' napatawag ka?"
[Nasaan ka? Nakausap ko si Rico at sinabi niyang hindi ka sumabay sa kaniya sa pag-uwi.] Napakamot ako sa batok ng maalalang sabihan si papa. Nadapo ang tingin ko kay Malcolm na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.
"Nasa bahay lang po ako ng kaklase ko pero uuwi rin ako. Sige 'pa gagawa na kami ng assignment."
[Huwag mo lang subukang magloko sa akin Kiro dahil malilintikan ka talaga sa'kin." Galit na sambit ni papa dahilan para matawa ako.
"Opo." Pinatay ko na ang tawag at hinarap si Malcolm. "Magsimula na ulit tayo?" Napatango naman siya hanggang sa nagsimula na ulit kaming magpractice. Tumutugtog lamang ako ng gitara habang si Malcolm ang kumakanta.
Ilang oras rin bago kami natapos sa practice.
"Salamat nga pala dahil pumayag ka na gawin itong performance kahit na alam kong labag sa loob mo." Napangisi naman siya sa sinabi ko dahilan para magpaalam na ako dahil kailangan ko na ring umuwi. Pagkababa namin sa sala ay naabutan ko ang mama ni Malcolm na nakaupo sa sofa habang may dalang tupperware.
"Tapos na pala kayong magpractice." Ngiting sabi nito na kinatango ko pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Malcolm. Mukhang napansin ko sa mga mata ni Malcolm na nasaktan ito sa paraan ng ginawa ng anak niya.
"O--opo, mauuna na rin ho ako dahil kailangan ko na ring umuwi." Pagpapaalam ko bigla niyang inabot sa akin ang patong-patong na tupperware.
"Baunin mo na itong ginawa ko, balak ko sanang ihatid sa inyo sa kwarto kanina kaso--" mukhang nahihiya pa ito kung sasabihin niya ang nakita niya pero mabilis naman kaagad akong umapela.
"A--ahh t--tinuturan lang po ako ng anak ninyo." Dugtong ko. Tinanggap ko naman ang tupperware na inabot nito hanggang sa nagpaalam na ako dahil napansin ko na naiinip na si Malcolm.
Sumakay na kami ng kotse niya at hinatid niya ako hanggang sa labasan lang ng village nila.
"Ang bait pala ng mommy mo noh?" Masayang sabi ko dahilan para magtagis ang bagang nito at hinarap ako ng nanlilisik ang mga mata. Wrong move Kiro. Bigla nitong hininto ang kotse at napansin ko na nasa labasan na pala kami ng village. Bumaba na ako ng kotse niya at nagpasalamat. "Salamat nga pala ulit sa pagtuturo mo kanina--"
Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla nitong pinaharurot ang kotse niya. Ano'ng nangyari sa mokong na 'yon? Ng binanggit ko lang ang tungkol sa mommy niya ay bigla siyang nagalit. Ngayon ko lang napansin na napakasensitive niya kapag pinag-uusapan na ang mommy niya. Dapat nga magpasalamat siya dahil may nanay siya, hindi katulad ko na nabuhay na may tatay lang.
Nagkibit balikat na lamang ako at pumara ng bus para makauwi na. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si papa na katatapos lang maghugas ng pinggan.
"Mabuti naman at nakarating ka na, nakahanda na ang pagkain mo sa lamesa." Aniya. Napatango naman ako at nilapag ang tupperware na binigay ng mommy ni Malcolm. Hindi ko maiwasan mapahanga ng maamoy ang laman nito dahil amoy pa lang ay mukhang masarap na.
"Pa' kain tayo," anyaya ko at tumango naman siya. "Si Lola tulog na ba?"
"Mukhang napagod sa pagzuzumba kasama ang mga kaibigan niya." Sagot niya. Sinabayan ako ni papa kumain kahit pa kumain na siya kanina.
Bigla na lang lumipad ang isip ko sa mommy ni Malcolm. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong sitwasyon. Pansin ko kasi na ang lamig ng pakikitungo ni Malcolm sa nanay niya pero bakit? Alam ko naman na masama na ang ugali niya pero wala namang anak ang ayaw sa nanay nila.
"Kiro anak," Nabalik ako sa huwisyo ng tawagin ni papa ang pangalan ko. "Kanina ka pa tulala, may problema ba?" Napahimas naman ako sa baba habang nakapatong ang siko sa lamesa.
"Pa' ano ba ang itsura ni mama? Kasi kahit ni isang litrato niya wala tayo." Kunot noong tanong ko dahilan para mapahinto si papa sa pagkain at nabitawan ang kutsara. Tinignan ako ni papa sa mga mata at ngumiti siya pero alam kong hindi abot iyon hanggang tenga.
"Aakyat na ako sa kwarto ko, ligpitin mo itong mga pinagkainan mo." Napatango naman ako at umakyat na siya sa itaas.
Hindi na bago sa akin ang kinikilos ni papa sa tuwing tinatanong ko ang tungkol kay mama. Napabuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Ng matapos na akong kumain ay umakyat na ako sa kwarto at tinapos ang mga asssignments. Napatingin ako sa orasan at alas onse na pala ng gabi kaya napaunat ako at nahiga na sa kama. Naramdaman ko na lang na unti-unti ng bumagsak ang mata ko at nakatulog na ng tuluyan.
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa malakas na tawanan sa ibaba. Kahit takpan ko pa ng unan ang tenga ko ay naririnig ko pa rin ang boses nila na akala mo walang tao ng natutulog. Aish! Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumunta sa ibaba para tignan kung sinong hangal ang naglakas loob mag-ingay sa bahay.
"Pa' pwede bang hinaan niyo ang boses niyo-- Malcolm?" Namilog ang mata ko ng makita si Malcolm na nasa lamesa habang kumakain kasama sila papa at lola.
"Anak Kiro gising ka na pala, kanina ka pa hinihintay nitong kaklase mo dahil kanina ka pa niya ginigising pero tulog mantika ka raw."
Ano na naman bang binabalak niya?
Tinitigan ako ni Malcolm mula ulo hanggang paa dahilan para mapansin ko na nakapantulog pala ako. Napansin ko na pinipigilan nito ang hindi matawa dahil sa suot ko na may disenyong m&m na chocolate.
"Bakit ka nandito?" Galit na tanong ko kay Malcolm pero bigla na lamang tumayo si papa at binatukan ako. "Pa' naman!" Maktol ko.
"Magbigay galang ka naman sa bisita natin Kiro." Pangangaral ni papa. Kanina ko pa gustong sapakin ang mukha ni Malcolm dahil alam kong tinutukso na ako nito sa isip niya.
"Bwisita kamo." Bulong ko pero hindi naman narinig nila papa. Umakyat na ako sa itaas para magpalit ng damit ko at naligo. Pagkababa ko sa kusina ay naabutan ko si Malcolm na nakangiti habang kinakausap sila papa. Tsk, ngayon ko lang din nalaman na magaling siya umarte na akala mo mabait.
Napatikhim ako kaya napahinto sila sa pagtawanan.
"Sige na umalis na kayong dalawa. Ibinaon ko na lang din ang almusal mo Kiro dahil baka ma'late ka pa," sabay abot ni papa sa akin ng paper bag at nagpasalamat naman ako.
"Thank you for the breakfast tito." Ngiting sambit ni Malcolm dahilan para manlaki ang mata ko. Tama ba ang narinig ko? Tinawag niyang tito si papa? Napakurap pa ako bago hinatak ni Malcolm ang braso ko palabas ng bahay.
"Mag-iingat kayo sa pagpasok!' Pahabol pa ni papa.
Mabilis kong tinanggal ang kamay ni Malcolm sa braso ko ng nasa labas na kami ng bahay.
"Bakit nandito ka? May binabalak ka na naman ba?" Kasabay ng pagkilatis ko sa mukha nito pero walang nagbago doon at walang emosyon pa rin siyang nakatingin. Pinasok nito ang kamay niya sa kaniyang bulsa at binuksan ang pinto ng kotse sa passenger seats.
"Don't talk too much idiot." Napakuyom ako at sinara ang pinto.
"Maglalakad ako papasok." Madiin kong sabi at maglalakad na sana ng biglang hablutin nito ang likuran ng kwelyo ko. Sinubukan kong maglakad pero napakalakas niya kaya hindi man lang ako nakahakbang. "Bitawan mo 'ko Malcolm!"
"Huwag ka ng makulit. Sakay." Sabay turo nito sa kotse. "I said get in." Padabog akong sumakay ng kotse nito. "Sasakay rin pala." Iling nyiang sabi.
Sumakay na ito ng driver seat at sinimulang buhayin ang makina.
"Sagutin mo ang tanong ko, bakit nasa bahay ka? Ano na naman bang plano mo?" sunod-sunod kong tanong. Hindi pa rin ako nito sinagot kaya naupo na lang ako at 'di na nagtanong pa dahil masasayang lang ang laway ko. Ng mapansin ko na malapit na kami sa campus ay pinahinto ko na ang kotse. "Ibaba mo na lang ako diyan." Sabay turo ko pero parang wala itong narinig kaya sapilitang binuksan ko ang pinto dahilan para ihinto niya ang kotse.
"What the f*ck! Magpapakamatay ka ba?"
"Ibababa mo rin pala ako dami pang sinasabi." Sarcastic kong sambit. Bumaba na ako ng kotse at nagsimulang maglakad papalayo. Napansin ko na pinaharurot niya ang kotse palayo kaya nakahinga na ako ng maluwag.
Ng malapit na ako sa gate at nakita ko si Yumiko at Rico na magkasama habang kumakaway sa akin.
"Mabuti naman at hindi ka na'late." Ngiting sabi ni Yumiko dahilan para mapakamot ako sa batok.
"Oo may gumising na halimaw sa kwarto ko kaya nagising ako ng maaga." Tugon ko. Nagkatinginan silang dalawa habang bakas sa mukha ang pagtataka. "I'm just kidding. Tara na?" Anyaya ko na kinatango nilang dalawa kaya pumasok na kami sa loob.
Habang naglalakad ay ibinalik ko na kay Yumiko ang panyo nito na inabit niya sa'kin kahapon.
"Salamat nga pala ulit sa ginawa mo kahapon." Napansin ko na namula ang pisngi nito at tinanggap ang panyo.
"Wala 'yon," nahihiyang sagot nito. "Sige mauna na ako sa klase ko baka dumating na ang una kong prof." Pagpapaalam niya at tumango naman kaming dalawa ni Rico.
Pagkarating namin sa classroom ay sakto namang pagdating ng prof. Nadapo ang tingin ko kay Malcolm ng maalala ang pinractice namin sa kanila at himala dahil may dala itong gitara na nasa gilid niya.
"Tutugtog ba si Malcolm?"
"Siguro? Mygosh! Comeback na ba ng banda nila?" Kinikilig na bulong ng isa sa mga kaklase ko.
Banda? May banda si Malcolm? Nagkibit balikat na lang ako dahil posible ring mayroon ito dahil boses pa lang niya ay maganda na. Pinupuri ko lang siya dahil sa magaling siyang kumanta pero kabaligtaran naman niyon ang ugali niya.
"Okay Mr. Delos Santos and Mr. Dela Vega." Tawag ni miss ng matapos magperform si Rico at ang kapartner nito.
Napatayo na ako sa upuan at walang emosyon naman na tumayo rin si Malcolm papunta sa harapan. Inabot nito sa akin ang gitara na kaagad ko din namang tinanggap. Napaikot ako ng tingin ng makitang maraming mga estudyante ang nakatingin sa bintana sa labas. Ganito ba kasikat ang moko na 'to?
"Start strumming, idiot." Bulong na aniya kaya sinamaan ko ito ng tingin.
Nagsimula na akong mag gitara at halos lahat sila ay nakafocus sa performance naming dalawa. Ng magsimula ng kumanta si Malcolm ay natahimik ang lahat na kulang na lang ay makarinig ka ng kuliglig sa labas.
"The way we held each others hand
The way we talked, the way we laughed
It felt so good to find true love
I knew right then and there you were the one."
Hindi ko alam pero sa tuwing tumititig ako kay Malcolm ay para bang ibang taon ang nasa harap ko ngayon. Hindi isang monster na napakasama ng ugali na kayang sirain ang buhay mo sa isang iglap lang.
"I know that he loves me 'cause he told me so
I know that he loves me 'cause his feelings show,"
Nagulat ako ng tumingin ito sa akin imbes na sa mga manonood. Nginusuan ko ito na sa mga kaklase namin tumingin pero tumaas lang dalawa niyang kilay.
"When he stares at me you see he cares for me
You see how he is so deep in love."
Nagpatuloy lamang siya sa pagkanta hanggang sa ako na ang umiwas ng tingin at itinuon ang atensiyon sa paggigitara. Natapos ang performance naming dalawa na nagpalakpakan ang lahat at ang iba naman ay kumuha pa ng video sa kanilang mga phone. Nagtilian ang buong babae dito at isinisigaw ang pangalan ni Malcolm.
Natapos ang klase na pinagkakaguluhan si Malcolm. May mga lumalapit din sa akin para tanungin ang pangalan ko ngunit tumatanggi ako nadidismaya ang mga ito sa pagtanggi ko.
"Grabe sikat ka na ngayon, Kiro." Pagpupuri ni Rico at natawa naman ako na umiling.
"Tama siya kaya libre ka naman." Dugtong ni Yumiko na sinang-ayunan naman ni Rico.
"Alam niyo mauubos ang pera ko dahil ang kuripot niyong dalawa." Sambit ko dahilan para magtawanan silang dalawa.
"Grabe ka naman sa kuripot, gipit lang talaga kami ngayon." Paliwanag ni Rico.
Hindi na ako nakaangal pa sa kanilang dalawa at nilibre ang lunch. Pinag-uusapan na nilang dalawa ngayon si Malcolm at kung paano ko raw ito napapayag na magperform dahil tamad na tao raw ito.
"Malakas talaga ang kutob ko na may ginawa ka kaya napasunod mo si Malcolm." Nakangalumbabang tanong ni Yumiko dahilan para matuon ang tingin ko kay Malcolm.
"Akala ko rin tatanggi siya pero laking gulat ko na pumayag siyang magperform." Paliwanag ko. Nagkatinginan silang dalawa at binato ako ng napakaraming tanong.
"Nagpractice kami sa bahay nila." Iyan lang ang isinagot ko sa napakarami nilang tanong at napasinghap sailang dalawa.
"Omo? Gaano kalaki bahay nila?" Gulat na tanong ni Yumiko.
"Mansiyon kamo hindi bahay." Sagot ko habang patuloy pa rin sa pagkain pero napahinto ako dahil sa sinabi ni Yumiko.
"Hindi mo ba alam na hindi siya pumapayag na may ibang tao ang tumatapak sa bahay nila kahit ang mga kasamahan niya sa grupo?" Mabilis kong nabitawan ang kutsara at kunot noong hinarap si Yumiko. "May something ba sa inyong dalawa?" Tanong muli nito. Para akong nabilaukan sa sinabi ni Yumiko.
"What?! Wala!" Totoo naman talaga, ano bang pinagsasabi nilang dalawa? Sa paraan ng mga titig nilang dalawa ay parang hindi naniniwala ang mga ito.
"Chill Kiro, hindi mo naman kailangang sumigaw nagtatanong lang si Yumiko." Ngiting sabi ni Rico at sinamaan ko ito ng tingin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain at hindi na sila pinansin pa.
Gusto kong mapamura na lang dahil sa tanong na 'yon. Something? Put* hindi ba sila kinikilabutan sa mga pinagtatanong nila?!
To be continued...
A/N: Guys mag-iwan po kayo ng comment for this chapter, show your supporn with this two lovebird HAHAHA Sana all kinikilabutan! Ipabasa niyo na rin sa mga friends niyo malay mo magustuhan nila si Malcolm at Kiro. 'till next update.