bc

His Possessive Games (BL TAGALOG)

book_age18+
275
FOLLOW
1.1K
READ
arrogant
student
gangster
drama
comedy
bisexual
humorous
straight
male lead
school
like
intro-logo
Blurb

It started in Malcolm's rules, rules that no one ever wanted to be part of. All Kiro wants is a quiet life and finish his study in senior high until he breaks the rules that turn his life into a roller coaster. Because of Malcolm, Kiro's life is now in turmoil. Kiro takes the card and plays with Malcolm's game, but the game he takes will put him in a situation he didn't expect. Kiro tells himself that the game will end soon, but he didn't know that was the beginning of entangled quantum love. When Malcolm started acting strange, He becomes aggressive and possessive.

Until one day, Kiro found out the game he plays is, The Possessive Games.

chap-preview
Free preview
Prologue
Disclaimer: Ang lahat ng inyong mababasa ay kathang isip lamang at gawa-gawa ng malikot na imahinasyon ni author kaya huwag seryosohin. Uunahan ko na kayo, hindi ito perfect story. May mga typos kayong mababasa kaya sana ay unawain niyo na lamang. ***** Kiro's POV     GUMISING sa mahimbing kong tulog ang napakalakas at nagwawalang orasan sa sidetable dahilan para uminit ang ulo ko. Alam mo iyong pakiramdam na gusto mo pang matulog at mahiga na lamang buong araw pero narealize ko na ito pala ang unang araw ng klase. Bagot na tumayo ako sa kama at naligo sa malamig na tubig na akala mo ay nagyeyelo sa loob. Mas gusto ko pang tuwing hapon ang pasok ko kesa sa umaga dahil hindi ko kaya ang malamig na tubig. "Pa' akala ko ba nagpakulo ka ng mainit na tubig?" Maktol ko kay papa na abala sa pagluluto ng almusal. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo na bago ka matulog ay magpakulo ka ng tubig para sa panligo mo kinabukasan?" Aniya. Aish! Wala na akong choice kung hindi salubungin at kalabanin ang malamig na tubig. Nakailang buhos din ako bago tinapos ang pagligo. Naabutan ko si papa na naghahanda na ng almusal kasabay ng pagkain niya kasama si lola. Dumiretso na ako ng kwarto para magsuot ng uniporme. Habang abala ako sa pagbubutones ay narinig ko ang sigaw ni papa mula sa labas ng kwarto. "Kiro nandito na si Rico!" Sigaw nito mula sa labas. Mabuti pa ang kaibigan ko ay excited na pumapasok sa klase tuwing first day of school. Kabisado ko na ang mga galawan niya kahit paghinga niya. Napansin kong bumukas ang pinto at niluwa niyon si Rico na nakangiti ng malapad. "Kiro na miss kita!" Sambit nito sabay kapit sa braso ko. Siya si Rico Portugal. Ang matalik kong kaibigan simula ng nasa elementarya pa lamang ako. Malapit ang tatay namin sa isa't-isa kaya hindi kami nahirapan magkasundo. Kahit sa pangalan naming dalawa ay magkatunog. "Tigil-tigilan mo 'ko sa kakaarte mo dahil kakakita lang natin kahapon." Sabay tanggal ko sa kamay niya na nakapalupot. "Nagkita ba tayo kahapon?" Aniya sabay himas sa baba. Iyan ang isa sa mga kinaiinisan ko sa kaniya ay sa tuwing lumalabas ang pagkaisip bata niya. "Ay oo nga pala." Sabay hagikgik nito. Napailing na lamang ako at inanyayahan siyang sumabay sa akin Sa pag-almusal. Pinaghanda na kami ni papa ng almusal. Nang matapos ay nagmadali na kaming nagpaalam at baka mahuli pa sa klase. Magkasabay kaming naglalakad ni Rico papasok ng Hustone university. Napansin ko si Rico na abala sa kakapindot sa bagong phone na ipinagmalaki niya pa sa akin kanina. Hindi ko na lamang siya tinapunan pa ng tingin at naglakad na lang. Ang totoo niyan ay dipindot lang ang gamit ko. Ano ba kasing alam ko sa mga bagong teknolohiya? Alangan wala. Marami na kaming nakakasabay na estudyante sa paglalakad at halos lahat sa kanila ay naka kotse. Narinig ko ang pagsipol ni Rico ng makita ang isang ferrari na dumaan sa harap namin. "Woah! Mukhang bigatin ang may ari." Bulong niya. Napailing na lang ako at pumasok na sa loob. Kakapasok pa lamang namin ng gate ng makita ang isang lalaki na lumabas mula sa ferrari. Iyon ang kotse na dumaan sa harap namin kanina at mukhang tama nga si Rico na bigatin ang may ari. Pinalibutan agad siya ng mga maraming tao at halos lahat ng mga ito ay puno ng paghanga ang mga mata. "Sana ganiyan din ako kayaman para mapansin nila." Ani ni Rico. "Psh, mabuti na lang pala mahirap ako." Sagot ko sabay lakad papuntang klase. Ayaw ko sa lahat ay ang napapansin ng lahat. Gusto ko lang ay matapos ang pag aaral ko at makahanap ng disenteng trabaho. Nang makarating na kami sa classroom ay nagsimula na kaagad ang klase. Tahimik na nakinig lang ako dahil mahalaga ang mga sinasabi nito. "Hindi na kayo junior high kaya be matured student. You're all senior and I'm expected na walang magpapasaway sa klase ko." Aniya. Magsasalita pa sana siya ng bumukas ang pinto dahilan para mapunta ang atensiyon naming lahat sa pumasok. Walang emosyon ang mga mata nito at lumibot ng tingin para maghanap ng upuan. Nang makita nito ang bakanteng upuan sa likuran ay doon siya pumwesto. "At ang ayaw ko sa lahat ay may nalelate sa klase ko." Madiing nitong sambit. Napangisi naman ang lalaking kakapasok at sigurong alam niya na siya ang tinutukoy nito. "Okay, class dismiss." Sabay bitbit nito sa libro. Sinabi niya lang ang rules at regulation dahil bukas pa raw ang start ng lecture. Napayuko na lamang ako sa desk ko ng may sumipa sa upuan ko. Sinamaan ko ng tingin si Rico na nasa likuran ko lamang nakaupo. "Sorry," sabay peace sign nito. Tinitigan ko siya ng may pagkabagot. "Ano na naman bang kailangan mo?" Tanong ko. Narinig ko kanina sa isa sa mga kaklase ko na wala pa kaming next prof kaya gusto kong maidlip sandali pero nawala iyon ng kulitin na naman ako ni Rico. "May liga ngayon nuod tayo." Anyaya nito at umiling naman ako sa sinabi niya. Yuyuko pa sana ako sa desk ng sipain muli ni Rico ang upuan ko. "Tigil-tigilan mo ako Rico." Inis kong sabi na pabulong. Napanguso naman siya at hindi na ako kinulit pa. Lumipas ang ilang oras ay may mga dumating na ring prof sa ibang subject. Halos lahat diniscuss ang magiging percentage sa grades. "Bukas ay magkakaroon na agad tayo ng performance kaya ihanda ang mga nakalista sa board. Class dismiss." Napamaktol naman ang lahat sa huling subject. Para sa akin naman ay madali lang ang pinapadala nito pero ang nga kaklase ko ay akala mo napakabigat ng dadalhin. Napansin ko ang isa kong kaklase na babae ang lumapit sa akin. "Hindi ba't ikaw si Kiro Delos Santos?" Napatango naman ako sa tanong nito. "Pinapatawag ka ni sir Jerry nga pala." Aniya. Napatayo na lamang ako at naglakad na papuntang faculty. Naabutan ko si sir na abala sa pag-aayos ng mga libro hanggang sa napansin ako nito. "Mabuti naman at nakarating ka na gusto ko sanang ikaw ang mangolekta ng mga assignments bukas dahil wala ako at iwan mo na lang dito sa desk ko." Tumango naman ako at nagsimula ng bumalik ng klase. Naabutan ko si Rico na kumakain na ng chichirya habang nasa desk nito ang yogurt. "Gusto mo?" Alok niya at umiling naman ako. Wala akong ganang maglunch ngayon at hindi ko rin alam kung bakit. "Ako nga pala si Tessa." Sambit ng isang babae mula sa likuran dahilan para maagaw ang atensiyon ng iba. Hindi ko sinasadyang titigan ang nagaganap sa likuran ng makita ko iyong lalaking walang emotion ang mukha kahit pa napapalibutan na siya ng mga babaeng tagahanga. "Hindi ba't ikaw ang anak ng mayaman na Dela Vega?" Tanong ng isa pang babae. Parang walang narinig ito at sinuot na lamang ang headphone sa kaniyang tenga. Nakita ko kung paano siya titigan ng mga babae at bakas ang dismaya na hindi sila nito pinansin. "Masungit pala." Bulong ni Rico at siniko ko naman siya. Tinuon ko na labg ang atensiyon ko sa pagsagot ng mga assignments para sa bahay ay wala na akong gagawin. Dahil sa pagkagutom ko ay bumaba ako ng cafeteria para bumili ng pagkain tutal naman ay wala pa ang next professor namin. Bumili na lang ako ng isang bottled of water at burger. Abala ako sa pagkain habang naglalakad pabalik ng classroom ng makarinig ako ng boses hindi kalayuan sa pwesto ko. Sinundan ko ang boses na iyon hanggang sa malinaw na ang salitang aking naririnig. "Ito lang ba ang pera mo?" Sarcastic na ani ng isang sigang lalaki. "I--iyan l--lang ang pera na nasa wallet ko." Nauutal at puno ng takot ang boses nito. Hindi ko na natiim pa ang naririnig at lumabas mula sa gilid. Ngayon ay nasaksihan ko ng tatlo sila na siguradong kasing edaran ko lang dahil sa pangangatawan. "Nagtawag ka pa talaga?" Inis nitong sabi at mabilis na itinulak si Derick kaya tumama ito sa pader. Dali-dali akong lumapit at inalalayan ito. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong. "Teka nga sino ka ba? Hindi ko alam na may kaibigan ka na pala Derick?" Mababakas sa boses nito ang irita at galit. "Ano bang mga problema niyo?" Nagukat silang tatlo sa pagsagot ko. "Mukhang nilalabanan ka na boss," bulong ng katabi nito. Nagdikit ang dalawang kilay nito sa akin. Inalalayan kong tumayo si Derick pero ng lalabas na kami ay hinarangan kami. "Saan kayo pupunta? Hindi pa tayo tapos," Aniya. "Hawakan siya." Utos niya sa dalawang utusan. Nagpupumiglas ako pero sobrang lakas ng dalawang ito kaya nahirapan akong makaalis. "Bitawan niyo 'ko!" Sigaw ko pero parang walang naririnig ang mga ito. "Ayaw ko sa lahat ay nagmamagaling sa'kin." Sambit nito kasabay ng pagdapo ng kamao sa aking tiyan. Napangiwi ako sa sakit dahil sa malakas nitong pagsuntok. "T--tigilan niyo siya!" Lalapit na sana si Derick ng sipain siya kaya napaupo ito. "Lumakas na ang loob mo dahil may kakampi ka na looser." "Tigilan mo na itong kabaliwan ko." Pinipigilan ko ang hindi magalit dahil ayaw kong makagawa ng hindi maganda. Naramdaman kong hinawakan ako nito sa panga ng mahigpit at nilapit ang kaniyang mukha. "Sa susunod na banggain mo ako ay ikaw na ang malilintikan sa akin." Galit na aniya at dinukot ang wallet sa bulsa ko. "Huwag mong kunin iyan!" Huli na ng kinuha nito ang pera sa wallet ko at tinapon sa lapag. "Kapalit ng pagbangga mo sa'kin." Ngiting sabi niya. Naglaho ang ngiti sa labi nito ng may boses ang nagsalita mula sa likuran ko. Kahit sa boses nito ay naroon pa rin ang malamig na tono. "Kung wala ka ng magawa sa buhay mo ay umalis ka na." "I--ikaw si Malcolm?" Kinakabahang tanong niya. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakahawak sa akin kaya naikot ko ang mata ko at nakitanko iyong walang emosyon na lalaki. Nakasaklop ang braso nito habang nakapalipot sa leeg ang headphone at ang isang paa ay nakasandal sa pader. Mabilis na lumuhod ang tatlo sa takot habang sinasambit ang salitang patawad. Teka bakit ganito na lang ang reaksiyon nitong tatlo? And daming katanungan ang nabuo sa isipan ko dahil sa nasasaksihan. Unti-unting lumapit si Malcolm habang walang emosyon pa ring nakatingin. "Rule number 12." Madiing niyang sabi at naglakad na palayo. May parte sa akin ang gustong magpasalamat sa kaniya. Nagtakbuhan na rin iyong tatlo at iniwan ang pera ko sa lapag. Hindi ko na lang pinansin pa ang pag-alis ng tatlo at pinulot ang perang nagkalat sa lapag. "Gusto ko sanang humingi ng tawad dahil hindi man lang kita natulungan-- ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Derick ng makitang namumutla ang mukha nito. "Kailangan na natin bumalik sa klase bago pa dumating ang tauhan niya." Nagmamadaling sabi nito. Nakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya habang siya ay natatarantang pinupulot ang pera pero huli na ng nakatakbo na ito palayo. "Oy!" Pigil ko pero nakalayo na ito. Napakamot na lang ako sa sentido at pinulot ang mga baryang nagkalat. Nadapo ang tingin ko sa sampong piso na nakapwesto di kalayuan sa pwesto ko. Ng kukunin ko na iyon ay may paa ang umapak dito habang ang maputing sapatos nito ay kumikinang sa pagkamalinis. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko sa may ari ng sapatos at nakita ko si Malcolm na magkadikit ang dalawang kilay. May kasama na itong apat na lalaki habang ang mga itsura ay akala mo lumalaban ng isang mens magazines. "Tayo." Utos niya. Nagdalawang isip pa ako bago tumayo dahil nakaramdam na ako ng kaba. "Rules is rules." Sambit niya. "A--anong sinasabi mo?" Naguguluhan ako sa sinasabi niya ng may ilabas na tela iyong pula ang buhok. "A--anong gagawin niyo sa'kin?" Napaatras ako biglanpero hinawakan ako ng dalawa sa magkabilang kamay at mabilis na inilagay sa ulo ko ang tela. Natakpan na ang mukha ko kaya wala akong makita ng kahit ano at tila isa akong hostage. "Huwag ka ng pumalag pa." Masayang sambit ng isang lalaki na nasa gilid ko. Mabilis akong ibinuhat na parang sako. Nagpupumiglas ako pero nahihirapan akong makagalaw. "Huwag ka ng makulit." Aniya sabay palo sa pang upo ko. Para akong nairita sa ginawa niya at pinagmumura ko ito sa inis. Naramdaman kong ibinagsak ako sa upuan habang unti-unting nilalagyan ng tali. "Pakawalan niyo 'ko dito! Tulong!" Sigaw ko pero parang nag-eecho lang sa paligid ang sinasabi ko. Nang tanggalin na ang tela sa ulo ko ay bumunag sa akin ang tagong silid na walabg inuupahan ng kahit ano. "Mga hayop kayo!" "Becareful with your words." Pagbabanta nung lalaking naka jacket na itim. "Pagnakaalis ako dito ipapaguidance ko kayo!" Nagtawan silang apat sa sinabi ko pero si Malcolm ay nanatiling walang emosyon. "We aren't scared kido." Sabay halakhak naman nung nakapulang long sleeve. "Hoy Edmon tumigil ka nga sa pagtawa mo, ang creepy ng boses mo nakakairita." Sambit nung nakajacket na itim. "Ikaw ang tumahimik Michael, palibhasa tumatanda ka na hahaha." Sagot ni Edmon. "Stop fighting." Gatong ng isa na singkit ang mga mata. Magpapasalamat na sana ako kay Malcolm kanina pero nagkamali ako. Sing-sama ng demonyo ang ugali niya. "Alam mo pre wala ka na sana dito kung hindi mo nilabag ang rules." Sabay higpit ng tali ni Michael. "Stop talking to him Michael." Sambit nung singkit na lalaki. Napangisi naman si Michael at tinap ang balikat ko. "Goodluck to you, magdasal ka na." Sabay halakhak niya. Napalunok ako sa takot na nararamdaman. Bakit ba napasok ako sa gulong ito? Nagsialisan na iyong apat at pilit ko silang tinatawag pero parang walang naririnig ang mga ito. "Palabasin niyo ako dito!" Sigaw ko. Natahimik ako ng may baseball bat ang tumama sa lamesa dahilan para masira ito at gumawa ng tunog. Sinusubukan ko ang hindi kabahan pero mas dumudoble lamang ito. Nakita ko ang galit sa mga mata ni Malcolm na akala mo ang laki ng nagawa kong kasalanan. Pumikit na lang ako para tanggapin ang magiging resulta ng buhay ko. Lahat na ng pwede kong hingian ng tulong sa isipan ay tinawag ko na para makaalis ako dito pero walang nangyari. Ito na ang katapusan ng buhay ko. Hindi ko man lang nabigyan ng tulong sila papa at binigyan ko lang sila ng sakit sa ulo. To be continued... A/N: Please leave a comment para naman ganahan akong mag-update, malay mo HAHAHA 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
176.5K
bc

NINONG III

read
386.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

NINONG II

read
631.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
142.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
10.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook