Chapter 2

3205 Words
Kiro's POV Tahimik na naghanap na lang ako ng sapatos na bibilhin pero kahit ano'ng gawin kong focus ay napapahinto ako ng makakarinig ng mga tilian sa paligid. Pero ang mas malala ay ng dumami ang mga customer ditto kaya nahirapan na akong makapili. Nahihirapan na rin akong makadaan dahil halos lahat naman sila ay pumasok lang para magpacute sa leader ng mga pugo. Napangisi na lang ako dahil mukhang naiirita na si Malcolm sa tuwing didikitan siya ng mga babae. Pinipigilan ko ang hindi matawa pero kahit anong pigil ko ay kusang kumawala ang tawa. Mabilis ko ring tinakpan ang bibig ko pero naabutan kong masamang nakatingin sa akin si Malcolm at ang mga mata nito na tila nangbabanta. Mabuti nga! Masyado kasing nagpapansin at nagsuot pa ng bagay na magpapaagaw ng atensiyon ng lahat dito. Nang kukunin ko na ang sapatos na napili ko ay may kamay ang umagaw dito. Napatingin ako sa may ari ng kamay na umagaw ng sapatos na kinuha ko. "How much is this?" Tanong niya sa saleslady na nakatayo sa kaniyang likuran. Napakuyom ako sa inis dahil ako ang nauna sa sapatos na iyon kaya mabilis kong hinablot sa kamay niya. "Ako ang nauna, miss magkano dito?" Balik na tanong ko sa saleslady kaya napatingin naman siya sa akin at nag-aalinlangan kung sasabihin ba ang presyo. "18,380 po sir." Sagot nito. Napangiti naman ako pero kaagad ding naglaho dahil sa asungot na sumagot. "Do you think you can buy that?" Sarcastic niyang sabat. Napansin kong halos lahat ng mga tao dito at pinagtitinginan na kaming dalawa. Kinuha nito sa kamay ko ang sapatos at ngumisi ito. "I'll buy this in triple price." Maangas na aniya. Napasinghap ang lahat sa sinabi niya. Hindi ko na mapigilan pa ang mapakuyom sa inis. "Sure ibabalot ko na po para sa inyo sir." Sabay kuha ng saleslady sa sapatos at ibinalot ito. "Pero ako ang nauna—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ng naibalot na ito ng tuluyan. Kinuha ni Malcolm ang wallet niya at nilabas ang black card atm. Maraming mga tao ang nagulat sa inilabas niya na kahit ako ay nagulat rin. Alam ko ang klase ng credit card na iyon. "Hanggang sa pagbabalik sir!" Masiglang bati ng saleslady. Sinuot nito ang blackshades niya at naglakad na papalayo habang sinusundan ng mga babae. Argh! Sumusobra na siya! "Ahh sir pwede pong pumili na lang kayo ng gusto niyo marami pa naman pong—" Hindi ko na pinansin ang sinasabi ng saleslady at naglakad na ako paalis. Parang anumang oras ay sasabog na ako sa galit. Napakasama talaga ng ugali ng Malcolm na 'yon kahit kalian! Siya na ang mayaman! Bakit kailangan niya pang ipamukha sa iba? "Kiro anak ayos ka lang ba?" Tanong ni papa dahilan para matauhan ako. Dahil sa Malcolm na iyon nawala ako sa mood ko. Ngumiti naman ako kay papa at tumango. Kanina pa kami nakauwi ni papa galling sa hospital. Nakabili na rin ako ng sapatos kahit sa halagang 500 lang. Gusto ko sanang bumili ng sapatos na tatagal pero pagtitiyagaan ko na lang siguro ito dahil baka maubusan ng gamot si papa ay mas mabuti ng handa ako. "Ayos lang po," nagsimula na muli akong kumain. Nakausap ko si Rico kanina at sinabi nito na namove daw ang activity by pair kaya hindi ko alam kung kakausapin ko ba iyong kapartner ko o hindi. Kasi naiisip ko pa lang na makapartner ko siya ay may mabubuong gulo. Mayroon pa akong isang linggo para makausap si Malcolm. Ng matapos na akong kumain ay dumiretso na ako ng kwarto ko at ginawa ang mga assignments. Nagbasa na rin ako ng topic kanina sa ibang subjects para kahit papaano ay may isasagot ako kapag may recitation hanggang sa napagod na ako ay nahiga sa kama. Nakaharap ako ngayon sa depindot kong cellphone at binabasa ang mga text ni Rico. Siya lang naman ang nakakatext ko at wala ng iba. Nakunot ang noo ko ng mabasa ang text ni Rico na may binugbog daw sila Malcolm at ang mga kaibigan nito. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba sa nabasa. Tinabi ko na lang sa sidetable ang cellphone. Kailangan ko ng makatulog at baka mapanaginipan ko pa ang lalaking 'yon. Naramdaman kong unti-unting ng bumibigat ang mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatuloy. Ramdam ko ang mahigpit na lubid na nakatali sa aking kamay at paa habang ang mala-demonyo nitong mata ay direktsong nakatingin sa akin. Puno ng takot at pangamba ang bumabagabag sa akin habang patuloy sila sa paghalakhak habang hawak ang matibay na baseball bat. "Sisiguraduhin kong hindi ka na mabubuhay pa sa gagawin ko Kiro," sabay halakhak niya na sinabayan ng grupo niyang pugo. "P—patawad h—hindi ko na uulitin!" Maluha-luha kong pagmamakaawa sa kanila. "Huwag mo akong papatayin Malcolm parang awa mo na! Hindi ko kayang mawalay sa pamilya ko!" Naramdaman kong hinawakan nito ang aking panga pero hindi iyon madiin. Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha at bakas roon ang ngiti. "Sino'ng may sabi na mawawalay ka sa pamilya mo?" Sabay ngiti niya. "Ang sabi ko, hindi ka na mabubuhay Kiro, dahil..." sabay mas lalong lapit pa niya ng mukha. "D—dahil?" Nauutal kong sagot. "Papatayin kita sa pagmamahal at sisiguraduhin kong mapapasakin ka lang!" Sabay halakhak nito na parang desidido sa kaniyang sinabi. Ano?! Ano'ng nangyayari sa'kin? Bakit ganito ang panaginip ko?! At ano'ng pinagsasabi niya? Parang hindi na tama ito, may mali. Hindi na ata ito panaganip... Bangungot ito! "Wahhh!" Sigaw ko kasabay ng pagtayo mula sa kama. Ramdam ko ang tagaktak na pawis ang tumutulo sa aking katawan na para bang hinahabol ako. "Ano'ng nangyari?!" Gulat na tanong ni papa ng buksan niya ang pinto. Mabuti na lang ay nagising ako sa bangungot na iyon kung hindi ay paniguradong mawawala ako ng maaga. "Kiro bakit pinagpapawisan ka?" Tanong muli ni papa. Napailing naman ako at sinabing ayos lang. Kahit naguguluhan siya ay lumabas na ito at isinara ang pinto. Napatayo ako mula sa pagkakahiga at napatitig sa cellphone kong dinpindot. Naligo na lamang ako at naghanda sa pagpasok. Napansin ko si papa na nagluluto ng umagahan pero pinahinto ko kaagad siya at ako na ang nagtuloy nag pagluluto. "Papa naman, hindi ba't sinabi sa inyo ng doctor na huwag kayo masyadong kumilos dahil kailangan niyong ipagpahinga iyang katawan mo." Pangangaral ko dito. Ayaw ko lang na may mangyari na namang hindi maganda sa kaniya. Natawa naman si papa at naghanda na lang ng mga plato. Nang matapos na akong magluto ay hinanda ko na ang pagkain at nagsandok sa plato ko. Isusubo ko pa lang ang pagkain sa bibig ko ng marinig ang boses ni Rico na papalapit sa bahay. Napapikit ako ng mariin dahil sa boses nitong nambulabog sa bahay. "Ijo Rico halika at sumabay ka na sa amin." Alok ni papa kay Rico na kaagad ding umupo sa tabi ko. "Salamat tito! Kamusta na po pala ang lagay mo?" Nag-usap na silang dalawa at tahimik na kumain na lamang ako sa upuan ko. Sa tuwing napapahinto ako sa pagkain dahil sa panaginip na bumabagabag at tumataas ang balahibo ko. "Ayos ka lang ba Kiro? Kanina ka pa hindi nagsasalita simula ng umalis tayo sa bahay niyo." Ngayon ko lang napansin na naglalakad na pala kami ni Rico pasakay ng bus. Hindi ko na siya sinagot pa dahil kapag sinabi ko pa kung ano ang bumabagabag sa akin ay baka palalain niya lang ang sitwasyon. Pagkarating sa campus ay napatigil ako sa paglalakad ng makita sila Malcolm na pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa gate. Gusto kong matawa dahil nagpupush-up sila ngayon habang pinapanood ng mga estudyante sa loob. "Ang gwapo pa rin ni Malcolm kahit pinagpapawisan kyah!" "Omo nakita niyo ba ang bicep niya?! Wah! Ang sarap pisilin!" Napangisi na lang ako at naglakad na papasok pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng pigilan kami ng guwardiya. "Tigil," napatigil kami pareho ni Rico. "Hindi niyo baa lam ang patakaran sa school na 'to?! Ilang beses bang dapat sabihin sa inyo na pinagbabawal sa school ang late! 50 Push-up now!" Galit na sigaw nito. Natatarantang binaba namin ni Rico ang bag. Kung minamalas nga naman! Nakita ko si Malcolm na nakangiti ng nakakaloko na parang inaasar ako. Hanggang sa panaginip ay pinapatay niya ako sa bangungot, lintek! Pati pa naman dito sa school. "Better luck next time buddy." Bulong ni Malcolm na nasa tabi ko habang pinipigilan ang hindi matawa. Susuntukin ko na sana siya sa mukha ng pigilan kami ng guard. "Plus 20 push up sa inyong dalawa! May daragdag pa ba sa inyo?!" Tanong niya sa iba pero umiwas kaagad sila ng tingin. Gusto kong mapamura sa inis dahil kay Malcolm. Mahigit kalahating oras kaming nag push hanggang sa dalawa na lang kaming natira. Nang matapos na kami sa pag-push up ay mabilis kong kinuha ang bag ko at naglakad papalayo. Ramdam kong susundan na pa sana ako ni Malcolm ng pagkaguluhan an siya ng mga babae. Mabuti nga dahil baka hindi na ako makapagpigil pa at masaktan ko na siya. Tagaktak ng pawis ang tumutulo sa katawan ko dahil sa pagod. "Kiro sandal!" Anang ng isang boses sa likuran ko. Napaikot ako ng tingin ng makita ang isang estudyanteng babae. Hingal na hingal ito na lumapit sa harapan ko. "May kailangan ka ba miss?" Pansin kong mukhang napagod siyang tumakbo para lumapit sa akin. Parang gusto kong matawa dahil sa pagpipigil niyang hindi ipakita sa akin na hinihingal siya. "Ito nga pala panyo." Sabay lahad nito ng panyo. Nakunot ang noo ko dahil ito ang unang beses na may babae ang lumapit sa akin para bigyan ng panyo. Ngumiti ito at hinablot ang kamay ko. Nialagay nito ang panyo sa aking kamay habang puno ng saya ang mga labi nito. "Sa susunod dapat hindi ka na ma'late dahil naghigpit na si dean ngayon." "Salamat dito." Kasabay ng pagkamot ko sa batok. Teka namamalikmata lang ba ako? Napansin ko kasing namula ang pisngi niya sa ginawa ko. "A--ayos lang. A--ahh si--sige mauna na ako bye, Kiro!" Sabay takbo nito papalayo habang kumakaway. Napatingin naman ako sa panyong binigay nito at hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ito ang unang beses na may mag-abot sa akin ng ganito pero sobra kong naappreciate ang binigay niya. Kaso nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ang isang ngisi. "Tsk." Ng tignan ko ang gilid ko ay naabitan ko si Malcolm na nasa gilid ko na pala habang kasama ang mga alaga niyang pugo. Tinawag ko silang pugo dahil sa mga buhok nila na akala mo ay nasa isang palabunutan. Napatingin ito sa akin habang bagot ang mga mata "Ang boring niyong panuorin." Aniya at naglakad na papalayo kasama ang mga kaibigan niya. Napakuyom ako sa inis dahil kahit kailan ay lagi ko siyang nakikita. Kung pwede lang sanang humiling na lumipat ng ibang school ay gagawin ko pero baka kapag lumipat naman ako ay ang mahihirapan ay sila papa.  Makakaalis ka rin sa delubyong ito Kiro. Bulong ko sa isip at naglakad na papasok sa klase. Nagsimula na ang klase at itinuon ko lamang ang atensiyon ko dahil mas mabuti ng isipin ko na lang na walang Malcolm ang nandito. Ng tumunog na ang bell ay nagsimula ng kumain ng lunch ang iba habang ako naman ay kinakain lang itong luto ni papa na binaon ko. Naagaw ng atensiyon naming lahat ang pagpasok ng isang babae na nakasuot ng jacket na pink kahit ang headband ay pink rin. Sinundan lamang namin ito ng tingin habang nga mga ngiti sa labi nito ay natutuwa sa tinititigan. Ngayon ko lang napansin na si Malcolm ang tinitignan nito. Mukhang magugustuhan ko ang mangyayari ngayong araw. "Malcolm!" Sigaw nito kahit pa mahinhin ang boses. Ng makalapit na ito sa pwesto ni Malcolm ay tinitigan lamang siya na parang walang pakialam. "Para sa'yo nga pala, goodluck sa laban niyo mamaya!" Masayang bati nito.  Rinig ko na ang bulong-bulungan sa paligid at hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila. "Ang kapal naman niyang lapitan si Malcolm after what she did?" "Oo nga eh, kahit kailan talaga ang kati niya!" Okay? Mukhang nagkamali ako. Hindi maganda ang mangyayari nito. Inaabangan nila na magsasalita si Malcolm pero tumayo lang ito at hinarap iyong babae. Bigla na lamang tinabig ni Malcolm ang kamay ng babae kaya natapos ang kahon na hawak nito na may lamang cake. Marami ang napasinghap sa ginawa nito kahit ako ay hindi na maiwasan ang magulat din. Mahigpit niyang hinawakan iyong babae at hinatak palabas pero bago pa man sila tuluyang makalabas ay tila napako ako ng titigan ako diretso sa mata ni Malcolm. Ang emosyon sa mga mata nito na parang ngayon ko lang nakita. "Idelete niyo na ang video girls kung ayaw niyong magalit si boss." Sambit ni Michael na ginagawaran pa ng malapad na ngiti ang mga babae kaya halos lahat sila ay sumunod din.  "Oy ikaw!" Sigaw ni Vincent dahilan para mapatingin ako sa likuran ko pero wala namang tao. Sino bang tinatawag niya? Tinuro ko na ang sarili ko at tumango-tango naman ito. "Oo ikaw, halika dito." Sabay signal nito ng lapit-ako.  Kahit naguguluhan ay lumapit naman ako dahil kung hindi naman ako sumunod ay mas lalong lumala lang ang sitwasyon. Nanliit ang mata ko ng tapikin nito ang balikat ko at binulungan. "Don't worry babalikan ka pa naman ni Malcolm." Bulong niya kasabay ng pagkindat. Naiwang nakatayo ako habang paalis na silang lahat. T--teka a--ano'ng ibig sabihin ng s--sinasabi niya? Napakamot na lang ako sa batok at baka nagkamali lang ako ng narinig. Hinatak ko na palabas ng room si Rico dahil ang loko ay nakipaglandian pa sa mga babae.  "Wow grabe! Biruin mong may magandang ex si Malcolm." Bulong ni Rico kaya napapikit ako at tinitigan siya. "Sabi ko nga titigil na ako." Sabay zipper nito sa kaniyang bibig.  Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain hanggang sa lumapit sa amin iyong babaeng nagbigay sa akin ng panyo.  "Oh ikaw!" Sabay turo ko sa kaniya. Napangiti naman ito at umupo sa katabi kong upuan. "Salamat nga pala kanina."  "Ayos lang, pwede ba akong sumabay?" Aniya na kinatango ko. Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko kapag nakakausap siya. Ngayon ko lang din napansin na ang daldal niya pala hehe, pero nasasabayan ko naman ang mga kakulitan niya. "Oo nga pala nalimutan kong magpakilala, ako nga pala si Yumiko." Tinanggap ko ang kamay nito na nakalahad. Napatingin ako kay Rico ng tumikhim ito.  "Siya nga pala si Rico, kaibigan ko." Pagpapakilala ko dito.  Nagkamayan naman silang dalawa hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay pinapakinggan ko lamang silang dalawa habang nagbabanatan ng jokes. Natatawa na lang ako sa kakulitan nilang dalawa kaya marami tuloy ang mga tao dito sa cafeteria ang napapatingin sa pwesto namin. Nang tumunog na ang bell ay nagpaalam na si Yumiko dahil sa next subject nila ay may quiz sila. "Sandali!" tawag ko kaya napahinto ito. "Ibabalik ko na lang itong panyo mo bukas." Napangiti naman siya at tumango. Tumakbo na ito papalayo kaya bumalik na kam ni Rico sa classroom habang ang mga braso nito ay nasa balikat ko. "Grabe ngayon lang ako nakakita ng ganoong babae Kiro, tapos ang ganda pa." Kinilig na sabi ni Rico habang nakatingala sa kisame na naglalakad.  "Umayos ka nga." Napanguso naman siya hanggang sa pagkapasok namin ng classroom ay hindi ko maiwasan ng dumapo ang tingin ko kay Malcolm na tahimik at nakatingin sa bintana. Nagkibit balikat na lamang ako at dumiretso na sa upuan ko. Halos nagturo lang ang mga teacher sa buong klase pero isang bagay ang ayaw kong pag-usapan. Partner performance. Sino pa bang kapartner ko walang iba kung hindi ang hari ng mga pugo.  Ng matapos na ang klase ay halos magdalawang isip pa ako kung isusukbit ko ba ang bag ko o hindi dahil may parte sa akin ang gustong lapitan si Malcolm para kausapin sa magiging performance. Pero kapag kinausap ko naman siya ay baka bigla na lang ako sapakin at tuluyan ng patayin para maglaho sa mundo.  Argh! Kainis! "Kiro baka masira ang notebook ko." Ani ni Rico dahilan para mabalik ako sa huwisyo. Binalik ko kaagad ang notebook kay Rico. Tumayo na ito at sinukbit ang bag pero huminto siya. Dahan-dahan siyang bumalik at hinarap ako. "Sasabay ka ba sa akin umuwi?" Tanong niya. Ngumiti ako at umiling. Nakunot naman ang noo niya hanggang sa hindi na siya nagtanong pa at umalis na.  Hinintay ko munang mawala lahat ng mga kaklase ko dahil ayaw kong makita nila na kinakausap ko si Malcolm. Ng mawala na ang mga kaklase ko ay tumayo ako mula sa pagkakaupo at hinarap si Malcolm na nakayuko sa mesa nito. Mabilis kong sinipa ang upuan niya kaya nagulat ito.  Piniglan ko ang hindi matawa dahil ngayon ko lang napansin na natulog lang pala siya sa klase. "What the fck?!" Galit na aniya. Ngumiti naman ako ng nang-aasar. "Nandito ako para hindi makipag-away, gusto kong pag-usapan nating dalawa ang magiging performance bukas." Nagdikit naman ang dalawa nitong kilay. Kaya nakaramdam ako ng galit. Kailangan bang ulitin ko ang sinabi ko? Kasi mukhang hindi nyia naintindihan. "ANG SABI KO, HINDI AKO NANDITO PARA MAKIPAG-AWAY--" "I know what you said. I am not deaf, idiot." Pakiramdam ko ay nag-iinit na naman ang ulo ko dahil sa sinabi nito. Kalma Kiro dahil kailangan mo lang pakisamahan ang isang ito kahit isang beses lang, isang beses lang. Bulong ko sa sarili at ngumiti sa kaniya. "Ano ng balak mo para sa performance natin bukas?" Tanong ka sa kaniya pero ang loko ay sinukbit lang ang bag at naglakad papalayo. Sisigawan ko sana ito ng bigla itong humarap sa akin. "Follow me." Bored niyang sabi kaya naiwan akong nakatayo. Tama ba ang narinig ko? Sinampal ko pa ang pisngi ko kung nananaginip lang ba ako pero ng maramdaman kong sumakit ang pisngi ko ay nakumpirma kong toto ang lahat. Himala. "Tatayo ka na lang ba diyan?" Galit na aniya kaya mabilis akong sumunod sa likod niya.  Nakaramdam bigla ako ng saya dahil pumayag ang lalaking ito. Bulong-bulungan kasi dito sa campus na hindi raw nag-aaral ng maayos si Malcolm dahil sa katamaran nito. Napahinto ako ng huminto ito sa harapan ng kotse niya. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa paraan nga mga titig nito na akala mo ay ginambal mula sa mahimbing na pagkatulog at handa ka ng sakmalin. T*ngna! Sa tuwing naaalala ko ang panaginip ko ay tumataas ang balahibo ko. "S--saan tayo p--pupunta?"  "Damn! Pwede bang sumakay ka na lang?! I don't want to waste my time." Sigaw nito kaya parang tuta na naupo ako sa passenger seat. Sinara  naman nito ang pinto at sumakay na siya ng driver seat. Binuhay na niya ang makina at nagsimulang magmaneho. Pinipigilan ko ang paghinga ko dahil parang hindi maganda ang kutob ko. Ano kayang balak ni Malcolm? Tutuluyan niya na ba akong papatayin? Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? To be continued... A/N: Sumunod ka na lang kasi kay fafa Malcolm baka mamaya idiretso ka niyan sa hotel chour~ Guys leave a comment and vote for this chapter please suppornnn my BL story Salamat! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD