Kiro's POV
Ramdam ko ang pagbagsak ng butil ng pawis sa aking noo dahil kaunti na lang ang buhay ng aking karakter. Ng makakita na ako ng tyempo ay ginawa ko na ang super ng karakter ko at hindi naman niya iyon napigilan. Diretsong nakatingin ang aking mata sa screen at nagdasal na sana ay matapos na ang laban at ako ang manalo--
"Nanalo ako!" Masayang sigaw ko at napapasuntok sa hangin dahil sa tuwa. Maraming mga tao ang napapalakpak dahil sa pagkapanalo ko. Hinarap ko ang lalaking nakalaban ko at nilahad ang kamay.
"Kiro nga pala," pagpapakilala ko at tinanggap naman niya ang aking kamay.
"I'm Carson. Carson Gordon" Aniya habang nakangiti, Naramdaman ko na lang ang pagtunog ng cellphone ko sa bulsa at napansing tumatawag na si papa. Napamura ako ng maisip na sinabi ni Malcolm kay papa ang lahat.
Mabilis akong tumakbo at narinig ko pang tinawag ako ni Carson pero hindi ko na siya nasagot pa dahil nagmamadali na akong umuwi. Pagkasakay ko ng bus at sinagot ko ang tawag.
"Papa napatawag ka--"
[Nasaan ka Kiro?] Bakas sa boses ni papa ang galit. Napahilot na lang ako sa sentido dahil tama nga akong sinabi ni Malcolm kay papa na umalis ako ng bahay.
"Papa naman alam mo namang ayaw kong kasama si--"
[Pag wala ka pa rin sa bahay bata ka ako mismo ang uuwi at sisigawan ka!] Nailayo ko kaagad ang cellphone sa sigaw ni papa.
[Nag-arcade ka na naman ba?]
"Po?! H--hindi ah, kasama ko ngayon si Rico." Pagsisinungaling ko. Humanda ka talaga sa akin, Malcolm Dela Vega!
[Bilisan mong umuwi dahil naghihintay sa'yo si Malcolm, tinawagan niya ako dahil lumayas ka daw ng bahay ng hindi tumutulong sa gawaing bahay.] Napahilot naman ako sa sentido.
"Opo pauwi na ako tatawagan ko na lang po kayo ulit kapag nasa bahay na ako." Sagot ko at sasagot pa sana si papa ng patayin ko na ang tawag.
Ilang minuto lang bago bumaba na ako ng bus. Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Malcolm na nakatayo sa pinto habang masamang nakatingin sa akin.
"Where have you been?" Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ang braso ko. "I'm asking you Kiro--"
"Pwede bang huwag mo na akong tanungin kung saan ako pumupunta. si papa maloloko mo sa mga pang-uuto mo Malcolm pero ibahin mo ako." Sagot ko at nakita ko ang pag-iba ng reaksyon niya. Tinanggal ko ang kamay niya na nakawahak sa akin at naglakad na ako paakyat sa kwarto ko at malakas na sinarado ang pinto. Napabuga naman ako ng hangin at tinext si papa na nakauwi na ako.
Wala akong gana kumain ng hapunan dahil baka makasalubong ko lang siya. Mahigit ilang oras rin bago mapansin kong nakapatay na ang ilaw sa kusina. Mukhang tapos na siyang kumain kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na bumaba. Nakunot ang noo ko ng mapansin na may nakatakip sa lamesa at ng buksan ko iyon ay isang kaldereta. Kumulo bigla ang tiyan ko ng maamoy ang ulam kaya nagsandok na ako at nagsimulang kumain.
Namilog ang mata ko ng malasahan ang kaldereta. Mahilig ako sa kaldereta pero iba ang isang ito. Parang naghahalo ang lasa ng sweetness at anghang. Mabilis kong nilantakan ang pagkain dahil sa sarap nito na kulang na lang pati ang bowl ay dilaan ko. Ng matapos na akong kumain ay nakarinig ako ng tikhim sa gilid. Naabutan ko si Malcolm na nakasandal sa pader habang nakapantulog ito.
"I thought you will not eat your dinner." Malamig na sabi niya. Napaubo naman ako at niligpit ang pinagkainan.
"Hindi masarap." Komento ko sa luto niya at tumaas naman ang kilay nito.
"Really?" Sarcastic na aniya. Napanguso naman ako at hindi na nakipagtalo sa kaniya dahil alam kong wala lang patutunguhan iyo.
"Oo na masarap na ang luto mo, tsaka pwede bang tigilan mo ang pag-english dito sa bahay? Ang sakit sa tenga eh." Inis na sagot ko at dumiretso na ng kusina para hugasan ang mga pinggan. Ramdam kong nakasunod lang si Malcolm sa likuran at pinapanood ang ginagawa ko.
"I'm sorry." Parang nanlambot ang kamay ko sa sinabi nito kaya nabasag tuloy ang isang plato. Nanlilisik na matang hinarap ko si Malcolm.
"Pwede bang huwag kang manggugulat?!" Singhal ko dito. "Teka tama ba ang narinig ko? Pakiulit nga?" Sabay lapit ko sa kaniya.
"Hindi ko na uulitin ang sinabi ko dahil ayaw ko sa lahat ay ang nagbibingi-bingihan." Aniya.
Naiiling na pinulot ko na lang ang nabasag na pinggan hanggang sa biglang dumaplis sa daliri ko ang bubog dahilan para magdugo.
"Ouch!" Napatingin ako sa daliri ko na may sugat. Nagulat ako ng biglang hinablot ni Malcolm ang kamay ko.
"What happened?" Nag-aalalang tanong niya. "It's bleeding." Mas lalong namilog ang mata ko ng ilapat nito sa bibig niya ang daliri ko at sinipsip iyon. Put*! Ngayon ramdam ko na ang malambot na dila ni Malcolm sa daliri ko at parang may libo ng boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. "Masakit pa?" Tanong niya. Umiling naman ako at napansin kong may kinuha ito sa kwarto niya hanggang sa pagbalik niya ay may dala na siyang betadine.
Hinatak niya ang kamay ko paupo sa lamesa at nilinisan ang sugat sa daliri ko. Napansin ko ng medyo malaki rin ang hiwa kaya malakas ang tagas ng dugo.
"Do you want me to take you in hospital?"
"H--hindi n--na, maghihilom din naman ito." Nauutal kong sagot. Ng magtama ang tingin naming dalawa ay kaagad akong umiwas. Hanggang sa nilagyan na niya ng gasa ang sugat ko at puting tape. Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.
"Bumalik ka na sa kwarto mo, ako na ang maglilinis dito."
"Pero hindi naman ako napilayan--"
"Just do what I say, Idiot." Nanliit na ang mata ko. Kailan ba siya titigil na tawagin akong idiot? Nakakairita na kasi dahil pinanganak akong may pangalan.
"Okay sabi mo eh." Sabar tayo ko at aakyat na sana ng huminto ako sa paglalakad. "Thank you." Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko pero hindi naman ako masamang tao para ipagdamot ang utang na loob. Nagmamadaling umakyat na ako sa kwarto at nagbasa na lamang ng manga.
Napahinto ako sa pagbabasa at napatitig sa daliri ko na nasugatan. Teke bakit umiinit sa paligid? Nilakasan ko na lamang ang fan kaya nawala ang init na nararamdaman ko. Napahinto ako sa pagbabasa ng may kumatok mula sa pinto kaya tumayo ako at binuksan iyon. Bumungad sa akin si Malcolm na may dalang baso at may lamang gatas.
"Drink this." Tinanggap ko naman ang baso.
"Hindi mo kailangang gawin ito--"
"Your dad tell me that you like to drink milk every weekends at night." Napatango-tango naman ako. Ang weird ng kinikilos niya ngayon, akala ko kumatok pa siya sa pinto ng kwarto ko para painitin ang ulo ko pero nagulat ako ng aabutan niya lamang ako ng isang baso ng gatas.
"Salamat dito." Sagot ko at tumango naman siya. Naglakad na siya papasok sa kwarto niya kaya bumalik na ako sa loob at nagpatuloy sa pagbabasa ng manga. Ng maramdaman kong inaantok na ako ay inubos ko na ang gatas at humiga sa kama. Ramdam ko ang pagod sa aking katawan kaya ipinikit ko na ang aking mata at unti-unting naramdaman kong nakatulog na ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ayaw kong makasabay si Malcolm. Naglakad na ako papasok ng marinig ko ang boses ni Rico sa likuran ko.
"Good morning Kiro!" Masayang bati nito sa akin at bakas sa mukha niya ang kasiyahan.
"Bakit parang ang saya mo ata ngayon?" Kunot noong tanong ko at nanliit naman ang mata niya.
"Seryoso Kiro?" Tanong niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. "Sige kalimutan mo na." Sabay padabog nitong lakad. Bigla akong natawa at mabilis siyang sinundan sa paglalakad.
"Ito hindi mabiro, alam ko naman na birthday mo ngayon." Nagliwanag ang mukha nito at hinawakan ako sa daliwang balikat.
"Naalala mo na? Hu-hu-hu akalo nalimutan mo na ang birthday ng bestfriend mo." Sabay iyak nito na wala namang luha. Tinulak ko ang noo niya para lumayo sa akin.
"May bestfriend bang nagkakalimutan sa mga kaarawan?" Sabay natatawang iling ko. Nagpatuloy na muli kami sa paglalakad at patuloy na kinukulit niya ako kung ano ba raw ang regalo ko sa kaniya.
"Dali na kahit clue lang." Pagpupumilit niya.
"May kahon." Sagot ko at napahalakhak sa tawa. Ng makarating na kami sa klase ay maraming bumabati kay Rico ngunit ang iba roon ay hindi niya kilala. Halos lahat ng mga tao na bumabati sa kaniya ay iniinvite niya sa party sa bahay nila mamayang gabi.
Ng dumating na ang unang subject ay nagalit na naman ang prof namin kay Malcolm dahil late ito pero parang hindi na bago sa kaniya ang nahuhuli siya sa klase. Napatingin ako kay Malcolm na nakaupo at mukhang wala sa mood. Ano'ng nangyari sa kaniya?
Nagkibit balikat na lamang ako at itinuon ang atensiyon sa lecture. Halos lahat ng subject namin ay nagturo lang kaya ng maglunch ay niyaya kami ni Yumiko na kumain sa canteen.
"Bakit ang aga ata matapos ng klase niyo?" Tanong ni Rico kay Yumiko.
"Walang prof." Sabay tawa nito. Pagkarating sa canteen ay napahinto kami sa pintuan ng makitang walang bakanteng pwesto. "Hay, paano hindi mapupuno ang canteen nandito ang grupo nila Malcolm kaya ayun pinalilibutan ng mga babae." Ani ni Yumiko.
"Bakit hindi na lang tayo sa kubo, tutal wala naman masyadong pumupwesto roon." Suhestiyon ni Rico na sinang-ayunan ko naman.
"Mabuti pa nga." Ayaw ko kasing makasalubong iyang Malcolm na 'yan.
"Libre ko na ang order." Sambit ni Rico kaya tumango kami ni Yumiko. Naiwan kami sa pinto ni Yumiko habang hinihintay si Rico na umorder ng pagkain.
"Ahh Kiro." Tawag niya dahilan para mapatingin ako. "Ginawa ko nga pala para sa'yo, " nahihiyang sabi niya at nilahad ang isang bracelet na may letter K, Y at R. "Sana nagustuhan mo he-he-he." Sabay kamot nito sa batok.
"Salamat." Ngayon lang ako nakatanggap ng ganito. Nilagay naman niya sa kamay ko ang bracelet.
"Ito naman ang para kay Rico." Sabi nito ay pinakita ang isa pa. "Huwag kang maingay, balak ko kasing iregalo sa kaniya ito." Aniya kasabay ng pagtawa.
"Mukhang matutuwa ang moko na 'yon." Sabay tawa naming dalawa.
Napatingin ang mata ko sa pwesto nila Malcolm at naabutan ko itong masamang nakatingin sa akin na parang may nagawa akong mali. Nilabanan ko ang tingin nito. Ano na naman bang binabalak niya?
"Kiro tara na?" Nabalik ako sa huwisyo ng marinig ang boses ni Rico na dala ang pagkain. Napatango naman ako hanggang sa nagsimula na kaming maglakad papunta sa kubo.
Ito ang isa sa mga tambayan ng estudyante sa tuwing gusto ang tahimik na lugar at gawin ang mga assignments dahil sa preskong hangin na animo'y mararamdaman ang payapang kapaligiran. Sa hind kalayuan naman ay ang soccer field kung saan nagpapractice ang mga soccer player.
Nagsimula na kaming tatlo mag lunch at nilabas ko ang librong dala ko. Ito ang magandang oras para magbasa ng manga. Hanggang ngayon kasi ay tinatapos ko pa rin ang manga na binabasa ko. Hindi ko alam pero naeexcite ako sa mga nangyayari sa manga na binabasa ko dahil sa intense nitong scenes. Ang totoo niyan ay matagal ko ng binabasa ito, panglimang beses na ata pero nagagandahan pa rin ako.
"Kiro mahilig ka pala sa mga manga?" Tanong ni Yumiko at nakangiting tumango naman ako.
"Oo eh he-heh-he." Biglang nakunot ang noo niya.
"Teka--" aniya sabay lapit sa akin at tinignan ang book cover ng manga. "Iyan ba ang limited edition ng Junjou romantica? Omo! Mayroon ka niyan?" Gulat na aniya na para bang hindi makapaniwala na mayroon ako.
"Yup binili ko last year, bakit?"
"Matagal ng hinahanap ni kuya ang last 3 book na 'yan pero wala siyang makita." Aniya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at hindi makapaniwala. Bihira lang kasi ang lalaking nagbabasa ng BL manga katulad ko.
"Talaga ba?" Tumango-tango naman siya.
"Teka may kuya ka?" Tanong ni Rico kay Yumiko na kinatango naman ulit nito.
"Oo at dito siya nag-aaral." Sagot niya. "Simula ng hindi na niya makita ang kasunod na huling libro ng junjou romantica ay lagi na siyang tumatambay sa book store pagkatapos magpractice ng basketball at nagbabakasakaling makahanap ng last 3 book." Napakamot naman ako sa batok at pinakita kay Yumiko ang volume 23-25.
"Gano'n ba, papahiramin ko na lang siya nito tutal tapos ko na rin naman." Nagliwanag ang mukha niya at nagtatalon-talon sa tuwa ng makita ang libro sa kamay ko.
"Talaga ba?! Salamat, Kiro!" Aniya at kinuha sa kamay ko ang volume 23-25.
"No problem."
"Sigurado kang mahilig ang kuya mo sa ganiyang manga? Puro lalaki." Sabay tawa ni Rico at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Peace." sabay peace sign nito. Alam kasi ni Rico na mahilig ako magbasa ng mga ganitong klase ng manga kaya kung minsan iniisip niya na baka mahulog ako sa kapwa ko lalaki pero sinabi ko naman na imposible. Ano namang problema sa BL na manga? Hindi naman ako nakakaramdam ng mali sa manga na iyon dahil nahuhulog pa rin ang loob ko sa babae.
Ng tumunog na ang bell ay bumalik na kami sa klase at nagpaalam na sa amin si Yumiko. Habang naglalakad kami pabalik ni Rico sa room ay napahinto kami ng mapansin na napakaraming estudyante ang nasa pintuan ng classroom.
"Ano'ng mayroon sa classroom natin?" Tanong ni Rico sa akin at nagtaas baba lamang ako ng aking balikat kasi kahit ako ay hindi rin alam ang sagot. Pinigilan ko ang isang babae na papunta rin sa nagkukumpulang mga tao.
"Ahh excuse miss, ano'ng nangyayari doon?" Sabay turo ko sa kumpulan ng mga estudyante.
"Balita dito sa campus na nagkabalikan na si Kimberly at Malcolm kaya nag-uusap silang dalawa ngayon." Sagot nito at naglakad na palayo.
"Nagkabalikan na si Malcol pati ang ex niya? Wow, mukhang magandang palabas ito tara Kiro!" Sabay hatak sa akin ni Rico at nakipagsiksikan sa mga estudyante. "Makikidaan lang." Aniya.
Napansin kong tama nga iyong babae dahil nag-uusap ngayon si Malcolm at si Kimberly. Halos napasinghap ang lahat ng lumuhod si Kimberly sa harapan ni Malcolm.
"Omygosh?! Desperada na ba siyang magkabalikan sila ni Malcolm?"
"Ang landi niya talaga kahit kailan, hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya?!" Bulungan sa paligid.
"Malcolm I know that you still love me, ramdam ko iyon." Sambit ni Kimberly habang humihikbi. Pinatayo siya ni Malcolm at hinawakan sa braso. Pansin ko ang paghigpit ng kamay nito sa babae habang nanlilisik ang mga mata.
"Stop doing this Kimberly, wala ng tayo!" Galit na sabi niya. Tinulak ito ni Malcolm kaya mabilis akong lumapit para saluhin si Kimberly.
"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya. Mugto ang mga nito sa pag-iyak at tumakbo papalayo.
"What are you doing?" Nanlilisik na matang aniya.
"Kung hindi ko siya sinalo baka nasaktan mo na siya--"
"This is none of your business, idiot!" Sigaw nito sa akin. Lumapit ito sa akin at kinuwelyuhan ang polo ko. "You broke the rules again, Kiro." Pilit kong tinatanggal ang kamay nito na nakahawak sa polo ko pero nabigo lamang ako dahil sa lakas niya.
"Ito ba ang paraan ng paglabas mo ng galit? Ang manakit ng iba, Malcolm?!" Singhal ko sa kaniya at hinawakan na rin siya sa polo. "Huwag kang umasta na parang buhat mo ang mundo dahil hindi lang ikaw ang taong may problema!"
Marami ng mga tao ang nasa paligid at pinapanood ang away naming dalawa ni Malcolm. Alam kong natamaan siya sa sinabi ko pero tama lang na magising siya sa katotohanan na mali ang ginagawa niya. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na suntukin siya sa mukha kaya maraming mga tao ang napasinghap sa ginawa ko.
Bumawi naman ito at sinapak rin ako sa mukha dahilan para bumagsak ako sa sahig. Napansin ko ang pagdugo ng gilid ng labi ko. Narinig na lang namin ang pag-alisan ng mga estudyante at pagdating ng prof.
"Ano'ng nangyari dito?! Mr. Delos Santos and Dela Vega, guidance office now!" Madiin na utos ni miss. Sinipa ni Malcolm ang upuan at naglakad na paalis.
Lalapit sana si Rico sa akin pero kaagad ko itong pinigilan at nginitian para sabihing ayos lang ako. Naglakad na ako papuntang guidance office. Tahimik lamang kaming dalawa ni Malcolm habang kinakausap ng dean. Napahilot na lang sa sentido si dean dahil sa frustration na nararamdaman.
"Gusto kong linisin niyong dalawa ang buong court at hanggang sa hindi kayo nagtitinong dalawa ay mananatili kayo roon, maliwanag ba?!" Galit na galit na sambit ni dean. Napatango naman ako sa sinabi nito pero si Malcolm ay parang walang narinig. Walang emosyon lang itong nakatingin kay dean. Hinatak ko na ang kamay ni Malcolm papunta sa clinic. Nakunot ang noo niya dahil siguro ay hindi niya inexpect na dadalhin ko siya rito.
"Diyan ka lang." Utos ko. Magsasalita pa sana siya pero dumiretso na ako sa nurse para humingi ng first aid kit.
"Ito nga pala ang first aid, gusto mo ba ako na ang maglinis ng sugat mo--"
"Hindi na po." Natawa naman siya at tumango-tango. Pagkarating ko sa clinic bed ay naabutan ko si Malcolm na nakahiga. Sinarado ko naman ito ng kurtina para wala ng makapansin pa na nandito kaming dalawa.
Kumuha ako ng cotton bans at ointment para linisin ang sugat niya sa gilid ng labi. Nakaramdam ako ng konsensiya sa pagsapak sa mukha niya pero kung hindi ko siya pinigilan ay baka nasaktan na niya si Kimberly.
Sinimulan ko ng linisin ang sugat ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Stop--"
"Pwede bang hayaan mo akong linisin ang sugat mo? Tsk." Sabay ngisi ko. Minulat naman nito ang mata niya at dahan-dahan tinanggal ang kamay na nakahawak kaya nagpatuloy na ako sa paglilinis ng sugat niya. "Sorry." Iyan lang ang tanging nasabi ko dahil binabagbag pa rin ako ng konsensiya sa ginawa ko.
"Tsk." Sabay ngisi nito. Nanliit naman ang mata ko dahil wala man lang siyang naging reaksiyon.
"Ibig sabihin ba niyan hindi mo tinatanggap ang sorry ko?"
"Yes." Biglang nag-init ang ulo ko. Kung gano'n para saan pa ba itong paglilinis ko ng sugat niya? Tinigilan ko ang ginagawa ko dahilan para magtaka siya. "Why did you stop?"
"Linisin mo sugat mo mag-isa!" Bigla niya akong pinigilan at ngumiti.
"I'm just kidding, idiot." Aniya at nilinisan ang sariling sugat habang nakahawak ang kamay niya sa kamay ko.
"A--anong g--ginagawa mo?" Nauutal kong tanong dahil parang hindi ako komportable na hawak niya ang kamay ko. Ngayon ko lang naramdaman na malambot pala ang kamay nito. Hindi niya sinagot ang tanong ko at umupo sa clinic bed. Kumuha siya ng cotton bans at tila nanigas ako ng linisin niya ang sugat sa gilid ng labi ko.
"I'm sorry." Ramdam ko ang sinceridad sa salitang binitawan niya kaya hinayaan ko na lamang siya na linisin ang sugat sa gilid ng labi ko. Napahinto siya sa ginagawa niya at napansin kong dumapo ang tingin nito sa labi ko. Kita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya kaya napaatras ako ng kaunti. Ano'ng iniisip niya?
"Malcolm may problema ba?" Hindi ko na mapigilan pa ang magtanong at dahan-dahan niyang nilalapit ang mukha sa akin kaya unti-unti rin akong umaatras. "T--teka lang--" pipigilan ko sana siya gamit ang aking kamay ng hawakan niya ito at nagpatuloy siya sa paglapit.
Ano'ng gagawin niya sa akin?! Bakit nilalapit niya ang mukha niya?! Kiro kumilos ka at baka may pinaplano na naman ang pugong iyan!
To be continued...
A/N: Iba nata yan Malcolm HAHAHA