Kabanata II
Erica's POV
Maagang natapos ang klase ko kaya naisipan kong magstarbucks. Kung tinatanong niyo ‘yung dalawang bestfriend ko eh may gagawin daw silang project para sa other subject, sadly napahiwalay ako sa groupings na iyan.
Pagdating ko sa Starbucks ay nag-order lang ako ng frappucino. Naglabas din ako ng cellphone para mag-wifi. Wifi zone naman ‘tong SB eh. Ine-enjoy ang magndang atmosphere ng coffee shop. Nagulat ako nang biglang nagvibrate ang phone ko at nakitang nagtext si Mommy sa akin.
From Mommy: Please go home early.
It’s exactly 4:30 na din naman ng afternoon. Might as well na umuwi na din. Naglalakad na ako patungong front gate ng St.Mary’s at doon na lang hintayin si Mang Ramon nang biglang tumalsik na tubig sa akin.
*SPLASH*
“F*ck!!!” sigaw ko. May isang walang modong driver ang dumaan ng ubod ng bilis at sa kasamaang palad ay may stagnant water sa daan at sa akin pumunta lahat ng tubig. Ang dumi ko na tuloy. Maputik at mabaho. bakit ba may tubig dito? Umulan ba? Nakakasar! Nakita kong huminto ang kotse kaya galit na nagtungo ako sa kotseng iyon para katukin ang driver.
“HOY!!! TARANTADO KA!! TINGNAN MO ANG GINAWA MO!!!” sigaw ko at kinatok- katok ang bintana ng driver. Bastos ang driver na ito! Kagigil!
“HOY!!! BUMABA KA DIYAN!!! G*GO ‘TO!! TAMA BANG MAGDRIVE NG MABILIS???!!! LUMABAS KA DIYAN SA BULOK MONG KOTSE!!!” sigaw ko parin. Bakit ba kasi ang bilis magpatakbo ng isang ito? May date? may hinahabol?
Maya- maya ay bumukas ang pinto at lumabas ang driver. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang driver. Ang snobbers at crush ng bayan na si JED CARLO CASABUENO.
Medyo nashocked ako, hindi pala medyo. As in nashocked! Ang walang modong driver pala na sinisigawan ko ay ang hearthrob ng St.Mary’s na si Jed. Pero kahit pa na crush siya ng bayan hindi pa din tama ang ginawa niya. Papano kung hindi splashing ang nagyari sa akin? what if nasagasaan ako dahil sa bilis ng pagmamaneho niya? E'di deads na ako?
“Hoy lalake!!! Look what you did to me????!!! I’m wet!!!” reklamo ko sa kanya at tinitigan lang niya ako.
“I know. Hindi ako bulag para 'di ka makitang basa.” Walang ganang sagot niya.
“Baka may gusto kang gawin?” tanong ko. Nagtaka ako nang bigla na lang may dinukot siya sa likuran ng pants niya at nilabas ang kaniyang wallet.
“Here, two thousand pesos. I think that's enough to buy new clothes.” Sabi niya at inabot ang pera sa akin. Aba at talagang walang manners ang isang ito.
“HOY!! HUMINGI BA AKO NG PERA?? SINABI KO BANG MAGLABAS KA NG PERA??” feeling ko para akong babaeng bayaran sa lagay ko ngayon eh.
“Tanggapin mo na lang. Ang arte mo pa. You’re just wasting my time. I have so much work to do.” sabi niya at binuksan na ang pinto ng driver's seat.
“GAGO!!! HINDI KO GUSTO ANG PERA MO!! ANG GUSTO KO LANG EH MAGSORRY KA SA GINAWA MO!!!”
“No way. I will never say sorry to you.” Then pumasok na siya ng kotse at pinaharurot palayo sa akin.
“AAARRRRGHHHH!!” napasigaw lalo ako dahil sa sobrang inis. I will curse Jed Carlo Casabueno. What kind of person is that? Simpleng apology lang naman ang hinihingi ko pero binigay niya sa akin ay pera. Do he think lahat ng bagay masosolve ng pera?
Dumating na ang sundo ko at takang- taka si Mang Ramon nang makita ang hitsura ko. "Ma'am anong nagyari sa inyo? Basa ang uniform mo," sabi niya at padabog kong isinara ang pinto gnback seat. "Tara na Mang Ramon. Uwi na agad tayo para makapagklinis ako." sabi ko at mabuti na lang hindi na siya pa nangulit pa. Mabuti na lang at mabilis ang naging biyahe kaya dali- dali akong pumasok ng bahay. Nagulat pa si Manang Fe nang makita ako. Madumi, basa at mabaho ang uniform ko.
“Oh my!! What happened to you Ma’am Erica??” tanong ni Manang Fe. Ang pinakamatandang katulong dito a bahay namin. Nakasimangot akong sumagot sa kanya.
“There is a stupid jerk na nagpatakbo ng kotse at lahat ng tubig sa daan ay nagtalsikan sa akin.” Paliwanag ko. Nakakaasar talaga ang lalaking iyon.
“Maligo ka na Ma’am Erica,” sabi ni Manang Fe at tumango ako sa kanya. Nangangati na din kasi ako.
“I will Manang Fe.” sagot ko.
Agad akong umakyat sa kwarto ko at naligo. Kulang na nga lang eh maligo ako ng alcohol dahil sa baho at dumi na kumapit sa akin. Lecheng Jed ‘yan, pinahirapan ako. If ever na magkrus na naman ang landas namin, sasakalin ko siya ng bonggang- bonga!
Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng preskong damit. Isang terno na pambahay lang. After ko magbihis ay agad akong bumaba. Nagulat ako dahil ang aga umuwi nina Mommy at Daddy. Kaya siguro pinauuwi din aki ni Mommy ng maaga. Pinagmasdan ko sila and I really think they had a big problem.
“Good afternoon Mommy, Daddy,” bati ko. Lumapit ako sa kanila at hinalikan silang pareho sa pisngi.
“Good afternoon too sweetie,” bati din ni Mommy. Tumingin ako kay Daddy at narinig ko ang malalim na buntong hininga ni niya.
“Dad, is everything okay?” tanong ko. I can't take it anymore na kasi. Ramdam mo ang bigat ng paligid kapag alam mong may bumabagabag sa mga magulang mo.
“Yes, everything is okay.” sagot niya at alam kong labas sa ilong ang sinabi niyang ito. Nakita ko si Mommy na hinawakan ang kamay ni Daddy and looks at him.
“Hon, I think Erica should know about this,” sabi naman ni Mommy na siyang pinagtaka ko.
“About what?” tanong ko and I look at them puzzled. Bumuntong hininga si Daddy at tumingin sa akin.
“Erica," panimula niya. "Our company is in danger. Malapit ng malugi ang company natin,” at ako naman ay napatulala sa sinabi ni dad.
WHAT?? BANKCRUPT NA ANG COMPANY NAMIN?? ang company na itinatag nilang dalawa ay nalugi na? What happened? Okay naman ang company three months ago. Top supplier pa nga kami ng mga furnitures last month eh. How come na bankcrupt na?
“What?? Paanong nagyari iyon?” tanong ko.
“Di ko rin alam.” malungkot na sabi ni dad. "All I know that all the shareholders took all the money." lumapit ako sa kanya and hugs him. Ang company na pinag- alayan nila ng dugo't pawis ay nawala na.
“Is there any solution to save our company?? We can sue all those people right?” tanong ko.
“There is only one solution to save the Victoria, Erica,” Sagot ni mom.
“’Yun naman pala eh!! Then what is it??!”
“Anak, kung saka-sakali ay ikaw ang magiging solution” dagdag naman ni Dad. Okay, ano naman kaya iyon at ako ang kanilang key to solve this problem?
“Ako?” tinuro ko pa ang sarili ko.
“Oo ikaw. Kailangang may makipagmerge na other company sa atin. And the only way to do that is MAGPAKASAL KA SA ANAK NG COMPANY NA MAKIKIPAGMERGE SA ATIN” paliwanag ni Daddy.
Wait. Teka. Tama ba ang narinig ko? KASAL?
KASAL ang tanging paraan para maligtas ang VICTORIA COMPANY? Kailangan kong magpakasal?
HELL NO!!! ni wala pa nga akong boyfriend tapos asawa agad? That is bull!
“No way Dad. Ayokong magpakasal. Ni wala pa nga akong boyfriend and besides I’m too young to get married.” sabi ko. Why do I need to get married sa taong hindi ko naman kilala? and the worst is hindi ko mahal?
“But Erica..." protesta ni dad pero pinigilan ko na siya. I think I can do it. Sacrificing my freedom? No I don't want.
“I’m sorry.” thats all I have said then umakyat na ako sa aking kwarto.