Kabanata III
Erica's POV
Maaga pa lang ay nasa tambayan na ako. Hinihintay kong dumating sina Belle at Arvian. Hanggang nagayon ay iniisip ko pa rin ang about sa company nina Daddy. Ano ba talaga ang dapat kong gawin?? I need some advices. I don't want to sacrifice my freedom, my life pero hindi ko maatim ang pagkawala ng Victoria. That my other conscience saying that I should help them.
Ilang sandali pa ay natanaw ko nang naglalakad sina Belle at Arvian papalapit sa akin.
"What's in the face Erica?" tanong ni Arvian.Tinitigan ko lang siya at nagpakawala lang ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Wow teh! Lalim ng buntong hininga natin ah!!! Ilang ft. ba 'yun??"biro sa akin ni Belle but hindi ko magawang matawa sa mga banat niya.
"May problema ba Bestfriend??"tanong ni Arvian. at umupo sa tabi ko. Napangiti ako ng abutan niya ako ng isang Cloud 9 chocolate bar.
"Kasi guys may malaking problema kami about our company," sabi ko at mataimtim naman silang nakikinig.
"About your company? o anong mayroon?" tanong ni Belle.
"Big problem?Lahat naman yata ng mga companies may problema haha!" inirapan ko na lang si Arvian.
"Oo. Big problem. Palugi na ang Victoria. Mawawala ng ang matagal ng pinagpaguran ng mga magulang ko." sabi ko.
"May magagawa ba tayo para maisalba ang Victoria?" tanong ni Arvian.
"Actually mayroon. Kailangang may makipagmerge na other company sa Victoria."
"O eh 'di maghanap tayo ng company na willing makipagmerge sa inyo!!" sabi naman ni Belle. Sana ganoon lang kadali iyon.
"Kaya lang Belle, I need to marry the son of the owner of the company." napatulala na lang silang dalawa. I know shocked din silang dalawa.
"ANO??!! KASAL??!! KAILANGAN MONG MAGPAKASAL PARA LANG MAY MAKAIPAGMERGE SA INYO??"sigaw ni Arvian at tumango lang ako bilang sagot.
"Ayoko ko pang magpakasal guys!! Ni wala pa akong nagiging boyfriend!! at saka bata pa ako!!!" maktol ko. Bigla silang natahimik ang dalawa at tila nag-iisip. Ilang sandali lang ay nagsalita si Belle. Siguro naman kahit sino ayaw na mag-asawa ng hindi mo kilala di ba? specially kung no boyfriend since birth ka di ba? wala kang experience sa pakikipagrelasyon tapos in a snap of a finger married ka na.
"Erica kung ako ang nasa kalagayan mo, mas pipiliin ko pang magpakasal para maisalba ang kompanyang pinagpaguran ng mga magulang ko. Hindi ko kayang makita na ang pinagpaguran nila ay unting unting nawawala. I need to sacrifice. Kahit na iyon lamang ang natitirang solusyon." paliwanag ni Belle. Alam ko naman iyon, kahit ako nahihirapang makita ang mga magulang ko na nahihirapan.
"Maaatim mo ba Erica na lalabas sa T.V, radio at newspaper na 'VICTORIA COMPANY HAS BEEN BANKCRUPT.'" sabi ni Arvian.
"Ikaw ang bahala Erica. Basta iyon ang opinyon namin."dagdag pa ni Belle.
"Tara na, malapit ng magtime,"sabi ni Arvian at tumayo na.
Kailangan kong magdesisyon. Ayokong mawala ang pinagpaguran ni Daddy pero ayoko din namang masakal ay este makasal ako.
Kanina pa salita ng salita ang prof namin pero wala ni isa ang pumapasok sa utak ko. Ang tanging iniisip ko ay about sa company. Hanggang sa nag-uwian iyon parin ang iniisip ko.
"Erica, made your mind before it’s too late." sabi ni Arvian at tinapik pa ang balikat ko.
"Oo nga Erica"dagdag ni Belle. Tumango na lang ako sa kanila. I guess I should make up my mnd.
Sana sa desisyon kong ito ay di ako magsisi sa huli.
Please lang Lord, sana hindi salbahe ang mapapangasawa ko.