Kabanata I

1109 Words
Kabanata I Erica's POV “Good morning Mom!!” masayang bati ko sa aking ina na nakaupo na sa dinning table. Napansin ko ang eyebags sa mga mata niya. “Good morning too sweetie,” bati din ni Mommy at tipid na ngumiti. Okay, what was that? Is there something wrong kaya? “Good morning to my best daddy!” sabi ko sabay halik sa aking ama. Ganoon din ang hitsura ni Dad, mukhang stress na stress. Hindi kaya may problema sa company?  “Good morning din anak. Halika na at mag-agahan na tayo,” Yaya ni daddy sa akin kaya naupo na ako at nagsimula ng kumuha ng pagkain. Kumuha ako ng fried rice at tocinp. Habang kumakain kami ay napansin kong tahimik lang sila Mommy at Daddy. Parang problemado ang mga magulang ko. Feeling ko talaga mayroong hindi magandang nangyari sa company namin. “What’s with the face Mom, Dad? You both look problematic,” puna ko sa kanilang dalawa. Tila nagulat naman silang dalawa. Ngumiti na naman ng tipid si Mommy and I don't like it. Para bang sobrang bigat ng nakapatong sa balikat nila. “Nothing sweetie. Don’t mind us,” sagot ni Mommy at sumimsim ng kape niya. “Yeah, don’t mind us Erica,” dagdag ni Daddy at tinitigan na niya ang pagkain niya.  “Okay.” ‘yun na lang ang nasabi ko. Hindi ko sila pipilitin kung ayaw nila sabihin ang kanilang problema.  After we ate breakfast ay nagpaalam na ko sa kanila para pumasok sa eskwelahan.  “ Bye Mom. Bye Dad,” paalam ko at hinalikan ko na  sila sa pisngi. “Bye din anak. Mag-iinagt ka ah!” sabi ni Mommy at hinaplos ang pisngi ko. Hobby yan ni Mom na haplusin ang pisngi ko, kahit noong bata pa ako ganyan na lagi ang ginagawa niya. “Yes Mom!” sagot ko  at sumakay na ako sa kotse. "Bye Dad!" paalam ko kay daddy na nakatayo sa front door ng bahay. Kumaway lang siya sa akin saka pumasok sa loob. Umayos na ako ng upo at isinara na ang pinto ng kotse. “Manong Ramon, puwede po bang pakibilisan? Kailangan ko po kasing makarating sa school ng maaga,” pakiusap  ko kay Manong Ramon, ang family driver namin. Ilang taon na din nagtatrabaho sa Mang Ramon sa amin. Eight years old pa lang ako driver na namin siya. “O sige po Ma’am Erica,” sagot niya at binuhay na ang makina ng sasakyan. Tahimik naming binabaybay ang daan papuntang eskwelahan. Habang bumabyahe kami ay magpapakilala na muna ako. Ako nga pala si Erica Ann Santos. I am eighteen years old and a second year BSBA student at nag- aaral sa isang prestigious university, ang St. Mary’s University. Isa lamang akong simpleng mag-aaral. Hindi ako matalino pero nakakapasa naman, kahit papaano. “Ma’am Erica nandito na po tayo,” sabi ni Mang Ramon at huminto sa tapat ng malaking gate ng university. “Ay salamat Manong Ramon,” I said at  bumaba na ako ng kotse. Halos konti palang ang mga students na nandito since maaga pa naman. Need ko kasi pumsok ng maaga para maghingi ng rescue about sa assignment namin. Agad akong dumeretso sa botanical garden ng school. Ito 'yung so- called- tambayan namin ng mga friends ko.  Pagdating ko doon ay nadoon na sina Anabelle Duran at Arvian John Hermosa na kapwa ko kaklase. Sila ang itinuturing kong bestfriends for my entire life! Magkakilala kami since first year college. Mga seatmates ko lang sila noon then something click between us. Simula noon inseperable na kaming tatlo. “Nandito na pala kayo,” bungad ko at naupo sa tabi ni Arvian. “Ay wala kami dito. Picture lang kami!” biro ni Anabelle or Belle in short. Morena si Belle, may itim at bilugang mata at may mahabang buhok. Papasa itong model for sure. “Tumigil ka nga Belle!! Ang  corny mo!!” sabi naman ni Arvian. Matangkad, maputi, singkit ang mga mata ng isang ito. Mamuscle ang katawan. Papasang hunk daddy ang kaibigan kong ito. “Am I talking to you? Siya kausap ko oh!!” sabay turo sa akin. Hindi na nagsalita pa si Arvian bagkus inirapan lang siya nito. Ganyan talaga silang dalawa. Parang aso't pusa, tubig at langis, toyo at suka. Minsan iniisip ko what of maging mag- on ang dalawang ito? “Kung maka-irap ka naman Arvian daig mo pa ang babae,” puna ko sa kanya na ikinahalakhak ni Belle. “Eh paano kasing babaeng iyan!! Ang aga-aga nangbabadtrip!”reklamo niya at sinamaan ng tingin si Belle. “Eh anung ginawa ko?”tanong ni Belle at halos mawalan na ng hininga kakatawa. Pasensya na, walang poise kung tumawa itong kaibigan ko. Masanay na kayo sa kanilang dalawa. Hindi kumpleto ang araw nila ng hindi nagbabangayan. "May assignment kayo sa taxation? pakopya!" sabi ko at napakamot sa batok ko. Nakita kong kinuha ni Arvian ang isang filler sa bag niya at iniabot sa akin. "Ayan, copy- paste mo na lang." sabi niya at nagprotesta naman si Belle. "Hoy! Bakit si Erica pinakopya mo? bakit ako hindi?" tanong niya at inirapan lang siya ni Arvian.  "Nakakabadtrip ka kasi." simpleng sagot nito sa kanya. Ako naman ay nagtataka na sa kanila. "Bakit? aga-aga badtrip ka." sabi ko. Sumimangot si Arvian at umiwas ng tingin. "Hindi kasi siya nagreply sa text ko kagabi." sagot nito. Okay. Magkatext pala ang dalawang ito. "Naubos nga kasi ako ng load!" katwiran ni Belle. Napailing na lang ako at sinimulan ng kumopya ng assignment. buti na lang may friend kaming isang Arvian John Hermosa. After ko kumopya ay  nagpasya kaming pumunta na sa designated room namin. Mahirap na pagnalate kami. Terror kasi ang prof namin sa 1st period. Nangangain ng student iyon.  Naglalakad na kami sa hallway ng biglang nagtatakbuhan na ang mga kababaihan patungo sa ground at nagsimula na silang maghiyawan. Sometimes, ang weird ng mga schoolmates namin.  “Gosh!!! Ang gwapo niya!!” sigaw ng isa. “Ang hot pa!!!” dagdag ng isang babae. “I love you Jed Carlo!!!” sigaw ng isang bakla. Iyan ang mga sinasabi ng mga babae at binabae na  hindi magkamayaw sa pagtingin at paghiyaw. Ano bang nagustuhan nila doon? Oh!! I forgot to tell you na siya ang SO-CALLED-HEARTHROB ng St. Mary’s. Si Jed Carlo Casabueno, isang accounting student. He is just walking na parang walang naririnig na hiyawan, parang walang kaguluhan. Hindi ko talaga malaman kung bakit ang daming nagkakandarapa sa kaniya. Ang suplado kaya niya! Ni hindi nga siya kumakausap ng sino man dito sa university. Snob iyan balita ko. “Guys malapit na tayong mag-time. Tara na baka machaka tayo ng prof natin,” yaya ko kina Belle at Arvian. “Ang gwapo talaga ni Jed!!” sabi ni Belle at kinikilig- kilig pa. Don't tell me pati siya crush ang snobbers na iyon? “Ang suplado naman niya.”sagot ni Arvian. “Chick magnet talaga siya,” dagdag pa ni Belle.  “Shut up Belle!”sigaw ni Arvian. bakit feeling ko may naamoy akong jealousy dito? “Guys enough!” saway ko. Mamaya wala ng katapusan ang bangayan nila. Pagdating namin sa room namin ay halos naka-ayos na ang lahat. Tahimik kaming umupo sa mga seats namin at hinintay ang pagpasok ng terror prof namin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD