Prologue
Prologue
Third Person's POV
"Hon?" napalingon si Mr. Santos sa kaniyang asawa. Ramdam ng asawa niya na problemado siya. Kanina pa siya umiisip ng solusyon kung papaano malulutas ang problema ng kanyang kompanya.
"Hon, mababankcrupt na tayo. Malaking pera ang itinakbo ng ilan nating share holders." sabi niya sa kanyang asawa. Wala namang magawa si Mrs. Santos kundi yakapin na lang ang asawa.
Ang kompanyang pinagpaguran nilang mag-asawa ay unti-unti ng lumulubog. Ang kanilang dugo't pawis ay pabagsak na. Ang kompanyang para sa nag-iisa nilang anak.
"What should we do Hon? Half of my life ibinuhos ko sa kompanya natin, di ko maatim na hanggang dito na lang tayo. Papaano si Erica? Anong mangyayari sa kanya? sa ating pamilya?" tanong niya sa kanyang asawa. Wala namang masagot si Mrs. Santos sa katanungan ng kabiyak.
"May awa ang Diyos Hon. Magtiwala ka lang. May maiisip din tayong solusyon."
Malalim ang iniisip ng Mr. Santos nang may biglang kumatok. Tumayo si Mrs. Santos at binuksan niya ang pinto ng opisina.
"How are you?" napatingin si Mr. Santos sa kanyang bisita. Napatayo siya ng makilala ito.
"Jessa! What are you doing here?" tanong niya. Ngumiti naman si Jessa sa kaniya. Jessa Casabueno, ang president ng Jade Company, isang kompanya na nakabase sa mining at paggawa ng mga alahas.
"Kapag magkaibigan, nararamdaman ang bawat isa. So what's the problem?" tanong nito sa kaniya. Napabuntong hininga si Mr. Santos.
"Our company is going down. I can't lose my company. Papaano na lang ang anak ko kapag nangyari ito?" natigilan siya ng ngumiti si Jessa.
"You know, I can help you." sabi nito sa kaniya. Si Mrs. Santos ay pinanunuod lamang ang kanilangb pag-uusap.
"Really? How?" tila may pag-asang sumibol sa dibdib ni Mr. Santos nang marinig ang sinabi ni Jessa.
"Merge with my company but in one condition." sabi nito. Si Mrs. Santos na mismo ang nagtanong.
"What condition?"
"Let your daughter marry my unico hijo."