Kabanata IV

823 Words
Kabanata IV Erica's POV Pagdating ko sa bahay ay nandoon na sina Dad. Nasa living room at nagkakape. Kailangan ko na itong sabihin sa kanila. Wala ng atrasan ito. "Dad, Mom," tawag ko sa kanila. Tumingin naman sila sa akin. "Pumapayag na ako." Sabi ko. "What???!"gulat na tanong ni Mommy. "Pumapayag na akong magpakasal sa kung sino man para sa Victoria," sabi ko. "Anak, sure ka ba diyan sa sinasabi mo??" tanong ni Daddy. Tumango ako. "Yes Dad," nagulat ako ng bigla akong yakapin at mas nagulat ako ng marinig kong humihikbi sa Daddy. "I'm so sorry Erica. Kailangan mo pa tuloy magsacrifice. You sacrifice your happiness just to save our company." niyakap ako ni Daddy at napansin kong maluha-luha siya. "It's okay Dad. Ayokong nakikita kang nahihirapan." "Sorry talaga anak." lumapit na din si Mommy at niyakap ako. "Okay lang mommy. Ayokong nakikita kayong nahihirapan." I said. Para sa magulang ko, I am willing to sacrifice. Kinabukasan,  sinabi ko kina Arvian ang naging desisyon ko. "Tama lang ang ginawa mo Erica."sabi ni Belle. "I'm sure na hindi ka magsisisis sa huli. Baka nga dahil diyan sa sakripisyo mo eh mahanap mo ang true happiness mo."sabi ni Arvian. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Eh? Pero tama ka. Sana talaga 'di ko 'to pagsisihan," I said. Napapaisip ako what if tama si Arvian? What if power ito ng tadhana na mangyari sa akin? Nang makauwi ako agad galing sa eskwelahan ay agad akong sinalubong nina Daddy na nakangiti. Somehow nawala na ang black clouds sa aura niya. Feeling ko gumaan ang atmosphere ng bahay.  "Anak, meron ng gustong makipagmerge sa atin!!" ramdam ko ang saya sa boses ni Daddy. "Talaga Daddy?" tanong ko. "Oo. Ang isa sa mga kaibigan ko ang makikipgmerge. Ang Jade company, nasa line sila ng jewelries. May mining company din sila. By Friday makikipagmeet tayo sa kanila." Hays,wala na talagang atrasan ito. 3rd Person's POV Nasa koste na si Jed nang mag- vibrate ang phone niya. Dinukot niya ito at nakitang a tumawag ang kaniyang ina. Tamad na sinagot niya ang tawag. "Hello Jed??Anak??" dinig niyang sinabi ng kanyang ina. "Yes Ma?"sagot niya. "I need to talk to you." maawtoridad na sabi ni Mrs. Jessa Casabueno, ang kanyang ina. "Is this an urgent matter?? Look papaalis  pa lang ako ng school at may pupuntahan pa ako." Sagot niya sa kanyang ina. "Yes, Jed at napaka importante nito. It's all about the Jade company." bumuntong hininga si Jed. Mukhang alam na niya ang ibig sabihin ng ina. "Sige uuwi na ako. I'll be there in a minute," then he hung up. Agad na niyang binuhay ang makina ng sasakyan at pinaharurot papuntang mansyon ng kanyang ina. Hindi din naman ganoon kalayo ang distance ng bahay nila at ng university.  Pagdating niya ay binati pa siya ng mga nakasalubong na kasambahay ngunit hindi na niya ito pinansin. Umakyat siya sa second floor ng mansyon at kinatok ang  sa opisina ng kanyang ina. "Come in," rinig niyang sinabi ng kanyang ina at saka lamang siya pumasok. Naabutan niya itong nagbabasa ng mga documents. Kahit pa nagkakaedad ay makikita pa rin ang pagiging sopistikada ni Jessa Casabueno. "Ano ba 'yun ma? May kailangan ka ba?" tanong niya. "Anak, do still remember about sa last will and testament ng daddy mo?" tanong din sa kanya ng ina. Nang mamatay ang ama niya dahil sa heart failure ay nag-iwan ito ng isang last will and testament. "Yeah. Ano ba yun?" "Nakalagay sa last will and testament ni Juluis that you need to get married before you reach 22 years old. Kapag hindi ka nakapag- asawa, ang auntie mong si Clara ang magte-take over ng company. Alam mo naman ang ugali niya. Selfish siya. Wicked and selfish." dama niya ang pait sa boses ng ina nang mabanggit ang kapatid ng kanyang ama.  "May nakita na ba kayong pwede kong maging asawa?" tanong niya na parang inip na inip na. He really needs to hurry. May meeting pa kasi siyang dapat siputin. "Yes anak. Anak siya ng kaibigan kong si Ricardo. His company is going to bankcrupt. Naawa naman ako. So nag-offer ako ng tulong but in one condition.  In order to save his company ay kailangang makipagmerge tayo sa kanila and mangyayari lang iyon kapag nakasal ka at ang kanilang unica hija. So, I guess puwede siya sa iyo. Maganda ang anak nila Ricardo, Jed. Don't worry you will like her," at nakita niya ang pagngiti ng ina. "O sige. Okay na sa akin. Kailan ba silang pwedeng makita?" tanong niya agad without even thinking. He really needs to go now. "This Friday we will meet them." "Good. It's okay for me. I'm sorry Ma but  I need to go." hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kanyang ina at agad ng lumabas ng kwarto. Nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot papalayo.  Mabilis niyang timungo sa kaniyang opisina. Kung saan niya binubuhos ang buo niyang atensyon. Wala siyang pakielam kung sino man ang mapapangasawa niya. Ang kaniya lang ay masunod ang last will and testament ng kaniyang yumaong ama na si Julius Casabueno. Besides, a mafia boss should never be late on his appointemts.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD