Chapter 3
Pumasok sa bar si Selena dala-dala ang maleta. Bawat madadaanan niya na nag-iinuman sa tabi ay napapatingin sa kaniya. Sino ba naman ang hindi sa hitsura niya. May dala-dala siyang maleta sa isang bar. Dinaig pa niya si Dora the explorer sa sitwasyon niya. Walang bahay, walang pera at higit sa lahat walang pamilya.
Sa isipan na iyon ay tumulo na naman ang kaniyang luha. Sa mga oras na ito ay gusto niya kalimutan ang lahat na nangyayare sa kaniya. Gusto niya maglasing para lang makalimutan ang lahat. Kahit sandali lang.
Umupo siya sa bar at nag order ng alak sa bartender. Sinalinan siya nito at agad niya nilagok ang alak pagkatapos.
Mabilis tumalab ang alak na ininom niya sa kaniya. Wala pa siyang kain nang umalis kaya naman natamaan na kaagad siya nito. Ipinatong ang ulo sa mesa habang ang mga kamay ay ginawang unan.
"I hate this life," bulong niya.
Makalipas ang oras nakatulog si Selena. May mga grupo ng mga kalalakihan na lumapit sa kaniya. Kahit tulog ay pinagsamantalahan nila ang walang malay na si selena.
" Wow! Chix na chix pare." Napatingin sa legs at pinasadahan nang tingin ang natutulog na dalaga. Nakasuot ito ng shorts na maikli at may blazer sa pang itaas.
Tumigil ang mga kalalakihan at biglang hinawakan sa hita ang dalaga. Sinaway sila ng bartender pero hindi ito nakinig.
Nakaramdam naman agad si Selena kaya napa-angat ang kaniyang ulo. Tumambad sa kaniya ang apat na mga lalaki sa kaniyang harapan. Nakangisi at mga mukhang hindi mapagkakatiwalaan. Nabigla siya kaya agad siya tumayo mula sa pagkakaupo. Kahit medyo nahihilo ay nagawa niya pa rin tumayo.
" Hi, Miss!" bati sa kaniya ng lalaking kakaiba ang tingin sa kaniya. Sinamaan niya rin ito nang tingin at tinaasan ng kilay.
"Mukhang palaban ang babaeng 'to," nakangisi naman na sabi nang isa pa na lalaki. Mas lalo kumunot ang kaniyang noo.
"Puwede ka ba kahit isang gabi lang," ani naman nang isa pa na lalaki.
Mas lalo kumunot ang kaniyang noo. Kilala siya sa school bilang palaban kaya hindi niya mapapalampas ang mga pambabastos ng mga lalaki na nasa kaniyang harapan.
"Ang taray, pre!" nagsalita naman ang isa.
"Mga wala ba kayong magawa sa buhay o sadyang wala talagang pumapatol sa inyo dahil diyan sa mga pagmumukha niyo," panimula niya.
Nagkatinginan ang apat na lalaki sabay nag-high five
"Palaban pre!" sabi naman ng isa sabay tulak sa kasama.
Bigla na lang siya nito hinawakan at hinila palapit dito. Nagpupumiglas siya, sa higpit nang hawak sa kaniya ng lalaki ay nahihirapan siya na makawala. Nakatingin lamang ang ibang mga nandoon.
"Girlfriend ko 'to! Kaya walang mangialam!" biglang announce ng lalaki sa nakararami.
Mas lalo humigpit ang pagkahawak sa kaniya ng lalaki. Nagpupumiglas siya pero ano ba ang laban niya na medyo lasing sa lalaking humahawak sa kaniya.
Nang makahanap nang tiyempo ay tinadyakan niya ito sa paa. Sandali napaigik ang lalaki pero agad din naman siya nahawakan nito at naibalik sa pwesto niya kung saan hawak-hawak siya nang walang hiya na lalaki.
"Let go of me!" Wakli niya sa kamay nito na nakahawak sa kaniyang siko. Ngumisi na naman ito at muli ay hinawakan siya nang mahigpit.
"Hindi sa ngayon, Miss. Magiging akin ka muna ngayong gabi, bago kita bibitawan!" kinabahan siya sa sinabi nito. Lumakas ang tahip ng kaniyang dibdib. Mukhang totohanin nito ang banta.
"If I were you, I would release that woman. Before I change my mind and point the gun I am holding right now at your f*****g head! Asshole!"
Napalingon si Selena sa nagmamay-ari ng boses. Sabay sila napalingon ng mga lalaking nambabastos sa kaniya.
Kakaiba ang lalaking nasa harapan nila ngayon. Independent at walang takot ang makikita sa mukha. Sa tangkad nito at laki din ng katawan ay hanggang balikat lang siya nito. Dagdag pa ang karisma nito at kaguwapuhan na taglay. Napatulala siya dito. Unti-unti siya binitawan ng kalalakihan, at hindi malaman kung bakit bigla na lang siya ng mga ito binitawan at kumaripas na ng takbo. Parang takot na takot.
Inayos niya ang sarili. Tumikhim kalaunan nang maramdaman niya ang unti-unting paglapit nito sa kaniya. Natulala siya sa pagkakatayo.
"Next time, be careful baby girl," baritonong boses na bulong nito sa kaniya. Iniwan siya nito na tulala. Hindi na nga niya namalayan na wala na ito sa kaniyang harapan.
Inayos ang sarili pagkatapos niya matauhan na natulala siya nang sandali. Nagpalipas siya sa bar. Wala naman siya matutulugan. Hindi niya rin kaya kumuha ng hotel dahil sa kulang na ang kaniyang pera. Wala na siyang pera at kailangan niya magtrabaho. Titigil na muna siya sa pag-aaral.
Naisipan niya puntahan si Shyra. Pero tinanggihan siya ng kaibigan. Hindi pumayag na doon muna siya pansamantala. Sinunod niya na puntahan si Aryana pero katulad nang sagot ni Shyra hindi siya pwede sa bahay nito.
Nanlumo siya sa nalaman. Kung kailan kailangan niya ng kaibigan ay tinanggihan siya ng mga ito at tinalikuran. Ngayon alam na niya ang halaga ng pera. Ngayon na wala na siyang pera balewala na lang siya sa mga tinuring niya na kaibigan.
Bagsak ang mga balikat na tumalikod si Selena. Sinubukan niya mag-apply bilang tindera. Tinanggap siya pero pinaalis din siya kalaunan dahil sa pagiging hindi niya sanay sa trabaho. Nag-apply na rin siya bilang tagapaglinis ng bahay pero kalaunan ay pinaalis din siya dahil hindi rin siya sanay sa mga gawain bahay.
Ultimo paglilinis ng banyo ay pinasok na niya para lang magkapera. Tiniis niya ang hirap bilang isang mahirap. Naluluha na kumakain nang tira tirang pagkain sa restaurant si Selena. Mas pinili niya na kumain na lang ng tira tirang pagkain ng customer sa pinagtatrabahuan niya na restaurant bilang janitress. Restaurant nga ang tinatrabahuan niya pero hindi naman iyon libre sa pagkain.
"This is what I got for being a spoiled brat," bulong niya sa sarili. She sarcasticaly laughed. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin in the future. Sana noon pa ay nagsanay na ako sa mga gawaing bahay," she sighed.
Dahan-dahan siya na tumayo at bumalik sa trabaho.
"Ano ba naman iyan Selena. Inayos mo ba ang pagwawalis dito maalikabok pa!" reklamo nang may-ari ng restaurant na pinapasukan niya. Isang matandang babae na single kaya naman palaging mainit ang ulo.
"Pasensya na, wawalisan ko na lang ulit," sagot niya.
"Ayusin mo baka papaalisin na kita dahil sa kakuparan mo. Hindi ka na mayaman at lalong hindi ka na princesa kaya sanayin mo ang sarili mo sa ganitong trabaho hindi 'yong ilang araw ka na dito ay palpak pa rin ang mga ginagawa mo," mahabang sermon ng seniora sa kaniya.
"Pasensya na," paumanhin niya at tuluyan nang nagpatuloy sa ginagawa.