Chapter Two
Bagsak ang mga balikat ni Selena na naglakad papasok sa loob nang kanilang malaking bahay. Hindi siya makapaniwala na sa isang iglap din ay mawawala ang kaniyang ama na nag-iisa niya kasama sa buhay. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Iniwan siya ng ama niya na wala man lang sinabi sa kaniya na wala man lang signal na mawawala na ito sa kaniya.
Sanay siya na siya ang pinagsisilbihin. Pero ngayon na wala na ang ama. Paano na siya. Pagkatapos ng libing ng ama ay pinipilit niya na mabuhay ng normal. Isang buwan na ang lumipas pero ramdam pa rin niya ang sakit. Hindi siya makapaniwala na nagawang magpakamatay ng kaniyang ama.
Sa anong dahilan? Wala siyang idea kung bakit nagawa iyon ng kaniyang ama.
Mugto ang mga mata, bagsak ang mga balikat at mabigat ang mga paa na humahakbang si Selena. Pagod na siya na umiyak. Pagod na siya sa lahat. Iniwan siya ng nag-iisang taong naiwan sa kaniya. Without a words. Ang masakit pa ay nagpakamatay ang kaniyang ama na hindi alam kung bakit.
Ayon sa imbestigasyon ay nagpakamatay ang kaniyang ama. Binaril ang sarili. Pero ang alam niya ay hindi marunong sa baril ang kaniyang ama. Palaisipan sa kaniya ang lahat. Naisip niya na baka hindi talaga ito nagpakamatay.
Nabulabog ang pag-iisip niya sa tunog ng doorbell. Napasulyap siya sa bintana. Naglakad at agad sinilip sa bintana ng kanyang silid kung sino ang nasa labas. Mula sa bintana ng silid niya ay makikita kung sino man ang nasa labas ng gate.
Dalawang babae at isang lalaki ang nakabungad sa gate. Naghihintay sa pagbukas niya. Kailangan pa niya bumaba para lang pagbuksan ang mga iyon.
May mga dala ito na mga papel at ang pagkakatingin niya dito ay isang attorney ang kaniyang mga kaharap.
Umupo ang mga ito sa malambot na sofa.
"Anong kailangan niyo?" panimula niya.
Umayos ng upo ang isang babae na nasa kaniyang harapan. Ang isang lalaki naman ay kinuha ang papel mula sa attache case at ibinigay sa kaniya. Nag-aalangan niya na kinuha mula sa lalaki. Pinakatitigan mabuti ang nakasulat doon.
Nanlumo siya sa kaniyang nabasa.
Ang bahay na tinitirahan niya ngayon ay hindi na sa kanila. Malaki ang utang ng ama sa banko at maging ang Kompanya ay binenta na rin ng kaniyang ama.
Naikuyom ni Selena ang kamao. Hindi akalain na mabebenta ng ama ang lahat ng ari-arian nila.
"H-hindi..." nauutal na sabi habang nakatitig sa papel na kaniyang hawak.
"I'm sorry about that," mahinang sabi ng babae na may hawak na attache case.
"Matagal na nakasanla ang bahay niyo sa banko," panimula ng babae.
Nanlumo siya sa narinig. Hindi niya inaasahan ang mga nangyayari sa kaniyang buhay. Ang buong akala niya ay ang pagkawala lang ng Dad niya ang iisipin niya. Pero ngayon ang dami ng gumugulo sa kaniyang isipan.
"Anyway, I'm Atty. Villegas at sila naman ang kasamahan ko," pagpapakilala nito sa kaniya ng babae, sabay pakilala na rin sa dalawa nito na kasama.
"Ano pa ba ang dapat kong malaman?" nanlulumo niya na tanong dito.
"Ang bahay at Kompanya niyo ay may nagmamay-ari na," patuloy na paliwanag ng Atty.
Nagsimulang tumulo ang luha niya. Inis at galit ang nararamdaman niya sa oras na ito. Sinunod niya ang lahat ng gusto ng ama pero ni minsan ay hindi siya pinagsabihan ng ama. Ngayon niya lang nalaman na matagal na pala nakasanla ang kanilang bahay. Masyado siya pinaglihiman nito.
"Alam mo ba na may mga utang pa si Mr. Cagape na naiwan. Ayon dito may nakapagsabi na natalo ng malaki ang ama mo sa casino at dahil diyan ay napilitan siya isanla ang bahay niyo," patuloy ni Atty. Villegas
Hindi niya akalain sa tagal-tagal na panahon ay ngayon niya lang malalaman na sumusugal ang ama at ang masakit sa iba pa niya ito malalaman.
Kaya ba lugmok na lugmok ito noong nakaraan na araw?
"Ano pa ba ang hindi ko alam? Hindi na ako magtataka kung maging ako ay ibenta niya rin," nanlulumo niya sabi. Wala siya ibang nararamdaman ngayon kundi galit sa ama.
"I'm sorry for saying this, dapat hindi ko pa sasabihin sa 'yo ito dahil masakit pa sa 'yo ang pagkawala ng ama mo. But I need to tell you now, kinukuha na nang nakabili ng bahay ang bahay na ito," patuloy ni Atty. Villegas.
Umiling-iling siya at pinasadahan ang kabuuan ng bahay.
Dito siya lumaki at maraming masasayang nangyari sa bahay na ito pero ganoon na lang iyon wala na siyang ibang magawa kung 'di ang isuko ang bahay dahil pagmamay-ari na ng iba.
"I hate you, Daddy!" Malakas na sigaw kasabay ang paghampas niya sa vase na nakapatong sa mesa.
Pasalampak siya na umupo at ibinuhos ang lahat nang kaniyang iyak. Hagulhol ang maririnig sa loob ng bahay.
"I hate you, Daddy! I hate you!" iyak at sigaw ang ginawa niya pagkatapos makaalis ang mga bisita.
"Sinunod ko ang lahat nang gusto mo. I gave up my needs dahil naaawa ako sa 'yo pero bakit naman ganito? Masyado mo akong pinaglihiman. Ang masama pa sa iba ko pa malalaman. Hindi ako handa Daddy, hindi!" muli ay bumuhos ang kaniyang luha.
"Saan na ako ngayon? Saan na ako pupunta kung lahat nang naiwan mo sa akin ay tanging pansamantala na lamang." Umiiyak niya na sigaw sa loob ng kanilang bahay. Hawak-hawak ang unan nang mariin.
"Ito ba ang sinasabi mo? Na...sa tamang panahon ay malalaman ko rin? " Gigil niya na sigaw sa kawalan. Tumawa siya na bahagya. Pero kalaunan ay umiyak din ulit.
"Ito ba Dad? Ito ang surprise mo sa 'kin?" patuloy niyang sigaw.
Nagpaikot-ikot siya sa bahay. Pumunta siya sa pool, sa likod ng bahay at maging sa loob ng silid ng mga kapatid at sa masters bedroom kung saan natutulog pa roon ang kaniyang ama at ina.
Inayos niya ang mga gamit na dadalhin niya pag-alis. Wala siyang ibang mapupuntahan lahat nang kanilang relatives ay nasa ibang bansa.
Isang maleta ang dala niya. Mas pinili niya umalis na dahil sobrang sakit na ang nararamdaman niya na makita pa ang bahay nila at mapagmasdan pa.
Pinagmasdan niya muna sa labas ang bahay at tuluyan na umalis. Namalayan niya na lang ang sarili sa isang bar, kung saan madalas siya naroon kasama ang mga kaibigan.
Lahat nang nakasanayan niya noon ay hindi na niya magagawa pa ngayon. Mabuti na lang at may pera pa siya na naitago sa kaniyang bulsa.