bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

book_age18+
40.7K
FOLLOW
202.3K
READ
billionaire
possessive
badboy
boss
mafia
bxg
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

SPG [READ AT YOUR OWN RISK]

Blurb

Hindi akalain ni Selena na sa isang iglap ay magbabago ang kaniyang buhay. Nawala ang lahat na nakasanayan niya na buhay. Ang hindi niya matanggap ay ginawa siya na pambayad ng ama sa utang. Sa isang lalaking hindi niya kilala. Si Dale Jackson ang lalaking nagmamay-ari sa kaniya.

Will they get along each other?

Warning: Hindi ko pa po ito na-eedit. Kung may wrong grammar at typos. Huwag na lang basahin kung hanap mo ay perfect na story ?✌️

chap-preview
Free preview
Chapter One The losses
Chapter One. "No! Daddy, you can't do this to me!" Inis na hinarap ni Selena ang ama. Nagawa niya sigawan ang ama dahil sa sinabi nito sa kaniya. Kakarating niya lang galing sa bar. Pagkatapos ng klase ay nagkakayayaan sila sa bar. Lahat ng gusto ni Selena ay binibigay ng ama. But, not this time. Ngayon na unti-unti na nalulugi ang kanilang company. Sanay si Selena sa luho at ngayon ay pinagbabawalan na siya ng kaniyang ama. Kinuha na rin nito ang kaniyang ATM at CARD. "Gaano na ba tayo kahirap para bawiin mo sa akin ang ATM at CARD ko? Ang mga nakasanayan ko pinagbabawalan mo!" bulyaw ni Selena sa kaniyang ama. Her father sighed. Unti-unti na lumapit sa kaniya. Hinawakan siya sa kamay. Kita niya ang paghihirap sa mukha ng ama. Mukhang may problema na malaki habang nakatingin ito sa kaniya. "Mali ako na sinanay kita sa buhay na walang limit, Selena. Kaya ngayon hirap na hirap ka na tanggapin na wala na ang dati mo nakagisnan na buhay," pagod at malungkot na sabi nito sa kaniya. Naaawa siya sa ama, ngayon niya lang nakita ang paghihirap nito sa mukha na mukhang may mabigat na pinapasan sa mundo. Hindi naman sinasabi nito kung ano ang dahilan ng biglaan nila pagkalugi. Dati lang ay sikat na sikat sila at ngayon parang wala na ang lahat. "I want to know, Dad! Para maintindihan ko kung ano nangyayari sa'yo? Kung bakit bigla-bigla na lang ay nalulugi ang company. Bakit ba ayaw niyo sabihin sa akin ang nangyayari!" malakas pa rin ang boses niya. Hindi niya kayang kumalma, ngayong hindi niya alam ang dahilan nito. Pinagbawalan siya na mag bar at gumastos. Pagkatapos ng school ay diretso na sa bahay. Iyon ang nangyari sa araw-araw ni Selena. Lahat nang nakagisnan niya ay nawala. Namamayat din ang kaniyang ama. Naaawa siya dito tuwing pinagmamasdan niya ito. Hindi man niya masabi dito na mahal niya ito. Pero sa totoo ay mahal na mahal niya ang ama. Kahit pa nga madalas niya ito sinasagot. "Sasama ka ba mamaya, Selena?" nakahiligan nila tumambay sa cafeteria tuwing tanghali. Kasama ang mga kaibigan. Umiling-iling siya. Hindi na siya makakasama sa mga ito. Pinagbawalan na siya ng kaniyang ama at susundin niya iyon dahil ngayon kailangan niya sundin ang kaniyang ama. Hindi na siya dadagdag pa sa problema nito. "Bakit naman? Madalas na hindi ka na sumasama sa amin. Nasaan na ba 'yong babaeng mahilig sa bar at walang pakialam kung maubos man ang pera basta't mag enjoy lang." Tumabi sa kaniya si Shyra na nakasuot ng salamin. "Pass na muna ako ngayon. Kailangan ko muna magpahinga. Kayo na lang muna," sagot na lamang niya. Kahit gustong gusto niya sumama sa mga ito. Pero kailangan niya tiisin para sa ama. Ngayon niya lang susundin ang ama. Kailangan niya magtiis. Tiisin ang mga gusto niya. Hindi niya alam kung magagawa niya iyon ng matagal dahil ilang araw pa lang na sinasanay ang sarili sa mga bagay na nawala sa kaniya ay bored na bored na siya. Ilang araw nang hindi nakikita ni Selena ang ama. Sa gabi ay hindi ito umuuwi, sa umaga naman ay hindi na niya nadadatnan dahil sa maaga siya na pumapasok. Papasok na siya sa bahay, tahimik at walang kaingay-ingay. Ang kasambahay ay pinaalis na rin ng Daddy niya. Ganoon na talaga sila kahirap ngayon para tanggalin na ng ama ang kanilang mga kasambahay. Parang isang iglap lang ay nawala ang mga nakasanayan niya. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyan umupo sa malambot na sofa. Pinagmasdan ang kabuuan ng bahay na ngayon ay malungkot na. Ang dating masaya ay naging malungkot na. Dati kapag umuuwi siya ay sumasalubong kaagad sa kaniya ang kasambahay para kunin nito ang bag niya pero ngayon wala ng gagawa nito sa kaniya kung 'di siya na mismo. Ultimo nga paglalaba ay nagagawa na niya. Sa pagod at antok ay nakatulog si Selena. Katulad nang nakaraan na araw ay hindi na naman umuwi ang kaniyang ama. Nahihiwagaan na siya sa mga kinikilos nito. Dati rati naman ay hindi na le-late nang uwi at hindi nauumagahan ang kaniyang ama pagdating sa mga trabaho at company ay nakakauwi pa rin ito sa wastong oras. Pero ngayon ilang araw na laging late umuuwi ang ama at kadalasan pa nga ay hindi na ito umuuwi. Ngayon lang siya naging responsable sa buhay. Dati naman ay wala siyang pakialam kung ma le-late siya nang uwi. Puro barkada ang inaatupag niya noon. Pero ngayon ang gusto niya ay makausap ang ama. Kaya pinili niya na maaga siya makakauwi pagkagaling sa school. Hindi naman siya nabigo at nadatnan niya ang ama na umiinom ng alak. Inilapag niya ang bag at agad na lumapit dito. Umupo siya sa tabi nito. Pinagmasdan niya ang mukha nito na biglang pumayat at ang katawan nito na dati ay may laman ay napalitan na iyon. Naaawa siya dito. Mukhang may malaking problema na hindi niya alam kung ano? "Daddy." Hinaplos niya ang likod nito. Napatingin ito sa kaniya at bigla siya niyakap. "I'm sorry Selena," Madamdamin siya nito na niyakap. Gumanti siya ng yakap dito. Namumuo ang luha sa kaniyang mga mata. "Bakit kayo nag-so-sorry Dad! may problema ba? Just tell me, Dad?" naguguluhan niya na tanong dito. Nanatili na tahimik ang ama. "Balang araw malalaman mo rin pero hindi pa ngayon, Selena. Hindi pa 'ko handa na sabihin sa iyo." --- Magdamag na ginulo si Selena sa sinabi nang kanyang ama sa kaniya. Ano ba talaga ang hindi kaya nito sabihin sa kaniya? Kanina pa siya tuliro at hindi mapakali sa inuupuan niya kung saan nag-lelecture ang kanilang professor. Kanina pa siya kinakabahan na hindi niya alam kung bakit? "Okay ka lang ba, Selen?" Habang hindi mapakali sa inuupuan ay lumapit si Aryana sa kaniya. Napatingala siya dito. Nakatayo ito sa kaniyang harapan. Kakaalis lang ng kanilang professor. Pag-alis ay agad na lumapit sa kaniya si Aryana at Shyra. "Okay lang ako. May kaunting kaba lang akong nararamdaman," sagot niya. "Alam mo kulang sa inom 'yan eh, sama ka na lang mamaya para ma relax ka." Tumabi sa kaniya si Aryana. Tinanggihan niya ulit ito. Mas gusto niya magpahinga kaysa uminom. Mabuti na lang at hindi namilit si Aryana. Pagkababa niya pa lang sa jeep. Kung dati ay kotse ang naghahatid sundo sa kaniya. Ngayon ay jeep na lang ang sinasakyan niya makapasok lang at makauwi. Tumambad na kaagad sa kaniya ang taong nagkukumpulan sa kanilang bahay. May ambulance din sa harapan. Ang iilan na nakita niya ay mga doctor. Mabilis ang mga lakad niya na lumapit sa mga ito. Tumambad sa kaniya ang nakahiga at walang malay na ama sa isang higaan na buhat-buhat ng mga lalaki papasok sa ambulance. "D-Daddy?!" umakyat kaagad ang kaba niya. Napahawak sa dibdib at huminga ng malalim. Nang mapagtanto na ang Daddy niya nga ang isinasakay sa ambulance ay tinakbo na niya ito para lang makalapit dito. "Miss, anak ka ba ni Mr. Cagape?" tanong sa kaniya ng lalaking kaharap niya na kasama sa pagbuhat sa ama niya. She nodded. "A-anong nangyari sa kaniya? B-bakit w-wala siyang malay?" nanginginig ang boses niya. Batid niya na wala ng hininga ang kaniyang ama. Pero gusto niya pa rin itanong at siguraduhin. "I'm sorry to say Miss, but your father is already dead." Tumulo ng tuluyan ang kaniyang luha. Tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi siya makagalaw ni hindi rin siya makapagsalita. Nabibigla siya sa mga nangyayari. Noong isang araw lang ay kausap pa niya ang kaniyang ama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
316.5K
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
321.5K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
350.5K
bc

My Son's Father

read
586.1K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
456.7K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
587.6K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
539.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook