Kasabay sa pagpapalit ng kasuotan ni Io, nag iba rin ang sandatang kanyang hawak. Dalawang espada na magkaiba ang taglay na talim at kapangyarihan. Naisip nya kasing, di sapat ang kanyang tungkod sa kahaharapin nyang laban, mas matibay na sandata ang kelangan nya, para matapatan ang mga sandatang gamit ng mga mandirigmang kaysama na ng pagkakatingin sa kanilang dalawa ni Lorsan.
Si Lorsan, na ng kanyang sulyapan ay pasipol sipol lang, habang nakikipagtitigan sa mga kaharap. Pa relax relax lang ito na tila makikipaglaro lang at hindi makikipaglaban. Maaliwalas ang bukas ng mukha, nakaliyad ang dibdib na tila ipinangangalandakan talaga na isa itong magiting na Prinsipe.
"Hoy! Lorsan! Anuba yang ginagawa mo?" Di nya napigilang sitahin ito.
"Shh... Wag maingay! Dipa ako tapos eh!" Biglang hinagis nito sa himpapawid ang hawak na espada.
Nagtatakang pinagana na lang ni Io ang pandama at talas ng kanyang isipan.. Sa kanyang pagmamasid kay Lorsan, may nababasa syang kakaiba sa pagsipol sipol at pakikipag titigan nito sa mga mandirigmang kaharap.
'Abah! Tila may bagong tuklas na kaalaman ang Dwendeng 'to ah!'
Sa pagmamatyag ni Io, unti unti nyang natuklasan na ang katumbas ng isang mandirigmang kanilang kaharap, ay hindi lang isa, kundi tatlo ang mandirigmang nakapaloob sa iisang anyo.
Sampo lang ang kaharap nila, apat na babae at anim na lalaki. pero ang kabuoan ng mga ito ay bale tatlumpong mandirigma na. At hindi lang yun, ramdam din nyang presensya ng isang itim na salamangkerong si Anubis..
Malaking palaisipan sa kanya yun. Kasi, hindi ito nagpapakita kahit kanino, tanging ang may matataas lang na kapangyarihan ang makakaramdam at makakaalam sa presensya nito.
'Anubang gusto nitong si Moirean? Bakit tila yata may balak na kaming paslangin sa pamamagitan ng mga mandirigmang ito? Ang nais lang naman namin ay ang makausap ang Reyna Shera, eh bakit pa nya kami pahihirapan? O baka mas tamang sinabi ni Lorsan na pinaglalaruan lang kami ng impaktitang ito?'
Palihim nyang sinulyapan si Moirean, nahuli pa nyang pagpitik muli ng daliri nito.. Hindi basta basta ang pinapalabas ng pagpitik nito. Dahil ayun kay Akira, ang tagapayo ni Reyna Amethyst ng Kahariang Umbra, na naging kaibigan na rin nya dahil kay Lorsan, na isa sa mga espiya naman ng nasabing Kaharian.. Iba't iba ang kahulugan sa bawat pagpitik ng daliri ni Moirean. Kapag isang pitik lang.. mga insekto at mababangis na hayop lang ang tinatawag nito. Kapag dalawang pitik naman... Ibig sabihin nun, ang dalawang alagad na mga Heganteng Kabalyero na kasama nito sa lagusan ang inuutusan nito. Kapag naman tatlong pitik, itong mga mandirigmang kaharap nila ang tinatawag nito.
Pero, para malaman mo ang lahat ng ito, kinakailangang matalas ang yung pandama, malinaw ang yung mga mata at malakas ang taglay mong kapangyarihan, para makita mo kung ilang beses pumitik ang daliri ni Moirean. At dahil Anak sya ng isang makapangyarihang Bataluman na si Golden Mother Fairy Enolla, taglay nyang kapangyarihan na di matatawaran ng sinumang naninirahan sa mundo ng Engkantadya. Kapangyarihang i***********l ng kanyang Ina na gamitin nya, dahil sa oras na pinakawalan nyang kapangyarihang taglay, baka di nya ito kayaning kontrolin at yun ang ikinababahala ng kanyang Ina, Ayaw nitong mapahamak ang kaisa isang tagapagmana ng buong Fairyland.
Dalawang pitik ang nakita nyang ginawa ni Moirean kanina, ibig sabihin lang nun.. bukod sa mga mandirigmang makakasagupa nila, makikisali pang dalawang Hegante na alagad nito.
'Letsugas! Kung yun ang binabalak nito, hindi kami dapat magpakampante ni Lorsan. Laban hanggang kamatayan ang sagupaang ito!.'
Umusok ang magkabilang palad ni Io, hinaluan nya ng salamangka ang dalawang espadang hawak. Panigurado lang.. mas maiging handa kesa binabalewala lang ang mga napapansin nyang kakaiba sa mga oras na yun.
Hindi kasi maganda ang kanyang nararamdaman sa paligid, parang may mali na hindi nya mawari.
Nabigyan ng konting kasagutan ang iba nyang katanungan ng biglang nag iba ang kulay ng kapaligiran. Sa gilid ng kanyang kaliwang mata, nakita nyang repleksyon ng dalawang kulay ng buwan sa dagat. Tumingala sya sa langit, may nais lang syang tiyakin, Napatiim bagang na lang si Io ng makita ang kaninang matingkad na araw ay naging kulay asul na, at hindi lang yun.. lumabas rin ang kulay ube na buwan, kasamang mga tala na mabilis ang pagbagsakan sa lupa. Sa magkahalong kulay ng asul, ube at dilim ng paligid.. ang mga talang nagbabagsakan ay nakakatulong para malinaw nyang makita ang mga kalaban.
'Masama ito! Hindi maaari ang ganito! Hindi ko na nagugustuhan ang mga nakikita ko dito'
Umihip ang may kalamigang hangin, may naririnig din syang mga ungol.. Nakaka panggilalas ang panaghoy na sumasabay sa bawat ihip ng hangin. Nagmasid pa sya sa paligid, umikot ang kanyang paningin sa bawat sulok ng lagusan, sa abot ng kanyang mapanuring tingin, may naanigan syang mga anino na nakakubli sa matataas na puno.
"Malapit ng magdapit hapon, hindi pa ba tayo mag uumpisa? Naiinip na kmi!" Sabay hampas ni Moirean ng hawak nitong latigo sa lupa.
Na ikinangisi ni Lorsan, samantalang si Io naman ay mabilis na tinakbo ang mga anino na nagtatago sa mga punong kahoy.
"Ganun ba Moirean? Kung ganun! mag umpisa na tayo!"
Itinaas ni Lorsan sa kalangitan ang dalawang kamay, tapos mabilis na idinipa.. Ang espada na hinagis nya kanina sa himpapawid ay nagpaikot ikot, unang ikot nito may lumabas na matutulis na nyebe.. tumama yun sa isang mandirigma na humahabol kay Io. Pangalawang ikot ay matatalim na kidlat naman ang inilabas nito na tumama sa ilang anino na nagkukubli sa mga puno. Pangatlong ikot nagbabagang bolang apoy naman ang pinamalas nito, pinuntirya ang dalawang mandirigma na pasugod sa kanya.
"Tama ng pagpapakitang gilas mo, Prinsipe Lorsan! Lumaban ka ng patas! wag kang mandaya!"
Galit na singhal ni Moirean kay Lorsan, na kaagad ikinumpas ang kaliwang kamay. Bumulusok pababa ang espada patungo sa nakabukas nitong kamay. Mahigpit itong hinawakan ni Lorsan at pangiti ngiting hinimas ang baba. Aliw na aliw ito sa nakikitang galit na mukha ni Moirean.
"Hmm.. Bakit Moirean? Lalaban kaba ng patas samin ni Io?"
Sumeryoso ang kanyang mukha ng mahagip ng kanyang tingin ang isang babaeng mandirigma sa likuran ni Moirean. May hawak itong pana at inaasinta nito si Io na abala sa pakikipaglaban sa mga anino di kalayuan sa kinatatayuan nya. Isang wasiwas ng kanyang espada pakanan.. Lumitaw ang nagngangalit na ipo ipo sa tabi ng mandirigmang may hawak na pana, dina ito nakailag ng sakupin ito ng ipo ipo at tangayin palayo sa lugar na yun.
"Hindi mo ako malilinlang Moirean, at mas lalong hindi mo ako maiisahan.."
"Hahaha... Talaga ba! Prinsipe Lorsan? Sige, subukin pa nga natin yang galing mo! Patunayan mo sakin, na hindi kumupas ang taglay mong kaalaman sa pakikipaglaban gaya ng dati!"
Dalawang pitik ng daliri, mabilis na sumugod ang dalawang Heganteng alagad ni Moirean kay Lorsan, na maliksing tumalon sa ere kasabay ng pagwasiwas ng kumikinang na espada nito. Umulan ng matutulis na nyebe, kasabay ng nagbabagang bolang apoy ang pinakawalan nya sa pasugod na dalawang Hegante.
'Tama ang kutob kong hindi sila ang totoong mga alagad ni Moirean! Kung ganun, anu at sino naman sila?'
Nakumpirma nya yun, ng makitang hindi tinablan o kahit man lang nagalusan kahit konti ang dalawa nyang katunggali sa laban. Dahil sa lalim ng kanyang pag iisip, nawala sa konsentrasyon si Lorsan. Kaya hindi nya nakita ang palakol na sandatang humiwa sa kanan nyang dibdib.
"Ahh..!"
Impit na hiyaw ni Lorsan ang nagpalingon kay Io.
"Lorsan!"
Pagkagulat at malabis na pag aalala sa kaibigan ang nagbigay ng ibayong lakas at bilis kay Io, upang agad na tapusin ang laban nya sa mga aninong tila hindi nauubos mula pa kanina.
"Mahikang itim ang pinanggalingan nyu!, kaya mahikang puti ang gagamitin kong pang puksa sa inyo!"
Pinagdikit ni Io ang dalawang espada na kanyang hawak, bumalik ito sa tunay na anyong mahabang tungkod, mabilis nya itong itinaas sa ere, sabay usal ng isang engkantasyon na tanging sya lang ang nakakaalam.
'Baston kong mahiwaga at dalisay..
Ipamalas ang kapangyarihan mong taglay..
Mahikang itim, iyong puksain..
Nababalot ng kadilimang paligid iyong linisin..
Tunay na anyo nitong lagusan iyong ipakita..
Mga huwad na Engkanto na masasama..
Igapos mo at ibalik sa kanilang pinanggalingan..
Igawad sa kanila ang nararapat na kaparusahan..
Ng hindi na muli pang maghasik ng lagim at kamatayan..
Dito sa mundo ng Engkantadya na dapat iniingatan, inaalagaan at pinahahalagahan..
Mahal kong tungkod... Aking hiling at nais ay iyong sundin at pagbigyan!'
Mula sa hawak na tungkod ni Io, lumabas ang nakakasilaw na liwanag, kumalat ito sa buong paligid, na sa bawat masinagan ng liwanag na ito ay naglalaho na lang basta. Mula sa mga itim na aninong nakasagupa nya.. sa mga natitirang mandirigma na tinawag ni Moirean.. sa dalawang alagad nitong Heganteng Kabalyero.. At ang huling naglaho ay si Moirean na kaylapad ng pagkakangiti, habang kumakaway pa ito ng pamamaalam kila Lorsan at Io.
'Sa lahat ng nakasagupa kong natalo at maglalaho sa digmaan, itong si Moirean ang naiiba't nakakapagtaka! Aba'y nagawa pang ngumiti at kumaway samin bago mawala.'
Naiiling na ibinaling nyang pansin kay Lorsan, nakaluhod ito sa lupa habang sapo ang kanang dibdib na tuloy pa rin ang pagdurugo. Kaagad nya itong dinaluhan at sinuri ang sugat nito. Hindi man ito malalim, pero delikado pa rin ang kalagayan nito. Inalalayan nyang makahiga si Lorsan sa lupa, saka sya umupo sa tabi nito. Sinalo nya ang isang dahon na nilipad ng hangin. Inilapit nya ito sa kanyang bibig, saka mahinang bumulong dito ng...
"Dahong kayrikit, sakin ay makinig..
Uod na ang pangalan ay Pilar, iyong hanapin..
Pakisabing gamot sa lason kanyang dalhin..
At itong kaibigan kong nanganganib ay gamutin.."
Hinipan nyang dahon papuntang kakahuyan.. Ng hindi na nya ito matanaw, binalingan nyang kaibigan na nakapikit at malalalim ang paghinga.
"Bakit nasugatan ang magiting na Prinsipe ng Aviato, ha! Lorsan?"
Mahinang sinuklay suklay nyang buhok ng kaibigan. Unti unting dumilat ang mga mata nito, sumilay ang pilyong ngiti sa labi.
"Siguro kasi, abala ang Prinsipe ng Aviato, kakalingon sa minamahal nito!. Di kaya? Hmm.."
"Puro ka kalokohan! Ump!" Pinitik nya ito sa noo.
"Araay!" Himas ang nasaktang nuo, tinabig ni Lorsan ang kamay ni Io palayo sa kanyang mukha. "Nasugatan na nga ako! Sinasaktan mo pang lalo! Ang sama mo talaga sakin! Grabe ka!" Tapos inirapan pa nitong nangingiting kaibigan.
"Sus! Nagpapalambing ka lang sakin eh!"
"Kung ganyan ka lang naman maglambing! Wag na lang..."
"Abah.. sinabi mo yan ha! Sige, simula ngay- "
"Hooyy... biro lang yung sakin! Wag mong seryosohin!. Anukaba! Io, dika na nasanay sakin! Palabiro lang talaga ako! Pero, biro yun na may halong katotohanan!"
"Heh!" Pinitik nya ulit ito, pero sa ilong na, hindi sa nuo nito.
Sa paglalambingang nagaganap sa dalawa, kung lambingan ngang matatawag ang madalas na pagbabangayan nung dalawa.. may biglang umeksinang malaking uod na kulay ube, nakasakay ito sa isang dahon na lumapag sa dibdib ni Lorsan. Gumapang ito paalis ng dahon.
"Pilar!"
Nakangiting dinampot ni Io ang uod saka maingat na nilagay sa kanyang palad, kaagad nyang kinuha sa bibig nito ang halamang dahon na kagat kagat nito. Isang maliit na tangkay ng halamang gamot na ng mapasakamay nya'y biglang lumaki at yumabong.
"Salamat dito Pilar ha! Maaasahan talaga kita kaibigan!"
Inilapag nyang muli sa malapad na dahon si Pilar. Pumitas sya ng ilang halamang dahon, saka mabilis na inilapat isa isa sa dumudugong sugat ni Lorsan. Pagkadikit pa lang ng dahon sa balat nitong nasugatan, unti unting nag iba nang kulay ng dahon, tila sinipsip nitong lason mula sa sugat, kaya ang berdeng kulay nito ay naging dilaw.
"Tamang tama lang ang pagdating mo Pilar! Kung medyo nahuli ka lang.. Paralisado na sana itong Prinsipeng maloko na ito!"
"A- Anong s- sabi m- mo, Io?"
Panay ang ngiwing tanong ni Lorsan. Ramdam nitong pagsipsip ng dahon sa lason ng kanyang sugat, di nya maipaliwanag ang naghahalong.. sakit, hapdi, kirot sa tuwing hinihigop ng buhay na halamang gamot ang lason na kumalat na sa buong katawan nito.
"Sabi ko! Konting tiis na lang yan! babalik kana sa dati."
"S- sus! Parang d- di naaman y- yun ang s- sinabi mo e- ehhh...!"
Unti unting namigat ang talukap ng mga mata ni Lorsan, sa kadadaldal kasi nito, ay di man lang nya napansin ang paggapang ng uod at pagkagat nito sa kanyang leeg, dahilan kaya nahulog ito sa malalim na pagkakatulog.
"Kita mo nga naman! Biruin mo yun, ang isang matinik na espiya at mapagbalatkayong Prinsipe ng Aviato, naisahan lang ng isang uod? Hanga ako sa bilis mong mag isip, para mapatahimik ang pasaway na'to, Pilar! Ang galing galing mo, kaibigan!"
Napapalatak na lang si Io, ng marinig ang paghilik ni Lorsan. Sinulyapan nyang kaibigang uod, hinimas himas nyang mabalahibong balat nito, dahilan kaya pumulupot pa ito sa kanyang daliri.. siguro, nakikiliti ito sa kanyang ginagawa kaya mas lalong humigpit ang pagkapit nito sa daliri nya.
"Yan! tahimik at maliwanag ng kapaligiran... Maaari ka ng lumabas.. Anubis!"
Dahan dahang tumayo si Io... Pinagmasdan nyang makapal na gintong usok na nabuo sa kanyang harapan..
"Manang mana ka talaga kay Enolla! Lubos mo akong pinahanga sa pinamalas mong kakayahan at kapangyarihan..."
Ng maglaho ang gintong usok! Tumambad sa kanyang paningin ang isang salamangkerong kulay ginto ang kasuotan na may halong itim na desenyo sa bawat laylayan ng damit nito. Ang labis na ikinamangha nya dito, ay ang gintong ibong Phoenix na nakadapo sa kanang braso nito.
"Anubis!"
"Nagkita tayong muli, Io!"
💃MahikaNiAyana