Synopsis◐.̃◐
Ang Mga Diwata ◐.̃◐
Ang mga Diwatang bagong tagapangalaga ng apat na makapangyarihang brilyante ng Apoy, Lupa, Tubig at Hangin.
Nabuo ang mga Diwata dahil kay Fairy Io, isa sa mga sinaunang makapangyarihang Diwata na nakaligtas sa mga nagdaang digmaan.. At isa sa mga digmaang yun ang naging dahilan ng pagkahati sa dalawa ng mundo ng Engkantadya.
Ang kaharian ng Gaelin sa pamumuno ni Haring Merope at kabiyak nitong si Reyna Elyon. At ang kanilang nasasakupan ay mga bampira, itim na mangkukulam, itim na mga anghel at marami pang iba.. Basta itim, lahat sa kanila nanggaling.
At ang kaharian ng Umbra kung saan pinamumunuan ni Reyna Amethyst at kabiyak nitong si Haring Xian.. may dalawa silang anak na babae, si Ayana na sa mundo ng mga tao lumaki, sa pangangalaga ng mag asawang Gardo at Selya. At si Alitaptap na sa Fairyland lumaki, sa pangangalaga naman ni Enolla, ang Mother golden fairy na Ina ni Fairy lo.
Si Fairy Io, ang nagbigay ng kulay at buhay sa mundo ng mga Diwata, Pumili sya ng tatlong Diwata at kanyang isinama sa kanyang bahay na bato, Hinasa ang kakayahan at karunungan ng mga Diwatang ito.
◐.̃◐
Ayana🔥
Si Ayana, ang Diwatang minsan kulay itim pero kadalasan kulay pula ang ginagamit na mahika, mahirap hanapin ang katulad niya, na kung saan saan napapadpad at nawawala na lang bigla. Sa taglay nyang kagandahan, sa angking talino at katapangan, bawat kalaban na humarang, di siya kayang pabagsakin sa kahit na anumang paraan.
Isa syang matapang na red fairy, na nagsasabog ng kariktan at halimuyak sa gabi, mula ulo hanggang paa kamandag nya'y matindi, sa tingin pa lang ika'y mapapatulala at mapipipi. May sarili syang Kaharian, isang Palasyong puno ng gagamba. ang mga alagad nyang naghahasik ng lagim pag nasaktan ang mahal nilang Diwata....
Mahika ang nangunguna sa kanyang mga likha, Siyang nagbigay buhay sa iba't ibang uri ng mga Engkanto, Anghel at Diwata, Mga lamang lupa pati na rin mga Bampira, At syempe makakaligtaan pa ba nyang mga Shokoy at Sirena ...
Walang puwang sa kanyang mundo ang mga lalaki, ang gusto niya lang magsaya't makisali, sa mga kaibigang Diwata siya'y nawiwili, Pero kapag nagmahal nagiging bulag, pipi at bingi..
◐.̃◐
Urduja🏜
Si Urduja, Ang purple green Fairy na kasangga ni Ayana, magkaiba man ang mga katangian nila, magkasundo at may tiwala sila sa isa't isa...
Si Urduja ay isang Diwatang may busilak ang puso, mapagpakumbaba at seryoso, Mapagbigay at maasikaso, tapat na kaibigan at maaasahan. Masayahin syang kasama, kakaibang dating ng ganda nya, lahat nasisilaw sa liwanag na taglay niya, dahil ang kapangyarihan nya'y kakaiba talaga...
Ang kanyang Palasyo ay napapaligiran ng mga paro paro, sila ang mga alagad ng Diwatang ito, na may taglay na mahikang makakapag palambot ng yong puso...
Madalas siyang namamasyal sa kapaligiran, nagmamasid at naka abang lang, pag may panganib mga paro paro nya'y nagliliparan, naghahanda para siya'y protektahan...
Pagpapatawa ang hilig niya, sya ang nagbibigay at nagdudulot ng saya sa mga kapwa nyang Diwata, pinapawi ang lungkot at lumbay na iyong nadarama, pinapagaan ang loob at nagbibigay ng pag-asa, yan ang tunay na kapangyarihan ni Diwatang Urduja...
◐.̃◐
Mayumi💧
Si Mayumi ang blue white Fairy, malalim at matalinhaga ang taglay nyang karunungan, Sakit, pait, lungkot ang madalas nyang iparamdam, Sa bigat ng pasanin at sa kanyang kalungkutan, Naipapamalas niyang lahat ang tunay niyang kapangyarihan. May mga pagkakataon na di matahimik ang kanyang puso't isipan, dahil sa mga pagsubok na nagpahirap sa kanyang kalooban...
Kahit na di siya pinabayaan ni Urduja at Ayana sa digmaan at labanan, ito ay di niya kinaya, nasugatan at nadurog ang puso niyang kaylambot at sadyang mahina, Hiniling niyang katahimikan kaya wala ng nagawa ang mga Diwata...
Mag isang namuhay sa kanyang Palasyo si Mayumi, kasamang mga alagad nitong halamang dagat, kabebe at iba't iba pang naninirahan sa ilalim ng dagat.
◐.̃◐
Makalipas ang ilang buwang pananahimik ng Palasyong Umbra. Sa bahay na bato naman kung saan nag eensayo ang mga Diwata.
May isang Diwatang napadpad at walang maalala, Dahil sa kakulitan ni Mayumi at Urduja, Sumang ayon na rin si Fairy lö at Ayana...
Kinupkop nila ang bagong saltang Diwata. "AMIHAN" ang ipinangalan ni Ayana sa kanya, dahil para siyang hanging tinangay papunta sa Kaharian nila, Isang malupit na bagyo kung ihalintulad ang kagandahan niya...
◐.̃◐
Amihan🌀
Tahimik at mahiyain itong si Amihan, sya ay isang silver black Fairy. Matalas ang isip at palaban, sa mga kaaway walang inaatrasan, maraming humahanga sa taglay niyang lakas at kapangyarihan...
May sarili din syang tahanan na itinayo nila sa kagubatan. Sa tulong ng kanyang mga Diwatang kaibigan naitatag nila ang sarili nyang Kaharian,, kung saan ang kanyang mga kasamang naninirahan ay mga ibon at iba't ibang uri ng hayop na kusang sumasabay at sumasama sa bawat paglalakbay nya.
Sa araw araw na pagsasama ng mga Diwata, Dito nila lubusang nakilala si Amihan na tahimik pero malupit pala, mabilis magpalit ang mood at kakaiba ang mga hilig niya, parang hangin madaling sabayan at siya'y nakakamangha..
◐.̃◐
Kung masayahin at pasensyosa si Urduja, si Mayumi maramdamin at mahina pero matiyaga talaga. Matatag at matapang naman si Ayana, tahimik lang si Amihan pero pag bumanat parang bulkang sumasabog pag siya'y umeksina na...
Kahit iba't iba ang kanilang mga katangian at taglay na kapangyarihan, naging mabubuti silang magkakaibigan, Kung noon tatlong diwata lang ang humaharap sa laban kahit saan, Ngayon apat na silang nakakalat at nakikipaglaban...
Silang mga Diwata ay nandidito lang, hindi nyo man nakikita pero inyong mararamdaman, Ang pagmamahal nila sa inyo ay walang hanggan, Mananatili sila sa inyong puso at isipan...
💃MahikaNiAyana