Calypso.. Tagapagbantay ng Lagusang Nahara◐.̃◐

2368 Words
Titig na titig si Io, sa Salamangkerong seryosong nakatayo sa kanyang harapan. Sa pagkakaalam kasi nya.. Si Anubis ay isang itim na Salamangkero! Pero, paanong naging ganito na ito ngayon? Ang magkaroon ng isang alagad na gintong Phoenix ay palatandaan na isa kang Bataluman. Katulad ng kanyang Ina, na isang Bataluman.. may alagad din itong gintong Peacock. "Naging Bataluman ako, dahil sa nalagpasan ko ng lahat ng pagsubok sa akin ng Bathalang Kaiser." "H- ha! Anu yun?" May pagkalitong tanong ni Io. "Maraming katanungan ang nababasa ko sa'yong isipan.. Sasagutin ko na lang lahat para dika na mahirapan." "Kung ganun! Totoo nga?" "Mula kay Moirean.. sa dalawang Heganteng alagad nito.. sa mga mandirigma at sa mga aninong nakasagupa nyo ng Prinsipe Lorsan, ang lahat ng yun ay pawang mga ilusyon lamang na ako ang may gawa." "Ikaw!, pero, bakit? Sa anong kadahilanan, Anubis?" "Para kayo'y parusahan.." "Parusahan para saan naman? Nasaktan ang kaibigan ko, dahil sa kagagawan mo?" Hindi na napigilan pa ni Io ang kanyang galit, lalo na ng kanyang sulyapan si Lorsan, nadi pa rin nagigising mula pa kaninang kinagat ito ni Pilar. "Ang sugat ng yung kaibigan ay maghihilom din, 'yan ang tanda ng kanyang katapangan, kalinisan at katapatan ng kanyang hangarin sa'yo, Diwatang Io." Sumilay ang pagkagiliw na ngiti sa labi ni Anubis.. Ngayon lang sya natuwa ng ganito, dahil sa nakikita nyang pamumula ng pisngi ni Io, ang pagkailang nito sa kanyang mga sinabi ay patunay lang na nauunawaan nitong nais nyang iparating dito. 'Umiibig ka na nga! at syang tunay.. hindi mo na maikukubli, kahit pa gamitan mo ng kahit anong mahika, mababasa pa rin sa'yong mga mata.. ang katotohanan!' Una nyang nakita si Io, ng minsang binisita nya si Enolla sa Fairyland sa utos ni Bathalang Kaiser. Si Enolla ang gumabay at nagbigay sa kanya ng kaalaman para lubos nyang maunawaan ang mga tungkulin at batas ng pagiging isang Bataluman. Naging magkaibigan sila ni Enolla, naging malapit sa isa't isa.. nahulog sya sa angking kagandahan, kabaitan at katalinuhan nito. Alam nyang hindi magkakaroon ng katuparan ang lihim nyang pagtingin kay Enolla lalo pa't may Anak na ito. Isang sutil na Diwata si Io, naging sakit ng ulo ni Enolla.. sa kagustuhan nyang makatulong sa Batalumang iniibig, palihim nya itong tinutulungan sa pag aalaga kay Io. Subalit iba ang kanyang pamamaraan sa pag didisiplina dito. Iba't ibang pagsubok ang ginagawad nya dito sa tuwing may ginagawa itong hindi nya nagugustuhan.. At sa tuwing lumalabag ito sa batas na ipinapatupad ni Enolla sa Fairyland. Pinapatawan nya ito ng kaparusahan kapag mayroon syang pagkakataon. Katulad ngayon, gumawa sya ng isang ilusyon, parusa nya sa dalawa.. Kay Io, dahil sa pagsuway sa bilin ng Ina nito.. Dapat ang misyon nyang paghahanap ng mga bagong tagapangalaga ng apat na brilyante ni Bathalang Kaiser ay isang lihim lang sa pagitan nilang mag Ina. Pero, dahil sa kasa kasama nito si Lorsan.. Napilitan syang parusahan ang dalawa. Si Lorsan, na naturingang isang Prinsipe ng Aviato at nagsisilbing mapagbalatkayong espiya ng Kahariang Umbra.. Ilang beses na itong lumalabag sa mga batas ng dalawang Kaharian dahil kay Io. Nauunawaan nyang nagagawa lang nito ang lahat dahil sa pagmamahal nito sa kaibigan. pero, bilang isang Prinsipe ng Aviato, dapat, higit na alam nito ang mga batas na pinapatupad, dahil sya'y tinitingala at sinusunod ng kanyang nasasakupan.. Lalo pa't sya ang panganay na Anak ng Kaharian nila, di magtatagal hahalili na ito bilang Hari ng Aviato! Saksi rin sya ng araw na magpahayag ang nakababata nitong kapatid na si Prinsipe Arkin, hayagang ipinaalam nito sa buong Kaharian na ayaw nitong maging Hari, kaya si Lorsan na ang susunod na uupo sa trono ng Amang Hari, sa ayaw at sa gusto man nito. "Sinong nag utos sa'yong gawin mo ito sa amin, Anubis?" Naburang pagkakangiti ni Anubis ng marinig ang tanong ni Io. Kaagad na bumalik sa kasalukuyan ang kanyang pagbabaliktanaw sa nakaraan. Hindi nya sinagot ang tanong nito bagkus inutusan nyang gintong Phoenix. "Onix, Ang ilusyon na ginawa iyong burahin at sa'min ay ipakita.. Iharap si Calypso, ang tagapagbantay nitong lagusan ng Nahara. humayo ka't ibalik sa dati ang lahat!" Kaagad na lumipad ang gintong Phoenix sa kalawakan, nagpa ikot ikot ito sa himpapawid.. Sa bawat pagaspas ng mga pakpak nito, sumasabog ang gintong liwanag sa buong lagusan.. Unti unting bumalik sa dati ang lahat.. At sa pagkawala ng gintong liwanag, malinaw na nilang nakikita ang lagusan ng Nahara. Sa gitna ng lagusan nakatayo ang tagapagbantay nito. Isang Engkantadong lalaki, na ang kasuotan ay mahabang itim na damit, may takip na kulay silver na maskara ang kalahating mukha nito sa kanan. "Sino ka?" Kaagad na hinugot nitong espada pagkakita kay Io. "Calypso!" Tawag ni Anubis sa tagapagbantay na natigilan. "Sya ang tagapagbantay ng lagusan? Akala ko si Moirean at ang mga alagad nito?" "Si Moirean, ay dalawang siglo ng namaalam, nadaig sya ng mga taga Gaelin nung magkaroon ng digmaan sa Kaharian ng Umbra, magkasabay na nilusob ng mga Gaelin, ang Kaharian ng Umbra at ang Kaharian ng Nahara." "Bakit hindi ko yun nalaman?" Gulat na gulat si Io sa kanyang mga narinig mula kay Anubis. "Dahil nakiusap si Reyna Shera kay Batalumang Enolla, na ilihim at burahin sa alaala ng lahat ng naninirahan dito sa Engkantadya, ang lahat ng pangyayaring naganap dito sa Nahara. Para walang makaalam sa biglang pagbabago ni Prinsesa Amihan. Dahil sa madugong digmaan na naganap dito, na nagdulot ng pighati at sakit sa mga kaanak ng mga namatayan.. at isa si Moirean sa mga nasawi. Si Moirean na isang magiting na tagapagbantay nitong lagusan, na labis labis na pinapahalagahan ni Prinsesa Amihan.. Sa pagkawala ni Moirean, naging malungkutin na ang Prinsesa Amihan. Hindi na ito lumalabas ng Palasyo at naging mailap na sa lahat, tanging ang Reyna na lang ang kinakausap nito. Kaya yun ang naging pasya ni Reyna Shera, ng Kahariang Nahara." Mahabang kwento ni Anubis kay Io. Nais nyang lubos na maunawaan nito ang kahulugan ng kanyang ginawa kanina. Ang hatid na aral sa pagsusuway nito sa Inang si Enolla. Naghintay si Anubis ng isasagot ni Io sa kanya, pero nanatili lang itong tahimik at walang imik.. Kaylalim ng iniisip nito. Naunahan pa nga itong magsalita ni Calypso. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo, Batalumang Anubis?" "Calypso! nais kong patuluyin mo ang dalawang ito sa lagusan at pasamahan mo sila sa iyong mga alagad na Kabalyerong Lobo papuntang Palasyo. Mahalaga ang sadya nila kay Reyna Shera." Yumukod muna si Calypso, tanda ng paggalang nito kay Batalumang Anubis, bago pumitik ng dalawang beses.. Kasunod nun ang paglitaw ng dalawang Kabalyerong Lobo. Kung mga Hegante ang mga alagad ni Moirean, kay Calypso naman ay mga Lobo. "Masusunod! Batalumang Anubis!" "Salamat, Calypso! Ipinapaubaya ko na sila sayo!" Kaagad na yumukod si Io, ng bumaling sa kanya si Anubis, ngumiti pa ito bago tuluyang naglaho. Nilapitan nya agad si Lorsan para gisingin, nandun pa rin si Pilar kumakain ng dahon na nahuhulog sa tabi ni Lorsan. Kinuha nya ito at inilagay sa kanyang balikat. Baka kasi, maapakan lang ito ni Lorsan, kawawa naman. Sinulyapan nyang kaibigan, naghilom ng sugat nito, sa katunayan nga isang mahabang hiwa na lang ng palakol ang naiwang marka sa dibdib nito. "Lorsan! Bumangon kana dyan! Hoy! Gising na!" Hinila hila ni Io ang may kahabaang tenga nito, alam nya kasing ito ang kahinaan ng kaibigan kaya ito ang pinuntirya nya. At hindi nga sya nagkamali, dahil sa ginagawa nya, biglang dumilat ang mga mata ni Lorsan, maliksi itong bumangon, aakalain mong di ito nasugatan kani kanina lang. "Io? Anong nangyari?" Kaagad na tanong nito sa kanya. "Haba ng tulog mo ah! Humihilik na, tulo laway kapa! Hirap mong gisingin!" Sabay irap nya dito. "Pasensya na.. marahil dahil sa pagod ko sa'ting paglalakbay kaya nakatulog ako!" Kakamot kamot pa ito ng ulo, na tila hiyang hiya sa kanya. "Paumanhin, nakahanda na ang aking mga Alagad na Lobo, ihahatid na nila kayo sa Palasyo!" Pagkasabi nun ni Calypso, naglaho ang berdeng kulay na nagkukubling daan sa gitna ng lagusan pagka bukas nito. Nasa magkabilaang gilid na ng lagusan naghihintay ang dalawang kabalyerong Lobo. "Maraming salamat, Calypso! Hanggang sa muli!" "Walang anuman, Diwatang Io! Naipabatid na ng taga ulat naming si Ezra, sa Reyna Shera, ang inyong pagdating sa Palasyo ng Nahara.." "Kung ganun! Maglalakbay na kami bago pa tuluyang lumubog ang araw." Naglakad papasok ng lagusan si Io. Sinusundan ang dalawang Kabalyerong Lobo sa unahan nito. "Salamat! Calypso." Nakangising turan ni Lorsan ng mapadaan sa harap ng tagapagbantay ng lagusan. "Ikinatutuwa kong makita ka ng malapitan Prinsipe Lorsan!" May pagtitimpi namang sagot nito. "Ako din!.. Natutuwa na makita ka ng harapan Calypso! Sa susunod, bilis bilisan mong pagkilos para dika nalulusutan!" Napahinto sa pagpasok ng lagusan si Io, ng marinig ang pasaringan nung dalawa sa kanyang likuran. 'Anubang pinag uusapan ng dalawang yun? Teka nga!' Napabalik tuloy sya ng sa kanyang paglingon ay nakita nyang nagsasakalan na ang dalawa. "Hoy! Hoy! Hoy! Anu yan ha? nag aaway ba kayong dalawa ha?" Kaagad na napabitiw sa isa't isa ang dalawang kapit tuko kanina. Mabilis ang mga kilos na kunwari inaayos nung dalawa ang mga kasuotan nila. "Hindi ah! Ba't naman kami mag aaway? Eh! ngayon lang nga kami nagkita ni Calypso!" Depensang sagot ni Lorsan, matapos hila hilain ang damit ni Calypso sa leeg. "Syanga naman! Diwatang Io, walang dahilan para kami mag away ng Prinsipe Lorsan na'to!" Nanggigigil namang gumante ng suntok sa tagiliran ni Lorsan si Calypso. Dahilan para mapabitaw ito sa kanya. "Ganun ba!" Tumalikod na si Io at naglakad pabalik ng lagusan. "Lorsan! Halika na! Bilisan mo!" Sigaw nito ng marinig ang mahinang pagtatalo nung dalawa. "Andyan na! Masyado ka namang apurada!" Kaagad na napalingon si Io, ng marinig ang reklamo ni Lorsan. "Anong sinabi mo?" "Sabi ko! Andyan na!" "Yung huli mong sinabi! Anu yun?" Bahagyang napataas pang boses ni Io, na ikinamutla ng mukha ni Lorsan. 'Oh! Loko! Eh di nagkulay sutla yang mukha mo! Kala mo! makakaya mo'ko ha! Neknek mo!" Ang totoo nyan.. malinaw nyang narinig ang sinabi nito, gusto lang nyang takutin ang kaibigan. "Io! Patawad na! Nabigla lang naman ako eh!" Nagkandatisod pa ito sa paglalakad palapit sa kanya. Mabilis na tumalikod kay Lorsan si Io, para di nito makita't marinig ang kanyang pagtawa. "Io, Bakit masakit ang dibdib ko? Siguro, may ginawa kana namang kalokohan sakin habang natutulog ako nuh?" Tanong ni Lorsan ng maabutan at makasabay sa paglalakad ni Io. "Wala akong ginawa sayo! Pero, si Pilar meron!" Tinuro pa ni Io ang kaibigang uod na nakahimlay sa kanyang balikat, nakatulog ito sa sobrang kabusugan. "Wag mong sabihin na kinagat ako ng uod na yan?" "Parang ganun na nga!" Napatampal ng kanyang nuo si Lorsan! "Bakit mo naman hinayaang makagat ako ng uod na yan, Io?" "Wag kang mag alala! Dika naman nya pinuruhan eh! Mga dalawang araw lang naman ang epekto ng lason ni Pilar sa'yo! Tapos nun babalik ng ibang alaala mo." Para ba namang may magagawa pa si Lorsan, eh! nangyari ng dapat mangyari sa kanya. Walang imik na lang syang naglakad. Hanggang sapitin nila ang bukanang daan ng Palasyong Nahara. "Hanggang dito na lang namin kayo maihahatid, kailangan na kami ng panginoong Calypso sa lagusan." "Mula dito si Ezra ng bahala sa inyo." Paalam ng dalawang kabalyerong Lobo kila Io at Lorsan. "Sige, kaya na namin mula dito! Salamat sa inyo!" Tinapik ni Io ang katabi. "Tayo na Lorsan!" Naglaho sya't hinintay sa himpapawid si Lorsan, di nagtagal lumitaw na ito sa kanyang tabi. "Nasasabik na akong makitang muli si Amihan, kumusta na kaya sya? Naaalala pa kaya nya ako, Lorsan?" "Bakit hindi ka naman nya maaalala? Eh! Halos wala namang nagbago sa'yong hitsura?" Taas baba pang tingin ni Lorsan sa kanya na ikinailang naman nya. "Sabagay... tama naman yang mga sinabi mo!" Iniwas nya kaagad ang tingin ng masulyapan ang nanunuksong ngiti ni Lorsan sa kanya. May naiisip na naman itong kalokohan, tiyak nya yun. Alaskador 'tong kaibigan nya eh! "Maaliwalas na araw sa inyo, Diwatang Io at Prinsipe Lorsan! Hinihintay na kayo ng Mahal na Reyna Shera sa bulwagan." Salubong na pagbati sa kanila ni Ezra, pagkakita nito sa kanila. "Maaliwalas na araw din sa'yo Ezra!" Nakangiting balik pagbati ni Io sa taga ulat ng Nahara na naka tuntong pa sa makulimlim na ulap, gawa ng itim na mahika nito. "Nasasabik na ang Prinsesa Amihan na makita ka, Diwatang Io!" "Talaga? Kung ganun! Tayo na sa Palasyo!" Napakurap kurap na lang ng kanyang mga mata si Lorsan ng mabilis na nawala sa kanyang harapan ang dalawang Diwata. "Kita mo itong si Io! Basta na lang akong iniwan dito? Anong klaseng kaibigan, ang basta basta na lang nang iiwan pagkatapos mong tulungan? Nakakasama kana ng loob, Io! Ayoko na! Suko na'ko sa pambabalewala mo sakin!" May patapik tapik pa ng kanyang dibdib si Lorsan, habang tinatanaw di kalayuan sa kanya sila Ezra at Io, na masayang nag uusap patungong Palasyo. "Ang sama mo, Io!" Marahil naalala sya ng Diwata, dahil bigla itong lumingon sa kinaroroonan nya. Tapos malakas itong sumigaw ng... "Hooy! Lorsaann! Anupang tinutunganga mo dyaann.. Halika na dittoo... Bilisan mooo..!" May kasama pang pagkaway ang pagtawag ni Io kay Lorsan. At sa ganun lang... Sa simpleng ginawa ni Io, para sa kanya malaking bagay na yun.. ang isipin lang nyang naalala't di sya kinalimutan ng kanyang kaibigan.. Lubos na ang kaligayahang hatid nun kay Lorsan. 'Woohh.. ang saya saya ko!' Kaagad syang naglaho, para sundan ang kanyang minamahal na Diwata. Ang Diwatang mula pa nung una nyang makita ay minahal na nya... Ang tanong! May pag asa kaya sya kay Io? Pareho kaya sila ng nararamdaman? O baka sya lang ang nagmamahal dito? Na baka, hanggang kaibigan lang ang maibibigay nito sa kanya, di kaya? Mga katanungang gumugulo sa kanyang isipan.. mga katanungang mahirap hanapan ng kasagutan.. At kapag ganitong sumasakit ng kanyang ulo, ito lang ang palaging sinasabi nya sa kanyang sarili.. 'Basta! Kakapit pa rin ako at aasa! Dahil sabi nga ni Arkin, Habang may buhay may pag asa! Kaya Io! Balang araw.. magiging akin ka! Magkakasama din tayong dalawa!' Yun lang!. magiging kalmado na sya, simpleng kaligayahan na ang pinagmumulan ay tanging si Diwatang Io.. ang nag iisang Anak ni Mother Golden Fairy ng Fairyland.. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD