Patungo sa Kaharian ng Nahara, kung saan nya matatagpuan si Amihan, ang Diwatang itim na napadpad noon sa kanyang bahay na bato. Nag iisip na sya kung anong kapalaran ang naghihintay sa kanila dun ni Lorsan.
Mababagsik ang angkan na pinagmulan ni Amihan. Sapagkat kahit na puting Diwata ang Ina nito, puro namang itim na Engkanto ang kanyang Ama. Alam nyang hindi madali ang misyong nakaatang ngayon sa kanyang balikat. Lalo pa't dipa nya alam kung sa anong paraan nya makukumbinsi si Reyna Shera ang Ina ni Amihan, kasi, kahit na nag iisang kapatid ito ni Reyna Amethyst ng kahariang Umbra, magkaibang magkaiba ang pag uugali ng dalawa.
'Bahala na kung anong sasapitin ko sa Kaharian ng Nahara. Basta di ako aalis dun ng hindi ko kasama si Amihan.'
Unang kita palang nya noon sa Diwatang itim, kakaiba ng kanyang pakiramdam dito.. Kahit na wala itong maalala sa nakaraang buhay, kusang lumalabas ang mga kapangyarihan nitong taglay. Hanggang sa bumalik ang lahat ng alaala nito at nagpaalam sa kanyang uuwi na sa Kaharian ng Nahara, hindi nya ito pinigilan bagkus pinalaya nya ito ng walang pag aalinlangan. Batid nya noon na hindi lang yun ang huli nilang pagkikita. Na makakaharap at makakasama pa nya ito balang araw.
Kaya naman ng atasan sya ng kanyang Ina, na maghanap ng mga bagong tagapangalaga ng mga Brilyante, isa si Amihan sa unang naisip nyang mag alaga ng makapangyarihang Brilyante ng Hangin.
Napangiti sya ng matanaw mula sa himpapawid ang Kahariang Nahara. Hinayaan nya na lang na tangayin sya ng hangin patungo sa Palasyong may nagliliparang iba't ibang klase ng heganteng insekto. Kahit nababalot ng aurang itim ang buong Palasyo ng Nahara, panatag ang kanyang kaloobang pasukin ito. Nilingon nyang katabi. Kitang kita nya ang pangingitim ng mga mata ni Lorsan, habang tutok na tutok ang tingin sa matayog na Palasyo ng Nahara. Kagaya nya nakikita na rin siguro nito ang nakapalibot na mga mandirigma ng Palasyo.
"Lorsan! Handa kana ba?"
"Makakalabas pa kaya tayo ng buhay kapag nakapasok na tayo sa pananggalang ng Palasyong yan, Io?"
"Wag kang umastang natatakot ka sa'yong mga nakikita Lorsan! Pareho nating alam, na kahit gaano pa kabagsik ang mga tagapagbantay na mandirigma ng Palasyong Nahara, kayang kaya natin silang tapatan.. kahit na tayong dalawa lang ang makikipaglaban!"
"Hahaha.. Nagbibiro lang naman ako eh! Ikaw naman! Masyado kang seryoso dyan!"
"Pwes! Hindi ako natawa sa biro mo! Kahit kelan talaga! Walang kadating dating yang mga hirit mo.. Anu handa kana ba?"
"Whew! Sungit! Sige, handa na'ko!"
Itinaas ni Lorsan ang hawak na espada, kasabay nun ang pag iiba ng kanyang kasuutan.. Imbis na pandigma, isang damit na kulay itim na mahaba, at may desenyong ginto na kumikinang pa sa sikat ng araw ang suot nito, may nakakabit pang kapa na mahaba sa kanyang likuran. Ang mga kamay nito ay balot ng gwantes. Mabilis na iwinasiwas nito ang espadang hawak, at sa bawat galaw ng kanyang espada, iba iba ang mahikang lumalabas dito. May apoy.. kidlat.. nyebe.. tubig.. at ipo ipo na nagtatalsikan lang kung saan.
"Yan talaga ang isusuot mo Lorsan? Sigurado kaba dyan ha?"
Baba taas na sinuyod ng tingin ni Io ang buong kaayusan ng Dwendeng kaharap.
"Ay sandali! May kulang pa pala!"
May hinugot ito mula sa hawakan ng hawak na espada.. Isang silver crown na may asul na dyamante sa pinakagitna ang ngayo'y hawak na nito, sinipat muna bago ipinatong sa kanyang ulo, saka malapad ang pagkakangiting humarap kay Io, na titig na titig sa kanya.
"Oh! Wag mo'kong masyadong titigan! Baka malusaw na lang akong bigla dito! Sige ka, wala ka ng kasamang makipaglaban sa angkan ni Amihan."
Hindi naman malaman ni Io kung maiinis ba sya o matatawa sa hitsura ng kanyang kaibigan. Hindi naman kasi pagtitipon ang kanilang pupuntahan, kundi isang digmaan.
"Talaga ba Lorsan? Digmaan ito, hindi pagtitipon!"
"Bakit ba? Nais ko lang namang malaman nila na hindi ako basta basta! maswerte ang sinumang makakasagupa ko!"
"At bakit naman?"
"Dahil ako si Prinsipe Lorsan ng Kahariang Aviato!"
Kaagad syang napasimangot, taas kilay pang tiningnan mula ulo hanggang paa ang kaharap.
'Sus! Nagyabang na naman ang Dwendeng 'to! Sarap tadtarin ng pinong pino!'
"Uy! Io, lam kong mga tinginang ganyan! Sigurado akong may kasamang panlalait yang mga tingin mong ganyan!"
"Halika na nga! Dami mo pang satsat dyan! Tunguhin na natin ang lagusan at makipagtalastasan tayo sa tagapagbantay na si Moirean!"
Kaagad na naglaho na rin si Lorsan para sundan ang itinatanging Diwata. Ayaw na ayaw pa naman nyang mawalay ito sa kanyang paningin, kaya nga kahit san man ito magpunta, sinisikap nyang makaagapay dito, kahit na madalas syang pagtabuyan ni Io, keri lang.. pagsisiksikan pa rin nyang sarili makasama lang ito.
"Grabe ka sakin! Basta mo na lang ako iniwan sa himpapawid, nakakasama ka ng loob Io ha! Kala ko ba partners tayo?"
Pagdadrama pa ni Lorsan ng maabutan si Io na nakikipag usap na sa tagapagbantay ng lagusan patungong Palasyo ng Nahara. Ni hindi man lang sya sinagot nito o kahit sulyapan man lang. Seryosong seryoso ang mukha nitong nakikipagtitigan kay Moirean.
"Maaliwalas na araw sayo, Moirean!"
"Anong sadya ng nag iisang Anak ni Enolla dito?"
"Nais sana naming makausap ang Reyna Shera, may mahalaga kaming sadya sa kanya."
Nagdududang pinasadahan sila ng tingin ni Moirean, lalo na si Lorsan, dun nagtagal ang mapanuring mga mata nito. Maya maya napailing ito, basi sa nababasa nila sa mukha nito, ang kaninang pag iisip nito ng malalim, nagkaroon na marahil ng kasagutan.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa'yo dito, Prinsipe Lorsan? Ang isa sa nagbabalatkayong matinik na espiya ng Kahariang Umbra."
"Mahalaga ang aming pakay sa Reyna ng Nahara, Moirean! Kaya maaari bang padaanin mo na kami sa lagusan?"
"Hmm.. Bakit di nyu na lang sabihin sakin, at ako ng bahalang magpahatid ng inyong mensahe saming mahal na Reyna Shera!"
Nakangiting itinaas pa ni Moirean ang isang paa at ipinatong sa nakausling bato, Saka mahigpit na hinawakan ang latigong tinik na kulay abo. Sa magkabilaang gilid ng lagusan, nakatayo naman dun ang dalawang Heganteng sundalo na alagad nito. Nakaantabay lang ang mga ito sa mga kilos nila. At syempre, naghihintay sa utos ng panginoon nilang si Moirean.
Nagkatinginan sila Io at Lorsan, pareho nilang alam kung gaanu kahigpit ang tagapagbantay ng lagusan na nais nilang daanan. Hindi ito basta bastang nagpapapasok ng walang dalang kasulatan, galing sa Kaharian na pinanggalingan ng kung sinumang may sadya sa Reyna ng Nahara. At kung hindi madadaan sa maayos na usapan ang tagapagbantay ng lagusan, malamang mauuwi ang lahat sa labanan.
"Anu!. magtititigan na lang ba tayo dito? Wala bang magsasalita sa inyong dalawa? Naiinip na ako!"
"Sinabi na namin ang aming pakay Moirean, ang nais lang namin ay makaharap ang Reyna ng Nahara!"
"Yun nga! Yung pakay nyu lang ang inyong sinabi, pero ang tunay na dahilan ay hindi! Kung ayaw nyung sabihin sakin, wala na tayong pag uusapan pa, makakaalis na kayong dalawa! Sinasayang nyu lang ang oras ko!"
Tumalikod na si Moirean at akmang papasok na ng lagusan ng magsalita si Io. Kasi, sa oras na nakapasok na ito ng lagusan, lalo silang mahihirapan ni Lorsan kung ang dalawang Heganteng alagad na lang nito ang maiiwan dun.
"Sandali! Moirean!"
"Wag mo na akong kulitin, Io!" Di lumilingong sabi nito.
"May iba pa bang paraan, para kami ay iyong mapagbigyang makapasok sa inyong lagusan?"
"Hmm.. Meron naman!"
Dina pinansin pa ni Io ang nahimigan nyang pagkagalak sa boses ni Moirean. Tuso ito, pero makikipagsapalaran pa rin sya, alang alang sa mahalagang misyon na ibinigay sa kanya ng Ina.
"Anu yun? Sabihin mo lang at agad naming gagawin!"
"Uyy! Io, maghunusdili ka sa pakikipag sunduan sa itim na Diwatang yan! Baka di natin kayanin ang ipapagawa satin nyan!"
"Bakit Lorsan! Lumiliit na ba yang tenga mo sa takot, na baka mapahiya lang ang isang gaya mong Prinsipe sa isang katulad kong tagapagbantay lang ng isang lagusan? Hindi ko inakala na isa ka palang duwag! Hahaha.."
"Wag magmayabang Moirean! Kayang kaya kitang paslangin mula dyan sa kinatatayuan mo ng walang kurapan!"
Kaagad na hinila ni Io ang kaibigan ng mabilis nitong itinaas ang hawak na espada.
"Tumigil ka Lorsan! Anuka ba?"
Pinandilatan pa nya ito para ipakitang naiinis na sya dito. Napayuko na lang si Lorsan na iiling iling sabay napabuga ng malakas na hangin, alam ni Io, na pilit nitong pinapakalma ang sarili, kaya hinayaan na lang nya ito.. Ibinaling nya ulit ang pansin kay Moirean ng magsalita ito.
"Makakapasok lang kayong dalawa sa lagusang ito, kapag natalo nyu sila!"
Pumitik sa hangin si Moirean, at sa isang kisapmata lang ay lumitaw sa kanilang harapan ang mababagsik na mandirigma ng Kahariang Nahara.
'Sinasabi ko na nga ba! Sa pakikipagtuos lang din mauuwi ang pagmamatigas ng impaktang 'to! Peste! Papagurin muna kami bago ibigay ang aming hiling! Tuso ka talaga Moirean... pero sige, pagbibigyan kita, para maging lubos ang 'yong kasiyahan!'
Siniko ni Io ang nakayukong kaibigan.. Ng tumingin ito sa kanya, kaagad nyang inginuso ang makakalaban nila.
"Tamang tama! Ganado ako ngayong pumatay!"
Nakangising itinaas na naman ni Lorsan sa himpapawid ang hawak na espada, kasabay nun ang pagpapalit ng kanyang kasuotan, mula sa mala Prinsipe nyang damit.. naging pandigma na ngayon ang kanyang suot. Handa na itong sumalakay ng bigla itong mapatigil sa sinabi ni Moirean.
"Hep! Paalala lang.. Prinsipe Lorsan! Isa sa rules ng labanang ito ay ang bawal pumatay!"
"Tsk! Anong klaseng digmaan ito kung bawal ang p*****n? Niloloko mo ba kami, Moirean?"
Nang gigigil na singhal ni Lorsan kay Moirean, na nagpipigil ng tawa sa nakikitang pamumula ng kanyang tenga. Batid ni Lorsan, na pinaglalaruan lang silang dalawa ni Io, pero dahil alam rin nyang mahalaga ang misyong ito sa kanyang kaibigan, susunod sya sa lahat ng nais ni Moirean.
"Hindi! Sundin mo ang patakaran ko! Kung nais nyung makapasok sa lagusang ito!"
"Susunod kami, Moirean!"
Seryosong sagot ni Io.. Bumaling ito kay Lorsan, saglit silang nagtitigan na tila sa ganun lang ay nagkaintindihan na silang dalawa.
"Sige, umpisahan na natin ang laban!" Ani Io.
"Yeepah!" Sigaw naman ni Lorsan, na inihagis sa himpapawid ang hawak na espada.
Nakita pa ni Io ang palihim na senyasan nila Moirean at ng mga mandirigma nitong kasama. Napahinga na lang sya ng malalim..
Mula sa suot nyang kulay pink, unti unti itong naging damit pandigma ng itapat nyang hawak na mahabang tungkod sa kanyang dibdib.
'Madugong sagupaan ito! Haay.. kala ko pa naman madali lang ang misyon kong ito! Di rin pala!'
Kung dito sa Nahara, digmaan kaagad ang sinuong nilang dalawa, anu naman kaya ang mangyayari sa tatlo pang Kaharian na patutunguhan nila? Digmaan din ba o maayos nilang masusundo ang tatlong Diwatang napili ni Io, para maging tagapangalaga ng tatlong brilyante ng Bathalang Kaiser?
💃MahikaNiAyana